Share

Chapter 4

MOY: CHAPTER 04

AVIONNA POV

NAPANGUSO AKO dahil hindi ko alam kung anong una kong gagawin. Tinatarayan at binabara ko lagi si Prof Zafueta na hindi naman naiinis sa 'kin. Baka magtaka 'yon kung bakit bigla akong bumait sa kaniya.

Pa'no ba gumawa ng hakbang na hindi masyadong halata?

Dahil nasa malalim akong pag iisip. Bigla nalang akong may nabangga dahilan para magkalat ang hawak niyang mga libro. Buti nalang nahawakan niya ng mabuti ang hawak niyang laptop. Kun'di lagot ako.

Tinulungan ko na siyang pulutin ang mga nagkalat niyang gamit. Nang makita kong si Prof Zafueta pala ito ay napangiti ako bigla.

"Akin na." Malamig na sabi niya habang nakalahad ang kamay niya. Kukunin na niya ang mga gamit na napulot ko ngunit niyakap ko lang ito. Ngumiti ako ng pagkamatis tamis. Baka biglang magka-diabetes si Prof sa ka sweetan ko.

"Sa room namin ikaw next Prof diba?" Pagkausap ko sa kaniya.

Kumunut ang nuo niya sa 'kin bago siya tumango at nagpatuloy sa paglalakad. Ang hahaba naman ng hita niya at alam mong hindi lang iyan ang mahaba—oh shit! Erase erase.

Pagkapasok namin sa loob ng classroom ay nagtaka ang mga kaklase ko lalo na si Maine nang makita ako na kasama si Sir.

"Nagpapa-cute."

"Di naman bagay."

"Thank you." Pagpapasalamat ni Prof bago ko nilapag ang mga gamit niya sa mesa.

Ngiti ngiti akong bumalik sa upuan ko. Huminto ako sa babaeng narinig kong nagbulungan kita.

"Pero aminin." Ngiting sabi ko. "Cute ako. Hindi lang 'yon maganda pa." Tumawa ako bago umupo sa tabi ni Maine.

Nakangiti lang ako buong klase kahit wala naman akong naintindihan. Wala akong plano kung ano ang gagawin ko. Pero go with the flow nalang ako. Ang mahalaga maganda parin ako.

"Goodbye." Huling sinabi ni Sir bago siya nagligpit.

Tumakbo ako papunta sa gawi niya. At tinulungan siya. Rinig ko ang tawa ni Maine at bulungan ng mga kaklase ko. Mas lalong nagtaka si Prof Zafueta sa inaasta ko.

BUONG LINGGO 'yan ang ginagawa ko. Alam kong naiirita na si Prof Zafueta sa pinaggagawa ko pero hindi naman siya nagrereklamo—aminin, ayaw niyang mawalay sa kagandahan ko.

"Alam mo nakakapagtaka. Diba? Ayaw mo kay Prof Zafueta? Pero bakit ilang araw ka nang nakabuntot sa kaniya?"

"Maganda kasi ako tapos Gwapo at macho siya at idagdag pa na sexy ako kaya bagay kami." Napaubo siya dahil sa sinabi ko habang ako ay nangiti ngiti lang na kumakain.

Nakita ko si Sir na pumipila. Ayh wala bang special treatment ang mga Professor rito? Or nagpapahumble lang talaga siya?

"Huy gaga. Puntahan ko lang siya." Tinuro ko si Prof Zafueta gamit ang nguso ko.

Natatawang umiling siya habang ako ay tumatakbo na sa gawi niya. Nakita ko din na tapos na siyang bumili. Bahagya pa siyang napatalon sa gulat nang makita ako.

"Hindi bagay sa 'yo ang umacteng. Alam kong hindi ka nagulat. Hmp." Walang emosyon ang mata niya tapos bigla siyang tatalon kunwari ay nagulat. Naku! Naku! Ang panget tingnan. Pero gwapo parin naman siya.

"S****p niya."

"May gusto kaya siya kay Professor?"

"Siguro."

"May gusto 'yan. Hindi naman 'yan magbubuntot kung hindi."

Rinig kong bulungan nila ngunit nakangiti lang ako habang nakasunod kay Prof na papunta sa opisina.

"Hi Prof! Gwapo niyo po!" Kinikilig na sabi ng mga babae sa gilid. Ngumiti kang si Prof habang nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi crush groupings 'to. Individual kaya 'wag kayong makisali." Singhal ko sa kanila.

Napangiwi ang iba habang tinatawanan naman ako ng iba pa. Hindi ko naman crush si Prof parang trip ko lang. Trip ko lang asarin siya.

Pinapanuod ko habang kumakain siya. Kita ko pa na nahihirapan siya sa paglunok dahil sa pagtingin ko sa kaniya.

"Wala kabang klase? Anong schedule mo?"

"Hala si Prof Z! Tinatanong ang schedule ko." Nagdalagang pilipina pa ako at nagpa-cute. Napailing nalang siya.

Bago siya nag angat ng tingin at tiningnan akong mabuti. "Prof Z?" Mahinang bulong niya.

"Masyadong mahaba ang Professor Zafueta," ngumuso ako. "Kaya Prof Z nalang. At dapat! Ako lang ang tumatawag sa 'yo niyan." Dinuro ko siya para siguraduhin na susundin niya ang sinasabi ko.

Kumunot ang nuo niya pero napatango din at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos ay tumayo na siya at umalis sa office niya.

Bigla akong nauntog sa likod niya ng bigla siyang huminto. Hinimas ko ang nuo ko. Humarap naman siya sa 'kin at nagkibit balikat.

"Sa pagkaalala ko. Pinanganak akong walang buntot," aniya.

Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko lang maging close kaming dalawa ni Prof Z. Gusto ko nasa tabi lang niya ako. Kukulitin ko siya hanggang sa maubos ang buhok niya dahil sa pagkainis sa 'kin.

Pero 'wag naman. Ang soft pa naman ng buhok ni Prof. Parang cotton. Korean hairstyle. Para tuloy siyang amerikanong koryano. Pang american kasi ang mukha niya tapos ang buhok ay pang korean.

Ang gwapo talaga niya. Good mood siguro si Lord no'ng ginagawa siya. Parang ang perfect. Walang kapintasan. Kahit siguro mangulangot siya sa harapan ko sexy parin tingnan. Kahit na maglaway pa siya.

"'Wag muna akong sundan. Dahil pinanganak akong walang buntot. At gusto ko tumanda akong walang buntot. Mag aral ka nalang." Pagtataboy niya sa 'kin bago siya umalis.

Mag aral nalang raw ako. Okay, sabi niya eh.

Nagtungo ako sa library. Dahil library time naman ngayon. Pero na bored rin ako kaya umalis na ako doon at hinanap ang room kung saan nagtuturo si Prof. Buti nalang talaga hindi pa ako napapagalitan.

Nang makita ko ito ay umupo ako sa sahig at hinintay na matapos siya. Kailangan kong magtiis sa ganito. Kailangan kong makuha ang loob niya. Para sa taong mahal ko.

Nang makita kong lumabas siya ay tumayo na ako. Muntik na akong matumba buti nalang ay napahawak ako sa balikat niya dahilan para mapabaling siya sa 'kin.

Namamanhid ang paa ko. Dahil siguro, kanina pa ako nakaupo dito. "Sinusundan mo parin ako?"

"Hindi naman," pagtanggi ko. "Prof kasi. Hindi ako makalakad," ngumuso ako.

Napatingin siya sa paa ko bago siya tumingin sa 'kin. "Edi maglakad ka."

"Hindi nga ako makalakad eh!" maktol ko.

"May paa ka pa kaya makakalakad ka pa. 'Wag kang OA."

Nag puppy eyes ako para umepekto. "Piggy back ride." Ngumuso ako.

Napasinghap siya ng tumalon ako sa likod niya. Muntik ng mahulog ang mga hawak niya. "Hindi daw makalakad pero nakatalon." Rinig kong reklamo niya bago niya inayos ang pwesto ko sa likod niya.

Pinagtitinginan kami. Pero wala doon ang atensyon ko. Ito ang kailangan ko—atensyon.

Kapag maraming may alam. Mabilis makarating kay Daddy 'to. Ito ang kailangan ko. Kailangan ko si Prof Z.

Padabog na binaba ako ni Prof sa isang malambot na sofa sa opisina niya bago niya hinilot ang balikat niya.

"Tss. Kung alam ko lang. Nakisipsip kalang. Syensa na. Ako 'yong guro na hindi nadadala sa mga gan'yang estudyante." Biglang sabi niya dahilan para manlaki ang mata ko.

Aba! Sinabihan ba akong s****p?

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status