Ximena
Ang siste, hindi natuloy ang meeting ni Sir Roccaforte sa isang negosyante dahil sa hindi inaasahang pangyayari at ni-reschedule later afternoon kaya nandito na kami agad sa mansyon ng kanyang lolo at lola.
“Hello, hija. Kamusta ka?” Ngiting ngiti ang matandang babae habang nakatingin sa akin, ni hindi pinapansin ang kanyang apo na nasa tabi ko. Kakatapos lang namin magbeso, bagay na kinagulat ko pero mabilis din akong nakahuma.
Pinakilala ako ni Sir Roccaforte sa dalawang matanda, sina Lolo Alejandro at Lola Isabel. Gaya ng sinabi niya kanina, girlfriend ang papel ko sa buhay ng aking amo ngayon.
“Mabuti naman po.” Bahagya pa akong yumukod bilang paggalang.
“At totoo nga ang sinabi ng herodes na Azael na ito na may nobya na siya,” tugon ng matandang lalaki, halatang hindi makapaniwala. Kung pwede lang ay maubo ako dahil sa sinabi niya pero kailangan kong pigilan, kung hindi, mawawalan ako ng trabaho.
“Lolo, bakit naman ako magsisinungaling tungkol sa bagay na ‘to?” tanong ng amo ko bilang tugon. Hindi ko naiwasan na iunat ang aking likod ng maramdaman ko ang kanyang kamay na napunta sa aking tagiliran bago ako kinabig palapit pa sa kanya.
“Hindi ko akalain na napaka-sweet pala ng apo ko pagdating sa kanyang nobya. Tignan mo Alejandro at talagang dikit na dikit sa kanya.” Hindi alam ng matanda kung gaano na ka-awkward ang pakiramdam ko.
Tumingin ako sa aking amo na nakatingin din pala sa akin kaya alanganin na lang akong ngumiti.
Sobra na ang kabang nararamdaman ko lalo at nararamdaman ko ang kamay ng aking amo sa aking tagiliran na panay ang himas. Hindi kaya nagte-take advantage na siya sa akin?
Hindi naman siguro.
Si Azael Roccaforte ay kinikilala bilang most sought after bachelor hindi lang dito sa lungsod kung hindi sa buong bansa. Kilala siya ng mga tao lalo na ang mga nasa larangan ng pagnenegosyo.
Sa pagkakaalam ko siya ay 27 years old na. Mataas ito, nasa 5’10 or higit pa. Maputi, maganda ang katawan kaya bagay na bagay dito kapag naka-suit. Nagmumukha itong modelo. Matangos ang ilong, mapungay ang brown niyang mga mata, pangahan kaya lalaking-lalaki ang dating at higit sa lahat, itim ang textured fringe haircut niya.
Kung hindi ko lang siya amo ay malamang pinagpantasyahan ko na. Bakit? Dahil hindi ko malalaman na sobrang sungit niya.
“Hija, ano naman ang nagustuhan mo sa aking apo?” tanong ni Lola Isabel. Hindi ko malaman ang isasagot ko. Kakaloka, ano ba ang nagustuhan ko?
“Kita naman po ang kagwapuhan ni Si– I mean, Azael. Mabait din po siya, kapag tulog.” Sana ay kumagat sa humor ko ang dalawang matanda.
At ganon na lang ang paghinga ko ng maluwag ng biglang tumawa ang mga ito. “Totoo ka dyan, naku talagang kilala mo ang apo ko.”
Susme, at nakadagdag pa yata sa puntos ko ang sinagot ko sa kanila.
“Lo, naniniwala ka na ba na girlfriend ko si Ximena?” Nakangiti si Sir Roccaforte ng magsalita, kaya hindi ko alam kung pinersonal ba niya ang sinabi ko o hindi. Sana naman ay hindi niya ikagalit iyon. Gusto ko lang naman na maging palagay kahit na papaano.
Sa totoo lang naman ako, talagang masungit siya kapag gising at ang tanging oras na pwede siyang maging mabait ay kung tulog!
“Wala na akong masasabi pa hijo,” nakangiting tugon ng matandang lalaki bago bumaling sa akin. “‘Wag mo sanang pababayaan itong si Azael. Tandaan mo rin na apo ka na namin kaya kung sakali man na may gawin siyang hindi maganda ay ‘wag ka rin magdalawang isip na magsumbong sa amin ng lola mo at kami na ang bahala dito sa boyfriend mo, okay ba?”
“Okay na okay po, Lolo.” Bahagyang huminga ng malalim ang dalawang matanda. Halata na mukhang naging palagay na sila. “Wala po kayong dapat na alalahanin din sa akin dahil alam ko naman po na hindi rin ako papabayaan ni Azael.”
“Salamat, apo.” Nagpatuloy ang aming kwentuhan at naging palagay na rin ako. Parang ang bilis kong nasanay sa kanilang presensya.
Si Sir Roccaforte na tahimik lang sa tabi ko ay hindi man lang kami inistorbo at hinayaan kami ng kanyang mga lolo at lola sa pag-uusap ng mga maliliit pero masasayang mga bagay tulad na lang ng kabataan ng aking amo.
Pakiramdam ko ay ang dami ko agad nalaman ng tungkol sa lalaking kinikilala at tinitingala ng mga negosyante. Ang best part? ‘Yun ay tungkol sa kanyang kabataan na hindi lahat ay nakakaalam.
Sumapit ang tanghalian at niyaya na kami ng butler sa dining table. Tumayo ang dalawang matanda at ganon din naman kaming mag-amo.
Nagulat ako ng bigla na lang hawakan ni Sir Roccaforte ang aking kamay at sinalikop sa kanya.
“What?” taka niyang tanong. “You’re my girlfriend, right?”
“Ah, eh..”
“Let’s go.” Hindi na ako nakatugon pa at nagpatianod na ng tuluyan sa sitwasyon. Anyway, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon para pansamantalang maging kasintahan ng isang Azael Roccaforte.
Ximena“Ximena, alam mo namang bawal ka malate, diba?” bulong ni Joyce sa akin na may halong kaba sa boses. Halata sa mukha niya ang stress habang nakatingin sa akin. Lunes na Lunes pa lang, pero para bang gusto na niyang mag-resign.“Grabe ang traffic, Joyce,” sagot ko habang hinahabol pa ang hininga. “Promise, kanina pa ako nakaalis. Pero walang galawan ang mga sasakyan, literal.”“Eh si Sir, galit na galit na. Hinahanap ka tapos... binato 'yung kape na tinimpla ko,” dagdag niya sabay irap, na para bang gusto niyang sumabog.Napatingin ako sa orasan ko. 7:55 AM. Technically, hindi pa ako late. Pero dahil mas maaga pa dumating si Mr. Roccaforte kaysa sa sariling anino niya, mukhang hindi sapat ang “on time” sa kanya.Dito sa Office of the CEO, parang bawat segundo ay buhay at career ang kapalit. Para kaming mga contestant sa The Hunger Games pero sa halip na pana at espada, gamit namin ay ballpen at self-control.Pakiramdam ko nga, konting lagabog lang ng pinto ay magtataguan na ang
Ximena“Anak, kamusta naman ang dalawang linggo mo sa trabaho?” tanong ni Mama ng makapasok ito sa aming silid habang kakagising ko lang. Araw ng Linggo ngayon, salamat sa Diyos at walang pasok kay Sir Roccaforte, kaya masaya akong makakasama si Mama at si Nicolas na nakababata kong kapatid buong araw.“Maayos naman po, Ma. Medyo nakakapagod, pero carry lang,” sagot ko habang inaabot ang suklay na nasa tabi ng kutson.“Hindi ka ba nahihirapan, anak?” Bumaling siya sa akin. “Sobrang late ka na kung umuwi tapos ang aga mo pang bumangon. Literal na Linggo lang talaga ang pahinga mo.”Narinig ko ang pagsara niya sa orocan na lagayan ng damit habang tinititiklop ko ang kumot na ginamit ko. Alam kong pagod siya, pero hindi mo ‘yon mahahalata sa kilos lalo na sa mukha niya.“Kayo nga po ang iniisip ko, Ma,” sagot ko habang minamasahe ang batok ko. “Hindi ka ba napapagod? Parang araw-araw kang may ginagawa.”Ngumiti siya at naupo sa tabi ko, pinapawi ng ngiti niya ang lahat ng bigat ko. Kahit
Ximena“Hindi ko alam kung ano yang sinasabi mo. Anong masama sa paghuhugas ko ng paa mo? Sinamahan mo ako sa pagharap kina Lolo at Lola, and you’re my girlfriend.”Wait… what? Para akong biglang nilaglag sa outer space. Parang na-lift off ako palabas ng mundo at hindi ako makabalik. A-Ano raw? Tama ba yung narinig ko? Girlfriend niya… ako?Napalunok ako ng walang tubig. Gusto kong magtanong. Gusto kong klaruhin. Pero baka naman ang ibig niyang sabihin ay girlfriend lang sa harap ng lolo at lola niya. Baka role lang. Baka yung acting lang namin kanina ang ibig niyang sabihin. At kung magtanong pa ako, baka isipin niyang assuming ako. Ayoko naman nun. Baka bigla niyang bawiin abay, nakakahiya!Tahimik kong na lang na pinanood ang ginagawa niya. Bumalik siya sa paa ko at marahang pinunasan ito gamit ang towel. Sobrang banayad, para bang ayaw niyang masaktan ako kahit kaunti. Pagkatapos, nakita kong inilabas niya ang Band-Aid mula sa maliit na box na dala niya kanina, first aid kit pala,
XimenaPara akong gustong lamunin ng sofa na kinauupuan ko. Kung pwede lang akong matunaw sa sobrang hiya, baka nagawa ko na.“Dapat sinabi mo agad na nahihirapan ka,” sabi niya, kalmado pero matigas ang boses. “Hindi ‘yung tiniis mo nang ganyan.”Napalunok ako. Seryoso ba siya? Sinasabihan niya ako ng ganito ngayon? Eh... ano ba naman ang karapatan ko para tumanggi? Magrereklamo ako, eh ako nga ‘tong umaasa lang sa awa niya?“Natiis naman po, S-Sir...” bulong ko, halos ‘di lumalabas ang boses ko. Tinignan niya ako nang diretso, matagal. At sa titig niyang ‘yon, parang may init na gumapang sa mukha ko. Para akong sinusuri, hinuhubaran gamit lang ang mga mata niya.‘Ximena, ano ba?!’ sigaw ng utak ko. ‘Tumigil ka nga diyan. Wag kang assuming, girl!’“Kung masakit, sabihin mo,” dagdag pa niya. “Hindi mo kailangang magtiis nang mag-isa.”Hinawakan niya uli ang paa ko, tapos marahan niya itong ibinaba sa sofa na parang sinasadyang dahan-dahan, parang ayaw niyang masaktan pa lalo. “Wait he
Ximena"I'm really sorry about the delay, Mr. Roccaforte. Hindi ko talaga inakala na magkakaroon ng biglaang bisita," ani Mr. Martin habang nakangiting pilit, bakas sa boses niya ang kaba. Nasa isang restaurant na kami matapos umalis ng mansyon ng mga lolo at lola ng aking amo.Doon lang din ako tuluyang nakahinga ng maluwag, grabe ang kaba ko habang kasama namin ang dalawang matanda dahil ang boss ko ay umaaktong close sa akin na kung makaakbay at makahapit sa aking bewang ang akala mo ay totoong magjowa kami.“It’s alright, Mr. Martin. Basta sa susunod ay siguraduhin mong hindi na ito mauulit. Ayaw kong nababago ang aking schedule. It's a good thing that I only have to see my grandparents. Kung hindi ay wala sana tayo ngayon dito.” Matigas at diretso ang tinig ng amo ko. Walang bahid ng ngiti ang kanyang mukha. Parang ibang tao siya kumpara sa lalaking kanina lang ay masayang kausap ang kanyang mga lolo at lola. Well, hindi siya tinaguriang ‘most feared business tycoon’ para sa wala
XimenaAng siste, hindi natuloy ang meeting ni Sir Roccaforte sa isang negosyante dahil sa hindi inaasahang pangyayari at ni-reschedule later afternoon kaya nandito na kami agad sa mansyon ng kanyang lolo at lola.“Hello, hija. Kamusta ka?” Ngiting ngiti ang matandang babae habang nakatingin sa akin, ni hindi pinapansin ang kanyang apo na nasa tabi ko. Kakatapos lang namin magbeso, bagay na kinagulat ko pero mabilis din akong nakahuma.Pinakilala ako ni Sir Roccaforte sa dalawang matanda, sina Lolo Alejandro at Lola Isabel. Gaya ng sinabi niya kanina, girlfriend ang papel ko sa buhay ng aking amo ngayon.“Mabuti naman po.” Bahagya pa akong yumukod bilang paggalang.“At totoo nga ang sinabi ng herodes na Azael na ito na may nobya na siya,” tugon ng matandang lalaki, halatang hindi makapaniwala. Kung pwede lang ay maubo ako dahil sa sinabi niya pero kailangan kong pigilan, kung hindi, mawawalan ako ng trabaho.“Lolo, bakit naman ako magsisinungaling tungkol sa bagay na ‘to?” tanong ng a