Share

Chapter 29

Penulis: NewAuthor
last update Terakhir Diperbarui: 2023-07-10 14:20:29

Amber Pov

Katatapos ko pa lamang magbihis dahil katatapos ko lang din maligo nang may kumatok sa pintuan ng aming silid. Malakas at tila galit ang paraan ng pagkatok kaya natitiyak ko na hindi si Phil ang nasa labas. At isa pa, hindi na siya kakatok sa pintuan kundi papasok na lamang. Kung ang mga maid naman na kasundo ko ang nasa labas ay hindi sila kakatok ng ganyan. Kaya dalawang tao lamang ang naiisip ko na posibleng nasa labas ng pintuan. Kung hindi si Tita Aloha ay si Karen. Ibinaba ko muna ang hawak kong suklay sa ibaba ng aking dressing table bago ko binuksan ang pintuan. At tama nga ang nasa isip ko dahil si Karen ang nakita kong nasa labas at naghihintay na pagbuksan ko ng pintuan.

"Ano ang kailangan mo?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Tumayo ako sa gitna ng pintuan dahil wala akong balak na papasukin siya sa loob. Itinulak ako ni Karen papasok sa silid. Mabuti na lamang mabilis ajong nakahawak sa doorknob kaya hindi ako natumba. Mukhang gulo ang hanap ng babaeng
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Calvero Cristina
nice I like the story
goodnovel comment avatar
Donna H. Dimayuga
109 chapter ito..medyu mahab haba din..sana lng wala masyado hanassshhh..
goodnovel comment avatar
Donna H. Dimayuga
hangang chapter 109 po ito..medyu mahaba haba din kaya not sure kung matatapus ko din ang story na ito..ayaw ko din ng masyado mahaba..75 chapter ks enouh na..wala masyado hanassssshhhh
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Naughty Young Wife (Filipino)   Chapter 109

    Amber PovNamutawi sa aking mga labi ang mahinang ungol habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Napangiwi ako nang maramdaman ko na masakit ang aking bahagi ng aking ulo kung saan ay walang pag-aalinlangan na pinukpok ako ng baril nang isa sa tatlong lalaking kumidnap sa akin. Akmang hihimasin ko ang aking batok ngunit hindi iyon natuloy nang matuklasan ko na nakatali pala ang aking mga kamay at ganoon din ang aking mga paa. Talagang sinigurado nila na hindi ako makakatakas kahit na magtangka man akong tumakas.Mula sa pagkakahiga sa malamig at maruming semento ay pinilit kong bumangon kahit makaupo man lang. Nang magtagumpay akong makaupo ay agad kong iginala sa aking paligid ang aking mga paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa aking likuran ang walang malay na si Lolo Fidel."Lolo Fidel! Wake up!" medyo malakas ang boses ang ginawa kong panggigising sa kanya para mabilis siyang magising. Agad naman itong nagmulat ng mga mata at napakunot ang noo nang makitang naroon d

  • My Naughty Young Wife (Filipino)   Chapter 108

    Phil PovNasa loob ulit ako ng bar ni Alex at umiinom ng alak. But this time, hindi na ako nagbabasag ng bote sa halip ay tahimik lamang akong umiinom. Today is Amber and Jared's wedding kaya ako umiinom ng alak kahit na umagang-umaga. Sarado naman ang bar ng kaibigan ko dahil mamaya pang hapon ang opening ng bar niya kaya mag-isa lamang akong customer sa loob.Mabigat na mabigat ang dibdib ko sa ideyang ikakasal ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Ngunit kasalanan ko ang lahat kaya nararapat lamang sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon."Sa halip na maglasing ka ay bakit hindi ka tumakbo papunta sa simbahan at pigilan ang kasal nina Amber at Jared? Kapag hinayaan mo silang ikasal ngayon ay habam-buhay mo itong pagsisisihan, Phil," payo sa akin ni Alex nang lapitan niya ako. Alam ko na pinoproblema niya ngayon si Mildy ngunit heto at inaalala pa niya ako kaysa ang sarili niyang problema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa makikipagbalikan si Mildy sa kanya magmula nang makipag-b

  • My Naughty Young Wife (Filipino)   Chapter 107

    Amber PovIsang huling sulyap sa apartment ni Mildy ang ginawa ko bago ako tuluyang naglakad palabas ng gate. Malaki ang naitulong sa akin ng apartment na ito. Ito ang naging tahanan ko ng ilang taon. At magmula mamayang gabi ay hindi na ako matitulog sa apartment na ito dahil sa bahay n ni Jared ako titira pagkatapos ng aming kasal."Sigurado ka ba talag sa desisyon mong magpakasal kay Jared, Amber? Natitiyak ka ba na hindi mo ito pagsisisihan balang araw?" tanong sa akin ni Mildy nang makapasok kami sa knyang kotse. Ang kotse niya kasi ang ginawa kong bridal car na maghahatid sa akin papunta sa simbahan kung saan naghihintay sa akin si Jared."Sa tingin mo ay hindi ako seryoso gayong nakasuot na nga ako ng wedding dress t papunta na sa simbahan para magpakasal?" naiiling na sagot ko sa kanya."Paano kung bigoang dumating si Phil sa simbahan at tumutol sa kasal mo kay Jared? Ano ang gagawin mo, Amber?" seryoso pa rin ang mukha na tanong niya sa akin.Huminga muna ako ng malalim bago

  • My Naughty Young Wife (Filipino)   Chapter 106

    Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad pumasok sa aking isip ang kalagayan ng aking anak. Mabilis kong kinapa ang tiyan ko at dinama kong may laman pa ba itong bata. Nakadama ako ng matinding pag-aalala para sa baby ko nang maalala ko na bigla akong dinugo habang pinipilit akong ipasok ni Phil sa kanyang kotse. Kapag may mangyaring masama sa baby ko ay hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit na kailan."Buntis ka pala. Sino ang ama ng dinadala mo?" Napatingin ako sa aking right side nang marinig ko ang malamig na boses ni Phil. Sa sobrang pag-aalala ko sa magiging anak ko ay hindi ko napansin ang kanyang presensiya sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko.Nang tingnan ko ang mukha ni Phil ay blangko ang expression ng kanyang mukha. Ngunit kahit hindi ko makita sa mukha niya kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang natuklasan ay dama ko naman sa kanyang tinig ang galit. Marahil ay iniisip niyang anak ko kay Jared ng bata sa tiyan ko at hindi galing sa kanya.Mas maganda nga na iyo

  • My Naughty Young Wife (Filipino)   Chapter 105

    Amber PovHindi ako makapaniwala mtapos kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ng aking ama. Inamin niya sa akin ang lahat at wala siyang itinago. Natatakot daw siya na baka bigla na lamang siyang maglaho sa mundo't maisama niya sa hukay ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Phil. Inamin niya sa akin kung paano ang ginawa nila para isipin ng lahat na patay na siya.Ayon sa kuwento ng aking ama ay sa loob palang ng kotse ay parehong malalim na raw ang tulog ng kanyang mga boss dahil may halong gamot pampatulog ang kape na ipinainom niya sa kanila bago sila lumulan sa kotse. Dinala niya papunta sa lugar kung saan niya isasagawa ang planong pagpatay sa mag-asawang boss niya. Sa lugar kung saan madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan. At sa lugar din daw na iyon ay may malaking truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada na siyang gagamitin niya para sadyaing banggain ang kotse ng kanyang boss habang nasa loob ang mga ito para isipin ng lahat na isang a

  • My Naughty Young Wife (Filipino)   Chapter 104

    Amber Pov"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Phil," sabi ko kay Phil. Para kasi akong biglang nabingi sa kanyang sinabi sa akin."Ang sabi ko, ANG AMA MO ANG PUMATAY SA AKING AMA!" mariing ulit niya sa sinabi niya. Binigyang diin pa niya ang mga salitang hindi ko paniniwalaan.Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako papayag na pagsalitaan at pag-isipan niya ng masama ang aking ama."Hindi mamamatay tao nag Dad ko, Phil! Kaya kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lamang!" sigaw ko sa kanya. Lalong dumilim ang mukha ni Phil nang hindi ko pinaniwalaan ang kanyang mga sinabi. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mariin ang isa kong braso."Bakit, Amber? Nasasaktan ka ba dahil sinasabi kong mamamatay tao ang ama mo? Paano naman ako? Hindi ba ako nasaktan nang pinatay niya ang mga magulang ko?" nanlilisik sa galit ang mga matang tanong niya sa akin.Akmang ibubuka ko ang aking bibig para kontrahin ang kanyang sinabi ngunit hindi iyon natuloy dahil biglang sumakit a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status