Share

Chapter 38

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2025-08-13 09:12:44
Ximena

Una kaming dumiretso sa arcade. Syempre, unahin muna ang kasiyahan bago ang mga bibilhin. Mamaya na lang pagkatapos ng lunch kami pupunta sa National Bookstore para sa pangkulay na gusto ni Nicolas. Sa ngayon, hayaan ko munang magwala siya sa saya.

Halos tumalon sa tuwa ang kapatid ko nang makita ang mga ilaw at tunog ng mga machines. Agad siyang tumakbo sa isang laro at kita ko sa mukha niya ang genuine na kaligayahan. ’Yun tipong walang halong problema, walang iniintindi. Si Mama naman, halatang aliw na aliw din habang nakabuntot sa aming bunso, may ngiting hindi nawawala sa labi niya.

“Ma, samahan mo si Nicolas para may kalaban siya,” sabi ko habang nakasandal sa pader at pinapanood silang dalawa.

“Ano? Ano naman ang malay ko diyan?” gulat niyang tanong, pero halata sa tono na curious din siya.

“Oo nga, Ma! Halika na, dali!!” Nanghila pa si Nicolas gamit ang dalawang kamay para masiguradong hindi makakatakas si Mama. Dinala niya ito sa isang machine kung saan papatay ka
MysterRyght

What a coincidence!

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 48

    XimenaPagkatapos ng halos isang oras na seryosong usapan tungkol sa negosyo, mga terms na minsan feeling ko ay para lang sa mga taong may PhD sa business ay unti-unti kong napansin na lumuluwag na ang atmosphere sa mesa. Ang mga tawa nila, mas malalakas na ngayon; ang mga birong minsan ay wala akong ka-clue pero nakakabitin at nakakahawa pa rin. Kahit hindi ako actively kasali sa lahat ng topic, nadadala ako ng energy ng grupo. Para akong nakasakay sa alon ng tawanan nila.“Ximena, tikman mo ‘to,” biglang sabi ni Devin, may kasamang ngiting parang alam niyang magugustuhan ko. Iniabot niya sa akin ang isang plato ng putahe na kasama sa in-order niya. Apat kasi na menu at dalawa pa lang ang natikman ko.Agad ko sanang aabutin, pero bago pa dumikit ang daliri ko sa plato, may mas mabilis na kamay na sumingit, matikas, sigurado.“I’ll get it for her,” malamig pero mabigat ang boses ni Sir Roccaforte. Walang halong biro, parang utos pero may kakaibang protective tone na hindi ko maipaliwa

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 47

    Ximena“Hi, Ximena…” nakangiting bati ni Devin, isa sa dalawang kaibigan ni Sir Roccaforte na kaharap ko ngayon. Yung ngiti niya? Tipong boy-next-door pero halatang may kasamang biro. Abot-batok din ang pagkakangisi ng isa pa, si Ronnel, na parang may balak mang-asar mula umpisa pa lang.“Hi,” simpleng sagot ko habang pilit pinapakalma ang sarili. Nasa condo kami ni Ronnel at dito pala ako dinala ng amo ko. Ito pala yung ‘lakad’ na sinasabi niyang gusto niya akong kasama. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o kabahan, kasi kahit mukha namang mababait ang dalawang lalaki, halata sa mata nila na mahilig sila sa pang-aalaska“Akalain mo at nagka-girlfriend ka!” biglang bulalas ni Ronnel, sabay tawa na parang nanalo sa pustahan. Halatang hindi makapaniwala. “Sa sungit mong ‘yan, may nakapagtyaga sayo! Miracle ‘to, bro!”Natawa rin si Devin, pailing-iling pa habang sumusulyap sa akin na para bang binabasa kung paano ko natitiis si Sir Roccaforte. Halata sa kilos nila na parang k

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 46

    XimenaNakakabaliw at nalilito ako, alam kong parang apoy na dumidikit sa balat ang makipagpalitan ng salita kay Sir Roccaforte. Bwisit na lalaking ‘yon, pa-“Sir, Sir” pa ako pero deep inside, kinikilig na parang nakita ang high school crush.At ang mas nakakainis? Hindi ko inaasahan na makakabitaw ako ng mga salitang never ko in-imagine na sasabihin ko sa kanya. As in—hello? I literally flirted with him! What the hell, Ximena?“Okay ka lang, Ximena?” Bigla akong napapitlag sa boses ni Isay, parang binuhusan ng malamig na tubig ang init na nararamdaman ko. “Para kang nakakita ng multo diyan. Anong nangyayari sayo at nanlalaki ang mga mata mo?”“Nagulat ako sa’yo, eh!” mabilis kong depensa, sabay yuko at tingin sa tinapay na kanina pa nilalapag ko sa isang platito na parang napakaimportanteng mission ng buhay ko ngayon.“Para kay Sir ba ‘yan?” tanong niya, may halong malanding ngisi na parang nang-aasar.“Oo,” maikli kong sagot, pero halos ngumiti pa rin ako nang konti dahil sariwa pa

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 45

    XimenaHanggang doon lang pala ang nangyari sa amin ni boss, bitin pero sapat para patuloy akong mag-isip kung ano bang trip ng taong ‘to. Bigla na lang siyang tumayo, parang wala lang ‘yong tensyon sa pagitan namin kanina, at may commanding pero malambing na tono na nagsabi, “Mag-ready ka na. May meeting tayo with the ad agencies na pinadalhan mo ng invitation to present.”Parang saka lang tumama sa akin, oo nga pala, ngayon iyon! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi lang dahil sa trabaho, kundi dahil sa kung paano niya sinabi. Bago pa ako tuluyang makaalis, pinisil pa niya ang pisngi ko, tapos mahinang pinitik ang tungki ng ilong ko na para bang bata lang ako sa paningin niya. Grabe ka, Sir… ano bang pinapainom mo sakin at ganito ako kakilig?Napangiti ako, kahit pilit kong pinipigilan. Maloloka talaga ako sa amo kong ito. Pero sige na nga, hindi ko itatanggi, kinikilig ako, at kinikilig ako nang sobra.Bago bumalik sa desk ko, dumaan muna ako sa pantry para magtimpla ng kape

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 44

    XimenaNakailang inhale at exhale na yata ako pero hindi ko pa rin magawang kumatok at pumasok sa office ng amo ko. Para akong high school student na tatawagin sa guidance office dahil sa ginawang kalokohan. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Ano ‘yon, “Ah sorry, kasi nalibang talaga ako ng gabing ‘yon kaya nakalimutan ko ang oras at late na akong nakauwi”?Alam ko naman na hindi valid ‘yon. I mean, technically, wala na sa sakop ng amo ko kung anuman ang gawin ko after work, pero siyempre, naapektuhan ‘yon sa trabaho ko kinabukasan dahil na-late nga ako ng isang oras.Isa pang malalim na buntong-hininga bago ko tuluyang kinatok ang pinto. Bahala na si Batman. Pagkapasok ko, tumambad agad sa akin ang boss kong gwapo na parang Greek god na nakaupo sa swivel chair niya—arms crossed, expression unreadable, at mga mata niya ay parang laser na nakatutok lang sa akin. Para bang kanina pa niya ako hinihintay para litisin.“Close the door,” malamig niyang sabi.Ginawa ko naman, pero sa

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 43

    Ximena“Good morning, Mena!” masiglang bati sa akin ni Rona na himala, dahil nauna pa siya sa akin sa opisina.Napataas tuloy ang kilay ko. “Bakit parang ang aga mo ngayon? May nangyaring milagro o may sunog?” biro ko, pero may halong pagtataka. Normally kasi, siya ang huling dumarating sa amin.“Napaaga lang… hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi,” sagot niya, pilit na ngumiti pero halata sa boses ang lungkot na kanina lang ay hindi ko napansin. Ang siglang bumati sa akin ay tuluyan ng nawala.“Problem?” Lumapit ako sa kanya, inilagay ang kamay ko sa balikat niya. Ramdam ko agad ang bigat na parang bumabalot sa kanya. Yung tipong may iniipit na hinanakit na hindi niya alam kung saan ibubuhos. Sa isang iglap, nakalimutan ko na muna yung kaba ko tungkol sa boss namin.“Hindi naman… kaya lang, si Papa kasi…” Huminga siya nang malalim, saka tinuloy, “…kung kailan tumanda, saka pa nambabae. Seriously, wala na ba talagang matinong lalaki sa mundo ngayon?” Napailing siya habang pilit pin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status