Share

Chapter 5

MOY: CHAPTER 05

AVIONNA POV

SINUNGITAN NA NAMAN niya ako. Kada daan ang mga araw na kinukulit at bumubuntot ako sa kaniya ay sinunsungitan lang niya ako lagi. Kailangan kong mag improve pa lalo. Hindi siya nadadala sa charm ko.

Hindi pa umaapekto. Matagal lang sigurong umepekto sa kaniya kaya siguro hindi pa siya nadadala ng charm ko.

"Anong pwede kong gawin?" Tanong ko sa sarili habang tinutusok ang hotdog na kinakain ko.

Pass midnight na. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako para sana kumain. Pero tanging hotdog lang na hindi pa luto ang nasa REF. Wala kasi si Daddy dito. Umalis na naman silang dalawa ni Ate. Mas mabuti na 'yon.

Niluto ko 'yong hotdog at isa lang ang naka survive. Halos lahat sunog. Palaka naman! Magpapaturo ako next time kung pa'no magluto. Kahit prito muna. Baby steps.

Pagkatapos kong kumain bumalik ako sa kwarto ko. Para makaramdam ako ng antok nagbabasa nalang ako ng mga libro. Romance book ang binabasa ko. Baka sakaling may makuha akong mga clues kung anong gagawin ko.

Napahikab ako at nakatulog. Tumagilid ako ng higa pero biglang nahulog ang libro na nakatambay pala sa mukha ko buong gabi.

Napatingin ako sa orasan. Tanghali na. Buti nalang weekend ngayon kaya free time ko. Makakapag isip pa ako.

Nagbinat muna ako bago naligo. Pagkababa ko may nakahanda nang pagkain doon kaya kumain na rin ako. Mamayang hapon nalang ako mag jojogging dahil tanghali na at masakit na sa balat ang init ng araw.

Ano naman ang gagawin ko dito?

Manunuod? Magbasa? Ano pa? Ang boring naman kung gano'n.

Try ko kayang mag?—Shopping!

Napangiti ako at kinuha ang wallet ko bago lumabas. Naghihintay ang driver ko. Mukhang binilin ako ni Kuya sa kaniya. Mukhang alam ni Kuya na ma bobored lang ako sa bahay at lalabas para mag shopping.

Tinawagan ko na din si Maine para may kasama ako na agad naman siyang pumayag dahil katulad ko na bobored rin siya doon sa Condo niya.

Nagkita kami sa isang milktea shop sa loob ng mall. Naiwan sa labas ang driver. Ayaw ko nang may nakabuntot sa 'kin—wow! Sa 'yo pa talaga nanggaling? Binubuntutan mo kaya si Prof Z.

Aish! Nababaliw na ako. Kinakausap ko na naman ang sarili ko. Hindi na 'to normal. Kailangan ko nang magpa check up kay Prof Z.

Ay guro pala siya hindi pala siya Doctor. Hindi ko mapigilang ang paghalakhak.

Taka kong tiningnan si Maine ng lumayo siya sa 'kin at tinatago pa ang mukha niya. "Hindi ko po siya kilala." Pekeng tumawa si Maine na parang nahihiya at umiiwas talaga sa 'kin.

"Gaga! Ginagawa mo?" Tinaasan ko siya ng kilay pero dahil mas mataray raw siya tinaasan niya din ako ng kilay.

"Nakakahiya ka. Pinagtitinginan ka ng mga tao. Bigla nalang kumukunot 'yang nuo mo. Tapos seseryoso bigla na naman tumatawa. Jusko! Nakakahiya ka kasama." Napatawa ako bago siya inakbayan.

"Gaga, nakalimutan mo. Hindi ka din normal katulad ko kaya mag best friend talaga tayo." Napailing siya habang nakangiti.

Halos nilibot namin ang buong mall. Hindi kami titigil kung hindi namin maramdaman ang sakit sa paa namin. Gan'yan kami lagi kapag magkasama. Hindi kami tumitigil hangga't walang sumusuko ni isa sa 'min.

Kumain muna kami at umuwi narin pagkatapos. Gabi narin kasi. Dahil sa pagod ay nakatulog kaagad ako.

Kinabukasan nangyaya si Maine na magpa massage kami. Ang sakit ng katawan ko!.

Naka-ob-ob ang mukha ko sa higaan habang minamasahe ako. Ramdam ko ang sakit pero nakakarelax siya. Ang gaan sa pakiramdam. Ilang oras pagkatapos nagpa manicure si Maine.

At dahil bawal ang KJ. Pati ako sinali niya. Nagpa color ako ng manicure. Pero gusto ko light pink. Tahimik akong nagmumuni muni.

Pagkatapos naming magpa manicure nagpasalon pa kami. Oh! Yeah, girls thing. Kailangan fresh ako para bukas.

Uuwi na sana kami dahil gumagabi na. Ngunit napatigil ako ng makita ko si Prof Z na nakashort lang at hapit na t shirt na kulay green. Naka tsinelas lang rin siya.

Green. Hmm, parang palaka lang.

Mahina akong napatawa. "Jusko, ayan na naman siya." Napatingin ako kay Maine nang nag sign of cross siya.

LUNES, BALIK NA naman pero may improvement na. Hindi lang pagbubuntot ang gagawin ko kay Prof Z. Try ko din bumanat.

Hayst! Iniisip ko palang kinikilig na ako. Kung ako nga kinikilig, siya pa kaya? Aba! Dapat kiligin siya!

Nang free time na namin ay tumakbo ako patungo sa office ni Prof Z. Kumatok muna ako sa pinto niya. Binuksan ko ito at pumasok sa loob.

Napatingin ako sa mesa niya ng makitang may jollibee doon. Napangiti ako bago umupo. Napaangat ako nang tingin ng makita kong pumasok si Prof Z na habang may binabasa sa papel na hawak niya.

Bahagya pa siyang nagulat ng makita ako. Napailing siya bago umupo sa upuan niya. Tinabi niya ang papel na kanina ay binabasa niya. Kumain na siya. At dahil makapal naman ang mukha ko. Nakisabay ako sa kaniya.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna ako sa opisina niya dito. Pinapanuod ko lang siya busy na busy sa ginagawa niya kung ano man iyon.

"May kanta ako sa 'yo sir." Napaangat siya ng tingin bago siya tumingin sa pinto ng bumukas ito.

Pumasok si Maine na nakangiti. Binigay niya kay Prof ang isang brown envelope.

"Anong kanta?" Baling ni Prof Z sa 'kin.

"Ito Prof Z. Makinig ka." Umayos ako ng upo.

Kita ko namang hindi pa umaalis si Maine mukhang hinihintay ang kakantahin ko. Mukhang handa na siyang kiligin sa banat ko kay Prof Z.

"Pen pen desarapin. Forever mo wala parin." Turo ko kay Maine na napanguso dahil sa kinanta ko. "How how de karabaw baka ang hanap ko talaga ay ikaw." Turo kay Prof na nakatingin lang sa 'kin.

Para akong kinikilig sa upuan ko dahil sa kinanta ko habang sila ay napangiwi.

"Kiligin ka Prof Z!" kinikilig na sabi ko sa kaniya ng makitang nakatingin lang siya sa 'kin. "Nakakakilig diba? Dapat kiligin ka."

"Jusko, malala kana. Makaalis na nga." Naglakad na palabas si Maine at iniwan kami rito.

"Huy! Isama muna itong kaibigan mo!" sigaw ni Prof Z.

Kita ko ang paghilot niya sa sentido niya. "Kinilig kaba sa kanta ko sir?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo, at dahil sa sobrang kilig ko. Gusto kitang ipakuryente at itapon sa Manila Bay."

Tanging ang pumasok lang sa isip ko ay ang pagsabi niya ng, Oo.

Kinilig raw siya. Achievement na 'yon. Nagiging tao na ang Alien kong Professor.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status