Nagugulat na napaharap ako sa aking likuran habang naghuhugas ng mga plato nang may yumakap sa aking baywang mula roon.
"Roy!" gulat pa na sambit ko ngunit kalaunan ay huminahon din.
Tinawanan lang niya ako at tinanggal na ang pagkakapulupot ng kaniyang mga braso sa aking baywang.
Nitong mga nakaraan na araw ay ganito na siya kung umasta sa paligid ko lalo na kung wala ang kaniyang asawa ay nasanay na ang din ako. Si Ate Anne na siyang pinagkakautangan ko ng loob dahil kung hindi dahil sa kaniya ay baka hanggang ngayon ay nasa bahay ampunan pa rin ako.
Nang dahil na rin sa edad namin na hindi nagkakalayo at sobra naman talaga ang effort na ginagawa nang mapunta siya rito sa bahay nila Ate Anne ay naging ganito na kami ka-close. Ika nga ni Ate Anne ay ituring ko na lang sila na parang pamilya lalo na ang bago niyang asawa at iyon nga ay si Roy. Na kahit ituring ko na lang na kuya ko katulad ng nais niya na ituring ko sa kaniya bilang nakakatandang kapatid sa akin.
Mabait si Roy. Malambing din siya lalo na kay Ate Anne na siyang asawa niya kaya naman ay hindi na rin naninibago pa ang lahat sa tuwing may nilalambing si Roy kaso nga lang ay aking ipinagtataka kung bakit parang nitong mga nakaraan na araw ay sumosobra. Sadyang hindi lang ako sanay na may ganito o yayakap siya dahil hindi naman umabot sa ganito ang mga kilos niya noon. Walang lalaki ni isa ang nakahawak o nakayakap sa akin bukod sa kaniya.
Inosente siya na ngumiti sa akin. Napakalaki noon at talaga naman na hindi mo aakalain na minsan ay may kasungitan din na taglay.
"May kanin pa tayo?" tanong niya.
"Gutom ka pa?" tanong ko rin.
Kakakain lang namin kani-kanina. Ang mag-iina ay nasa trabaho at paaralan. Kaming dalawa lagi ang siyang naiiwan dito sa bahay.
Katatapos lang gr-um-aduate ni Roy sa kolehiyo at sa kasalukuyan ay hinahayaan muna siya ng asawa niya na magpahinga muna sa ngayon bago siya isama sa kumpaniya upang maturuan.
Graduating na rin siguro ako sa kolehiyo kung nag-aaral lang ako subalit dahil na rin sa kahirapan ng buhay at mas kailangan ko buhayin ang sarili ko ay pumasok na lang ako bilang tagapag-alaga ng mga bata na kalaunan din ay naging isang kasambahay na.
Minsan nga ay napapaisip din ako kung bakit pinakasalan ito ng amo ko dahil na rin sa sobrang layo ng pagitan ng kanilang mga edad. Kung titingnan ay para na lamang niya itong anak.
"Hindi naman," sagot niya.
"Mayroon pa yata kanin doon kaso wala ng ulam," sabi ko at muling ipinagpatuloy na ang paghuhugas ng mga plato.
"Kakain ka?" tanong niya muli pero umiling na ako. Busog pa ako.
"Dito ka lang aasikasuhin ko lang mga labahan sa labas," paalam ko nang tuluyan na matapos.
"Oh? Tulungan na kita," alok niya pa.
"Hindi na! Hindi na naman ako matatapos. Dito ka na lang!" ani ko.
Huling paglalaba ko ay mas tumagal lang kami dahil sa kakadaldal niya tapos hindi pa nakukuntento at pinahihinto pa ako para lang tutukan ang mga kwento niya sa buhay.
"Bakit naman hindi," natatawa na aniya habang sumusunod sa akin.
"Kumain ka na rito. May pagkain pa riyan," ani ko.
"Pagsandok mo ako," aniya.
Tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay ko ngunit mas tinaasan lang din niya ako ng kaniyang mga kilay.
Buntonghininga na bumalik ako at pinagsandok siya. Alam ko naman na sila ang amo ko pero hindi naman kasi siya baldado na hindi makakilos.
"Pagluto mo rin ako ng itlog ah," utos pa niya.
"Eh kung ikaw na kaya ang magluto?" asar na sambit ko.
"Oh, bakit ako? Hindi naman ako marunong sa gawaing kusina," sabi pa niya.
"Tamad kasi," bubulong-bulong na sabi ko bago kumuha ng itlog sa ref at nang mailuto na iyon.
Pinagluto ko lang siya ng itlog tapos bacon at saka ko siya iniwan doon sa loob para maaga na rin na matapos.
"Hoy Ina!"
"Ano na naman?!" Hindi na matigil.
Binalingan ko siya muli sa pagkakatuwad upang kumuha ng mga damit sa basket.
Isinasampay ko na ang iilan sa mga damit na natapos na. Isa pa sa nakatulong sa akin ay itong washing machine na 'to. Napakadaling gamitin kaya naman ay hindi rin ako pagod na pagod kapag laundry day.
"Ina ng tahanan," natatawa na dadag niya.
"Tigilan mo nga ako Roy."
Sinamaan ko siya ng tingin nang hawakan niya ang mga kamay ko na naging dahilan upang matigil ako sa pagkuha ng mga damit.
"Mamaya ka na manggulo, parang-awa mo na," sabi ko at pilit na kinukuha sa kaniya ang mga kamay ko ngunit mas hinigpitan lang niya iyon habang sinisipat-sipat.
"Kaya siguro walang nagkakagusto sa'yo kasi magaspang 'yang kamay mo," sabi niya.
Nagtitimpi na tumingin ako sa kaniya na siya namang nakatungo.
"Ang ibig-sabihin lang niyan masipag ako at maraming gawa sa bahay. Hindi katulad ng iyo na sobrang lambot na halatang tamad at hindi tumutulong sa mga gawaing bahay!"
Nangingisi lang siya na tumingin sa akin. "Gusto mo ako na lang gagawa sa mga trabaho mo para may magawa na ako pero may kapalit," aniya.
"Ano?" tanong ko kahit na alam ko rin na pagti-trip-an lang ako ng lalaki na ito.
"Siyempre ako ang pagsisilbihan mo at saka kapag may inutos ako dapat walang angal," aniya.
"Ang kapal mo naman. Hindi lang ikaw ang nagpapasahod sa akin," sabi ko at malakas na kinuha ang aking mga kamay sa kaniya.
Natatawa siya na umupo at kumuha ng damit upang ibigay iyon sa akin. Kunot naman ang aking noo na kinuha iyon sa kaniya upang isampay na.
"Pero alam mo maganda ka naman kaso hindi ka lang palaayos," maya-maya'y pag-iingay na naman niya.
"Compliment ba 'yan?" tanong ko.
"Masipag ka rin naman. Wife material," dagdag niya. "Kung wala lang akong asawa baka ikaw pa asawahin ko."
"Sira," natatawa na ani ko. "Isumbong kaya kita kay Ate Anne," sabi ko.
"What if wala akong asawa. Magugustuhan mo ako?" tanong niya.
Salubong ang aking mga kilay na tinitingnan siya na seryoso lang din nakatingin sa akin. Sinasalubong ang aking mga mata.
"Hindi," sagot ko kalaunan at iniwan siya roon upang ilabas naman ang iba pang mga damit na katatapos lang umikot.
"Choosy mo naman! Akala mo sobrang ganda!" malakas na aniya.
"Wala akong sinabi na maganda ako! Ikaw pa nga may sabi noon!" sabi ko naman.
May binubulong-bulong pa siya ngunit hindi ko na rin naman naintindihan pa. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras na tanungin siya. Mas gusto ko matapos ng maaga rito sa mga labahan ko at nang makapaglinis naman sa loob kahit na wala naman gaanong lilinisin doon.
Matapos namin magsampay ay pumasok na rin kami sa loob.
"May lagnat ka ba?" tanong ko sa kaniya nang kinuha niya ang mop at doon niya iyon ginamit sa sahig.
Nagpupunas kasi ako ng mga vase pa lang. Mas inuuna ko na ito para mamaya ang mga alikabok kung sakali ay matanggal sa sahig.
Bihira rin kasi siya tumulong. Mas gusto lang niya umupo habang pinanunuod ako.
"Ayaw mo?" tanong niya.
"Hindi naman," sabi ko. "Ituloy mo na," sabi ko.
"Ano'ng mga tipo mo sa lalaki?" tanong niya muli.
"Ako?"
"Hindi, Ina. Ako. Ano ba 'yung tipo ko sa mga lalaki?" sarkastikong pagkausap niya sa kaniyang sarili.
"Unang-una masipag," sabi ko. "Kung hindi masipag ang isang lalaki... baka hindi niya kami kayang buhayin ng magiging anak niya kung sakali."
"A-anak?" medyo utal pa na tanong niya.
"Oo, anak. Ano ba ang sense kapag naghanap ka ng partner kung hindi diretso sa pagpapamilya 'di ba? Ayaw ko naman na mage-entertain ako tapos hindi naman pala pang-long term," sabi ko.
"I see," aniya.
Nagkibit-balikat lang ako nang hindi naman na siya nagsalita pa at tahimik na ginawa ang pagpupunas ng sahig.
Nang matapos ako sa mga pinupunasan ko ay lumipat naman ako sa hagdan upang iyon naman ang aking isunod.
"Pupunasan mo isa-isa 'yan?" tanong niya.
"Oo?" patanong din na sagot ko.
Nagugulat ako nang bigla na lang niya ako hilain patayo. Mabuti kamo at nasa isang palapag pa lang kami ng hagdan!
Nanlalaki ang mga mata na tinulak ko siya nang maramdaman ang pagdikit ng dibdib ko sa kaniya dahil sa sobrang lapit.
Hindi ko iyon pinahalata bagkus ay kalmado ako na lumayo sa kaniya.
"Ano na naman trip 'yan?" sabi ko.
"Pwede naman kasi i-mop bakit pupunasan pa isa-isa?" aniya at saka niya iyon sinimulan na punasan.
"Hindi ka pa kaya tapos magpunas doon," puna ko habang nakaturo sa pinupunasan niya kanina.
Hindi pa nga niya nakakalahati 'yung salas!
"Tapos na," sabi niya.
"Hindi pa!"
"Tapos na nga," pagpupumilit pa niya. "Babalikan ko naman mamaya," sabi niya nang masama na talaga ang tingin na ibinaling ko sa kaniya.
Kung dalawa 'yung mop ay ako na tatapos doon kaso isa lang ay ayaw pa niya ibigay nang kuhanin ko sa kaniya.
"Ano'ng gusto mong ulam?" tanong ko sa kaniya.
"Kahit ano," aniya.
"Kahit tuyo?"
"Kumakain ako ng kahit ano basta luto mo," aniya at kumindat pa sa akin ng bahagya.
Asta na ibabato ko sa kaniya ang basahan nang umilag siya kaagad. Nginiwian ko lang siya at ibinaba ang kamay bago siya tinalikuran upang lumakad na patungo sa kusina.
Napapainat na ipinasok ko sa banyo ang basahan at saka muling lumabas nang matapos iyon na labhan.
Dapat ay nasa school ako ngayon at kasama ang magkapatid ngunit hindi na rin muna ako pinasama ni Ate Anne kaya ang ending ay ang driver lang ang naroon at siya ang gumagawa ng gawain ko dapat.
Iniwan ko na na muna nakalaga ang manok doon at saka ako lumabas. Sobra 'yung init.
"Aray ko naman!" sabi ko nang pasalubong na binato sa akin ni Roy ang panyo.
"Magpunas ka ng pawis mo," aniya.
"Pwede naman iabot ng maayos 'di ba?" sarkastikong ani ko at ipinunas sa akin ang panyo.
Inamoy ko pa iyon ng bahagya baka kasi may kung ano na naman siya na nilagay.
"Mabango pawis ko ah," aniya.
Kagat ang ibabang labi na napapakurap ako habang tinitingnan siya. Nagtitimpi. Mabuti sana kung sobrang haba ng pasensiya ko kaso hindi at mas lalong umiiksi kapag siya na ang kausap ko.
Binato ko iyon sa kaniya na siya naman na tatawa-tawa na sinalo.
"Letse ka talaga," sabi ko.
"Arte. Inaamoy mo nga mga damit ko bago mo labhan," pang-aasar pa niya.
"Ang kapal mo naman," ani ko.
"Sabihin mong hindi totoo," aniya.
"Hindi. Kahit palagyan mo pa ng CCTV itong buong bahay niyo kahit kailan hindi ko inaamoy ang mga damit mo. At isa pa ay bakit ko naman aamuyin? Ayaw ko pa mamamatay!" sabi ko at iniwan na siya roon.
Dear readers,As we reach the final pages of this book, I want to take a moment to express my heartfelt gratitude to each and every one of you for embarking on this journey with Dianna and Roy. Your presence and support have meant the world to me.Together, we've laughed, cried, and experienced the ups and downs of their story. It's been an incredible adventure, and I hope you've found some inspiration, joy, or solace within these pages.Though this may be the end of their tale, it's not goodbye forever. Characters and stories have a way of staying with us, tucked in the corners of our hearts. I encourage you to carry Dianna and Roy's adventures with you, and may their memories continue to inspire your own.Thank you, dear readers, for being a part of this wonderful journey. I look forward to sharing more stories with you in the future.With gratitude and warm regards,Jeadaya_Kiya18
ROY POV I hugged Ina from her back. "You should've asked me first what I want to eat," nakanguso na bulong ko.Natigilan siya sa pagpiprito ng bacon. "Ayaw mo ba nito?" alanganin na tanong niya. "Ano ba gusto mo?"Nakapikit na hinalikan ko ang gilid ng leeg niya. I can't help but to get addicted to it."Meat," maikling sagot ko. "Your meat down there," pang-iinis ko sa kaniya."Gusto mo?" tanong niya dahilan upang ako naman ang matigilan."Don't tease me like that, Ina," usal ko. Gigil ko na pinugpog ng halik ang balikat niya at saka ibinaon ang aking mukha sa leeg niya.She's in her month of giving birth and she know na hindi ko siya magagalaw kahit na asarin niya ako dahil delikado para sa baby na nasa sinapupunan niya.Natatawa na pinatay niya ang stove at saka inilipat ang mga niluto niya sa pinggan. Nakayakap lang ako sa kaniya hanggang sa maibaba niya sa lamesa ang mga hawak.Nakangiti siya nang balingan niya ako at pinatakan ng halik sa labi ko. Hinayaan ko siya ngunit ako rin
I was blaming myself after that confrontation between me and Ina. I didn't know that about her. Days and weeks have passed pero hindi ko nagawang pumasok muna. I was bawling my eyes out. I don't know how should I feel after knowing what happened to her. I didn't have any strength to face her but still, I collected myself and had the courage to face her. There's no way that she will get away from me now. And by that, I saw myself waiting for her. I am always in front of Carl's building after running out of excuses to appoint a meeting with him. I have hope that we can still fix all of this but knowing the news that they will be marrying each other soon makes my hope shattered into pieces. I don't know how hopeless I am while in front of Carl. I was bawling my eyes out again while asking for him to give up Ina. I even got down on my knees if that can make him give Ina back to me. I brainwashed him, I made him guilty, I made him feel the worst thing that he could feel just so I could
"May balita na sa pinapahanap mo. Right now, she's with Carl Uy, a businessman, and his company is not that far from yours. Currently, she's a secretary," balita niya. How great it would be. I am much very close to Carl because we are business partner. After hearing that news nakita ko na lang ang sarili ko na pumpupunta sa company ni Carl kahit na wala naman akong gagawin. "Napadalaw ka?" salubong sa akin ni Carl. Except from being a business partner, tinuturing din namin ang isa't-isa bilang magkaibigan and that really help me. "Boring sa company," sabi ko. I was looking for Ina but I don't see her anywhere. I even asked Eduard kung si Ina ba talaga ang nakita niya but he simply answered me that he's a hundred percent sure about it. I was about to go one afternoon when I saw her sa building. Sinubukan ko... Sinubukan ko na hindi siya lapitan at magkunwari na hindi ko alam na nandito siya at hahayaan na lapitan niya ako pero hindi nangyari iyon dahil napakahirap kuhanin ng aten
Tahimik ko na pinagmasdan si Anne na abala sa ginagawa niya. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?" pag-aagaw ko sa atensiyon niya. Busy siya at wala ng time sa amin ng mga anak niya, especially sa akin. "Roy, come on. I told you not now. I am doing a lot of things right now and I can't afford to lose even a second. Understand me, please." Nagbuntonghininga ako at saka ibinagsak ang katawan sa higaan. We have been like that for three consecutive months now. I missed her so damn much. I miss being with her. "Anne, I am done with this. Para akong isang bagay na kapag ayaw mo ay ayaw mo. Saka mo lang makikita na nandito ako kapag gusto mo magpainit ng katawan. Iyon lang ba ang purpose ko?" hindi maiwasan na tanong ko sa kaniya. Binalingan niya ako. "What?" natatawang aniya. "Roy, I said I am busy! Ano bang sinasabi mo?" "Bakit, hindi ba totoo?" tanong ko. "Lalapitan mo lang ako kapag gusto mo magpainit ng katawan." "Stop being petty! Let me finish all of this and I promise to be wi
Tahimik ako na nakatanaw sa kabukiran nang yakapin ako ni Roy mula sa likod.Tipid ako na napangiti at saka itinagilid ang ulo ko upang bigyan siya ng espasiyo sa kabilang balikat ko."Anong iniisip mo?" tanong niya.Bahagya ako na nagbuntonghininga. "Sumagi sa isip ko si Lily at Andrei," pag-amin ko.Kahit na sobrang saya ko dahil nasa kulungan na si Ate Anne at alam ko hindi na niya kami magagalaw pa ay hindi ko rin maiwasan na isipin kung ano na ang mangyayari sa magkapatid.Iniisip ko kung gaganti ba sila sa akin at dapat hindi ako maging panatag na mamuhay ng payapa o kaawaan ko dapat silang dalawa dahil inilayo ko ang ina nila sa kanila."They are both grown-ups," aniya.Umiling ako. "Not really. Lily is still on his early twenties and Andrei is still teenager. Hindi pa nila kayang tumayo sa sarili nila—""Lily is more mature than ever. I know she can handle herself and his brother.""Paano kung sila naman ang gumanti sa ginawa natin sa ina nila?" hindi maiwasan na tanong ko.Na