Happy family day, Ximena!
XimenaHanggang doon lang pala ang nangyari sa amin ni boss, bitin pero sapat para patuloy akong mag-isip kung ano bang trip ng taong ‘to. Bigla na lang siyang tumayo, parang wala lang ‘yong tensyon sa pagitan namin kanina, at may commanding pero malambing na tono na nagsabi, “Mag-ready ka na. May meeting tayo with the ad agencies na pinadalhan mo ng invitation to present.”Parang saka lang tumama sa akin, oo nga pala, ngayon iyon! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi lang dahil sa trabaho, kundi dahil sa kung paano niya sinabi. Bago pa ako tuluyang makaalis, pinisil pa niya ang pisngi ko, tapos mahinang pinitik ang tungki ng ilong ko na para bang bata lang ako sa paningin niya. Grabe ka, Sir… ano bang pinapainom mo sakin at ganito ako kakilig?Napangiti ako, kahit pilit kong pinipigilan. Maloloka talaga ako sa amo kong ito. Pero sige na nga, hindi ko itatanggi, kinikilig ako, at kinikilig ako nang sobra.Bago bumalik sa desk ko, dumaan muna ako sa pantry para magtimpla ng kape
XimenaNakailang inhale at exhale na yata ako pero hindi ko pa rin magawang kumatok at pumasok sa office ng amo ko. Para akong high school student na tatawagin sa guidance office dahil sa ginawang kalokohan. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Ano ‘yon, “Ah sorry, kasi nalibang talaga ako ng gabing ‘yon kaya nakalimutan ko ang oras at late na akong nakauwi”?Alam ko naman na hindi valid ‘yon. I mean, technically, wala na sa sakop ng amo ko kung anuman ang gawin ko after work, pero siyempre, naapektuhan ‘yon sa trabaho ko kinabukasan dahil na-late nga ako ng isang oras.Isa pang malalim na buntong-hininga bago ko tuluyang kinatok ang pinto. Bahala na si Batman. Pagkapasok ko, tumambad agad sa akin ang boss kong gwapo na parang Greek god na nakaupo sa swivel chair niya—arms crossed, expression unreadable, at mga mata niya ay parang laser na nakatutok lang sa akin. Para bang kanina pa niya ako hinihintay para litisin.“Close the door,” malamig niyang sabi.Ginawa ko naman, pero sa
Ximena“Good morning, Mena!” masiglang bati sa akin ni Rona na himala, dahil nauna pa siya sa akin sa opisina.Napataas tuloy ang kilay ko. “Bakit parang ang aga mo ngayon? May nangyaring milagro o may sunog?” biro ko, pero may halong pagtataka. Normally kasi, siya ang huling dumarating sa amin.“Napaaga lang… hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi,” sagot niya, pilit na ngumiti pero halata sa boses ang lungkot na kanina lang ay hindi ko napansin. Ang siglang bumati sa akin ay tuluyan ng nawala.“Problem?” Lumapit ako sa kanya, inilagay ang kamay ko sa balikat niya. Ramdam ko agad ang bigat na parang bumabalot sa kanya. Yung tipong may iniipit na hinanakit na hindi niya alam kung saan ibubuhos. Sa isang iglap, nakalimutan ko na muna yung kaba ko tungkol sa boss namin.“Hindi naman… kaya lang, si Papa kasi…” Huminga siya nang malalim, saka tinuloy, “…kung kailan tumanda, saka pa nambabae. Seriously, wala na ba talagang matinong lalaki sa mundo ngayon?” Napailing siya habang pilit pin
XimenaAng plano kong panonood ng gig ni Adrian, tuluyan nang naudlot. Pagkatapos naming magmeryenda, nagpaalam na kami sa kanila.“See you at the office, Ximena!” masayang bati ni Annie, na nginitian ko na lang. Medyo nahiya rin akong hindi siya pansinin lalo’t halatang genuine ang saya niya. Pero see you at the office daw, ibig bang sabihin ay nandoon siya sa Monday?“Nicolas, bye!!” mas asigla niyang bati sa kapatid ko.“Ba-bye, Ate Annie!” masayang tugon ni Nicolas, sabay kindat na parang artista lang.Hindi ako makatingin nang diretso sa aking amo. Parang biglang naging mabigat ang paligid, at bawat segundo ay parang mabagal na pelikula na gusto ko nang i-fast forward. Kaya isang simpleng, “Alis na po kami, Sir,” lang ang naibulong ko, halos walang lakas ang boses.Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at baka kasi kung marinig ko pa ‘yung tono niya, mas lalo lang akong kabahan. Mabilis kong hinila ang braso ni Nicolas at sumenyas kay Mama na sumunod na lang. Para kaming mga bata
XimenaNagpatuloy kami sa pagkain at kwentuhan, pero ramdam na ramdam ko pa rin ‘yung mga mata ng amo ko na parang matalim na panang sumisiksik sa balat ko. Para bang bawat galaw ko ay sinusukat niya, at sa likod ng kanyang mga tingin ay may mabigat na tanong na pilit niyang pinipigil ilabas. Hindi ko alam kung dahil sa narinig niya kanina o dahil may naiipon na talaga siyang gustong ilabas mula sa dibdib niya.“Kuya Adrian,” biglang sabat ng kapatid ko na ikinatigil ko ng bahagya sa pagsubo ng brownies. “Kung sakaling magiging boyfriend ka ni Ate tapos magpapakasal kayo kahit hindi pa ako nakaka-graduate ng college… okay lang ba na sa inyo kami ni Mama tumira?”Parang kidlat na bumagsak sa gitna ng mesa ang tanong niya. “Nicolas!” halos pasigaw kong bulalas sabay takip sa bibig niya gamit ang palad ko. Ramdam ko ang init ng mukha ko sa sobrang hiya. “Pasensya ka na, Adrian… medyo madaldal talaga ‘tong kapatid ko,” pilit kong tinatawanan kahit gusto ko nang magtago sa ilalim ng mesa."
XimenaSa isang coffeeshop.Chocolate frappe at brownies ang in-order ko para sa amin ni Nicolas. Kay Mama naman ay hot coffee at croissant. At hindi lang pala kami mag-iina ang nandito—yes, tatlo pa ang nadagdag. Dahil oo, sumama rin sina Annie at… si Sir Roccaforte. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, madalas ko siyang mahuli na nakatingin sa akin.Seriously, nasisiraan na ba siya ng ulo? Kasama niya si Annie tapos ganon pa siya makatitig?Sobrang naiilang ako at hindi mapakali. Parang ang dami kong gustong gawin para lang may ibang mapagtuunan ng pansin. Hindi ko alam kung paano ko iiwas ang tingin nang hindi halata.Hmm… ‘wag ko na lang kaya talaga siyang tignan?Yes. Tama! Mas safe ‘yon. Out of sight, out of awkwardness.Ngunit paano ko naman gagawin ‘yon kung katapat ko mismo siya? Literal na nasa diretsong linya ng paningin ko si Sir Roccaforte. Parang sinadya pa yata ng universe na ilagay kami sa ganitong seating arrangement.Si Annie, napapagitnaan nila ni Adrian. Samantal