LOGINTatlong araw na ang lumipas mula nang sumailalim si Ylaine sa kanyang ikaapat na artificial insemination procedure.
Sa mga araw na iyon, halos hindi siya mapakali. Kahit anong gawin niya, palaging bumabalik ang isip niya sa posibilidad na baka sa pagkakataong ito ay tuluyan na niyang makuha ang matagal nang pinapangarap.
Ang magkaroon ng sariling anak.
Tuwing umaga, paggising niya, napapahawak siya sa kanyang tiyan. Alam niyang masyado pang maaga para makaramdam ng anumang pagbabago, pero hindi niya mapigilang mangarap.
Paano kaya kung matagumpay ito?
Paano kung sa wakas ay may batang tatawag sa kanya ng Mama?
At paano kung sa pagdating ng bata ay unti-unti ring magbago ang pakikitungo ni Mike sa kanya?
Alam niyang hindi dapat umasa nang sobra. Ilang beses na siyang nabigo, at sa bawat pagkakataon ay parang may bahagi ng puso niyang unti-unting nasisira.
Pero hindi niya kayang pigilan ang sarili.
Mahal niya si Mike.
At kahit ilang beses siyang nasaktan ng asawa, umaasa pa rin siyang balang araw ay magiging sapat ang pagmamahal niya para sa kanilang dalawa.
"Ylaine!"
Napalingon siya nang marinig ang boses ni Scarlett mula sa kabilang linya ng telepono.
"Are you listening to me?"
Napangiti siya nang bahagya.
"Sorry. I was thinking about something."
"Let me guess. You're thinking about the procedure again."
Hindi na nakapagsinungaling si Ylaine.
"Maybe."
"Girl, it's only been three days. You need to relax. You can't keep worrying about something we won't know until the proper time."
"I know, Scarlett. I just can't help it."
Narinig niya ang mahinang buntong-hininga ng kaibigan.
"Just take care of yourself, okay? Follow the instructions I gave you. And please, stop searching the internet for every little symptom."
Napatawa si Ylaine.
"I only did that twice."
"Twice? You sent me six screenshots last night!"
Mas malakas na natawa si Ylaine sa pagkakataong iyon.
For a moment, gumaan ang pakiramdam niya. Mabuti na lamang at mayroon siyang kaibigang handang makinig sa kanya kahit paulit-ulit ang mga tanong niya.
"Thank you, Scarlett."
"For what?"
"For always being there."
Natahimik sandali ang kaibigan bago sumagot.
"Always. But promise me you'll take care of yourself, even when things don't go the way you want."
"I promise."
Pagkatapos ng tawag, inilapag ni Ylaine ang cellphone sa mesa at tumingin sa labas ng bintana.
Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya.
Pero sa pagkakataong ito, gusto niyang maniwala na may magandang mangyayari.
Samantala, sa isang marangyang opisina sa sentro ng lungsod, abala si Adrian Alexander Montenegro sa pagbabasa ng mga dokumentong nasa harapan niya.
"Sir, your meeting with the board is scheduled for three this afternoon," paalala ng kanyang assistant.
Hindi siya nag-angat ng tingin.
"Move it to four."
"Yes, sir."
"And have the clinic send me the final report regarding my procedure."
"Your fertility procedure, sir?"
Huminto si Adrian sa pagbabasa at malamig na tumingin sa kanyang assistant.
"Is there another procedure I asked you to follow up on?"
Agad na napayuko ang lalaki.
"No, sir. I'll contact them right away."
Tumango si Adrian at muling ibinalik ang atensiyon sa mga dokumento.
Hindi niya gustong pag-usapan ang personal niyang buhay sa opisina. Lalo na ang tungkol sa procedure na ilang buwan na niyang pinag-iisipan.
Sa kabila ng tagumpay niya sa negosyo, may mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera.
At isa na roon ang katiyakan na balang araw ay magkakaroon siya ng sariling pamilya.
Hindi naman niya planong magpakasal sa ngayon. Masyado siyang abala sa pagpapatakbo ng kumpanya, at wala rin siyang nakikitang dahilan para magmadali.
Gayunpaman, may sarili siyang mga dahilan kung bakit niya pinili ang fertility procedure na iyon.
Mga dahilang hindi niya kailangang ipaliwanag kaninuman.
Makalipas ang ilang oras, nakatanggap ng tawag ang kanyang assistant mula sa clinic.
"Good afternoon. This is Adrian Montenegro's office. I'm calling to follow up on his procedure report."
Matapos ang ilang sandali, nagbago ang ekspresyon ng assistant.
"I'm sorry, what did you say?"
Muli itong nakinig sa paliwanag ng kausap.
"Are you certain about that?"
Nang matapos ang tawag, agad siyang pumasok sa opisina ni Adrian.
"Sir, I just spoke with the clinic."
Adrian continued reading.
"And?"
"They said there was a discrepancy in the laboratory records involving your sample."
Unti-unting ibinaba ni Adrian ang hawak na dokumento.
"What kind of discrepancy?"
"They're reviewing it, sir. They haven't provided a complete explanation yet."
Nanatiling tahimik si Adrian sa loob ng ilang segundo.
Pagkatapos ay tumayo siya.
"Call them back. I want a clear explanation, and I want it today."
"Yes, sir."
Hindi itinaas ni Adrian ang boses, ngunit sapat na ang lamig nito para malaman ng kanyang assistant na seryoso siya.
Hindi siya sanay sa pagkakamali, lalo na kung ang personal niyang impormasyon ang nakataya.
At hindi niya hahayaang basta na lamang mawala ang usaping iyon nang walang malinaw na sagot.
***
Kinagabihan, dumating si Mike sa bahay nang mas maaga kaysa karaniwan.
Nasa sala si Ylaine at naghahanda ng ilang dokumentong kailangan niya para sa kanyang trabaho. Nang marinig niya ang pagbukas ng p***o, agad siyang tumayo.
"Mike, you're home early."
Tumango lamang ang lalaki habang inilalapag ang susi sa mesa.
"Did you eat already?" tanong ni Ylaine.
"No."
"I'll prepare something for you."
"Don't bother. I'll order food."
Napatigil si Ylaine.
"Okay."
Muli siyang naupo, ngunit hindi niya maiwasang mapansin ang kakaibang kilos ng asawa. Ilang beses itong tumingin sa cellphone na para bang may hinihintay na tawag o mensahe.
"Is something wrong?" maingat niyang tanong.
"No."
"You seem worried."
Mike looked at her.
"Can you stop asking questions?"
Napayuko si Ylaine.
"Sorry. I was just concerned."
Hindi na sumagot si Mike. Umakyat ito sa kanilang kwarto at iniwan siyang mag-isa sa sala.
Makalipas ang ilang minuto, narinig ni Ylaine ang pagtunog ng cellphone niya. Isang mensahe iyon mula kay Scarlett.
Scarlett: How are you feeling today? Any unusual symptoms?
Ylaine: I'm fine. Just nervous.
Scarlett: That's understandable. Remember, we still need to wait for the appropriate time to confirm the result.
Ylaine: I know. I hope this works.
Scarlett: I hope so, too. Get some rest tonight.
Napangiti si Ylaine matapos basahin ang huling mensahe.
Hindi niya alam kung bakit, pero may pakiramdam siyang may magbabago sa buhay niya.
Hindi niya alam kung mabuti ba iyon o masama.
Ang alam lang niya, sa unang pagkakataon matapos ang maraming kabiguan, may bago siyang dahilan para umasa.
Kinabukasan, habang nasa opisina si Adrian, muling nakipag-ugnayan ang kanyang assistant sa clinic.
Sa pagkakataong iyon, mas malinaw na ang impormasyong ibinigay ng laboratory staff.
Nagkaroon ng pagkakamali sa paglalagay ng label sa dalawang sample. Dahil dito, may isang specimen na maaaring naihanda para sa maling pasyente.
Nang marinig iyon ni Adrian, nanigas ang kanyang panga.
"You're telling me that my sample may have been used in another patient's procedure?"
"That's what the clinic is investigating, sir."
"May have been?"
"We're still waiting for their formal confirmation."
Tumayo si Adrian at lumapit sa malaking bintana ng kanyang opisina.
For the first time in a long while, he didn't know what to say.
Hindi niya kilala ang pasyenteng posibleng gumamit ng sample niya. Hindi rin niya alam kung ano ang naging resulta ng procedure.
Pero isang bagay ang malinaw sa kanya.
Hindi ito simpleng pagkakamali na maaari na lamang kalimutan.
"Tell them I want a meeting with their administration," malamig niyang utos. "And make sure every record is preserved."
"Yes, sir."
Pagkaalis ng assistant, nanatiling nakatayo si Adrian sa harap ng bintana.
Sa ibaba, patuloy ang takbo ng lungsod na para bang walang nangyari.Ngunit para sa kanya, may isang bagay nang nagbago.May isang hindi kilalang babae na maaaring nadamay sa pagkakamaling hindi naman niya ginusto.
At hangga't hindi niya nalalaman ang buong katotohanan, hindi siya titigil.
“Arrange the meeting through the clinic,” sabi niya. “I don't want her to feel that I'm pressuring her. She deserves to know the truth just as much as I do.”“Understood.”Nang makalabas si Daniel, muling binasa ni Adrian ang pangalan sa report.Ylaine.Isang babaeng hindi niya kilala, na posibleng madamay sa isang pagkakamali na wala sa kanilang dalawa ang may kagustuhang mangyari.Hindi niya alam kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang buhay.Pero isang na bagay ang sigurado siya hindi niya hahayaang mawala ang katotohanan sa gitna ng kaguluhan ito.Kinagabihan, bumalik si Ylaine sa bahay nila mag-asawa.Tahimik ang buong sala. Nasa sofa si Mike, nakatingin sa cellphone niya. Nang marinig ang pag bukas ng pinto, saglit itong tumingin sa kanya.“Saan ka galing?”Hindi sumagot ang babae, sa halip dumiretso siya sa hagdan ngunit muling nagsalita ang lalaki. “Ylaine, I'm talking to you, sumagot ka naman. Saan ka galing?”Huminto siya at humarap dito.“Sa clinic.”Biglang nagbago
Hindi na dumiretso sa bahay si Ylaine matapos ang tawag ni Scarlett.Sa halip, ipinag-utos niya sa driver na dalhin siya sa clinic. Habang bumabyahe, hindi niya maiwasang balikan ang mga nangyari sa family meeting.Ang mukha ni Mike habang nakaupo sa tabi ng babaeng pinagpalit sa kanya. Ang katahimikan nito nang tanungin niya kung aamin ba ito kung hindi nabuntis ang babae. At ang mga salitang tila mas inaalala pa ng kanilang mga pamilya ang batang isisilang kaysa sa sakit na dinanas niya.Napahawak siya sa singsing na suot niya, dapat na ba niyang tanggalin iyon? Tatlong taon niya itong suot, tatlong taon din niyang pinanghahawakan ang kasal nila. Kahit paulit-ulit siyang tinatanggihan ni Mike, pinilit niyang maniwala na darating ang araw na magbabago rin ang lahat.Pero ngayon, alam na niya ang katotohanan. Hindi siya ang babaeng gusto ng asawa niya, at marahil kahit kailan ay hindi talaga siya nagustuhan nito. Nang makarating siya sa clinic, agad siyang sinalubong ng kanyang kaibig
“Kung hindi siya nabuntis, sasabihin mo ba sa akin ang totoo?”Napatigil si Mike.“Mike?”Hindi ito sumagot, at sa katahimikan na iyon nakuha na niya ang sagot. Hindi ito aamin kung walang mabigat na dahilan, marahil magpapatuloy lamang ang lahat sa likod niya. Habang siya naman ay patuloy na umaasa sa isang pagmamahal na hindi naman pala nakalaan para sa kanya. Napahawak siya sa dibdib.“Akala ko, kahit hindi mo ako mahal, igagalang mo man lang ako bilang asawa mo.”“Ylaine, hindi ko naman ginustong mangyari ito.”“Hindi mo ginusto? Pero bakit hinayaan mong mangyari? Sa dami ng babae si Suzy pa talaga? Oo hindi mo ginusto pero pinili mo. Cheating is a choice, Mike”Hindi na siya sumigaw. Hindi na rin siya umiyak ng malakas.Pagod na pagod na siya.“May gusto pa ba kayong sabihin?” tanong niya sa lahat.Nagkatinginan ang mga nakatatanda.Sa huli, ang ina ni Suzy ang nagsalita.“Hindi namin maitatanggi ang nangyari. Pero dahil buntis na siya, kailangan ni Mike na panindigan ang respo
Buong gabing hindi nakatulog ng maayos si Ylaine, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitawan ng asawa niya. Magkakaroon na ito ng anak sa ibang babae, ang masakit pa hindi lang basta ibang babae ang tinutukoy nito. Isa itong babaeng lumaki sa pamilya ni Mike, ang ampon ng mismong tiyan nito. Mula pagkabata, magkasama silang kumain, naglaro, at dumalo sa mga pagtitipon ng pamilya. Sa mata ng lahat, para silang tunay na magpinsan.Paano nila nagawang gawin iyon? Paano nagawa ni Mike na sirain ang kanilang pagsasama para sa isang relasyong alam niyang ikagugulat at ikasasakit ng sarili niyang pamilya? Hindi man lang ba nila naisip ang iisipin ng pamilya nila?At bakit parang siya pa ang kailangang mag-adjust?Napatingin si Ylaine sa singsing sa kanyang daliri. Tatlong taon na niya itong suot, umaasang balang araw ay magiging totoo rin ang pagmamahal na ipinangako ng kanilang kasal.Ngayon, parang wala na itong halaga.“Ma’am Ylaine, ready na po ang sasakyan,” ana
"Is there someone else?" tanong niya sa wakas.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Mike."What?""May iba ka na ba?"Hindi agad sumagot ang lalaki. At sa katahimikang iyon, lalo lamang bumigat ang pakiramdam ni Ylaine."Mike, please. Kahit ngayon lang, sabihin mo sa akin ang totoo."Tumingin ito sa ibang direksyon bago muling humarap sa kanya."There's something you need to know."Naramdaman ni Ylaine na bumilis ang tibok ng kanyang puso."Ano iyon?"Huminga ng malalim si Mike."She's pregnant."Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid, halos hindi agad naintindihan ng babae ang sinabi nito. "Who's pregnant?"Hindi sumagot si Mike.Nagsimula nang manginig ang kanyang mga kamay."Mike, sino?"Ilang segundo pa ang lumipas bago nito ibinigay ang sagot na kinatatakutan niyang marinig."She's pregnant with my child."Napahawak si Ylaine sa gilid ng mesa, hindi niya alam kung paano siya nakahinga pagkatapos marinig iyon. Alam niyang may posibilidad na may ibang babae sa buhay n
Magkasabay na pumasok pabalik ng conference room sina Ylaine at Adrian. Wala sa kanilang dalawa ang nakakaalam kung ano ang naghihintay sa kanila sa mga susunod na araw.Ngunit sa unang pagkakataon, hindi na lamang pangalan sa isang dokumento ang isa't isa.Nagkaharap na sila.At kahit wala pang malinaw na sagot sa kanilang mga tanong, may isang bagay nang nagbago.Natapos ang meeting ng walang ganap na kasiguraduhan.Nangako ang clinic na magbibigay ng karagdagang ulat matapos ang masusing pagsusuri sa mga rekord. Pinayuhan din si Ylaine na sundin ang iskedyul ng follow-up at makipag-ugnayan agad sa kanyang doktor kung may mga katanungang medikal.Bago umalis, nilapitan siya ng kinatawan."We'll contact you as soon as we have verified information, Ms. Ylaine.""Thank you."Paglabas niya ng clinic, sinalubong siya ng mainit na sikat ng araw. Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang hawak sa kanyang bag. Wala pa rin siyang sagot sa pinakamahalagang tanong sa isip niya. Hindi niya a







