首頁 / Romance / My Husband, You'll Never Get Us Back / Chapter 5 - The Truth She Overheard

分享

Chapter 5 - The Truth She Overheard

作者: Lirp49
last update publish date: 2026-06-05 16:57:45

SERYOSO at nanunuot ang tingin ni Lucien sa kanya kaya kahit mukha man siyang kalmado ay hindi niya pa rin maiwasang maapektuhan.

"Umalis ka ng bahay."

Naglakad si Selene patungo sa desk habang nakapamulsa, itinatago ang nanginginig na kamay sa bulsa ng lab coat. "There's someone occupying my bed."

"Intindihin mo na lang at maselan—"

"Exactly," putol niya. "Sa sobrang understanding ko nga, umalis na 'ko para 'di makaistorbo sa inyo."

Hingang malalim ang ginawa ni Lucien. "Nasa'n ang gamit mo. Bumalik ka na sa bahay."

"No… hindi na 'ko babalik sa pamamahay na 'yun." Tiningnan niya ito sa mukha pero agad ring nag-iwas nang hindi matagalan ang titig nito.

"Kung si Athena ang dahilan. Don't worry, hindi naman siya magtatagal do'n."

"Regardless kung siya man ang dahilan o hindi. The mere fact na may pinatira kang ibang babae sa bahay natin ng hindi mo man lang pinapaalam sa'kin ay malaking issue na iyon. What more… buntis pa, kaya congrats. Magiging daddy ka na," sarkastiko niyang sabi.

Kumuyom ang parehong kamay ni Lucien. Bakas sa mukha ang inis ngunit hanggang doon lang at pinili na lamang manahimik.

Samantalang para naman tinutusok ng daan-daang karayom ang puso ni Selene. Nanunubig na ang mga mata ng sandaling iyon pero pilit pa rin nagpapakatatag. Pasimpleng pinunasan ang mga mata bago muling lumingon. "Nanghula lang ako, pero hindi mo man lang dineny," aniya sabay kagat sa ibabang labi upang pigilan ang sariling humikbi.

Nanahimik lang si Lucien at bawat segundong lumilipas ay mas lalong nawawasak ang puso niya.

Umiwas ng tingin si Lucien, kuyom pa rin ang parehong kamay. "Bumalik ka sa bahay. I'll make sure na wala na ro'n si Athena."

Huminga nang malalim si Selene. "Kahit paalisin mo pa siya, hindi na magbabago ang pasiya ko. Mas mainam pa nga siguro para hindi ka na mahirapan pang hiwalayan ako."

Minsan lang niya itong makitang mabigla at hindi niya inasahang makikita niya iyon sa sandaling iyon. Pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin upang mapigilang tumulo ang luha sa mga mata. "'Wag na tayong magkunwari pa dito, Lucien. Pagod na 'ko sa gano'n kaya tama na… Para sa'n pa kung matagal ko nang alam na after seven years ng marriage natin ay hihiwalayan mo 'ko. Kaya ka nga bumalik dito sa bansa, 'di ba para sa annulment?"

Malikot ang mga mata ni Lucien, sa unang pagkakataon ay nablangko ang kanyang isip sa narinig. "K-Kanino mo nalaman?"

"Mahalaga pa ba kung kanino ko—"

"Sino?!" bahagyang taas ng boses ni Lucien.

Kaya tiningnan niya ito nang masama. "Sayo. Narinig ko lahat ng gabing iyon sa'yo habang may kausap ka sa banyo."

Napakunot-noo si Lucien, hindi niya naaalala ang gabing iyon ngunit posibleng sinabi niya nga iyon sa kausap—kung sino man iyon.

Muling tumingin si Selene at nang makita niyang natigilan ito ay nagsalita siya, "Kung wala ka ng kailangan pa, maaari ka nang umalis."

Nagbaba ng tingin si Lucien, hindi na nagmatigas pero bago tuluyang umalis ay nag-iwan pa ng salita, "Babalik ako."

Mabigat ang hakbang niyang umalis sa ospital at nagmaneho patungo sa bahay ng mga magulang. Tuloy-tuloy siya hanggang sa makarating sa sala kung nasaan ang mga magulang. "Si Lara?"

"Nasa taas," si Lorenzo ang sumagot, ang ama.

Si Carmela na nakatingin sa anak ay agad nakapansin. "Anong meron, Lucien?"

Tila wala siyang narinig at tuloy-tuloy lang paakyat ng hagdan. Nang nasa bandang kalagitnaan ay tumayo si Carmela sabay hila sa asawa. "Sundan natin, dali. Baka kung anong gawin kay Lara."

Pagdating sa itaas ay naabutan niyang kinakatok nang malakas ni Lucien ang pinto. "Open this damn door!"

"Lucien! Ano bang ginagawa mo?" ani Lorenzo. "Tinatakot mo lang ang kapatid mo."

Nilingon niya ang magulang. "Umalis si Selene at gusto ng makipaghiwalay. Siya at si Athena lang naman ang nando'n sa bahay kaya sigurado akong may ginawa siya." Saka muling kinalampag ang pinto.

Ilang sandali pa ay binuksan nang bahagya ni Lara ang pinto kaya tinulak niya na ikinatakot nito sabay tili.

"Lucien!" sita ni Carmela sa anak sabay lapit. "Tumigil ka nga!"

Sumunod agad si Lorenzo at baka tumaas na naman ang presyon ng asawa. Hindi ito pwedeng ma-stress at masakitin pa naman. "Ikaw ang kumalma."

"Mommy…" tawag ni Lara sabay yakap, nakahanap agad ng kakampi. "Wala naman akong ginagawang masama. Si Selene 'yun, akala mo kung sino at pinapalayas si Athena. Masama bang ipagtanggol ko ang kaibigan ko?"

Nagpalipat-lipat ng tingin si Lorenzo sa dalawang anak. "Anong ginagawa ni Athena sa bahay mo?"

Umiwas ng tingin si Lucien dahil masiyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa magulang ang lahat.

Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na siya ni Lara, "She's pregnant, Dad."

Napasinghap sa gulat si Carmela. "B-Buntis siya? Lucien… 'wag mo sabihing ikaw ang ama?"

Umawang ang labi niya sa tanong ng ina. "It's just a one night mistake."

"Nahihibang ka na ba?!" biglang taas ng boses ni Lorenzo.

"Lasing ako ng sandaling 'yun, Dad. Hindi ko sinasadya."

"Kahit na! Dating fiance 'yun ng pinsan mo. Saka… may asawa ka!"

Biglang nanghina ang tuhod ni Carmela sa natuklasan. Mabuti na lamang at nakaalalay ang asawa at si Lara sa kanya.

Masamang tingin ang pinukol ni Lorenzo sa anak. "Kita mo nang ginawa mo?! Ayusin mo 'to baka pa may mangyaring masama kay Carmela."

Masamang tingin ang pinukol ni Lucien sa kapatid bago tahimik na umalis. Dumiretso siya pauwi kung saan ay naghihintay si Athena.

Nang makita siya ay mangiyak-ngiyak na lumapit. "I'm so sorry, hindi ko sinasadya. Kung gusto mo, kakausapin ko si Selene para bumalik dito."

Hingang malalim lang ang naging tugon ni Lucien. "Ang mas mabuti pa ay mag-impake ka na, ililipat kita sa mas maayos na—"

"P-Paaalisin mo 'ko rito? Buntis ako, Lucien at hindi ko kayang mag-isa," ani Athena sabay yakap.

"May sasama naman sa'yong katulong para—"

"No! Dito lang ako sa tabi mo, please… 'Wag mo kaming itakwil ng anak mo." Pagkatapos ay tiningala niya ito, ang mukha ay nagsusumama at may luha sa mga mata. "Nakikiusap ako, Lucien… isipin mong mabuti kung sinong mas mahalaga sa'min dalawa ni Selene."

Napatiim-bagang siya sa sinabi nito, pinapapili kung sinong mas matimbang.

Obvious naman kung sino, pero hindi niya pwedeng bitawan nang ganoon na lamang si Selene. Pero para sa ikatatahimik ni Athena ay pinaburan niya ito. Gagawa na lamang siya ng paraan para maibalik si Selene sa bahay.

"Okay," labas sa ilong niyang sabi saka marahang hinimas ang likod nito upang hindi na maging emosyonal at baka mapaano pa ang pinagbubuntis.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
評論 (1)
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
more author maganda po amg story
查看全部評論

最新章節

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 14 - No 'What If'

    PALABAS na si Selene sa ospital kasama ang mga kapwa doctor. Nag-offer pa nga siyang ihatid ang mga ito pauwi para maging malapit agad at bago lang siya.Hindi naman tumanggi ang mga ito at sumunod sa kanya. Nasa likod ng building ang parking lot kaya doon sila dumaan pero nang makita kung sino ang naghihintay habang nakasandal sa kotse ay agad siyang natigilan.Huminto at napatingin sa kanya ang mga kasama. Pagkatapos ay napatingin sa gawi ng lalakeng naghihintay sa labas."Kilala mo?""Boyfriend mo ba?"Magkasunod na tanong ng mga ito.Sa halip na sagutin ang tanong ay sinabihan niya ang mga ito na mauna muna sa kotse. Tahimik ang mga itong sumunod kahit bakas sa mukha ang curiosity.Nang siya na lang ang maiwan ay nilapitan niya si Lucien. Hindi na siya nabigla na makita ito pero hindi niya inasahang isang araw pa lang ay nagpakita na agad ito."Bilisan mo't naghihintay sila sa'kin."Binuksan ni Lucien ang pinto sa passenger seat at kinuha ang bouquet of flowers para ibigay sa asaw

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 13 - New Home, New Beginning

    NAGING alerto si Selene habang kumakain sila, may pagkakataong nagagawi ang tingin sa katabing table—kay Athena pero saglit lang at hindi siya nagpapahalata.Mabuti na lamang at mabilis silang natapos kumain at agad na nagkayayaan.Tuloy-tuloy lang si Selene, hindi na pinansin si Athena hanggang sa makalabas. Ngunit bago pa man tuluyang makalayo ay tinawag siya ng dalaga."Wait!"Lumingon si Selene at ganoon din ang mga kasama.May nagtanong sa kanya, "Kilala mo, Dok?""Mauna na kayo, susunod ako," iyon na lang ang sinabi niya. Hindi na nang-usisa ang mga ito hanggang sa tuluyang makasakay sa kotse."Mauuna na kami," paalam ng isa niyang kasamahan habang ang iba ay kumakaway.Ngumiti si Selene at kinawayan din ang mga kasamahan. Nang malayo na ang kotseng sinasakyan ng mga ito ay naglahong bigla ang ngiti sa kanyang labi.Seryoso niyang tiningnan si Athena. "Anong kailangan mo?"Mula sa maamo ay biglang naging matapang ang ekspresyon ng dalaga. "Anong sinabi mo kay Lucien?"Naningkit

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 12 - Nowhere to Hide

    PAALIS na si Selene nang lapitan niya si Rosa habang naghuhugas ito ng pinagkainan nila. "Ate," mahina niyang tawag rito upang hindi marinig ng anak ang kung ano man ang sasabihin niya.Lumingon ito habang pinupunas ang kamay sa suot na apron. "Ano po 'yun, Ma'am?""Aalis na 'ko, kung sakaling may maghanap o kung may tumawag man… Please, 'wag mong pansinin."Tumango si Rosa, naiintindihan ang ibig nitong sabihin. Sa ilang taon niyang paninilbihan. Mula nang sanggol pa si Alessia ay unti-unti niyang nauunawaan ang sitwasyon ni Selene kahit hindi man nito direktang sabihin."'Wag po kayong mag-alala, Ma'am. Ako na po ang bahala, safe po sa'kin si Alessia."Nakahinga nang maluwag si Selene, nagpasalamat saka tuluyang umalis. Nang nasa pinto na ay humabol ang anak. "Mommy!"Nag-angat siya ng tingin habang nagsasapatos. Saglit siyang tumigil sa ginagawa at pinanood ang anak. Napangiti siya habang nakikita ang maliit nitong paa na tumatakbo palapit—ang dalawang kamay ay nakaabang para sa ya

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 11 - Encounter

    MAAGANG nagising si Alessia at kinulit ang ina na lumabas sila para maglaro sa park, na malapit sa building.Papasikat palang ang araw ng mga oras na iyon, si Rosa ay naghahanda na ng agahan kaya pinagbigyan na niya ang anak."Saglit lang tayo, okay?"Bumungisngis si Alessia at pagkatapos ay dali-daling dinala ang bag na para bang papasok sa school.Hinayaan lang niya ito, hinawakan ang munting kamay. "Ate Rosa, sa labas lang kami," paalam niya rito."Sige po, Ma'am."Pagkatapos ay lumabas na sila ng unit. Simpleng sweatpants at t-shirt lang ang suot ni Selene ng mga sandaling iyon. Mabilisang pusod ang ginawa sa buhok at hindi na nagawa pang magsuklay matapos kulit-kulitin ng anak.Natatawa na nga lang siya habang nasa loob sila ng elevator dahil hindi na nito nagawang magpalit at nakapantulog pa. Masyadong excited na lumabas silang dalawa na minsan lang mangyari at lagi siyang busy—madalas na hindi makabisita.Nang bumukas ang elevator ay bumitaw ang anak at tumakbo palabas. "Alessi

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 10 - Unexpected Kiss

    NAKARAMDAM nang tuwa si Selene sa narinig, hindi na nga napigilan ang sariling ngumiti. Ngunit nang makita kung sino ang nakatayo sa may likuran ng Carmela ay biglang napalis ang tuwa sa kanyang labi.Napansin naman ng Ginang na may tinitingnan ito kaya lumingon siya at nabigla nang makita ang anak. "Anong ginagawa mo rito?"Mariing nakakuyom ang magkabilang kamay ni Lucien. Sa kabila nang nararamdaman ay nagawa niyang maging kalmado at lumapit, humila ng bakanteng upuan sa kabilang table saka naupo sa pagitan ng dalawa."Nag-aalala lang kami, Mommy at bigla ka na naman umalis. Baka mapa'no ka na naman sa pag-uwi mo."Kumibot ang kilay ni Selene, hindi niya nagustuhan ang narinig. Kaya napasimsim siya ng tsaa saka nagsalita, "You don't have to worry. Wala akong sinabing ikasasama ng kalusugan niya."Bagama't kalmado ay halata ang talim ng salitang sinabi ni Selene na ikinabahala ni Carmela at baka magtalo pa ang dalawa. "Gusto ko lang naman siyang kausapin." Hinawakan niya ba ang bras

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 9 - Letting Go

    NAGLAKAD si Lucien pabalik sa kotse, kung saan ay naabutan niya si Athena na umiiyak, namumula ang mga mata at hindi matigil sa paghikbi.Sumakay siya sa driver seat at nag-abot ng tissue sa dalaga. "Tumahan ka na, narinig mo ang sinabi ni Selene. Hindi makakabuti sa bata kung ganito ka."Matalim na tingin ang pinukol ni Athena. "You think, ako lang ang may kasalanan? Anong ginagawa mo rito sa ospital? Ano, makikipagbalikan ka sa kanya, pa'no naman ako?"Bumuntong-hininga si Lucien. "Hindi naman kami naghiwalay—""I hate you!"Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi ng dalaga at nagmaneho patungo sa condominium na nilipatan nito.Nang mapansin ni Athena na hindi sa bahay nito ang tinatahak nilang direksyon ay bigla siyang nabahala. "No! Ayokong tumira ro'n, Lucien! Sa tabi mo lang ako, please. Kung gusto mo, magtatago ako sa kwarto para walang ibang makakita—""Hindi maganda ang kondisyon ni Mommy, kaya 'wag mo nang ipagpilitan pa."Nilunok ni Athena ang sama ng loob na nararamdaman.

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 6 - A Mother's Apology

    ILANG ARAW nang pabalik-balik si Lucien sa ospital para kausapin at kumbinsihin ang asawa na bumalik na sa bahay.Hindi naman ito pinapansin ni Selene, masyado siyang abala para sa ibang bagay at sa nalalapit na paglipat.Mga bandang alas-tres ng hapon ay may naghahanap na naman sa kanya, tapos aba

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 4 - You Wanted Me Gone

    HINGANG malalim ang ginawa ni Selene, kailangan niyang maging kalmado dahil kung magpapadaig siya sa galit ay baka kung ano pang magawa niyang hindi dapat.Kahit nakalabas na ang dalawa ay paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig niya ang sinabi ni Lara. Alam naman na niya iyon, matagal na pero masaki

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 1 - The Daughter He Never Knew

    FIVE YEARS LATER…Ganoon kabilis lumipas ang taon na parang kahapon lang nangyari ang lahat para kay Selene.Limang taon na rin niyang hindi nakikita ang asawa at tanging sa video call lang ito nakakausap—madalas, tatlo o dalawang beses lang sa isang buwan.Hindi na rin naman siya umaasa matapos na

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Prologue - Seven Years of Lies

    KALAHATING oras nang naghihintay si Selene sa asawa, naka-set na lahat ang pagdating na lang nito ang kulang.Sa gabing iyon, naghanda siya ng candlelit dinner dahil sa makalawa na ang alis ng asawa papunta sa New York para i-manage ang bagong branch ng kompanya.Sa pagkakaalam niya ay magtatagal i

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status