Share

Kabanata 5

FOUR YEARS AGO

It's already 6:30 in the morning, yet I still can't get a hold of Drake. May klase ako ngayong umaga, pero tinawagan ako ng kaklase niyang si Mark, itinatanong kung kasama ko raw ba ang hinay*pak. Tatlumpung minuto na lang ay magsisimula na ang final exam nila, kaya naman imbis na dumeretso sa klase ko ay dali-dali akong pumara ng jeep papunta sa condo niya. 

Sa pagbukas ng pintuan ay nakumpirma kong tama nga ang kutob kong tulog pa siya. Sandali akong napailing at napatitig sa kaniya habang nakasubsob sa kaniyang study table. Nagkalat ang mga libro at reviewers niya na animo'y binagyo. Lumapit ako sa kaniya at bahagya siyang niyugyog. 

"Drake, wake up!" 

Bumukas ang dalawang mata niya na magkasabay na halos magpatalon sa akin sa gulat. Tumuwid siya ng upo saka tumingin sa akin, "Love, what time is it?" 

Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "6:34,"

Napapikit si Drake at napasabunot sa buhok niya. "Shit!" Mangiyak-ngiyak niyang sambit. 

Drake is a graduating law student habang ako naman ay third-year fashion design. Ilang araw na siyang nagsusunog ng kilay sa pagrereview, kaya naman napakalaking sayang kung hindi siya makapagt-take ng exam ngyong araw. Gulo-gulo pa ang buhok nito at maitim na rin ang ilalim ng mga mata niya sa puyat. Naaawa ako kay Drake, pero proud ako sa kaniya. 

"Love, get up," sabi ko saka siya kinapitan sa damit at hinila patayo. "Go wash your face. Wag ka nang maligo, ihahanda ko na ang damit mo. You still have time kaya bilisan mo na."

Kinaladkad ko siya papunta sa banyo at itinulak papasok doon. "Brush your teeth ha! I'll make a quick breakfast!" sigaw ko pa bago inihanda ang damit niya. 

"Thanks, love!" Narinig kong sigaw ni Drake mula sa banyo. "I love you!" 

Napatawa ako sa kabila ng pagmamadali. "I love you more!" Natatawa kong tugon. 

Matapos kong maihanda ang damit ni Drake ay agad akong nagtungo sa kusina para gumawa ng egg sandwich. Muntikan pa ngang hindi umabot, mabuti na lang at kinaya pa ng oras. Inihain ko kay Drake ang ginawa kong egg sandwich na siya naman niang nilantakan habang ibinubutones ang kaniyang damit. 

"Dahan-dahan!" saway ko kay Drake bago siya tinulungang magbutones ng suot na damit. Ngumiti lang si Drake at hinayaan akong ayusin ang suot niya. Sabay na natapos ang pag-aayos ko sa suot niya at sa pagkain niya kaya naman wala na siyang sinayang na oras at dinampot ang kaniyang mga gamit para umalis. 

"Go and ace that exam," sabi ko ng nakangiti. 

"Thanks, love. You saved me again," sabi naman ni Drake bago yumakap at nagmamadaling tumalikod. Pero, bago pa man siya makalabas ng pituan ay bumalik siya sa akin. "I forgot something."

"What is it? I'll get it for you," sambit ko na akmang tatalikod nang pigilan ako ni Drake at hilahin palapit sa kaniya. Drake gave me a quick kiss and smiled na halos nawala ang mga mata niya. Sandali akong napatigil dahil sa hindi ko iyon inaasahan. 

"I forgot your good luck kiss," sabi niya na tumatawa-tawa bago bumitaw at kumaway. "I'll get going now, love. I'll see you at lunch."

Lumabas si Drake sa pintuan at naiwan akong nakangiti ng parang baliw. Napailing ako matapos ang ilang sandali bago nagtungo sa kuwarto niya at iniligpit ang mga gamit niyang naiwang nakakalat. 

Hindi ko na nagawang makapasok sa unang klase ko, pero hindi naman ganun ka-big deal dahil minor subject lang naman ang hindi ko napasukan. Minabuti ko na munang ayusin ang lahat ng mga kalat sa condo ni Drake bago umalis para pumasok. 

Drake and I has been in a relationship for over a year now, pero hindi alam ng pamilya ko o ng pamilya niya. Tanging ang kaibigan niya lang na si Mark at ang nakababata kong kapatid na si Gigi ang nakaka-alam ng tungkol sa amin. Mayaman si Drake, pero hindi siya spoiled-brat katulad ng karamihan sa mga kaibigan niya. He's hardworking and goal-oriented. He knows what he wants. That's waht I love about Drake. He's humble and kind. He's perfect. Kaya kataka-taka rin talagang sa dinami-rami ng magaganda at mayayamang babaeng nakapaligid sa kaniya ay ako ang nagustuhan niya. 

Malayo ang estado ng buhay namin ni Drake, pero hindi ko kahit kailan man naramdamang langit at lupa kami. Matalino si Drake, pero ako, average lang. I'm a working student dahil matanda na ang parents ko. I'm also supported by a scholarship, dahilan kung bakit medyo gumaan-gaan ang pasanin ko. 

***

I received a text from Drake a few minutes before my last morning subject ended saying that he'll be waiting outside my department building, kaya naman nang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase at nagmamadali akong tumayo at inunahan na ang prof na lumabas ng pintuan. Naabutan ko si Drake na nakaupo sa may bench, nakatingala at may nakapasak na tissue sa ilong. 

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko nang umupo ako sa tabi niya. 

Agad namang tinanggal ni Drake ang tissue at itinapon sabay ngiti. "Wala. Anong gusto mong kainin?" 

Pero bago pa man ako makasagot ay may napansin ako sa mukha niya. 

"Dugo ba 'yan?" tanong ko saka sinapo ang mukha niya para silipin ang ilong niya. "Drake, bakit dumudugo ang ilong mo?" 

"Kumalma ka nga," sagot naman niya habang tumatawang inalis ang kamay ko sa mukha niya. "Dehydrated lang ako dahil kulang ako sa tulog. I'll be fine, malayo to sa bituka."

Pinalo ko siya sa braso at sinimangutan. "Siraulo ka! Bakit ba kasi hindi ka natutulog? Anong akala mo sa sarili mo, bampira? You're smart. You can ace that exam kahit minimal lang ang pagre-review. Saka it doesn't matter kahit na hindi ganun kataas ang score mo--"

"I need to ace every exam," putol niya sa sasabihin ko. Sinapo niya ang mukha ko at tinignan ako ng seryoso sa mata. "I have the best and most supportive girlfriend who makes everything easier for me. I can't take her for granted nor waste her efforts. For her, I need to ace every exam to make sure I would succeed. Only then I would have enough courage to ask her to marry me. So, you see, I need to make a name for myself."

Napangiti ako ng may halong pakla. "Do I even deserve you, Drake? I'm a nobody and you're a--"

"I don't want to hear it," putol na naman niya sabay upo ng ayos. "Ayokong marinig na ibinababa mo ang sarili mo. You're talented, Em. You're pretty, kind, loving-- you're perfect! We'll be successful, and we'll build our names together. Stop worrying about such nonsense."

"Sorry," nakangiti kong sabi, pero buo na iyon at walang halong pait. "I'll bear that in mind, attorney." 

Humilig ako sa balikat niya matapos ipulupot ang bisig ko sa braso niya. "Good," sambit niya lang saka tumawa ng mahina. 

PRESENT

Seeing him up close again after so long made my heart flutter. 

Malamig ang mga titig ni Drake na malayong-malayo sa kung paano niya ako titigan noon. The eyes that looked at me that day when I married Rico haunt me every day for four years. The idea of hurting Drake hurts more than the idea of selling myself. Kumirot ang puso ko nang maalala ko ang masasaya niyang ngiti noong mga panahon bago ko pakasalan si Rico.

I wish I never loved Drake...

Humakbang patalikod si Drake at ngumisi nang hindi ako sumagot. "Don't worry, hindi naman kita pahihirapan. Sadyang kailangan ko lang ng assistant na makakatulong sa case na hawak ko ngayon." 

Naglakad si Drake patungo sa desk niya at kinuha ang isang makapal na pile ng mga papel bago naglakad pabalik sa akin. "I know you know nothing in this field, but it doesn't require a law degree to comprehend what's written in this. The client will be here around 10 AM. Familiarize yourself with the case first."

Tinanggap ko ang iniabot niyang pile ng papel. Iniisip ko pa lang na kailangan ko iyong basahin ay sumasakit na ang ulo ko. Paano ako eksakto makatutulong sa kaniya kung wala akong ideya sa larangang ito? Pero, dahil na rin sinabi niyang hindi naman kailangan ng degree para maunawaan ito ay tumango ako at nagtungo sa bakanteng desk kung saan ko pinatong ang bag ko. 

"Okay. Pero hindi ka ba muna mag-uumagahan?" tanong ko saka tumingin sa kaniya na abala nang binubuklat ang mga papel sa desk niya. 

"I don't usually eat breakfast," tipid niya lang na sagot na hindi tumitingin sa akin. 

"How could you work without eating breakfast?" usisa ko pa.

"Stop talking and get to work," 

Itinikom ko ang bibig ko habang minamasdan siyang walang kasulyap-sulyap sa akin. Minabuti ko nang simulan ang unang task na ibinigay niya sa akin dahil ayoko namang magmukhang tanga kung sakali. 

Napahinto ako nang mabasa kung ano ang kaso na hinahawakan niya ngayon. Isa itong rape case at isang 21-yearl-old ang biktima. I intended to stay silent, pero hindi ko naiwasang magsalita ulit. 

"The client's not the victim, but the accused. We're the defense counsel," kumento ko ng mahina. 

Napatigil si Drake at napatingin sa akin na kahit na hindi ko iangat ang tingin ko sa kaniya'y kita ko sa gilid ng mga mata ko. 

"Yeah," sagot niya.

Ilang minuto matapos pumatak ang ika-sampu ng umaga, dumating ang inaasahang kliyente ni Drake na kagaya ng sinasabi ng binasa ko ay isang 3rd-year engineering student. Kasama niya ang mga magulang niyang mukhang mayayaman at maiimpluwensiyang tao. 

"Atty. El Fuente," bati ng ginang kay Drake matapos ay bumati naman ang asawa nito habang ang anak nila'y deretso lang na naupo sa couch na para bang tamad na tamad. 

"Mr and Mrs Cuballes. Please have a seat," bati naman ni Drake pabalik. 

Bumaling sa akin ang anak nilang sa pagkakatanda ko'y nagngangalang Eman at ngumiti ng malandi. Hindi ko siya pinansin, bagkus ay hilaw na bumati sa parents nito. 

"Good morning," sabi ko. 

Tumingin sa akin ang mag-asawa at ngumiti. "Good morning. I'm glad Atty. El Fuente found a new legal assistant. I'm looking forward for an excellent work, ija,"

Ngumiti lang ako ng hilaw at tumango bago tumingin kay Drake. Tumingin lang rin siya bago bumaling sa mag-anak. Nagsimula silang mag-usap-usap tungkol sa naging takbo ng unang trial at sa pagkakadinig ko'y mukhang lumamang ang panig ng akusado dahil sa kulang na ebidensyang naipresenta ng kabilang panig. 

"The biggest advantage that we have right now is the lack of evidence of the counterpart. So, for the time being, Eman, you'll have to keep a low profile to avoid any other trouble while this case is still in progress," sambit ni Drake. 

Umismid naman si Eman. "Why? Isn't it your job to win this case no matter what?" 

Nakita ko kung paano nagigting ang panga ni Drake sa naging tugon ni Eman, pero hindi siya umimik. Hindi ko na namalayan kung paano natapos ang usapan nila dahil aaminin ko, pinili kong hindi makinig...

Frustrated na nahilot ni Drake ang sintido niya nang makaalis ang mag-anak, pero wala siyang imik na umupo sa swivel chair niya at nilaro-laro sa pagitan ng daliri ang isang lapis. 

"Hindi ba maling ipanalo ang kasong ito?" sambit ko ng hindi nagiisip. Tumingin sa akin si Drake ng blanko. "I mean, kung napagbintangan lang siya, why not? Pero, wala sa hitsura at kilos niyang napagbintangan lang siya."

"Personal feelings shouldn't interfere with work. Trabaho nating bigyan ng fair trial ang accused at higit sa lahat, maipanalo ang kaso kahit na anong mangyari," aniya. 

"He wronged someone,"

"There wasn't enough evidence. Stop jumping to conclusions. It's the court's job to make the ruling, not yours."

Sandali akong hindi umimik. "Sorry,"

"It's fine. It's my fault for putting you straight into this. I should've taught you the basics first."

"Not that," wika ko na ikinatingin niya sa akin. "Sorry, dahil mukhang hanggang sa dulo ng kasong ito ay may masasabi ako."

Nagbuntong hininga si Drake. "That's what clueless dogs do-- bark. It's understandable."

I may be clueless about this field, but I knew that what Eman did is wrong. I don't need to be a lawyer to say and conclude so. Pero, hindi ko na isinaboses pa ang mga ideyang iyan. Drake's only doing his job. It's understandable. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status