Masayang ikinasal si Bella sa kaniyang asawa na si Brent. Subalit, bulag si Brent. Ganun pa man ay walang ibang ginawa si Bella, kundi ang ipaglaban ito. Tunay ang kanilang pagmamahal. At walang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.
"Dad, I love him. I'm very sorry, hindi ko po talaga kayang mawala sa akin si Brent." Pagsusumamo niya sa kaniyang ama, matapos siyang pinipilit na makipaghiwalay. "Ganyan ka na ba talaga, Bella! Pinalaki kita nang maayos. Pero, mas pinipili mo pa rin ang bulag na 'yon! Makakatulong ba siya sayo! Halata naman na hindi diba! Isa pa, ikaw ang tagapagmana ng lahat na meron ako! Ngayon pa lang mamili ka! Ang bulag na 'yon o ang ama mo!" Galit na galit na boses nito. Gulong-gulo naman ang puso at isipan ni Bella. Dahil, hindi niya rin kaya ang mawalay sa kaniyang ama. Ngunit, wala siyang magagawa dahil mahal na mahal niya si Brent. "Dad, I'm very sorry. Mahal ko po talaga si Brent. Hindi ko pa talaga kaya na mawala siya." Umaapaw ang lungkot na kaniyang nadarama. Halos hindi niya mapigilan ang pagbuhos ng kaniyang luha. "Ganun ba? Sige, hahayaan na kita. Mula ngayon malaya ka na. Basta huwag mong pagsisihan ang naging disisyon mo, total ang tigas naman ng ulo mo!" Tinalikuran siya ng kaniyang ama. Matapos itong umalis, agad na napatayo si Bella sa kaniyang pagka-luhod. Bago siya tuluyan na umalis, maarahang napatingin muna siya sa kaniyang step sister at step mother. Sa itsura nito sobrang nalulungkot, ngunit sa loob ng mga ito ay lubos na natutuwa pa. Dahil una pa lang ay gusto nilang mawala si Bella sa buhay nila. ..... Nakangiting bumungad si Bella sa kanyang asawa. Kahit hindi nakikita ni Brent ang kaniyang ngiti. Pinaramdam pa rin ni Bella, na masaya siya at hindi pinagsisihan ang kaniyang disisyon. "Mahal ko, ayos lang ba sayo ang naging kasal natin?" Paglalambing na tanong ni, Bella. "Of course, it's okay. Basta ikaw ang naging asawa ko. Mahal, ayaw kong mawala ka sa akin. Kahit bulag ako, sana hindi mo ako iiwan." "Ano ka ba, matagal na tayong nagsasama. Isa pa, sabi ng doctor malaki pa rin ang possibility na gagaling ang mga mata mo. Sa ngayon hindi mo ako makikita, pero balang araw, makikita mo rin ang ganda ko." Biro pa ni Bella. Ngunit, taglay naman talaga niya ang ganda, mas lalo na kaniyang pag-uugali. Matapos ang gabing ito. Maraming masasayang araw naman ang dumaan sa dalawang mag-asawa. Tila'y umiikot sa kanilang dalawa ang masayang mundo. Isang araw, nakaramdam ng masama si Bella. Hindi man niya batid kung ano. Nais niya pa rin siguraduhin ang lagay niya. Dahil, araw araw na lang siya sumusuka. Kaya, kinagabihan nito nagpaalam siya kay, Brent. "Mahal ko, bukas pala may lalakarin ako. Ayos lang ba sayo na maiwan kita ulit dito sa bahay?" "Ahm, ayos lang naman. Basta sa akin ka pa rin uuwi ahh." "Opo, uuwi lang ako sayo." "Good. Oo nga pala, huwag mo itong huhubarin ahh. Ingatan mo 'to, dahil isa itong nagsisimbolo ng pag-ibig ko sayo." May bracelet na ibinigay si, Brent sa kaniya. Valuable din ang bagay na ito dahil pamana ito ng kaniyang ama. "Salamat, mahal ko." Hinalikan ni Bella si Brent sa pisngi nito. ..... Kina-umagahan, muling nagpaalam si Bella kay Brent. Agad naman na nagtungo si Bella sa hospital. Ilang oras din siyang naghintay sa resulta. Hanggang sa ibinalita sa kaniya ng doctor na nagdadalang tao siya. Dahil dito, lubos na kaligayahan ang kaniyang natamo. Excited siyang maka-uwi upang ipaalam ito kay, Brent. Dali-dali naman siyang umuwi. Subalit, nang nasa tapat na siya ng kanilang bahay. Tila'y napalitan ang kaligayahan niya ng matinding kaba at pagkatakot. Subalit, patuloy pa rin siyang naging positibo. Nakangiti siyang pumasok sa loob. Ngunit, ilang tawag na niya sa kaniyang asawa ay walang sumasagot. Hanggang sa makita niya ang isang sulat na nakalagay sa mesa. "Sorry love, kailangan ko nang umalis. Pasakit lang ako sayo. Patawad, ang totoo hindi naman talaga kita mahal. Ang totoo, ginagamit lang kita para alagaan ako. Ito na rin ang takdang panahon para tumayo sa sarili ko. Ipapagamot ko ang aking mata, gusto kong makakita. Pero, sa pagmulat ng mga mata ko. Kahit anino mo lang ay ayaw kong makita." Nanlambot ang mga tuhod ni, Bella sa kaniyang nabasa. Halos napa-upo siya sa sahig dahil sa sobrang sakit. Napansin niyang printed ang sulat. Kaya pumasok sa kaniyang isipan na hindi ito galing kay, Brent. Muli siyang tumayo, mabilis na napatakbo sa labas, tumawag ng sasakyan upang magtungo sa airport. Airport ang pumapak sa isipan niya dahil sa America lang naman siya ooperahan. At wala na rin siyang ibang maisip kundi ang sundan ang asawa niya. Naniniwala siyang hindi totoo ang naka-saad sa sulat. Nang makarating siya sa airport. Gulong-gulo ang kaniyang emosyon pati na rin ang itsura niya. Halos maubos na ang kaniyang boses sa kaka-sigaw habang patuloy na bumuhos ang kaniyang mga luha. Ngunit, sa kabila ng lahat ay hindi na niya natanaw pa si Brent.BRENT POINT OF VIEW Ilang araw na ang nakakalipas na hindi ko nakikita ang asawa ko at ang anak ko. Hindi ko alam kung ano ang kalagayan nila ngayon. Natatawagan ko naman sila. Pero, hindi naman palagi. I miss them so much. And yeah, hindi na ako na sanay na wala sila sa tabi ko. Especially, now. "Hey Brent, what are you doing? Kanina ka pa diyan tulala sa ibaba ahh. Ano ba ang iniisip mo ngayon?" Dustine voice. But, wala akong lakas na magsalita. I just want to be alone. Habang iniisip ang pamilya ko. I want to see them na rin. Like, what the! I'm craving their hug and kiss. "It's okay, pagkatapos nito. Makakabalik ka na, and don't worry, tutuparin namin ang mga sinabi namin. Hindi namin ipagkakait sa 'yo si Bella at si Kiel. So, don't think too much. Baka mamaya, sumama pa ang pakiramdam mo diyan. Ede, mas matatagalan pa tayo nito," sabay akbay ni Dustin sa akin. I know he's right. Pero, hindi ko naman makontrol nang maayos ang emosyon ko ngayon. Every night, I feel like bu
F A S T F O R W A R D... "Apo, hindi kita mapipigilan sa gusto mo. You can do, kung ano ang tamang gawin. But still, sana hindi na maulit pa ang hindi pagkakaintindihan ng Cordova Family at ng De Guzman Family. Ito na nga ang kinatatakutan kong maganap ulit. Pero sana, dumaig ang kabutihan ng mga puso niyo. Kaysa sa dumaig ang hindi karapat dapat." Mahinahon na payo ni Lolo. Sana nga, hindi na maulit ang sinasabi nilang nakaraan. At sana ligtas silang makabalik sa amin. "Apo, uuwi kayo ng sabay sa amin ahh. Isama niyo na rin sa bahay si Brent. May mga dapat din kaming ayusin. Palagi kayong mag-iingat ahh," dagdag pa ni Lolo na may pag-aalalang tinig. "Opo Lolo, huwag ka po masyadong mag-alala. Ngayong nagising ako at kasama ng kapatid ko. Tatapusin po namin agad ang problemang ito. Hindi ko na patatagalin pa. Lolo, ingatan niyo po ang mga pinsan ko. Hindi pwedeng, madamay pa sila rito. Pangako, babalik po kami ng sabay kasama si Brent. Pangako din, hindi na magbabalik pa ang sina
"I'm not jealous. I'm just saying, huwag niyo nang balikan pa ang nakaraan. It's just a kiss. Magpinsan naman kayo. So walang malesya 'yon. Isa pa, I know Bella, hindi naman siya papayag na basta na lang siyang halikan ng kung sino. So it means. It's just a kiss for cousin nothing more." Pahalata pa talaga itong asawa ko sa selos niya. Hindi na lang kasi nanahimik ehh. Alam naman niyang past is past. "Hmm, hindi na tayo magtatagal. Mabuti pang tapusin na natin agad ang mission. Ako na ang bahala sa dad ko kung paano natin siya makikita," malamig na dagdag pa ni Brent. Iniba pa talaga niya ang usapan. Hindi na lang inaamin na nagseselos ehh. Kung sa bagay, noon pa man seloso na talaga siya. Habang nag-uusap ka kami dito at nagkukulitan. Biglang tumunog ang cellphone ko. Ibig sabihin ay may tumatawag. Nang buksan ko ito. Pangalan agad ni Gina ang tumumbad sa akin. Kaya, hindi na ako nagdalawang isip pang sagutin ito. Gusto ko rin naman malaman kung ano na ang nangyari sa kanila. Lalo
Matapos kanina, walang ganang naka-upo ako dito ngayon sa gilid. Habang inasikaso ni Brent sina kuya Kent. Hindi ko alam kung magiging masama ba ang loob ko sa asawa ko. Dahil, ang Dad niya ang may sala. Ngunit, wala naman kinalaman dito si Brent. Kaya hindi ko naman siya kailangan pang idamay. Kaso nga lang, bakit ba ang Dad pa talaga niya. Hindi ako makapaniwala. Mas may malalim pa palang dahilan kung bakit ayaw ni Tito Dan sa akin. Kung bakit niya ginawa ang lahat para lang mawala ako sa buhay ni Brent. Masakit, sobrang sakit na malaman ko ngayon ang mga nangyari noon. Ganyan ba talaga ang pagmamahal? Makakasakit ka sa iba dahil iniisip mo lang ang sarili mong nararamdaman? "Mommy..." rinig kong boses ng anak ko. Ngunit, dahil sa kawalang gana ko. Tila lumalabas lang ito sa kabilang tenga ko. Naramdaman kong may humahawak sa kamay ko. Ngunit, hindi ko man lang magawang igalaw ang mata ko. Para, tingnan kung sino. I think, I just want to be alone na lang muna sa ngayon. Wala akong
"Apo, listen. It's just an accident. Kaya pang mabago ang Dad mo. Kaya, gagawin natin ang lahat para ibalik siya sa tamang daan. Hindi naman ganyan si Dan noon. Nagbago lang 'yon. Mula nang nasira ang relasyon nila ng Mom ni Bella. Kaya ayaw ko itong buksan, dahil ayaw kong masira ang relasyon niyong dalawa ni Bella. Ayaw kong, maulit pa ang mga nakaraan ng Dad mo sa 'yo. Apo, pakinggan mo ako. Iniisip ko lang din ang lagay mo. Kaya, hindi ko na binuksan pa ang bagay na 'to. Hindi naman ako ang nagpapatay sa mga tauhan mo. Wala akong ibang ginawa, kundi ang bantayan ka." Ramdam ko sa boses ni Lolo ang kaniyang pagsisisi. Hanggang sa napayakap sa akin ang anak ko. Wala akong ibang magawa kundi takpan ang tenga ng anak ko. "Kung hindi ikaw ang nagpapatay sa mga tauhan ko. Then who? Sino! Si Dad? Siya din ba? Ayaw niyang halungkatin ko ang nakaraan para maitago niya nang maayos ang kapalpakan na ginawa niya? if he's not guilty Lolo. Hindi niya dapat ako hadlangan sa paghahanap ng ebedin
Isang babae at isang lalaki. Base sa mga kasuutan nila, mga simple lang ang pamumuhay nila. Ngunit, ano naman ang ginagawa nila dito? Sa mukha nila, parang may bahid itong takot. "Are you okay? Paso muna kayo, baka may need kayo sa amin? Right?" pagtataka ng asawa ko. Gayunpaman, nanatili pa rin na kalmado si Brent. "I know them, pumasok kayo," Dustin said with his serious voice. Napansin ko ang pagtingin ng mga mata ng babae at lalaki kay Lolo. Tila bigla yata silang na takot at mas kinabahan. Hindi naman kaya, magkakilala din sila dati? Mabait naman si Lolo. Kaya, no need na katakutan pa siya. "What's wrong?" My husband directly asked. "Ahmm, wala naman po. Nandito lang sana kami dahil sa importanteng bagay na sasabihin namin. Dapat kasi noon pa namin ginawa. Pero, may mga nangyaring hindi inaasahan. Kaya, natakot kami at nanahimik na lang. Pero, ngayon handa na kaming sabihin ang lahat sa inyo. Handa na kaming magsalita kahit na ano pa ang mangyari," lakas loob na wika ng