Okay na sana eh...
XimenaSa dami ng sinabi niya, iisa lang ang tumimo sa isip ko: bakit nandyan si Natasha sa penthouse? Paulit-ulit ang tanong na ‘yon na hindi mapawi ng anumang paliwanag na binigay niya.Kalaban si Natasha, hindi niya pwedeng kantahin ngayon dahil iniisip niya na baka may ibang tao pa sa likod niya na mag-aambag o magpapadagsa ng problema. Gets ko ‘yon. Naiintindihan ko. Handa akong tumulong at umintindi sa anumang sitwasyong kakabit ng babaeng ‘yon. Pero bakit kailangan nandoon siya?Hindi sa pagiging sentimental pero napakalaking bagay sa akin ang lugar na 'yon. I considered it our love nest tapos may ibagn babae?“Baby…” sabi niya, tinig niya medyo mahina na parang sinusubukang pagaanin ang bagay.“Wag mo akong ma-baby, baby dyan!” nataas ang tono ko, at tumigas ang dibdib ko. “Alam mo ba na pwede ka niyang puntahan doon anumang oras? Pwede siyang pumasok, maghintay sa lobby, mag-stalk sa elevator, anuman. Hindi mo ba naiisip ‘yan?”Huminga siya ng malalim at parang pinipigil ang
Azael“Kung ano-ano ang sinasabi mo. Pero hindi mo alam na iba ang lumalabas sa bibig mo kaysa sa inaakto mo. Mahal mo ako, pero hindi mo ako kayang pagkatiwalaan. Hindi mo magawang maging honest sa akin.”Dama ko na hindi galit lang, kundi mabigat na disappointment. Ramdam ko ang bawat titik na tumatapik sa puso ko na parang ginigising ako sa pagkakahimbing.Tahimik ako saglit. Alam kong tama siya; alam kong may pagkukulang ako sa kanya. Naiintindihan ko ang himutok niya. Gusto ko ring maging lubos na tapat siya sa akin; ayaw kong may itinatago. Pero may hangganan ang bawat lihim, hindi lahat pwedeng ihagis nang basta-basta, lalo na kung may panganib na pwedeng magdulot ng mas malaking gulo.“Baby,” panimula ko, boses na medyo mas mababa kaysa dati. Humihigpit ako ng konti sa hawak niya, pero hindi masyadong umaalpas. “Believe me, I love you so much. Hindi ko maipapangako na hindi na kita masasaktan kailanman, kasi tao tayo at nagkakamali. Pero please, know na hindi ko gustong saktan
Azael “Tignan mo nga yang kamay mo!” inis na sabi ni Ximena, sabay mariing pag-ikot ng mata. Nasa loob na kami ng kwarto at kasalukuyan niyang tinatanggal ang benda sa kamay ko. Halata sa bawat galaw niya na worried siya pero ayaw niyang ipahalata, kaya mas pinalalabas niya na galit siya. Ako naman, pilit kong inaayos ang expression ko, pinipigilan ang pagngiwí kahit ramdam na ramdam ko ang hapdi. “Wala lang ‘to,” sagot ko, pilit na kalmado. I need to look strong, kahit ang totoo, gusto ko nang mapangiwi sa sakit. Bakit ba kasi napasuntok pa ako kanina sa gate nila? Ang tigas pa naman. “Baby, please,” bulong ko, medyo nagmamakaawa, “’wag mo na sanang ulitin ‘yung tungkol sa mga lalaking pwedeng magnasa sa’yo.” “Kasalanan ko pa ngayon?” mabilis niyang balik, sabay taas ng kilay na parang handang makipag-debate. Huminga ako ng malalim. Hindi ako pwedeng sumagot ng pabalang. Kakaayos lang namin, at ayokong bumalik sa dati. “Hindi naman ganun… kaya lang, nagseselos ako syempre. Ayaw ko
Azael Kabadong-kabado talaga ako, as in hindi ko maikakaila. Para akong may kung anong bato sa dibdib na ayaw gumaan. Nilakasan ko lang ang loob ko na dalhin siya dito, and yes, aminin ko na, sinamahan ko pa ng konting pananakot. Alam kong mali, pero paano kung hindi ko gawin? Sabihin na nilang sinamantala ko ang damdamin niya para sa akin, pero wala na akong pakialam. I’ll do everything, kahit gaano ka-desperate pakinggan, basta huwag lang siyang mawala sa akin. Ang sakit isipin na nandoon sa bahay nila si Adrian, at mas lalong masakit ng makita kong parang ang dali nilang magkasundo ni Nicolas. No, hindi pwede ‘yon. Dapat kaming mag-brother-in-law ang close, hindi sila. Ayokong may pumapasok sa espasyo ko na dapat akin lang. Tahimik akong kumakain, pero sa totoo lang, wala akong malasahan. Ganoon din si Estella, parang may invisible wall sa pagitan namin. Bago pa kami pumunta rito, nag-text na ako kay Simon para tumawag dito sa bahay at magpaluto ng hapunan. Hindi ko kasi kayang i
Ximena“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko habang pinapark ni Azael ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Ang laki non at parang mansion na may mataas na gate at mga ilaw sa porch na medyo malamlam pero classy ang dating. Napatingin ako sa paligid, hindi ko talaga alam ang lugar na ito. Nang in-off niya ang makina, tumingin siya diretso sa akin na parang may tinatago.“We’re here, let’s go,” casual niyang sabi sabay bukas ng pinto. Bumaba siya agad, samantalang ako ay nanatili pa sa loob, nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam kung anong trip niya ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung safe ba akong sumunod, like, hello? I’ve never been here before.Lumigid siya papunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto. “Gusto mo bang buhatin pa kita?” may kasamang ngiti sa labi at bahagyang pagyuko para makita ang mukha ko.Nanlisik ang mga mata ko at sabay bagsak ng paang bumaba. “As if magpabuhat ako sayo,” sagot ko na may halong inis at pilit na sarcasm.Ngunit imbes na patulan, ng
Ximena“Ano ba ang ginagawa mo?” singhal ko habang kinuha ko ang kamay niya para tignan. “Nasisiraan ka na ba? Injured ka na nga, tapos ginawang parang show-off ‘to?”Nag-angat ako ng tingin at nakita kong tahimik lang din siyang nakatingin sa akin. Hinayaan niyang magtagal ang hawak ko sa kamay niya, na para bang matagal na niyang hindi nararamdaman. Ang galit niya ay tuluyan ng nawala at napalitan na ng lungkot. "Hindi ka ba nasasaktan?" tanong ko. Hindi man halatang nag-aalala ay sincere naman.“Mas nasasaktan ako sa kaalamang masaya ka habang nandyan ang lalaking ‘yon,” tugon niya sa mababang tono pero narinig ko ang bahagya niyang pagpiyok, indikasyon ng pagpipigil niyang maiyak. “Parang… parang binabalewala mo ako.”Umiling ako, naroon pa rin ang sama ng tingin. Kasabay non ay may kinikimkim akong init sa dibdib na hindi ko nga maipangalan. “Iba ang sinasabi ng ginagawa mo, Azael. ‘Wag mo akong paasahin sa isang bagay na alam mong—” naputol ang salita ko, puro galit pero may pag-