CHAPTER 20 3RD POV “A-aalis ka Yaya?” Malungkot na wika sa kanya ni Ariel. “’Wag kang mag-alala, babalik naman ako kapag na-ayos na ang problema namin sa bahay.” Sagot niya rito, habang nakikita niya ang paglalandas ng mga luha nito. “Pwede bang ‘wag kang umiyak, pinapangako ko naman na babalik ako..” “Ayoko Yaya! Gusto ko nandito ka lang..” Sagot sa kanya ni Ariel, habang mahigpit siya nitong niyakap. “Ariel, sana maintindihan mo ako, kailangan din ako ng pamilya ko.” Pagsisinungaling niya rito, habang nag-angat ito nang mukha at tumingin sa kanya. “Pinapangako ko, babalik ako, babalikan kita at muling aalagaan.” Muling wika niya, habang pinunasan ang mga luha nito sa pisngi. “Pangako Yaya..” Malungkot na sagot nito sa kanya. “Oo Ariel, babalik ako pangako.” Sagot niya at mahigpit itong niyakap. Nang bitawan siya ni Ariel ay agad na siyang umalis, ayaw niyang magbago ang isip nito, at ayaw niya rin na magbago ang isip niya, lalo na at ayaw niyang iwan si Ariel. Pero kailang
CHAPTER 19 3RD POV “I-inuutusan?” Utal na tanong niya rito. ‘Kainis! Bakit ba naging ganito ang isip niya? Akala ko pa naman isip bata talaga siya?’ “Ariel, masyado ka pang bata para d’yan, dapat hindi ganyan ang iniisip mo. Mas unahin mo ang pag-aaral mo.” “Yaya, hindi mo ba alam na nineteen na ako.” Sagot nito sa kanya. “At naisip ko na hindi na ako bata, alam mo bang ganun din ang ginawa ko noon kay Jeff, hinanap ko rin siya.” “Anong hinanap?” “Kasi bigla rin siyang nawala, kaya hinanap ko siya at pinabalik dito, kahit alam ko na may girlfriend na siya.” Napapikit siya sa kanyang mga mata, dahil sa sagot nito sa kanya. “Alam mo bang matanda na ang lalaking nagustuhan mo?” Wika niya, habang taka itong napatingin sa kanya. “Anong matanda Yaya?” “Ang ibig kung sabihin, mas malaki ang edad niya, kaysa sa ‘yo. Parang ka-edad nga lang niya ang mga kuya mo.” Sagot niya, habang napatitig ito sa kanya. “Paano mo ‘yon nalaman Yaya? Kilala mo ba siya?” Natigilan siya, dahil sa tan
CHAPTER 18 3RD POV Taka siyang napatingin sa pinamili ni Ariel, dahil halos punuin na nito ang likod ng kotse. “Ano ang gagawin mo r’yan?” Tanong niya, nang makapsok sila sa loob ng kotse. “Ibibigay ko ‘to.” Napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa sagot nito sa kanya. “Ibibigay? Kanino mo naman ‘yan ibigay?” “Basta Yaya, baka kasi sabihin mo sa kanya.” Ngiting wika nito sa kanya. Nang makarating sa paaralan ay agad nitong pinababa ni Ariel ang pinamili nito. “Kayo na ang bahala na magbigay r’yan.” Narinig niyang utos nito sa mga tauhan nito. “Sandali nga, para kanino ba ‘yan?” Tanong niya rito. “Sa kapatid ni Edward, Yaya.” Natigilan siya dahil sa sagot nito sa kanya. “A-ano ang ibig mong sabihin?” Gusto kung ibigay sa kanya lahat ‘yan at ang iba naman d’yan ay kay Edward. Ang sabi kasi ng tauhan ko nandito si Edward, Yaya.” Ngiting wika nito sa kanya. Bigla naman siyang kinabahan, dahil sa sinabi nito. Ang akala niya ay hindi ito seryoso sa sinabi nito sa kanya, pero mali pal
CHAPTER 17 3RD POV “P-paano mo siya nakilala?” Taka na tanong niya rito. “Noong una, natakot ako sa kanya Yaya, pero noong naalala ko ang ginawa niya, ang bawat hali-.” “Tama na.” Wika niya, habang taka itong napatingin sa kanya. “Dapat mong kalimutan ang nangyari, dahil bunga lang ‘yon ng kalasingan.” Muling wika niya rito. “Hindi kaba natatakot sa taong ‘yon? Hindi mo siya kilala.” “Yaya, naalala ko siya. Siya ‘yong lalaking nag-bigay sa akin ng pagkain doon sa airport.” “Basta, kalimutan mo ang taong yon, hindi siya karapat-dapat sa ‘yo.” “Hindi pwede Yaya, kailangan ko siyang hanapin.” “Ariel, pwede bang makinig ka sa akin, gusto mo bang mawala ako?” Muling napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ano ang ibig mong sabihin Yaya?” “Kapag ipagpipilitan mong hanapin ang taong ‘yon, posible na magalit sa akin ang lola mo. Dahil isipin niyang hindi kita nagabayan ng maayos.” Wika niya, habang napansin niyang natigilan ito. “Kaya sana, makinig ka sa akin,
CHAPTER 16 3RD POV “Yaya, phone mo ba ang tumutunog?” Tanong sa kanya ni Ariel, kaya napatingin siya sa kanyang phone. Hindi niya kasi napansin na tumunog ito, dahil ang atensyon niya ay naroon lamang kay Ariel. Bigla naman siyang kinabahan nang makitang si Katya ang tumawag. Hindi niya kasi napansin na iba ang phone na nakuha niya kanina. “Dito ka muna, sasagutin ko lang ang Nanay ko.” Pagsisinungaling niya rito. Tumango naman ito kaya agad siyang lumayo kay Ariel. Napatingin muna siya sa paligid, bago niya sinagot ang tawag ni Katya. “Bakit ka tumawag? Anong kailangan mo?” Tanong niya, matapos niyang sagutin ang tawag nito. “Gusto ko lang humingi ng tawad sa ‘yo Edward. Maniwala ka, hindi ko talaga alam na ganun ang plano ng Daddy ko.” Wika nito, habang na-pahinga siya nang malalim. Habang naisip ang sinabi sa kanya ni Ariel. “Ayos lang ‘yon, kalimutan mo na ‘yon.” Sagot niya rito. “Kung ganun, ayos na tayo?” Natigilan siya, dahil sa tanong nito sa kanya. “Anong ibig mong s
CHAPTER 15 3RD POV “Yaya..” Iyak nitong sambit nang makita siya. Yayakapin na sana siya ni Ariel, pero mabilis siyang umiwas dito. Bakas naman sa mukha nito ang pagtataka, habang napatingin ito sa kanya. “Galit kaba sa akin Yaya? Ayaw mo na ba sa akin, bilang alaga mo?” Hikbing tanong nito sa kanya, habang hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Gulong-gulo kasi ang kanyang isipan at natatakot siyang hawakan si Ariel, dahil sa naalala niya ang kagaguhan na ginawa niya rito. “Hindi ako galit sa ‘yo..” Sagot niya habang hindi napigilan na mapaluha. ‘Kun’di galit ako sa sarili ko Ariel.’ Ito ang gusto niyang sabihin sa dalaga, pero nauunahan siya sa takot, dahil sa oras na malaman nito ang totoo. Alam niyang hindi siya mapapatawad ni Ariel. “Gusto mo na rin bang umalis katulad ng iba?” Wika nito, habang pinunasan nito ang mga luha. Hindi niya naman napigilan ang sarili niya na lapitan si Ariel at siya na mismo ang nagpunas sa mga luha nito. “Patawad Ariel..” Hinging tawad niy