Share

Chapter 3

MOY: CHAPTER 03

AVIONNA POV

Nakahinga ako ng maluwag nang umalis si Daddy dahil may tumawag rito, importante daw. Napatingin ako kay Kuya. Kita ko ang pag iling niya. Mukhang hindi siya sang ayon sa sinabi ni Daddy.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa bumalik si Daddy. Nahihirapan tuloy akong lumunok dahil pakiramdam ko pinapanuod niya ang pagkain ko.

"My answer is no Dad." Napasinghap si Kuya at Ate sa sagot ko.

Ngunit nagpatuloy lang ako sa pagkain sinigurado kong wala silang makikitang kahit na anong emosyon sa 'kin. Sinusubukan kong maging matapang sa harap nila pero sa totoo lang nanginginig na ako sa kaba.

Nag alala ako baka nagalit ko si Daddy. Nag alala ako sa possible niyang gawin para mapapayag ako. Hindi naman nag aaral doon si Ate Avi kaya sigurado akong hindi siya ang uutusan ni Daddy.

Hindi naman babae si Kuya Andrei kaya hindi niya makukumbinsi si Prof Zafueta. Sigurado naman ako na hindi sila magiging magkaibigan dalawa. Dahil kahit na magkapareho ang ugali nila hindi ibig sabihin no'n magkakaintindihan na sila.

"Sumunod ka sa 'kin Ionna." Tumayo si Daddy bago siya umalis sa Dining.

Nag iwas ako ng tingin kay Kuya bago sumunod kay Daddy. Pero bago 'yon pinigilan niya ako. "Sasaktan kalang niya." Pagpipigil niya.

"Ayos lang ako Kuya." Ngumiti ako sa kaniya.

"Pabida ka kasi." Napabaling ako kay Ate Avi dahil sa sinabi niya.

"Tumigil ka Ate." Galit na pagpigil ni Kuya kay Ate Avi.

"Kung pumayag ka nalang sana. Edi sana hindi ka masasaktan o kung ano man ang gagawin ni Daddy sa 'yo. Kahit kailan talaga pabigat ka. Hindi ka nag iisip." Tumayo na siya at umalis.

"Ang laki talaga ng galit ng babaeng 'yon sa 'kin." Inirapan ko ang likod niya bago ko sinundan si Daddy.

Agad akong kinabahan ng makita si Daddy sa may dulo. Binuksan niya ang pinto na laging nakalock. Napalunok ako. Nakatayo siya doon. Dahan dahan siyang lumingon sa 'kin at sinenyasan akong sumunod.

Binuksan niya ang pinto nang na unlock na ito. Pumasok siya sa loob. Sumunod naman ako. Unti unting nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa hagdan na papunta sa ibaba.

Underground?

Madilim rito. Pero tuwing dumadaan kami ay umiilaw ang mga lampara na nakadikit sa dingding. Para tuloy kaming nasa kuweba. Hanggang sa nakarating kami sa maliit na sala. Kulay pula ang pintura dito. May sofa, may flat screen TV o sabihing CCTV monitor.

Binuksan ni Daddy ang isa pang pinto. Bago ako sumunod sa kaniya sa loob. Nakita ko ang mga nakarehas. Ang silda. Isang kulungan. Ngunit hindi maduming kulungan kundi malinis.

"Baby." Napalingon ako sa tumawag sa 'kin.

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko ng makita ko ulit siya. Pinagbawalan ako ni Daddy na bisitahin siya. Dahil pasaway ako ay bumibisita ako ng palihim. Sinubukan ko pa no'n na itakas siya ngunit hindi kami nagtagumpay.

Dahil sa ginawa kong kabaliwan hindi kuna alam kung saan siya kinulong ni Daddy. Wala na akong alam.

Bigla akong nanghina habang nakatingin sa kaniya. Ang tagal na simula no'ng magkita kami. Mag iisang taon narin.

"Daddy buksan mo." Pagmamakaawa ko sa kaniya.

Ngunit umiling lang siya at iniwan ako dito sa loob. Yumakap ako sa kaniya kahit may hadlang na rehas pa. Na miss ko siya ng sobra sobra.

"Na miss kita, mahal ko." Bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"S-sorry." Hindi ako tumigil sa paghingi sa kaniya ng tawad. Kung hindi dahil sa 'kin hindi sana siya nilipat ni Daddy. Kung hindi dahil sa katigasan ng ulo ko edi sana hindi kami nawalay sa isa't isa sa halos isang taon. Sana hindi kami nangungulila sa isa't isa.

"Tandaan mo. Kahit na anong mangyari. Mahal na mahal kita." Tumango ako at humalik sa pisnge niya. Ramdam ko ang malambot niyang labi sa nuo ko.

Nagkwentuhan pa kami. Nakaupo ako ngayon habang nakaharap sa kaniya. Nagtatawanan kami. Hindi pinansin ang rehas na nakaharang.

Hindi ko napansin ang oras. Napatingin kami sabay sa pinto ng bumukas ito. "Aalis na tayo." Malamig na sabi nito bago sinara ulit ang pinto.

Napatingin ako sa kaniya. Malungkot siyang ngumiti. Huling pagkakataon ay niyakap ko siya. Bumukas ulit ang pinto. Nagpaalam na ako sa kaniya bago lumabas doon.

Nakita ko si Daddy na prenteng nakaupo sa pulang sofa habang may hawak siyang red wine. "Maupo ka." Umupo ako sa katapat na upuan niya.

"Bakit mo ako dinala dito?"

"Para pag isipan mong mabuti ang inuutos ko. 'Pag nagawa mo. 'Pag nag invest si Zafueta sa kompanya. Papakawalan ko siya."

Unti unting nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Seryoso? For sure?

Pinilit kong 'wag ipakita sa kaniya ang emosyon ko pero hindi ako nagtagumpay. Dahil alam ko kahit hindi ko nakikita ang sarili ko. Kumikinang ngayon ang mga mata ko sa saya at galak.

"Baka niloloko mo lang ako."

"Hindi kita niloloko. Importante ang deal na 'to Ionna." Malamig niyang sabi.

"Pa'no kapag ayaw ko?" Matigas kong tanong sa kaniya.

"Papatayin ko siya." Napasinghap ako dahil sa sinabi niya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Pakiramdam ko nanghihina ako. Para akong nauubusan ng hangin. Tanging malakas na pitik sa dibdib ko ang tanging naririnig ko lang.

Nanlalamig ang mga kamay ko at ramdam ko ang panginginig nito. Pinagpapawisan ako kahit na malamig naman rito dahil sa aircon.

"Papayag ka at papakawalan ko siya. Kung hindi? Papatayin ko siya."

"Pag iisipan ko."

"Ngayong araw lang. Hihintayin ko ang sagot mo. Pero ngayong araw lang. Kapag wala kang sinagot sa 'kin ibig sabihin. Papatayin ko siya dahil ayaw mong gawin."

Lumabas na kami doon. Panay ang kulit ni Kuya Andrei sa 'kin. Tinatanong ako kung ano daw ang pinag uusapan namin ni Daddy sa loob. Kung ano daw ang ginawa nito sa 'kin.

"May kasunduan kami." 'Yan lang ang sagot ko.

Nang makaisip isip ako ay pumunta ako sa office room ni Daddy. Kumatok muna ako. Nang makarinig ako ng permiso na pwedeng pumasok ay binuksan ko ang pinto.

Tumayo si Ate Avi bago siya lumabas habang ako naman ay pumasok.

"Naparito ka?"

"Papayag na ako. Pero ipangako mong papakawalan muna siya at hahayaan kaming mamuhay ng tahimik."

"Papakawalan ko lang ang sinabi ko."

"Then wala na tayong dapat pag usapan." Malamig na sabi at aalis na sana.

"Sandali." Pagpigil niya. "O sige. Payag ako."

Palihim akong napangiti. Ngayon, makakawala na kami sa hawak ng demonyo sa 'min. At mamumuhay ng simple at tahimik. Ang susi lang nito ay si Professor Terrious Zafueta.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status