My Only You

My Only You

last updateTerakhir Diperbarui : 2023-10-22
Oleh:  ScriptingYourDestiny On going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
6Bab
617Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

My Only You Nagising si Avionna sa hindi pamilyar na lugar, saka lang siya natauhan ng makitang may katabi siyang hindi kilala na lalaki. Naibigay niya rito ang pagkababae niya. Ngunit talaga nga namang sinusubok siya ng tadhana. Dahil ang taong naka one-night stand niya ay ang MATH PROFESSOR NILA?! @scriptingyourdestiny Ang story na ito ay purong fictional lamang. Kung mahilig kang magbasa ng plot na may taguan ng anak (ito ang hinahanap mo) Professor/Engineer at Engineer.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Zafueta Brothers Trilogy 3

NAPAPIKIT AKO dahil naguguluhan na talaga ako sa pwedeng mangyari. Ito ang araw ng kasal ko pero bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari?

"Ayos lang po ba kayo Ma'am?" tanong sa 'kin ng driver.

Nag d-drive siya papunta sa simbahan. Napangiti ako bago tumango kahit sa totoo ay hindi talaga ako okay.

"Matulog po muna kayo," naguguluhan akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Bakit naman ako matutulog? Malapit na kami sa simbahan ha.

"What the..." Gulat na sabi ko bago tumingin sa may bintana "Kuya! Nilagpasan mo po 'yong simbahan!" Turo ko do'n sa simbahan.

"Sino po ba may sabi sa 'yong sa simbahan kita dadalhin?" Ngumisi siya bago may pinaamoy sa 'kin na kung ano. Nagpumiglas pa ako pero nawalan rin ng lakas dahil sa naamoy ko.

Pagkagising ko ay nakaramdam ako ng hilo napapikit muna ako bago pinahupa ang nararamdaman kong hilo.

"Hi," napamulat ako at ng makita ang isang pigura ng tao sa may pintuan.

"Sino ka?" Galit na tanong ko sa kaniya "Nasa'n ako?! Ibalik mo 'ko kay Terrious hayop ka!"

Unti unti siyang humakbang palapit sa 'kin. Nang makita kuna ng malinaw ang mukha niya ay napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwalang magagawa niya lahat ito.

"B-bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Wala ka nang babalikan," nakangising sabi niya bago sumandal sa may dingding.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Akala ni Terrious. Iniwan mo siya. Akala nilang lahat kaya hindi ka tumuloy sa kasal dahil may iba kang kasama," tumawa siya na parang demonyo.

"Hindi totoo yan! Hindi maniniwala si Terrious sa 'yo! Mahal ko siya! Alam niya 'yon! Nasa'n ako ngayon?! Pota ka! Iuwi muna ako!"

"Kalma! Baka makunan ka," napatigil ako dahil sa sinabi niya bago hinaplos ang tyan ko. Tumawa naman siya ng malakas "Buntis ka na naman. Tataguan mo na naman siya ng anak. Ha-Ha! Ibang klase."

"Wala na akong balak taguan siya anak hayop ka! Kaya ibalik muna ako sa kaniya. Pakiusap. Pa'no mo nagawa sa kanya lahat ng 'to? Pamilya ka niya. Kadugo mo siya. Traydor kang hayop ka!"

"Kinamumuhian kana niya ngayon. Natatawa ako. Kasi habang kasama ko siya hindi niya alam na nasa akin ka. Ang bobo niya!" Tumawa na naman siya ng nakakatakot.

"H-hayop ka, I-Ibalik mo 'ko sa kanya. P-pakiusap."

"W-wala na kong balak ibalik ka sa kanya. Dahil wala naman siyang balak hanapin ka!" Tumawa na naman siya bago ako iniwan rito.

Tumayo ako at tumakbo papunta sa may pintuan. Ngunit nakasara ito. Napaupo ako at napasandal rito.

Terrious, pakiusap hanapin mo 'ko.

Sundin mo kung anong nasa puso mo. Maniwala ka. Mahal na mahal kita. Pakiusap, maniwala ka. W-wag kang maniwala sa kanila.

Hanapin mo 'ko pakiusap. Pakiusap Terrious hanapin mo 'ko.

Pakiusap, hanapin mo 'ko. Tingnan mo. Dala-dala ko ngayon ang pangalawa nating anak.

Please, wala na akong balak taguan ka ulit ng anak. B-basta p-pakiusap. Hanapin mo 'ko.

Terrious, pakiusap mahal ko. Hanapin mo 'ko.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
6 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status