로그인KATOK sa pinto ang nagpaangat ng tingin ni Selene, pumasok ang assistant nurse na may dalang clipboard. "Doktora, hindi pa po dumarating si Mrs. Cruz."
Tukoy nito sa patient niyang regular na nagpapa-consult. "Gano'n ba? Baka na-traffic lang or pakitawagan kung makakarating ba at baka nakalimutan na naman nitong may follow-up check up siya ngayon," utos niya.
Tumango ang nurse at tinawagan si Mrs. Cruz habang siya naman ay niligpit ang ibang record ng mga pasiyenteng natingnan na niya kanina.
Hindi bababa sa sampu ang sabay-sabay niyang inasikaso sa umaga lang na iyon kaya medyo nangangalalay na siya. "Lalabas muna ako," pahayag niya sa assistant matapos mag-inat ng katawan.
Lumabas siya ng opisina at naglakad patungo sa nurse station. Kapag, stress o pagod ang trabaho ay sumasagap siya ng tsismis, pampawala ng bagot.
"Good morning, Dok Selene," bati agad ng naka-assign na nurse.
Tipid na pagngiti ang tinugon niya, ipinatong ang dalawang braso sa counter sabay bulong, "May bago ba?"
Natawa ang dalawang nurse na naroon. "Hindi mo ba nabasa 'yung messages sa GC, Dok?" tanong ng isa.
Nagtaas siya ng kilay, halatang wala pang ideya sa sinasabi nito sabay kuha sa cellphone. "Hindi ko pa natsi-check, wait at—"
"Excuse me, I'm here for—"
Natigilan si Selene ng makilala ang babaeng lumapit at ganoon din ito. Hindi niya inaasahang makikita si Althea, girlfriend ng pinsan ng asawa.
"H-Hello, Ate," magalang nitong bati pero halata ang kaba sa boses at nautal pa nga.
"Hello, anong ginagawa mo rito? May check up, kaninong doctor?"
Napalunok ng laway si Athena sabay iwas ng tingin na ipinagtaka niya.
"May problema ba?" tanong niyang muli.
"W-Wala, Ate. May—"
"Nanggaling na 'ko sa office ni Doctor Romero pero wala siya ro'n."
Dahan-dahang lumingon si Selene sa likod ng marinig niya ang pamilyar na boses. Makailang ulit pa siyang kumurap upang siguraduhin na hindi siya namamalik-mata sa nakikita.
"Baka, umalis sandali…" patuloy pa nito ngunit nang mapansin si Selene ay agad na natigilan. "What are you doing here?"
Nahihiya naman tinakpak ni Athena ang mukha, pasilip-silip siya sa mukha ng mga nurse na naroon. Kulang na lang ay umiskapo siya sa lugar.
Nagtaas ng isang kilay si Selene, seryoso at walang kabuhay-buhay itong tiningnan. "Ikaw ang dapat kong tanungin, Lucien. Anong ginagawa mo rito, 'di ba't nasa New York ka? Kailan ka pa bumalik?"
Umiwas ng tingin ang asawa o tamang sabihin na tumagos ang tingin ito patungo kay Athena.
Kaya lumingon siya hanggang sa nagpalipat-lipat na ang tingin sa dalawa. "Hinahanap niyo si Doctor Romero. She's one of our gynecologist. So… buntis ka? Pa'no nangyari?"
Dahil sa pagkakaalam niya, mahigit isang taon nang nakakulong ang boyfriend nito dahil sa tax evasion.
Kumibot ang labi ni Athena. "H-Hindi, Ate. Nandito lang ako for regular check up," palusot pa, kahit halata naman sa mukha ang kaba.
Marahang tumango-tango si Selene, kunwari ay kumbinsido sa sinasabi nito. "Ahh… gano'n ba? Pero isinama mo pa ang asawa ko para sa regular check up mo? Ang sweet naman."
Ang dalawang nurse sa station ay biglang nagkatinginan sa isa't isa, nagbibigay ng makahulugang senyales at pagkatapos ay dahan-dahang naglakad paalis.
Nang maiwan na lamang silang tatlo roon habang may dumaraan na ibang staff at pasiyente ay hindi na nakapagpigil pa si Selene. "Limang taon kang hindi umuwi, pero hindi ko man lang alam na bumalik ka na. Tapos…" Sabay tingin kay Athena na nakatungo na ang ulo, tila ba nahihiyang tumingin sa kanya. "Malalaman kong sinamahan mo ang girlfriend ng pinsan mo sa—"
"Tama na, Selene. 'Wag mo 'kong pag-isipan ng kung ano. Wala kaming ginagawang masama ni Athena."
Napaismid si Selene, kung hindi lang sa kaalamang kung sino-sinong babae na ang na-involved rito ay baka paniwalaan niya pa ang asawa.
Gayon pa man, sa kabila ng namumuong poot dahil posibleng si Athena ang babaeng minamahal nito ay nanatili siyang kalmado. Hinding-hindi siya mag-e-eskandalo sa ospital na pinagtatrabahuan.
Ngunit hindi iyon nangangahulugang wala siyang gagawing aksyon. Harap-harapan siyang niloloko ni Lucien.
Kahit matagal na silang tapos, ay may karapatan pa rin siya bilang asawa. Tiningnan niya ito nang masama, handa nang ipamukha ang pagtataksil nito nang biglang dumating ang assistant.
"Dok Selene, on the way na po si Mrs. Cruz," nakangiti pa nitong sabi, pero ng mapansin ang dalawa pa nitong kasama ay biglang nagpalipat-lipat ang tingin, clueless sa nangyayari.
Huminga naman nang malalim si Selene, sa ngayon ay palalampasin na muna niya ang dalawa. "Thank you, I'm on my way." Matapos ay tinalikuran na ang mga ito at bumalik sa opisina.
Inaasahan pa nga niyang susundan siya ni Lucien matapos ang nangyari pero hindi naman. Sa palagay niya ay mas mahalaga si Athena kaysa sa kanya.
Pagpasok sa opisina ay naroon na ang pasiyente, na nginitian siya kaya ganoon din ang sinukli niya. Kahit wala na siya sa mood ay hindi niya pwedeng ipakita sa harap ng pasiyente dahil maaapektuhan din ito.
Pagkaupo niya sa swivel chair ay nakatanggap siya ng message mula sa asawa.
Lucien: We'll talk later.
Huminga siya nang malalim saka itinago ang cellphone. Sa araw na iyon ay nagpasiya siyang hindi umuwi sa bahay, bahala itong maghintay sa wala.
Samantala, matapos makapagpa-check up si Athena ay agad rin silang umalis sa ospital.
"Natandaan mo 'yung sinabi ng doctor? 'Di ka dapat magbuhat ng mabibigat. Mabuti na lamang at hindi ganoon kalala ang kondisyon mo," paalala ni Lucien.
Tumango si Athena pero mayamaya pa ay napatanong, "L-Lucien, sigurado kabang magiging okay lang ang lahat? Pa'no pala kung sugurin ako ni Selene?"
"Hindi ko hahayaang saktan ka niya, ni hibla ng buhok mo'y 'di niya mahahawakan," pagtiyak ni Lucien. "Sisiguraduhin kong safe kayo ng bata."
Napangiti si Athena, sabay hawak sa braso nito na may kasamang hagod. "Thank you."
Tumango lang si Lucien at pagkatapos ay inutusan na ang driver na magmaneho patungo sa condo ng dalaga para kunin ang mga gamit nito dahil simula sa araw na iyon ay lilipat na ito sa pamamahay niya.
Upang matiyak na magiging maayos ang pagbubuntis nito… Tungkol naman kay Selene, ay siya na ang bahalang magpaliwanag.
HINGANG malalim ang ginawa ni Selene, kailangan niyang maging kalmado dahil kung magpapadaig siya sa galit ay baka kung ano pang magawa niyang hindi dapat.Kahit nakalabas na ang dalawa ay paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig niya ang sinabi ni Lara. Alam naman na niya iyon, matagal na pero masakit pa rin pala talaga kung ipapamukha sa kanya.Ilang sandali siyang tumulala, bago tuluyang kumilos. Sa halip na bag ay kumuha siya ng maleta, ilalagay niya lahat ang mahahalagang gamit dahil hindi siya uuwi ng ilang araw.Ayaw niyang makita si Lucien at makasama sa iisang bubong si Athena. Nang matapos sa ginagawa ay napaisip naman siya ngayon kung saan pansamantalang pupunta.Hindi siya maaaring magtungo sa condo ng anak, dahil baka matuklasan pa ni Lucien ang totoo. Mas doble ingat ang kailangan niyang gawin ngayon.Sumagi sa isip niya ang kaibigan na si Kyla, ito lang ang pinakamalapit niyang mahihingan ng tulong. Iyon nga lang ay apat na oras ang gugugulin niya marating lang ang tirahan
PASADO alas-diyes ng gabi, pero nasa office pa rin si Selene. Maya't maya ang tunog ng cellphone pero hindi niya pinapansin kapag si Lucien lang naman.Alam na niya kung anong kailangan nito kaya binabalewala lang niya. Ilang sandali pa ay nagpasiya na siyang magpahinga sa gabing iyon.Papunta na siya sa staff lounge ng bigla niyang namataan ang asawa na papunta sa kanyang opisina. Nanlaki ang mata niya at mabilis na lumiko upang makaiwas. Binilisan niya ang paglalakad para hindi siya makita, umikot pa siya ng daan para lang makarating sa lounge.Pagpasok ay nginitian niya ang kapwa doctor na gising pa ng mga sandaling iyon. "Thesis?"Inalis ng doctor ang suot na eyeglasses sabay tango. "Oo, ikaw ba?" Pagkatapos ay sinuot ulit ang salamin para i-continue ang ginagawa."Magpapahinga lang, ayoko nang bumiyahe pauwi," dahilan niya kahit nasa thirty minutes lang naman ang layo ng ospital sa bahay.Buti na lang talaga at hindi mahilig manghimasok ang mga kapwa niya doctor. Seperate ang wor
KATOK sa pinto ang nagpaangat ng tingin ni Selene, pumasok ang assistant nurse na may dalang clipboard. "Doktora, hindi pa po dumarating si Mrs. Cruz."Tukoy nito sa patient niyang regular na nagpapa-consult. "Gano'n ba? Baka na-traffic lang or pakitawagan kung makakarating ba at baka nakalimutan na naman nitong may follow-up check up siya ngayon," utos niya.Tumango ang nurse at tinawagan si Mrs. Cruz habang siya naman ay niligpit ang ibang record ng mga pasiyenteng natingnan na niya kanina.Hindi bababa sa sampu ang sabay-sabay niyang inasikaso sa umaga lang na iyon kaya medyo nangangalalay na siya. "Lalabas muna ako," pahayag niya sa assistant matapos mag-inat ng katawan.Lumabas siya ng opisina at naglakad patungo sa nurse station. Kapag, stress o pagod ang trabaho ay sumasagap siya ng tsismis, pampawala ng bagot."Good morning, Dok Selene," bati agad ng naka-assign na nurse.Tipid na pagngiti ang tinugon niya, ipinatong ang dalawang braso sa counter sabay bulong, "May bago ba?"N
FIVE YEARS LATER…Ganoon kabilis lumipas ang taon na parang kahapon lang nangyari ang lahat para kay Selene.Limang taon na rin niyang hindi nakikita ang asawa at tanging sa video call lang ito nakakausap—madalas, tatlo o dalawang beses lang sa isang buwan.Hindi na rin naman siya umaasa matapos na matuklasan ang katotohanan na ginamit lang siya ni Lucien. Ilang buwan siyang naging in denial, iniisip na baka nagkamali lang siya ng pagkaintindi.Ngunit kahit pilit niyang tinatakasan ang realidad ay kusa siyang inilalapit sa totoong estado ng kanilang pagsasama. Wala pang isang buwan matapos umalis ni Lucien ay marami nang kumakalat na balitang may kinakatagpo itong babae.Sa kabila ng kaalaman ay pilit niyang niloloko ang sarili, sinasabi sa mga nagtatanong na gumagawa lang ng issue ang ibang tao para sirain ang pagsasaama nila ni Lucien kahit matagal na niyang alam.Paulit-ulit ang ganoong issue sa loob ng ilang buwan pero ni minsan ay hindi man lang ito nagpaliwanag, na para bang pin
KALAHATING oras nang naghihintay si Selene sa asawa, naka-set na lahat ang pagdating na lang nito ang kulang.Sa gabing iyon, naghanda siya ng candlelit dinner dahil sa makalawa na ang alis ng asawa papunta sa New York para i-manage ang bagong branch ng kompanya.Sa pagkakaalam niya ay magtatagal ito ng anim na buwan doon, masyadong matagal—tiyak na mangungulila siya sa pag-alis nito.Habang nasa malalim na pag-iisip ay narinig niyang tumunog ang smart lock ng condo. Mabilis siyang tumayo at sinalubong ng may ngiti ang asawa."Welcome back!" Hindi na niya ito hinintay na makalapit at nagkusa na siya saka ito niyakap nang mahigpit.Haplos sa buhok ang itinugon ni Lucien, saka kinapa-kapa ang pader sa gilid ng pinto. "Ba't madilim?""Don't!" Pigil agad ni Selene. "M-May surprise ako sa'yo," dagdag niya pa at nautal sa hiya.Unang beses na gagawin niya ito sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama.Napahilot si Lucien sa sintido, wala siyang panahon para sa surprise na iyan dahil pagod s







