Share

Chapter 35

Amber Pov

Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng matamis habang pinupunasan ko ng basang bimpo ang mga braso ni Lolo Fidel. Magmula kasi kanina ay ilang beses na niya akong pinuri. Napakasuwerte raw ng kanyang apo dahil ako ang napangawa niya. Mabait daw ako, maganda, at higit sa lahat maalaga pa.

"Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin na talagang napakasuwerte ng apo at ikaw ang napangasawa niya?" tanong ni Lolo Fidel nang makita niyang natawa at napailing ako nang muli niya akong pinuri.

"Lolo, ilang beses mo nang sinabi sa akin iyan kaya sa tingin mo ba ay hindi pa ako naniniwala sa sinasabi ninyo? Halos malunod na nga ako sa papuri ninyo kaya imposibleng hindi ako maniwala sa sinasabi mo," natatawang sagot ko sa kanya. Tumayo ako at binanlawan ang bimpo sa maliit na palanggana na may maligamgam na tubig. Sumakit kasi ang tuhod ni Lolo at hindi siya makatayo kaya pinunasan ko na lamang siya ng bimpo na may maligamgam na tubig para naman hindi siya lamigin.

"Kapag hiniwalayan ka niya a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Donna Jean DelaCruz DeLuna
ganda Ng kuwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status