FAZER LOGINHABANG NASA ELEVATOR, hindi ko na napigilan ang hindi umiyak. Sobrang sakit ng dibdib ko. Mabuti nalang at ako lang ang sakay ng elevator pababa sa ground floor.
Sobrang sakit.
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, yung nakita ko sa akto ang pagtataksil nya, ang katotohanan na tatlong buwan na niya kong niloloko, o pareho?
Basta ang alam ko, hindi na ako makahinga at parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit. Mabuti nalang at hindi ako nahirapan na magbook ng taxi pauwi, walang masyadong nakakita sa pag-iyak ko.
Habang daan, panay ang agos ng luha ko. Kaya pagdating sa bahay, dumiretso agad sa kwarto at duon pinagpatuloy ang pag-iyak. Mabuti nalang at wala sila Mama at Papa sa sala kaya walang nagtanong kung bakit mugtong-mugto ang mga mata ako.
Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako habang umiiyak. Pag-gising ko bandang alas-nuebe ng gabi, kinuha ko ang cellphone ko sa bag at binuksan. Nakita ko na maraming missed calls and text galing kay Jake. Binlock ko agad si Jake at dinelete lahat ng messages ng hindi ito binabasa.
“Distraction. I need distraction”. I told myself.
Tinawagan ko ang best friend ko, si Callie.
“Yes bruh? Sumakses ka ba? Naisuko na, anong feeling ng first time?” Sunod-sunod na tanong ni Callie sakin.
“Cale…. Samahan mo ko mag-bar” sabi ko ng diretso sa kanya.
Tumahimik ang nasa kabilang linya. “Seryoso ka dyan, bes? Anong nangyari ba?” seryosong tanong nito.
“Oo, seryoso ko, mamaya ko nalang iku-kuwento, ano, sasamahan mo ba ako?”
“Teka lang bes, oo naman game ako, sabihan ko rin ba ang iba?” excited na turan nya.
“Hindi, tayong dalawa lang muna. I’m….. not in a good mood today, para makipag-usap sa madaming tao, I just wanna talk to you”. Sabi ko kay Callie.
Narinig ko ang buntong-hininga ni Callie sa kabilang linya. “Fine, mukhang may something. Sige, gagayak lang ako, kita tayo sa Prime, malapit lang naman yan sa school natin, kaya ng 11:00?”
Tumango ako at sumagot, “Oo sige. Baba ko na to, see you”.
***
MAINGAY, MAGULO AT MAUSOK. Yan ang bumungad sa akin pagpasok sa loob ng bar na pagkikitaan naming ni Callie.
“Bes! Here!” napalingon ako sa isang gilid at nakita ko ang best friend ko na kumakaway sa akin mula sa isang table.
“Sorry, natraffic ako saka muntik ng hindi payagan ni Papa” bungad ko sa kanya sabay inom agad ng alak na nakaserve sa table namin.
“Whoa. Easy ka lang bes, malalasing ka agad nyan” nanlaki ang mata ni Callie sa ginawa ko.
“Ang dami namang tao ngayon.” Sabi ko.
“Syempre girl, Friday night kaya, wohoooo!” sigaw ni Callie habang tinataas ang baso sa saliw ng kanta.
“Anong nangyari at nag-aya ka dito bigla? Diba anniversary nyo ni Jake?”
“Three months”. Sabi ko.
“Huh?” nalilitong tanong ni Callie.
“Three months na pala nya akong niloloko.”
“Pano mo nalaman? Sino nagsabi sayo?”
Kinwento ko sa kanya ang tangkang pag surprise ko kay Jake sa condo nito, at kung ano ang naabutan ko.
Nanlaki ang mga mata ni Callie. “Ano?! Aba’t ang gagong iyon! Nakuha ka pang lokohin?!” Nang-gagalaiting sabi nya. “Kaya hindi ako boto sa hayop na iyon e, mukha talagang two-timer, di lang ako makapag-taray masyado sa kanya kasi boyfriend mo” dagdag pa nya.
“Binili ko pa yung watch na matagal na nyang gusto, pinag-ipunan ko iyon. Tapos, pinaghandan ko pa yung pagbibigay ko ng virginity ko sa kanya” Sabi ko habang umiiyak. “I…. even went to see an OB-Gyne para lang malaman ano ang do’s and dont’s pag first time.” Dagdag ko pa.
Yung concerned face ni Callie ay napalitan ng tawa dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman kasi kinwento kahit kanino ang balak kong paghahanda sa pagbibigay ng v-card ko kay Jake.
“Seryoso bes? Ginawa mo yon?”. Hagalpak sya ng tawa. “Di bale, baka hindi naman masayang ang pagpapacheck-up mo sa OB, see” turo nya.” Ang daming guys dito sa club, makakahanap ka ng mas pogi at mas better sa Jake na yon’.
Hindi ako sumagot at uminom lang ulit.
We talked about random stuff. Callie is also studying in the same university pero iba ang course nya. She is taking business course since ang family nya ay may business and someday, sya ang mag-mamana ng business nila.
Hindi ko na mabilang kung ilan na ang nainom ko. Basta ang ramdam ko, I feel good inside. I managed to laugh sa mga jokes ni Callie. Napansin ni Callie na lasing na ako.
“Bes, tama na yan, lasing ka na” ani Callie sabay kuha ng baso sa kamay ko.
Mabilis kong naiiwas ang kamay ko. “I’m not drunk bes. “ sabi ko habang nakangisi.
“Bes! Tarang sumayaw!” aya sa akin ni Callie at nauna ng pumunta sa dancefloor.
“Ikaw nalang” sabi ko. Ramdam ko na rin kasi na nahihilo na ako. “Dun lang ako sa taas, mas konti ang tao, makikita mo agad ako” saad ko pa sabay turo sa taas ng club na mas konti ang tao.
Medyo alanganin si Callie pero pumayag na rin. “Sige, sasayaw lang ako at hahanap ng pogi, don ‘t go anywhere ha?”
“Yes Ma’am!” sabi kong natatawa habang sumasaludo pa.
Kumpara sa first floor, mas chill ang vibe sa second floor. Konti rin ang tao. I was leaning against the railing while watching Callie dance, when suddenly, a man- I his mid-20’s approached me.
“Hey beautiful, are you alone?” sabi nya ng nakangiti. He was handsome, pero mukhang di mapapagkatiwalaan.
“No,” sabi ko. “I’m with my best friend, dancing in the dancefloor” sabay turo kay Callie.
Danger. Danger. Danger. Warning sign ng utak ko.
“Oh, I see. Can I buy you a drink?” sabi pa nya.
Umiling ako. “No thank you.” Sabi ko saka akmang aalis na at babalik sa first floor.
“Hey.” Sabi nya sabay hawak sa braso ko. “Nag uusap pa tayo, wag ka munang umalis”.
“Sorry, babalik na ko sa friend ko” sabi ko habang inaalis pilit ang kamay nya sa braso ko. “Please let go of me”.
“Masyado ka namang mahiyain,” sabi nya. “Tara, I know a quiet place na makakapag-usap tayo ng tayo lang dalawa.” Bulong nya sa akin.
Kinilabutan ako sa pagtama ng hininga nya sa tenga ko. “Yuck. Bad breath.” Sa isip ko.
Tangkang sisigaw na ako para humingi ng tulong, nang bigla kong marinig ang boses ng isang lalaki.
“She said no.” a familiar manly voice said.
Binitawan naman ako ng lalaki habang nakataas ang mga kamay, tanda ng pagsuko.
That man is amazing. Isang salita nya lang umalis agad yung lalaki.
Unti-unti, binaling ko ang aking tingin sa lalaking nagsalita. Pero dahil madilim sa pwesto namin, hindi ko masyado maaninag ang itsura nya.
Isang tao ang pumasok sa isip ko. Pero alam ko na hindi sya ang tipo ng taong pupunta sa ganitong klase ng lugar.
Hindi, imposible.
HABANG NASA ELEVATOR, hindi ko na napigilan ang hindi umiyak. Sobrang sakit ng dibdib ko. Mabuti nalang at ako lang ang sakay ng elevator pababa sa ground floor.Sobrang sakit.Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, yung nakita ko sa akto ang pagtataksil nya, ang katotohanan na tatlong buwan na niya kong niloloko, o pareho?Basta ang alam ko, hindi na ako makahinga at parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit. Mabuti nalang at hindi ako nahirapan na magbook ng taxi pauwi, walang masyadong nakakita sa pag-iyak ko.Habang daan, panay ang agos ng luha ko. Kaya pagdating sa bahay, dumiretso agad sa kwarto at duon pinagpatuloy ang pag-iyak. Mabuti nalang at wala sila Mama at Papa sa sala kaya walang nagtanong kung bakit mugtong-mugto ang mga mata ako.Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako habang umiiyak. Pag-gising ko bandang alas-nuebe ng gabi, kinuha ko ang cellphone ko sa bag at binuksan. Nakita ko na maraming missed calls and text galing kay Jake. Binlock ko agad si Jake
NAGBIGAY ng ingay sa sahig ang nahulog kong gift box, dahilan para magising si Jake at yung haliparot na babae sa kanyang tabi. Nanlaki ang mata ni Jake ng makita ako.“Babe?” naalimputangan pa ang hayop. Bigla syang bumangon at nagtakip ng katawan, samantalang yung babae sa tabi nya ay sumuot sa loob ng kumot. Bitch.“Akala ko, masusurprise kita ngayong araw na ‘to. Ako pala ang bibigyan mo ng surprise” I said while suppressing my tears.“Let me explain babe, please….” Nagmamaka-awang sabi ni Jake.“Explain?” I said sarcastically. “May dapat pa bang i-explain sa nakita ko Jake? Ano sasabihin mo, na nag jack-en-poy lang kayo sa kama?”“Hindi ito katulad ng akala mo, please let me explain, wala lang itong nakita mo”Doon na ako sumabog. “Do you really take me as a fool Jake?” sigaw ko. “Heto na yung ebidensya sa ginagawa mo, itatanggi mo pa?” tinuro ko yung babae. “Sino yang babae na yan? Who is she?”Kinuha ko yung cellphone ko at tangkang kukuhanan ng video si Jake at yung babae nya,
KINABUKASAN, maaga akong nagising. Hindi dahil may pasok ako, kundi dahil may kailangan akong gawin.I reached for my phone on the bedside table and checked my notifications.One new message.+63091723858****: Good morning, Rachelle. This is Alex. Let me know when you’re available so I can arrange the tour.Napangiti ako nang bahagya. Kahit ang text ni Ninong, seryoso pa rin.Me: Good morning po, Ninong Alex. Thank you! I’ll let you know po kapag free ako.Binaba ko ang cellphone ko saka dumiretso na ng banyo.Hospital tour? Right. Nawala na iyon sa isip ko. Lalo at may mas importante akong kailangang asikasuhin.Our first anniversary.Napangiti ako habang iniisip kung ano kaya ang magiging reaction ni Jake kapag nakita niya ang inihanda ko para sa kanya.Jake and I are both first year students at St. John University. Nursing ako at sya ay Engineering student. Schoolmates kami nung highschool. Sikat sya sa school dahil varsity player sya, idagdag pa na sobrang gwapo nya. Kaya naman nu
HIRAP NA HIRAP akong lunukin ang pagkain na nasa harapan ko. Sobrang nabigla ako sa nalaman na yung Ninong Alex ko pala at yung poging doktor kanina ay iisa. Kaya tuloy habang kumakain kami, nakayuko lang ang ulo ko. “Oh Rachelle, bakit parang ang lalim naman ng iniisip mo?” Napansin pala ako ni Papa.Napatingin ako kay Papa saka umiling. “Wala lang Papa, pagod lang po sa school”.“First year pa lang, pagod ka na agad?” natatawang tanong niya.Ngumiti nalang ako kay Papa at hindi na nagsalita. Ibinalik ko ang atensyon ko sa pagkain. Kung alam lang ni Papa ano ang mga pinagsasabi sa taong nasa harap ko ngayon, baka hindi niya ako tinatanong kung bakit pagod ako. Baka tinatanong niya kung bakit gusto ko nang maglaho sa kinauupuan ko. Dahil ang lalaking tahimik lang na kumakain sa kabilang side ng mesa, ang lalaking tinatawag kong Ninong… Siya rin ang doktor na nakausap ko tungkol sa bagay na halos hindi ko masabi kahit kanino.My virginity. Oh, God. Please, kainin na lang sana ako ng l
MALAKAS ang kabog ng dibdib ko habang binabagtas ang kahabaan ng pasilyo sa ospital kung saan ako nakatakdang magpatingin. This is my first time going alone in the hospital, especially to see an OB-Gyne.. Nagdadalawang-isip ako kung tama ang gagawin ko, pero pag naiisip ko si Jake, I suddenly realized na worth it naman ang gagawin ko.“Kaya ka nandito sa hospital, para magpacheck-up, and to make sure that everything will go smoothly as planned” I told myself.Room 302. Basa ko sa nakasulat sa pinto ng clinic. I knocked on the door twice before a woman on her early 40’s opened the door. “Siguro sya na yung secretary ni Dra. Lucas” sa isip ko.“Hello, good morning po, gusto ko lang sana itanong kung ito ang clinic ni Dra. Lucas? May appointment po ako sa kanya today, 10:00 AM” sabi ko.Naningkit ang mata ng babae sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.“Oo dito nga Miss, pero hindi sya doctora. Doctor sya. Lalaki si Dr. Alexis Lucas” sabi nya saka umismid.Nanlaki ang mata ko nung







