Share

Chapter 2

Author: Veyra Voss
last update publish date: 2026-10-22 19:36:50

“Yes, Scarlett,” sagot niya matapos ang ilang sandali. “Gusto ko pa pong subukan ulit.”

Napabuntong-hininga ang kaibigan.

“Okay. I respect your decision. Pero kailangan nating makausap si Mike at makuha ang cooperation niya para sa susunod na procedure. You know the process already, kaya hindi ko na kailangang ipaliwanag pa sa iyo ang lahat.”

“Oo. Maraming salamat, Scarlett.”

Ngumiti nang bahagya ang kaibigan at hinawakan ang kanyang kamay.

“Just remember, Ylaine. I'm always here for you. Kahit ano pa ang mangyari, hindi mo kailangang harapin ang lahat nang mag-isa.”

Napangiti siya, ngunit hindi niya napigilan ang bahagyang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

“Thank you.”

Pagkatapos nilang mag-usap, tumayo na si Ylaine at nagpaalam sa kaibigan. Pagkalabas niya ng clinic, dumiretso siya sa bench sa labas at doon naupo.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na hinanap ang pangalan ng kanyang asawa.

Matagal na nag-ring ang tawag bago ito tuluyang sinagot.

“Ano na naman ang kailangan mo?”

Napapikit si Ylaine nang marinig ang malamig na boses ni Mike.

Ganoon na lamang ba talaga siya kainis sa asawa niya? Ni hindi man lang nito kayang batiin siya nang maayos.

“Kakatapos ko lang sa checkup ko,” maingat niyang panimula. “Sabi ni Scarlett, hindi na naman naging successful ang insemination. Kaya kailangan mo raw ulit pumunta rito para sa susunod na procedure.”

“Seriously, Ylaine?”

Napakagat siya sa ibabang labi nang marinig ang inis sa boses nito.

“Pang-ilang beses na ba natin itong gagawin? Hindi ka ba napapagod?”

“Mike, please. Isa na lang—”

“Huwag kang maging abusado!”

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.

“Hindi ba sapat na ang ginawa ko para sa iyo? Baka nakakalimutan mong kung hindi lang ako pinilit ni Lolo na pakasalan ka, hindi naman kita naging asawa!”

Naramdaman ni Ylaine ang unti-unting paninikip ng kanyang dibdib.

Alam niya iyon.

Hindi niya kailanman nakalimutan na hindi siya ang babaeng pinili ni Mike. Mula pa lamang sa araw ng kanilang kasal, malinaw na sa kanya kung gaano katindi ang pagtutol nito sa kanilang pagsasama.

Ngunit hindi niya inakalang darating ang araw na pati ang simpleng pangarap niyang magkaroon ng anak ay gagawin nitong dahilan upang maliitin siya.

“Tapos ngayon, gusto mo pang magkaroon tayo ng anak?” patuloy ni Mike. “Are you out of your mind? Gising na, Ylaine! Tama na yang mga pangarap mo!”

Tuluyan nang namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

“H-huwag kang mag-alala,” nanginginig niyang sagot. “Hindi ko naman nakakalimutan kung bakit mo ako pinakasalan.”

Huminga siya nang malalim upang pigilan ang paghikbi.

“Ito na lang ang hiling ko sa iyo, Mike. Pagbigyan mo na sana ako. Isang beses na lang. Please…”

Ilang segundo siyang naghintay.

Umaasa siyang baka sakaling lumambot ang puso nito kahit kaunti. Baka sakaling maalala nitong asawa niya siya, kahit hindi niya kailanman naramdamang totoo iyon.

Ngunit walang sumagot.

Tanging tunog ng naputol na tawag ang narinig niya.

Ibinaba na naman ni Mike ang telepono.

Dahan-dahang ibinaba ni Ylaine ang kanyang kamay habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi.

Sa loob ng tatlong taon, paulit-ulit niyang pinaniwala ang sarili na darating din ang araw na magbabago ang kanyang asawa. Na balang araw, yayakapin siya nito nang walang pag-aalinlangan at tatawagin siyang mahal nito.

Ngunit sa tuwing umaasa siya, mas lalo lamang siyang nasasaktan.

Pinunasan niya ang kanyang mga luha at muling tiningnan ang screen ng cellphone.

Ngayong araw ang kanilang ikatlong wedding anniversary.

Wala man lang siyang natanggap na mensahe mula kay Mike, kahit simpleng pagbati. Ni hindi nito naalala ang araw na iyon.

Napangiti siya nang mapait.

Happy anniversary sa akin.

Tatlong taon na siyang asawa ni Mike, ngunit pakiramdam niya ay isa lamang siyang estrangherong nakikitira sa buhay nito.

Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng sakit, mayroon pa rin siyang isang hiling.

Umaasa siyang sa ikaapat na pagkakataon, papayag na ang kanyang asawa.

Umaasa siyang sa pagkakataong iyon, sa wakas ay magkakaroon din siya ng anak na matagal na niyang ipinagdarasal.

***

Kinabukasan, maagang nagising si Ylaine. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga sinabi ni Mike kagabi, pero sa kabila ng lahat, hindi niya kayang basta sumuko.

Kailangan niyang subukan ulit.

Paglabas niya ng kwarto, nakita niya si Mike sa sala habang may kausap sa cellphone. Nang mapansin siya nito, agad nitong tinapos ang tawag.

"Mike, can we talk?"

"What is it?"

Huminga nang malalim si Ylaine bago lumapit dito.

"About the fourth attempt. I already talked to Scarlett. She said we can schedule it as soon as we're ready."

Napairap si Mike.

"You're still talking about that?"

"Please, Mike. Just one more time."

"Didn't I tell you I don't want a child?"

"I know, but—"

"Then why can't you understand a simple thing?"

Napayuko si Ylaine. Muli na naman siyang nasasaktan sa mga salitang lumalabas sa bibig ng asawa, pero ayaw niyang hayaang matapos ang lahat nang hindi man lang niya sinusubukan.

"Because I still believe that someday, you'll want this family too."

Napatawa nang mapait si Mike.

"Stop dreaming, Ylaine. You know why I married you. It wasn't because I wanted you."

Parang may kung anong dumurog sa dibdib niya.

Alam niya naman iyon. Ilang beses na ring ipinaalala ni Mike sa kanya na napilitan lamang itong magpakasal dahil sa kagustuhan ng kanilang lolo.

Pero iba pa rin ang sakit kapag naririnig niya iyon nang paulit-ulit.

"I know," mahina niyang sagot. "But I'm still your wife."

"And that doesn't mean I owe you a child."

Hindi na nakasagot si Ylaine. Gusto niyang umiyak, pero pinigilan niya ang sarili.

Makalipas ang ilang segundo, tumalikod si Mike at naglakad palayo.

"Mike, please."

Natigilan ito.

"Just this once. Come with me to Scarlett's clinic tomorrow. You don't even have to stay long. I just need you to give a sample so we can try again."

Tahimik na nakatayo si Mike. Halatang naiinis ito sa paulit-ulit niyang pagmamakaawa.

"Why are you so obsessed with having a child?"

"Because I want to be a mother. And because I want to have something that connects us, even if you don't love me the way I love you."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 14

    “Arrange the meeting through the clinic,” sabi niya. “I don't want her to feel that I'm pressuring her. She deserves to know the truth just as much as I do.”“Understood.”Nang makalabas si Daniel, muling binasa ni Adrian ang pangalan sa report.Ylaine.Isang babaeng hindi niya kilala, na posibleng madamay sa isang pagkakamali na wala sa kanilang dalawa ang may kagustuhang mangyari.Hindi niya alam kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang buhay.Pero isang na bagay ang sigurado siya hindi niya hahayaang mawala ang katotohanan sa gitna ng kaguluhan ito.Kinagabihan, bumalik si Ylaine sa bahay nila mag-asawa.Tahimik ang buong sala. Nasa sofa si Mike, nakatingin sa cellphone niya. Nang marinig ang pag bukas ng pinto, saglit itong tumingin sa kanya.“Saan ka galing?”Hindi sumagot ang babae, sa halip dumiretso siya sa hagdan ngunit muling nagsalita ang lalaki. “Ylaine, I'm talking to you, sumagot ka naman. Saan ka galing?”Huminto siya at humarap dito.“Sa clinic.”Biglang nagbago

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 13

    Hindi na dumiretso sa bahay si Ylaine matapos ang tawag ni Scarlett.Sa halip, ipinag-utos niya sa driver na dalhin siya sa clinic. Habang bumabyahe, hindi niya maiwasang balikan ang mga nangyari sa family meeting.Ang mukha ni Mike habang nakaupo sa tabi ng babaeng pinagpalit sa kanya. Ang katahimikan nito nang tanungin niya kung aamin ba ito kung hindi nabuntis ang babae. At ang mga salitang tila mas inaalala pa ng kanilang mga pamilya ang batang isisilang kaysa sa sakit na dinanas niya.Napahawak siya sa singsing na suot niya, dapat na ba niyang tanggalin iyon? Tatlong taon niya itong suot, tatlong taon din niyang pinanghahawakan ang kasal nila. Kahit paulit-ulit siyang tinatanggihan ni Mike, pinilit niyang maniwala na darating ang araw na magbabago rin ang lahat.Pero ngayon, alam na niya ang katotohanan. Hindi siya ang babaeng gusto ng asawa niya, at marahil kahit kailan ay hindi talaga siya nagustuhan nito. Nang makarating siya sa clinic, agad siyang sinalubong ng kanyang kaibig

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 12

    “Kung hindi siya nabuntis, sasabihin mo ba sa akin ang totoo?”Napatigil si Mike.“Mike?”Hindi ito sumagot, at sa katahimikan na iyon nakuha na niya ang sagot. Hindi ito aamin kung walang mabigat na dahilan, marahil magpapatuloy lamang ang lahat sa likod niya. Habang siya naman ay patuloy na umaasa sa isang pagmamahal na hindi naman pala nakalaan para sa kanya. Napahawak siya sa dibdib.“Akala ko, kahit hindi mo ako mahal, igagalang mo man lang ako bilang asawa mo.”“Ylaine, hindi ko naman ginustong mangyari ito.”“Hindi mo ginusto? Pero bakit hinayaan mong mangyari? Sa dami ng babae si Suzy pa talaga? Oo hindi mo ginusto pero pinili mo. Cheating is a choice, Mike”Hindi na siya sumigaw. Hindi na rin siya umiyak ng malakas.Pagod na pagod na siya.“May gusto pa ba kayong sabihin?” tanong niya sa lahat.Nagkatinginan ang mga nakatatanda.Sa huli, ang ina ni Suzy ang nagsalita.“Hindi namin maitatanggi ang nangyari. Pero dahil buntis na siya, kailangan ni Mike na panindigan ang respo

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 11

    Buong gabing hindi nakatulog ng maayos si Ylaine, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitawan ng asawa niya. Magkakaroon na ito ng anak sa ibang babae, ang masakit pa hindi lang basta ibang babae ang tinutukoy nito. Isa itong babaeng lumaki sa pamilya ni Mike, ang ampon ng mismong tiyan nito. Mula pagkabata, magkasama silang kumain, naglaro, at dumalo sa mga pagtitipon ng pamilya. Sa mata ng lahat, para silang tunay na magpinsan.Paano nila nagawang gawin iyon? Paano nagawa ni Mike na sirain ang kanilang pagsasama para sa isang relasyong alam niyang ikagugulat at ikasasakit ng sarili niyang pamilya? Hindi man lang ba nila naisip ang iisipin ng pamilya nila?At bakit parang siya pa ang kailangang mag-adjust?Napatingin si Ylaine sa singsing sa kanyang daliri. Tatlong taon na niya itong suot, umaasang balang araw ay magiging totoo rin ang pagmamahal na ipinangako ng kanilang kasal.Ngayon, parang wala na itong halaga.“Ma’am Ylaine, ready na po ang sasakyan,” ana

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 10

    "Is there someone else?" tanong niya sa wakas.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Mike."What?""May iba ka na ba?"Hindi agad sumagot ang lalaki. At sa katahimikang iyon, lalo lamang bumigat ang pakiramdam ni Ylaine."Mike, please. Kahit ngayon lang, sabihin mo sa akin ang totoo."Tumingin ito sa ibang direksyon bago muling humarap sa kanya."There's something you need to know."Naramdaman ni Ylaine na bumilis ang tibok ng kanyang puso."Ano iyon?"Huminga ng malalim si Mike."She's pregnant."Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid, halos hindi agad naintindihan ng babae ang sinabi nito. "Who's pregnant?"Hindi sumagot si Mike.Nagsimula nang manginig ang kanyang mga kamay."Mike, sino?"Ilang segundo pa ang lumipas bago nito ibinigay ang sagot na kinatatakutan niyang marinig."She's pregnant with my child."Napahawak si Ylaine sa gilid ng mesa, hindi niya alam kung paano siya nakahinga pagkatapos marinig iyon. Alam niyang may posibilidad na may ibang babae sa buhay n

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 9

    Magkasabay na pumasok pabalik ng conference room sina Ylaine at Adrian. Wala sa kanilang dalawa ang nakakaalam kung ano ang naghihintay sa kanila sa mga susunod na araw.Ngunit sa unang pagkakataon, hindi na lamang pangalan sa isang dokumento ang isa't isa.Nagkaharap na sila.At kahit wala pang malinaw na sagot sa kanilang mga tanong, may isang bagay nang nagbago.Natapos ang meeting ng walang ganap na kasiguraduhan.Nangako ang clinic na magbibigay ng karagdagang ulat matapos ang masusing pagsusuri sa mga rekord. Pinayuhan din si Ylaine na sundin ang iskedyul ng follow-up at makipag-ugnayan agad sa kanyang doktor kung may mga katanungang medikal.Bago umalis, nilapitan siya ng kinatawan."We'll contact you as soon as we have verified information, Ms. Ylaine.""Thank you."Paglabas niya ng clinic, sinalubong siya ng mainit na sikat ng araw. Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang hawak sa kanyang bag. Wala pa rin siyang sagot sa pinakamahalagang tanong sa isip niya. Hindi niya a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status