NAKALIPAS ANG PITONG TAON
"Nandito na ang President! Maging magalang ang lahat sa unang pagsulpot ng bagong President!" Ito ang naging sigaw ng isang tauhan ng President. Ang President na 'to ay walang iba kundi si Brent De Guzman. Siya ay hinahangaan nang lahat. Matalino, gwapo, matangos ang ilong may mapupungay na mata. Ngunit, may malamig na puso. "Magandang araw po Sir!" Sabay-sabay na sigaw ng mga empleyado, matapos siyang makababa sa kaniyang sasakyan. Naging mainit ang pagsalubong sa kaniya ng lahat. Walang kibo lamang si Brent. Malamig niyang nilagpasan ang mga ito hanggang sa tuluyan siyang magtungo sa loob ng kaniyang company. • • • • • Nagmamadali si Bella sa kaniyang paglalakad. Upang puntahan ang kaniyang ama. Kailangan niya nang tulong para sa kaniyang anak. Na ngayon ay naging malubha ang sakit nito. Ilang minuto, dumating siya sa kanilang bahay. "Hindi ko inaasahan na babalik ka sis." Mataray na bungad ng kaniyang step sister sa kaniya. "Ahmm, Gina asan si Dad? May kailangan lang akong sabihin sa kaniya. Pwede mo bang sabihin sa kaniya na nandito ako?" Mahinahon na boses ni, Bella. "I'm very sorry sis. Dahil ayaw ka na niyang makita pa. Isa pa, wala dito si Dad, nasa America siya kasama si Mom. Masaya siya ngayon kaya kung pwede huwag mo muna silang sturbohin pa." Nakangiti na tugon nito. Ngunit sa kaniyang loob ay naiinis siya kay, Bella. Dahil sa pagbabalik nito. "Anong ibig mong sabihin? Kailangan ko si Dad, ngayon. Gina, tulungan mo naman akong kausapin siya. Alam ko naman na galit siya sa 'kin. Pero, wala na akong ibang malapitan kundi si Dad, lang." Pagsusumamo ni Bella. "Ano akala mo sa akin Tanga??? Bella, matagal na nang umalis rito. Ibig sabihin nakalimutan ka na rin ni Dad. Pwede ba umalis ka na lang! Wala ka rin naman mapapala!" Paulit-ulit na sigaw nito. Na kung umasta ay tunay na anak. "Pwede ba, Gina please ..." Kasabay nito ang pagtulo ng luha ni Bella. "Argh! Sh*t! Ngayon pa talaga! Bella may importante akong pupuntahan! Pwede bang tumigil ka sa drama mo. Sinabi ko na, na wala nga rito si Dad! Huwag ka ngang makulit!" "Gina, bakit ganyan ka makipag-usap sa akin? May nagawa ba akong mali sayo noon? Gina, kapatid mo pa rin ako, huwag ka naman ganyan sa akin." "Damn you Bella! Iniwan mo na kami dati pa! At wala ka nang karapatan para bumalik pa!" Sobrang nasaktan si Bella, sa mga salitang binitawan ng minahal niyang kapatid. Hindi niya lubos inakala na magiging ganito si Gina sa kanya. Akmang magsasalita pa sana si Bella, subalit inunahan siya ni Gina. "Guards! Ilabas niyo nga ang babaeng 'to! Isang mabahong basura! Paki-labas nga paki-bilisan niyo naman!" Halos madurog ang puso ni Bella. Napa-iling-iling siya habang pilit na pinilpigilan ang luhang nais lumabas sa mata niya. Kalaunan pa, lubos niyang ikinagulat ang pagkaladkad sa kaniya ng mga guards. Pakiramdam ngayon ni Bella, parang hindi siya isang Monteverde. Pakiramdam niya ay wala na siyang puwang sa sariling bahay niya. "Bwesit! Pupuntahan ko pa ang fiance kong si Brent, tapos inisturbo pa ako ng babaeng 'yon! Argh!" Inis na inis na sigaw ni Gina. Narinig pa ito ni, Bella at halos hindi siya makapanilawang marinig ang pangalan ng asawa niya. Pilit siyang pumiglas sa mga lalake. Ngunit, sa kalakihan ng mga ito ay hindi niya kaya. Hanggang sa tuluyan siyang itinapon papalabas ng kanilang bahay. Umakma pa siyang papasok muli, subalit hinarangan at tinulak siya ng mga ito. Nasa isip ni Bella, ang nag-iisa niyang anak na lalaki. Na ngayon ay nasa hospital dahil sa malubhang sakit nito. "Bakit ganun, alam ko naman na nagkamali ako noon. Pero, kailangan ba akong gantihan ng ganito? Wala naman akong ibang ninais, kundi ang magmahal at maging masaya. Nais kong mabuhay nang matagal ang anak ko. Dahil sa kaniya ko na lang naaalala ang pinakamamahal kong si Brent." Wika ni Bella, habang naglalakad siya sa tahimik na lugar. Maya-maya pa, nahagilap ng kaniyang mata ang isang matanda. "Ikaw matanda ka! Bakit ka ba nandito ang baho mo! Umalis ka nga dito sa harap ng tindahan ko! Ang dumi-dumi mo, tiyak akong ikaw ang dahilan kung bakit wala akong benta ngayon! Isa kang malas na matanda!" Sigaw ng isang tindiro habang tinatadyakan nito ang matanda. Agad naman na lumapit si Bella at pinigilan ang lalaking ito. "Ano ba, huwag ka ngang ganyan! Kahit pulubi siya, may puso pa rin siya. Tao pa rin siya at kailangan galangin!" Pagtatanggol niya rito sabay harang niya. Upang hindi matamaan ulit ng sipa. "Hoy! Babae, wala kang pake-alam kung ano ang gawin ko! Kung kamag-anak mo siya! Dalhin mo siya at umalis kayo rito! Mga malas sa buhay ko!" Dagdag pa nito, sabay talikod sa kanila. Itinayo ni Bella ang matandang ito at pinunasan ang katawan nito. "Pasensya na po lolo. May mga taong ganun po talaga. Patawad po, kung natrato ka po nang masama." "Iha, wala akong kasalanan. Maraming salamat iha." Nagbigay naman ito nang matamis na ngiti kay Bella. "Iha ano pala ang pangalan mo?" Mahinahon na tanong pa nito. "Bella po, Bella Monteverde po." "May asawa ka na ba?" Halos ikinangisi ito ni Bella. Hindi niya inaasahan na mabilis magtanong ang matandang ito. "Ahm, lolo meron na po akong asawa. Pero, matagal na po kaming hindi nagsasama." Naging malungkot ang boses ni Bella. "Kung ganun, ayos na ayos!" Biglang sigaw naman ni Lolo. "Po? Bakit naman po?" Pagtataka ni Bella. "Kasi, pareho kayo ng anak kong si Bre---" Tumunog ang cellphone ni Bella, kaya hindi na ituloy nang matanda ang sasabihin nito. "Saglit lang po lolo, sasagutin ko lang po." Maayos na pagpapaalam niya. Nakangiti naman ang matanda habang hinihintay niya si Bella. Tila'y interesado ang matandang ito kay Bella. "Lolo, aalis na po ako. Kailangan po kasi ako ng anak ko sa hospital. Tsyaka, tanggapin niyo po ang pera na ito para may pang bili po kayo nang pagkain kung sakaling magutom po kayo," sabay abot ni Bella, ng pera. Matapos ay mabilis siyang napatakbo. Nagawa pang sumigaw ng matanda upang tawagin siya. Ngunit, hindi na ito narinig pa ni Bella. "Hindi bale, alam kong magkikita pa tayo ulit. Iha, ikaw ang nais kong ikasal sa aking anak." Huling binanggit ng matanda, habang hawak niya ang I'd ni Bella, na nahulog matapos itong tumakbo.BRENT POINT OF VIEW Ilang araw na ang nakakalipas na hindi ko nakikita ang asawa ko at ang anak ko. Hindi ko alam kung ano ang kalagayan nila ngayon. Natatawagan ko naman sila. Pero, hindi naman palagi. I miss them so much. And yeah, hindi na ako na sanay na wala sila sa tabi ko. Especially, now. "Hey Brent, what are you doing? Kanina ka pa diyan tulala sa ibaba ahh. Ano ba ang iniisip mo ngayon?" Dustine voice. But, wala akong lakas na magsalita. I just want to be alone. Habang iniisip ang pamilya ko. I want to see them na rin. Like, what the! I'm craving their hug and kiss. "It's okay, pagkatapos nito. Makakabalik ka na, and don't worry, tutuparin namin ang mga sinabi namin. Hindi namin ipagkakait sa 'yo si Bella at si Kiel. So, don't think too much. Baka mamaya, sumama pa ang pakiramdam mo diyan. Ede, mas matatagalan pa tayo nito," sabay akbay ni Dustin sa akin. I know he's right. Pero, hindi ko naman makontrol nang maayos ang emosyon ko ngayon. Every night, I feel like bu
F A S T F O R W A R D... "Apo, hindi kita mapipigilan sa gusto mo. You can do, kung ano ang tamang gawin. But still, sana hindi na maulit pa ang hindi pagkakaintindihan ng Cordova Family at ng De Guzman Family. Ito na nga ang kinatatakutan kong maganap ulit. Pero sana, dumaig ang kabutihan ng mga puso niyo. Kaysa sa dumaig ang hindi karapat dapat." Mahinahon na payo ni Lolo. Sana nga, hindi na maulit ang sinasabi nilang nakaraan. At sana ligtas silang makabalik sa amin. "Apo, uuwi kayo ng sabay sa amin ahh. Isama niyo na rin sa bahay si Brent. May mga dapat din kaming ayusin. Palagi kayong mag-iingat ahh," dagdag pa ni Lolo na may pag-aalalang tinig. "Opo Lolo, huwag ka po masyadong mag-alala. Ngayong nagising ako at kasama ng kapatid ko. Tatapusin po namin agad ang problemang ito. Hindi ko na patatagalin pa. Lolo, ingatan niyo po ang mga pinsan ko. Hindi pwedeng, madamay pa sila rito. Pangako, babalik po kami ng sabay kasama si Brent. Pangako din, hindi na magbabalik pa ang sina
"I'm not jealous. I'm just saying, huwag niyo nang balikan pa ang nakaraan. It's just a kiss. Magpinsan naman kayo. So walang malesya 'yon. Isa pa, I know Bella, hindi naman siya papayag na basta na lang siyang halikan ng kung sino. So it means. It's just a kiss for cousin nothing more." Pahalata pa talaga itong asawa ko sa selos niya. Hindi na lang kasi nanahimik ehh. Alam naman niyang past is past. "Hmm, hindi na tayo magtatagal. Mabuti pang tapusin na natin agad ang mission. Ako na ang bahala sa dad ko kung paano natin siya makikita," malamig na dagdag pa ni Brent. Iniba pa talaga niya ang usapan. Hindi na lang inaamin na nagseselos ehh. Kung sa bagay, noon pa man seloso na talaga siya. Habang nag-uusap ka kami dito at nagkukulitan. Biglang tumunog ang cellphone ko. Ibig sabihin ay may tumatawag. Nang buksan ko ito. Pangalan agad ni Gina ang tumumbad sa akin. Kaya, hindi na ako nagdalawang isip pang sagutin ito. Gusto ko rin naman malaman kung ano na ang nangyari sa kanila. Lalo
Matapos kanina, walang ganang naka-upo ako dito ngayon sa gilid. Habang inasikaso ni Brent sina kuya Kent. Hindi ko alam kung magiging masama ba ang loob ko sa asawa ko. Dahil, ang Dad niya ang may sala. Ngunit, wala naman kinalaman dito si Brent. Kaya hindi ko naman siya kailangan pang idamay. Kaso nga lang, bakit ba ang Dad pa talaga niya. Hindi ako makapaniwala. Mas may malalim pa palang dahilan kung bakit ayaw ni Tito Dan sa akin. Kung bakit niya ginawa ang lahat para lang mawala ako sa buhay ni Brent. Masakit, sobrang sakit na malaman ko ngayon ang mga nangyari noon. Ganyan ba talaga ang pagmamahal? Makakasakit ka sa iba dahil iniisip mo lang ang sarili mong nararamdaman? "Mommy..." rinig kong boses ng anak ko. Ngunit, dahil sa kawalang gana ko. Tila lumalabas lang ito sa kabilang tenga ko. Naramdaman kong may humahawak sa kamay ko. Ngunit, hindi ko man lang magawang igalaw ang mata ko. Para, tingnan kung sino. I think, I just want to be alone na lang muna sa ngayon. Wala akong
"Apo, listen. It's just an accident. Kaya pang mabago ang Dad mo. Kaya, gagawin natin ang lahat para ibalik siya sa tamang daan. Hindi naman ganyan si Dan noon. Nagbago lang 'yon. Mula nang nasira ang relasyon nila ng Mom ni Bella. Kaya ayaw ko itong buksan, dahil ayaw kong masira ang relasyon niyong dalawa ni Bella. Ayaw kong, maulit pa ang mga nakaraan ng Dad mo sa 'yo. Apo, pakinggan mo ako. Iniisip ko lang din ang lagay mo. Kaya, hindi ko na binuksan pa ang bagay na 'to. Hindi naman ako ang nagpapatay sa mga tauhan mo. Wala akong ibang ginawa, kundi ang bantayan ka." Ramdam ko sa boses ni Lolo ang kaniyang pagsisisi. Hanggang sa napayakap sa akin ang anak ko. Wala akong ibang magawa kundi takpan ang tenga ng anak ko. "Kung hindi ikaw ang nagpapatay sa mga tauhan ko. Then who? Sino! Si Dad? Siya din ba? Ayaw niyang halungkatin ko ang nakaraan para maitago niya nang maayos ang kapalpakan na ginawa niya? if he's not guilty Lolo. Hindi niya dapat ako hadlangan sa paghahanap ng ebedin
Isang babae at isang lalaki. Base sa mga kasuutan nila, mga simple lang ang pamumuhay nila. Ngunit, ano naman ang ginagawa nila dito? Sa mukha nila, parang may bahid itong takot. "Are you okay? Paso muna kayo, baka may need kayo sa amin? Right?" pagtataka ng asawa ko. Gayunpaman, nanatili pa rin na kalmado si Brent. "I know them, pumasok kayo," Dustin said with his serious voice. Napansin ko ang pagtingin ng mga mata ng babae at lalaki kay Lolo. Tila bigla yata silang na takot at mas kinabahan. Hindi naman kaya, magkakilala din sila dati? Mabait naman si Lolo. Kaya, no need na katakutan pa siya. "What's wrong?" My husband directly asked. "Ahmm, wala naman po. Nandito lang sana kami dahil sa importanteng bagay na sasabihin namin. Dapat kasi noon pa namin ginawa. Pero, may mga nangyaring hindi inaasahan. Kaya, natakot kami at nanahimik na lang. Pero, ngayon handa na kaming sabihin ang lahat sa inyo. Handa na kaming magsalita kahit na ano pa ang mangyari," lakas loob na wika ng