LOGIN
"Dex, anak? Kumusta ang school?'' tanong ni Grace sa kaisa-isang anak na si Dexter, kaharap niya ito sa mesa ngayong umaga para mag-breakfast.
"It's exhausting, but worth it." "Kaya mo 'yan, katulad ka kaya ng Daddy mo." Natigilan sa pagnguya ng pagkain ang bente-tres anyos na si Dexter nang maalala ang amang doktor na namayapa. "Siguradong kung buhay pa ang Daddy mo. Matutuwa 'yon," lumungkot ang boses ng kanyang ina kaya hinawakan niya ito sa kamay. "For sure, Mama. Do you miss him?" "Of course, anak. Siya lang ang lalake sa buhay ko-" "Paano naman ako?" putol niya agad. "Ay, oo nga. Nakalimutan ko ang baby boy ko," napapikit si Dexter nang halikan siya sa pisngi ni Grace. "Mama," awat niya at tumingin sa paligid. Pinunasan pa niya ang pisngi. "O, bakit?" walang-ideyang usisa ng mama niya. "Anong bakit? Baka may makakita sa atin," tugon niya. "Asus. Porke't ba, binata ka na. Bawal ka nang halikan. Bakit magagalit ba ang girlfriend mo?" Pinunasan lang ni Dexter ang labi ng table napkin bago tumayo. "I'll gotta go, Ma." Hinalikan niya ang ina sa pisngi at sinakbit ang bag. "Sandali, anak!" "See you, Mama!" tugon niya nang makalabas ng patio ng bahay. Napangiti na lang si Grace at tumayo na rin para ligpitin ang plato sa mesa. "Ako na po riyan, Ma'am," lumapit sa kanya ang matagal ng kasambahay na si Dorothea. "Salamat, Manang." Sinakbit na ni Grace ang bag, lumabas ng bahay at sumakay sa kotse. Nagdiresto siya sa mall, naroon ang kanyang negosyong, gift store. "Good morning, Ma'am," iisang bati kay Grace ng ilang staff nang makapasok siya. 'Good morning din," nakangiti niyang tugon. Pumasok lang siya sandali sa opisina bago lumabas. Nakasanayan na niyang magtrabaho pa rin na parang isang staff. "Ako na riyan," nakangiting wika niya sa staff na si Julius na nagbabalot ng regalo. "Sigurado ba kayo, Ma'am?" "Oo, mag-break ka muna." "Salamat po." Napatingin si Grace sa kustomer na kaharap niya. Isang iyong babae na may kahawak-kamay na batang lalake. Sinimulan niyang balutan ang laruan na pambabae. Kaya muli niyang sinulyapan ang tingin niya ay mag-ina sa harap niya. "Para ho kanino 'to?" tanong niya. "Para sa anak kong babae, birthday niya," sagot ng kustomer. Mas lalong napangiti si Grace. "Mama, siguradong matutuwa si Jasmine sa birthday gift natin sa kanya," sinulyapan niya ang nakangiting batang lalake. "Masarap ba magkaroon ng kapatid?" tanong niya rito. "Opo." 'Heto ho," inabot niya ang nabalutang regalo. "Pakisabi ho sa anak niyo, happy birthday." "Salamat ho." May ngiti pa rin si Grace nang tanawin ang mag-ina na palabas. Napatitig siya sa hawak na regalo ng babae. "Ma'am, ako na po riyan," muling bumalik si Julius sa pwesto nito. Tinapik lang niya sa balikat ang staff at nagtungo sa pwesto ng laruan ng pang-batang babae. Hanggang sa maalala niya si Dexter. Kinuha niya ang cellphone at tinapat sa tenga nito. "Hello, Dex?" "Yes, Mama." "Dumaan ka rito sa shop para sabay tayong makapag-lunch, ha?" "Sorry, Ma. May group project kami. Alam niyo naman, kapag graduating ng pre-med. Next time na lang," rinig pa ni Grace ang ingay mula sa eskwelahan ng anak. "Sige, ano na lang ang dinner ang gusto mo?" "Baka gabihin din ako, Mama. Deadline na ng project. Bawi na lang ako pagtapos ng semester." "Sige, anak." Malungkot niyang ibinaba ang cellphone at sinulyapan ang isang mag-iina. Isang babae at isang lalake na tuwang-tuwa nagtingin-tingin sa mga stuffed toy. "Ma'am, ang aga niyo hong umuwi," bati ni Dorothea nang makita si Grace. "Wala hong masyadong ginagawa sa shop," sagot niya at pabagsak na umupo. "Si Dex ho sana inaya niyong kumain o maggala man lang," ani kasambahay. "Busy sa pre-med school niya." "Sabagay ho. Nagbibinata na si Dexter, at ang dami pa ng taon na pag-aaral para maging doktork. Atsaka, mas gustong kasama ang mga kaibigan. Dapat ho kasi nag-asawa kayo, Ma'am." Napangiti si Grace at napailing. "Hindi na ako makahahanap ng lalakeng makapapantay sa asawa ko," tumayo na siya. "Ma'am, birthday niyo na ho bukas. Ano bang iluluto natin?" sinundan pa siya ng kasambahay. Huminto siya sa tapat ng hagdan at hinawakan sa balikat ni Dorothea. "Aalukin ko na lang mag-dinner si Dex. Huwag na kayong mag-abala magluto. Ipagta-take out ko na lang kayo." "Iyon, Ma'am! Iyon ang gusto kong marinig," tuwang-tuwa sagot ni Dorothea. Pagod na umakyat si Grace sa itaas ng bahay. "Good morning," hinalikan ni Dexter ang ibabaw ng ulo ni Grace nang makalapit sa dining area. Nakasimangot siya nitong tiningala. "Wala ka bang naalala sa araw na 'to?" Kunyari siyang nag-isip. "Ahh, naalala ko na." Sinalubong ng binata ang mga mata ng ina. "Ngayon namin ipapasa 'yong anatomy project namin." "Hay, sige na nga. Pumasok ka na," nagtatampong himig ni Grace. "I'm just joking, Mama." "Happy birthday," may inilabas siyang isang paperbag. Agad na kumislap ang mga mata ng ina. Yumakap ito sa tiyan niya. "Swerte talaga ang magiging girlfriend mo, Dex." "Saan tayo sa birthday niyo?" pag-iiba niya at kumuha ng slice ng tinapay. "Mag-dinner na lang tayo?" "Okay, Mama. Shall we meet at the fine dining restaurant close to the university?" "Sure, anak." "Then, I'll have to go," hinalikan niya sa pisngi ang ina at nakangiting lumabas ng bahay. Dumiretso siya sa kotse na nasa garahe. Nang mamatay ang daddy niya ay ipinangako niya rito na laging aalagaan ang ina. Kaya kahit na binata na siya at may iniintinding iba sa buhay, lalo na ang maraming taon na pag-aaral ng medisina. Hindi pa rin niya kinakalimutan ang ina. "Dex,, nagyaya si Solomon." Binangga pa ni Hero si Dexter sa braso na naglalagay ng mga libro sa bag matapos ang isang klase. Tumayo siya at humarap sa kaklase at kaibigan. "Pass muna ako, birthday ni Mama." "Hirap ng only child 'no?" Napatingin siya rito habang nakakunotnoo ang noo. "Syempre, napipilitan kang samahan ang Mama mo. Kung may kapatid kang babae, silang dalawa ang magkasama," sagot ni Hero. "Actually, hindi naman ako napipilitan," tuwid niyang sagot habang hawak ang strap ng backpack. "Sasamahan ko ang Mama ko dahil gusto kong makasama siya sa birthday niya. Excuse me," dinaaan niya ang kaibigan at dire-direstong lumabas ng lecture room. "Dex!" "Dex, wait," huminto lang siya nang harangin ni Shane, kaklase niya. Inaabot nito ang ilang notebook. "Iyong hiniram kong notes mo last week." Seryoso niyang kinuha iyon at tiningan. "Birthday pala ni Tita Grace?" Napatingin siya rito. "Pakisabi, happy birthday. Here," bumaba ang atensyon niya sa inaabot nitong kahon. "Birthday gift ko sa kanya." Napangiti si Dexter. "Salamat.""Heather.""Manang?" Binuksan ni Heather ang pinto habang kinukuskus ang basang buhok ng tuwalya."Patulog ka na ba?""Hindi pa ho."Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Nag-arko ang mga kilay niya nang makita ang ilang dala-dala nitong folder, at libro."Ano ho 'yan, Manang?""Nakalimutan kong ibigay sa iyo iyan kanina. Ibinigay iyan ng Kuya Dexter mo."Tumikwas ang isang kilay niya. "Makakatulong daw 'yan sa entrance exam mo sa medical school kung saan siya galing. Iyon malapit lang dito, kung saan din siya nag-aral."Ipinatong ng kasambahay ang mga dala-dala sa mesa niya ay lumabas na rin. Lumapit siya roon at binuklat iyon.Naalala niya ang bilin sa kanya ng nakakatandang kapatid noon.Bago sumagi ang alok ng kaibigan na mag-aral sa mas malayo pang bayan.Isang hininga ang ginawa niya."One, two, three," determinadong nagche-chest compression sa pasyente si Dexter."Dex, kailangan natin ng guide ng senior doctor kaya itigil mo na 'yan. Chest compressions are not part of our i
"Marquez, Emily Anne."Kinakabahang luminga si Heather. Naroon ang mga magulang ng mga kapwa niyang graduate.Hindi makita ng mga mata niya ang hinahanap sa nakahanay na mga puting toga. Naroon na siya sa pila, kasunod-sunod ng ilang mga kaklase. Maliit ang naging ngiti niya nang mapalingon sa mga magulang na kasama niya sa pamilya.Habang siya ay mag-isa."Saadvedra, Heather Seya.""Ikaw na, Heather," kung di pa siya kalbitin ng kaklase sa likuran ay hindi siya magigising sa pagkatulala. "Kanina ka pa tawag sa stage."Nilinga niya ang entablado. "Saadvedra, Heather Seya," ulit ng teacher sa mikropono.Narinig niya ang palakpakan. Mabilis siyang naglakad at umakyat sa stage."Congratulations, Heather."Alangan ang ngiti niya nang makipagkamay sa principal at tanggapin ang diploma."Salamat po."Humakbang na siya. "Sandali lang," napatingin siya sa photographer na nakahanda na siyang kunan ng litrato.Ngumiti si Heather nang maliit. "Sandali."Tumaas ang magkabilang kilay nang sumilip
Sa paglabas ni Dexter sa pinto ng isang kwarto ng pasyente ay nilinga niya ang isang dalagita na nakaupo.Napangiti siya nang maliit at naalala ang kapatid na naiwan. May ilang linggo na siyang umalis sa bahay nila. Ganoon na rin sa kanyang internship.Naglakad siya at huminto sa tapat ng dalagita. Tiningala siya nito at nakipagtitigan."Sinong hinihintay mo?"Umirap ito. "Bakit?"Napangiti si Dexter sa pa-supladang sagot ng dalagita. "Wala naman," umupo siya sa katabing silya nito.Dumekwatro at humalukipkip."Ilang taon ka na?" tanong niya habang malayo ang tingin."Bakit mo itinatanong?""Type mo ba ako, Dok?"Napangiti siya. "Hindi ako napatol sa bata. Hindi kita type-""Asus," nilinga ni Dexter ang batang babae na sumandal at ginaya ang pagkakahalukip niya. "Siguradong tatanungin mo rin ang pangalan ko," dagdag ng dalagita."Nahihiya ka lang," napangiti siya habang pinagmamasdan ang dalagita na may pinaalala sa kanya."May naalala lang ako sa iyo," seryosong wika niya.Humarap ka
"Gising ka na pala."Isang tipid na ngiti ang ginawa ni Heather nang maabutan na naghahanda ng almusal sa mesa ang kasambahay."Kumain ka na," ipinag-usod pa siya nito ng silya."Salamat ho, Manang," bago okupahan ang silya at sandali pa siyang tumingala sa pangalawang palapag kung saan siya galing."Bakit, Ma'am Heather?"Umiling siya at tuluyan nang umupo. "Kumain ka na, at ilang araw na ang lumipas nang hindi ka kumakain nang maayos," ipinaglagay siya nito ng pagkain sa plato.Tumango siya at kinuha ang kutsara. "Nga pala, kailan ang graduation niyo?""Sabi ng Kuya mo, ako na lang daw ang umakyat sa iyo," natigilan siya."Mahihirapan kasi siyang bumalik sa Roxas City," nabitawan ni Heather ang kutsara sa platong babasagin at tiningala si Dorothea."Roxas City?" gulat niyang ulit."Oo, hindi ba niya nasabi sa iyo?""Ang alin ho, Manang?""Umalis na si Kuya Dexter mo, pupunta na siya sa Roxas City doon siya magkakaroon ng internship sa Roxas Hospital.""Kanina pa ho ba siya nakaali
"Heather," lumapit si Dorothea sa kanya."Ayos ka lang ba, iha?" nag-uunahang tumulo ang mga luha niya. Awtomatikong siyang inalalayan ng kasambahay."Tumahan ka na," aniya nito habang hinagod ang buhok niya."Punasan mo ang mga luha mo. Umakyat ka sa kwarto mo at magbihis. Samahan mo ang Mama mo at ang Kuya mo."Iginiya siya nitong tumayo nang tuwid. Tumango-tango siya bago sinimulang maglakad. Umakyat siya ng hagdan nang may luha. Nang makapasok sa kwarto ay napaluhod siya sa gilid ng sariling kama."Mama," hagulgol niya.Kung nanaginip man siya.Sana may gumising sa kanya.Sana bukas, buhay pa ang Mama niya."Mama, ikaw na lang ang mayroon ako.""Ikaw ang pamilya ko.""Ikaw ang kauna-unahang gusto kong makasama habang-buhay," patuloy niya habang umiiyak.Nakaupo si Dexter sa unahanh silya ng chapel. Nasa harapan niya ang maliwanag na ilaw sa tabi ng kabaong ng ina.Agad niyang pinunasan ang luha nang maalala ang nakakabatang kapatid. Sapo-sapo niya ang bibig habang pigil pa ang ma
"Mama!" sigaw ni Dexter nang tumakbo. "Tabi, tabi," hinawi niya ang ilang taong pumapaligid sa isang pwesto. At lumaki ang mga mata niya nang makita ang ina walang malay.Agad niya itong dinaluhong. "Mama."Hinawakan niya ito ay inilagay ang ulo sa mga binti. "Mama, wake up.""What happened?" hindi niya alam kung anong itinatanong. Hanggang sa buhatin niya ang ina. "Dadalhin kita sa ospital," nagmamadali siyang naglakad habang buhat ito. Sumakay sa kotse at agad iyong pinaandar.Tulala si Heather habang nasa pwesto. Nagpabalik-balik sa paligid niya ang ilang estudyante na kanina ay nakapalibot sa nanay niyang walang malay.Pumatak ang mga luha niya.Palad lang ang nakita niya mula sa ina ay natakot na siyang lumapit. "Si Mama," aniya at pinunasan ang mga luha. Mabilis siyang tumakbo palabas ng school.Ilang minuto lang ang itinakbo ng taxi ay nagmamadali siyang bumaba. Punong-puno ng pag-aalala ang anyo niya.Napapatingin kay Heather ang mga tao sa loob ng ospital dahil sa pagmamad
Heather, magpakilala ka kay Kuya Dexter mo," utos ni Grace. Nakita ni Dexter na hinagod siya ng tingin ng batang babae mula ulo hanggang paa. Napangiti siya sa inis. "Kuya ko siya?" tanong nito. "Hindi, ate," pilosopo niyang sagot. Wala siyang emosyon na pinagmamasdan ng bata na ikinainis
"Dex?" Itinaas ni Dexter ang mukha mula sa pagkakatungo sa pagkain. Magkaharap na sila ng ina sa mesa ng isang restaurant. "What's that, Mama?" nakita niya ang alangan sa mukha ng ina kaya napakunotnoo siya. "Ano ba 'yon? Pinakakaba niyo naman ako," dagdag niya. "Wala naman, anak. Hindi ba birth
"Anak." "Heather," naputol ang usapan nila nang dumating ang alalang-alala na si Grace. "Mama," niyakap agad nito si Heather. Pagkatapos ay humarap at sinipat-sipat ng tingin. "Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?" Nahihiya siyang tumango. "Dex, anak," nilinga naman ni Grace ang panganay.
Dugo ang sulok ng labi ni Joanne. Ibinagsak naman ni Heather ang aluminum na food tray sa sahig. Halos walang humihinga sa loob ng cafeteria. "Heather, halika na," hinila siya nila Sam at Emily palabas ng cafeteria. Bumitaw siya matapos makalabas. "Bitawan niyo 'ko," mahina niyang wika. "Halika n







