Ipinagpatuloy niya ang trabahong ginagawa."Three thousand, five hundred eighty-five po,"aniya habang inaabot ang bill ng isang customer. Ni hindi na niya ito pinag-aksayahan pang tingnan man lang. Iniabot naman nito ang isang card. Akma na niya iyong isuswipe nang mahagip ng kanyang mata ang pangalang nakasulat doon.Archer Calex Saavedra!Sa 'di malamang dahilan, bigla siyang nakaramdam ng kaba. Pakiramdam pa nga niya ay nanlamig ang kanyang mga kamay. Napalunok muna siya bago nag-angat ng tingin sa may-ari ng credit card na iyon. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makumpirma niyang ang lalaking nagnakaw sa kanya ng halik kahapon ang may-ari niyon. Mas nailang pa siya nang makita ang ginagawa nitong pagtitig sa kanya—animo'y pinag-aaralan nito ang bawat sulok ng kanyang mukha.Bigla siyang napakurap at naipilig ang sariling ulo nang makita ang unti-unti nitong pagngiti. Ngiting may kasamang pang-aasar iyon sa kanya. May kung anong inis ang bumangon sa kanyang dibd
“Pesteng yawa ka! Ambot sa imo! Pumutok sana at makagat ng mga pulang langgam yang nguso mo!”Muli ay nanggigil niyang sigaw dito, saka nagmamadaling tinalikuran ang binatang kunot na ang noo dahil hindi nito maintindihan ang kanyang mga sinabi.Nang marating niya ang kanilang bahay, ay saglit siyang huminto sa maliit nilang bakuran. Inis niyang sinipa ang isang paso ng bulaklak doon, dala ng galit na nararamdaman niya para sa binata.“Ah! Hinayupak na Tarzan na 'yon! Kulang na lang, kainin ng buo ang aking labi!”Aniya sa sarili. Dala ng init ng kanyang damdamin, hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya ang kanyang ina.“Hoy, Felicie! Ano bang nangyayari sa 'yo, bata ka?”Anang kanyang inang si Aling Emma na may pagtataka sa mukha. Bigla siyang napatingin sa ina. Paano ba niya sasabihin kay Inay Emma na ninakawan siya ng halik ng anak ni Don Elias?Anak ni Don Elias na magiging asawa niya... dahil pumayag siyang makasal rito. Hindi pwedeng malaman 'yon ng kanyang mga magulan
Sobra-sobra ang panlalambot ng kanyang naramdaman dahil sa biglang ginawang pag-angkin ng binata sa kanyang labi. Ang labi niyang inosente sa gano'ng bagay. Pilit siyang kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Calex, ngunit bigo siya. Ni hindi nito iniinda ang ginagawa niyang pagtulak. Tila isa siyang bata dahil sa laki nito. Akma niya itong sisipain, ngunit naging mabilis ito sa pag-iwas. Agad nitong inapakan ang dalawa niyang paa, dahilan upang tuluyan na siyang hindi makagalaw.Napangiwi siya nang maramdaman ang bigat ng paa nitong nakapatong sa maliit niyang mga paa. Pakiramdam niya ay nangangapal na ang kanyang labi dahil sa walang humpay na paghalik na ginagawa ng binata roon.Kapwa habol nila ang paghinga nang pakawalan ng binata ang kanyang mga labi. Kahit hindi niya tinugon ang mga halik nito, may kakaiba siyang naramdaman doon. Pakiramdam na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya. Hindi niya maintindihan ang sarili.Nakangisi ang binata nang pakawalan nit
Itong lalaking ito na ubod ng sama ng ugali?! Ito ang lalaking ipapakasal sa kanya?! No way! “What? Itong nerd na ito? Seriously, Dad? Ang babaeng ito ang ipapakasal mo sa akin? No. I don’t like her. Ano na lang ang sasabihin ng mga kai—” “Hoy! Kung ayaw mo, mas lalong ayaw ko! Ayaw kong pakasalan ang kagaya mong punô ng yabang sa katawan!” putol at nanggagalaiti niyang sabi. Bwiset na lalaking ito. Kung makaayaw sa kanya, daig pa na may nakakahawa siyang sakit. Natahimik ang binata, pero naroroon pa rin ang matalim nitong pagtitig sa kanya. At wala siyang pakialam. “Don Elias… siya po ba?” Hindi na siya nakatiis. “Yes, iha. Siya nga. Siya ang papakasalan mo.” “Naku, Don Elias… hindi na po. Kung ‘yan lang din ang ipapakasal n’yo, baka po magliparan pa ang kaldero sa bahay.” Natawa si Don Elias sa kanyang sinabi. Tila aliw na aliw pa ito. “Mabuti kung gano’n, iha. At may balak ka pang sirain ang mga gamit ko sa bahay?” anang binata, hindi tumitingin sa kanya habang sinasabi iy
“Take a seat, iha,” anang Don nang nasa loob na sila ng mansyon. Nang makaupo, ay wala siyang sinayang na oras. Agad niyang kinausap ang Don. “Don Elias, tungkol po doon sa iniaalok n’yo—?” Aniya rito. Agad na napangiti ang Don sa kanyang sinabi. “Tinatanggap mo na ba, iha?” “K-Kung available pa po sana, Don Elias,” aniya, nahihiya pa. Ang totoo, ay kinakabahan at natatakot siya sa magiging kahihinatnan ng kanyang desisyon. “Pumapayag ka na bang magpakasal sa anak ko?” Muli, tanong nito habang nakangiti. Alanganing pagtango ang kanyang itinugon. Gagawin niya ito, hindi dahil sa pera o kung ano pa man. Gagawin niya ang pagpapakasal para mabawi ang lupa ng kanyang Itay—at higit sa lahat, para sa kanyang pamilya. “Tinatanggap ko na po, Don Elias. Wala naman po akong ibang mapagpipilian, eh. Ginigipit n’yo po ang pamilya ko,” aniya sa matandang Don, na malakas na tumawa sa kanyang huling sinabi. “I’m a businessman, iha. Nasa mundo ako ng negosyo. Kaya sana, maintindiha
Malalim na ang gabi, ngunit gising pa rin siya. Hindi siya dalawin ng antok. Matamang pinagmamasdan niya ang mga kapatid na kapwa mahimbing na ang pagtulog. Iniisip pa rin niya ang tungkol sa kanilang lupa. Alam niya kung gaano iyon kahalaga sa kanyang mga magulang—lalo na sa kanyang Itay. Dahil pamana pa ang lupang iyon ng kanyang mga namayapang Lolo at Lola. Isang mabigat na desisyon ang kanyang gagawin. Kailangang bukas na bukas ay makausap niyang muli si Don Elias. Labag man sa kanyang kalooban, ay kailangan niyang gawin. Alang-alang sa kanyang mahal na pamilya. Kinabukasan ay sinadya niyang maging maaga ang paggising. Tulad ng kanyang plano, kailangan niyang makausap si Don Elias tungkol sa lupa. Dumiretso siya sa kusina at naabutan niya roon ang kanyang inang nagluluto ng kanilang almusal. Ang kanyang tatlo pang kapatid ay mga kapwa nagsisipag-gayak sa pagpasok. "Magandang umaga po, Nay." "Magandang umaga naman, anak. Ang aga mo naman yatang gumising." Ani ng ka