Share

Chapter 2

MOY: CHAPTER 02

AVIONNA POV

"Kanina kapa tulala. Gwapo 'yong bagong Prof 'no!" pang aasar niya sa 'kin.

Huminga muna ako ng malalim at pilit inalis sa isip ko ang nangyari kanina.

Bakit ba ang malas ko ngayong araw?!

Una, nalaman kong kasama sa pag uwi ni Daddy si Ate Avilyn. Si Ate Avi kasi ang kontrabida sa buhay ko. Nakaiinis ang pagiging maarte niya.

Pangalawa, napagalitan ako ni Daddy dahil nalaman niya ang pag uwi ko nang umaga na 3 weeks ago.

Pangatlo, nang asar ang bwesit kong Kuya. Iniwan ba naman ko sa gitna ng kalsada. Muntik pa akong ma late buti nalang at nacontact ko si Maine na sunduin ako.

Pang apat, nakita ko ang lalaking aksidente kong naibigay ang virginity ko no'ng gabi na iyon.

At Pang Lima! Professor ko pa talaga siya at ang nakab-bwesit pa no'n lagi ko na siyang makikita.

"Huy!"

"Ayh Gaga!" gulat na sigaw ko.

"Kanina kapa tulala! Nakakainis kana!"

"Syensa na. Ano nga sabi mo?"

"Wala!" Inis na singhal niya sa 'kin.

Napailing nalang ako. Kailangan ko ng space kailangan ko ng hangin! Jusko lord!

"Nagkakagan'yan ka dahil sa ate mo 'no? She's back."

"I know and I hate her so damn much. Wala din naman akong magagawa."

"Mag ice cream tayo?" Pangyaya niya.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Alam niya kung kailan ako aasarin. Alam niya kung kailan ako iinisin. At alam niya kung kailan ko kailangan nang kaibigan.

Tuwing may problema ako o kahit siya man ay nag i-ice cream kaming dalawa.

"Ang lamig talaga rito 'no?" Umupo siya sa may upuan dito sa loob ng 7/11.

"'Di kapa nasanay. Alam kong may air-con ka sa bahay niyo. Don't me." Umupo ako sa tabi niya at dinilaan ang ice cream na hawak ko.

"Oh? Kayo na naman." Nakangiting sabi ng lalaking taga bantay rito sa 7/11. "Dalawa kasi ang ibig sabihin kaya nag i-ice cream ang isang tao. Dahil masaya sila like may achievements, merong mga natupad. At pangalawa, malungkot sila, nasasaktan. Hmm? Alin kaya sa dalawa?"

"Kaya kasi kami nag i-ice cream dahil..." Tumingin si Maine sa 'kin.

"Gusto naming maging manhid. Kasi ang ice cream malamig. Baka sakaling maging yelo ang puso namin." Sabay na sagot naming dalawa.

Napatawa naman siya habang umiiling nagpaalam muna siya sa 'min ng may pumasok na costumer. Siya si Lance ang part-timer rito. Mabait siya at gwapo pero hanggang kaibigan lang ang tingin namin sa kaniya ni Maine.

Meron kasing mga tao na nakakausap mo lang pero pakiramdam mo kaibigan mo siya kahit na wala naman kayong pinag-usapan tungkol doon.

Tahimik lang kaming kumakain. Nagkkwentuhan rin kami tungkol sa mga napanuod naming dramas at iba iba pa. Kung summer na saan ba kami magbabakasyon.

"Tsk! Tsk! Tsk! New York, China, Korea, Italy, Japan. Wow ha! 'Di naman halatang mga spoiled brat kayo 'no? Ang malayo ko lang yatang napuntahan ay dito. Mula sa bahay namin hanggang dito." Umupo si Lance sa isa pang upuan at tiningnan kami.

"Ang boring naman ng life mo. Maging katulad ka namin, sa iba't ibang lugar kami pumupunta. And then I have a lots of money," pagmamayabang ni Maine. Halatang inaasar si Lance.

"Ang mga taong gan'yan. Kaya sila palipat lipat, kaya sila pumupunta sa iba't ibang lugar ay dahil hinahanap nila ang lugar na para talaga sa kanila, ang lugar na magpapasaya sa kanila. Alam mo ang lugar na para sa 'kin ay sa bahay namin. Do'n ko nararamdaman ang saya at ang pagmamahal. Magpatuloy lang kayo. Baka sakaling mahanap niyo ang lugar na para sa inyo, ang magpapasaya at magpapanatag sa puso niyo. Pero siguro baka wala sa lugar ang kailangan niyo. Baka sa isang tao. Aabangan ko nalang kapag na inlove kayo." Tumayo ulit siya ng may pumasok na costumer.

Nagkatingin kami ni Maine. Speechless kaming dalawa dahil sa sinabi niya. Natawa nalang kami.

"Gabi na! 'Di paba kayo uuwi?" Biglang sigaw ni Lance. Napatingin ako sa phone ko at tiningnan ang orasan.

Ay hala! 8 na! Ang bilis lang nang oras. 'Di man lang namin napansin. Inihatid ako ng driver ni Maine. Nagpaalam na ako sa kaniya bago pumasok sa loob ng bahay.

Napalunok ako ng makita si Daddy na nakaupo sa isang sofa habang nakatingin sa 'kin. Nasa gilid niya si Ate Avi at si Kuya Andrei.

Umupo ako sa bakanteng sofa at tiningnan sila. Sinabi na ng katulong na handa na ang hapunan kaya tumayo si Daddy at tinungo ang daan patungo sa Dining.

Sumunod narin si Ate Avi sa kaniya kaya tumayo narin ako bago ko naramdaman ang pag-akbay ni Kuya sa 'kin.

"Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari," bulong niya sa 'kin. Tinatahak na namin ang daan patungo sa dining.

Tahimik lang akong umupo sa tabi ni Kuya at tahimik na kumakain. Tahimik lang rin naman si Daddy kaya medyo napanatag ako.

Hanggang sa bigla siyang nagsalita.

"Nabalitaan ko na, meron kayong bagong professor?" Tanong niya sa 'kin. Tumango ako. "Do you know him?" Bigla akong napaubo dahil sa tanong niya.

"H-hindi," pag-iiwas ko.

"He's the multi-billionaire, Avionna. Ang sikat na business man. May ipapagawa ako sa 'yo."

"A-ano?" ramdam ko ang paghawak ni Kuya sa kamay ko na nasa ilalim ng mesa para pakalmahin ako.

"Hindi ko alam kung anong gagawin mo. Wala na akong pakialam. Basta ang dapat mo lang gawin ay eh convince mo siyang mag invest sa company natin. Malaking hakot nang investors kapag nalaman nilang isa si Mr. Zafueta sa mga investor natin."

"Po? Kailangan ko bang gawin 'yan Daddy?"

"Syempre, para naman may silbi ka." Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Napalunok ako at nag iwas ng tingin. "Let me introduce him. Isa siya sa pinakasikat na Business Man. Hindi dahil mayaman siya kun'di dahil narin sa itsura niya. Well, hindi ko naman itatanggi na talagang gwapo siya. Mala adonis. Sinasamba din siya. Dahil isa siya sa pinakamayaman sa buong mundo. Kahit kailan hindi umusog ang pangalan niya. Hindi siya bumababa. Malaking tulong ang pangalan ng binatang 'yon sa kompanya natin."

"Anong gusto mong gawin ko?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Makipag close ka sa kaniya. At kunin mo ang loob niya. Para madali mo siyang makumbensi."

Ha?

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status