MasukNoong birthday ng single mother na si Grace Saavedra ay hinayaan ng anak nito na si Dexter na matupad ang hiling ng ina. Ang magkaroon pa ng isang anak. Anak na babae. Sa isang ampunan, nakita ni Grace ang sampung-taong gulang na si Heather. Dinala sa bahay, at doon nakilala ni Dexter ang bagong kapatid niya. Si Heather na madalas niyang kaaway pero naging malapit sa kanya. Hanggang lumipas ang taon, ang batang si Heather ay isa ng dalaga, magandang dalaga. At iba na ang nararamdaman sa kanyang kuya na sampung taon ang agwat sa kaniya? Paano ba masasabi ni Heather ang nararamdaman para sa kapatid niya na hindi man niya tunay na kadugo ay para na niyang tunay na pamilya? Matatanggap ba kaya ni Dexter ang pag-ibig ng ampon niyang kapatid?
Lihat lebih banyakItinutok ni Heather ang kamera kay Dexter na nasa di kalayuan ng park. Nakapamewang ito habang malayo ang tingin. Sa bawat click ng kamera ay kasabay nang pagngiti niya. Napakagandang subject ng kanyang kuya. Napakagwapo nito sa kamera. "Heather," mabilis niyang ibinaling sa iba ang kamera nang marinig ang ina. "Heto, ice cream," ibinaba ni Heather ang hawak at kinuha ang inaabot nito. "Sa iyo ang tsokolate. Habang sa Kuya mo naman ang cookie's and cream." Tumango siya at tinanggap iyon. Umupo si Grace sa kabilang banda ng kanilang picnic blanket at tinanaw ang panganay. "Dex!" Nilinga ni Dexter ang ina. "Halika na rito." Ngumiti ang binata at lumapit. Umupo ito sa harapan ni Heather. "Para sa iyo, anak." "Wala kayo?" takang tanong niya. "Last na ice cream na 'yan, e. Sige na, kainin niyo na," marahan niyang itinulak ang kamay pabalik sa ina na may hawak na ice cream. "Sa iyo na 'yan, Mama." "Paano ka?" "E, 'di," bumaling si Dexter sa kapatid. Nagulat at lum
"Anak." "Heather," naputol ang usapan nila nang dumating ang alalang-alala na si Grace. "Mama," niyakap agad nito si Heather. Pagkatapos ay humarap at sinipat-sipat ng tingin. "Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?" Nahihiya siyang tumango. "Dex, anak," nilinga naman ni Grace ang panganay. Lumapit si Dexter dito, awtomatikong yumakap ang ina. "Ikaw, ayos ka lang?" "Yes, Mama. I'm fine. Iyang anak niyo ang hindi," tiningan ni Dexter si Heather na agad umirap. "Heather, anak. Tungkol na naman saan ito?" umupo si Grace sa tapat ng dalagita. "Heather." Sinalubong niya ang mga mata ng ina. "Ano bang ginawa sa iyo ni Joanne para sampalin mo siya ng maraming beses?" "Mama, kulang ang sampal na 'yon sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing tinatawag niya akong ampon." Napakurap si Grace. "Anak-" "Mama, alam ko iyon ang totoo kaya nga masakit, e. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang ipaalala ang pilit kong kinakalimutan," tumulo ang luha ni Heather. Iniwasan nama
Dugo ang sulok ng labi ni Joanne. Ibinagsak naman ni Heather ang aluminum na food tray sa sahig. Halos walang humihinga sa loob ng cafeteria. "Heather, halika na," hinila siya nila Sam at Emily palabas ng cafeteria. Bumitaw siya matapos makalabas. "Bitawan niyo 'ko," mahina niyang wika. "Halika na, baka gantihan ka pa ni Joanne," natatakot na sagot ni Sam. "Oo nga," segunda naman ni Emily. Pwersahan niyang inalis ang braso. Natigilan naman ang mga ito. "Kaya ko ang sarili ko. Pabayaan niyo 'ko." "Heather," sabay nang tawag ng dalawa nang umalis siya. Kumalampag ang pinto ng cubicle ng restroom nang punaoskysi Heather. Hinihingal siyang umupo sa toilet seat. Namalayan niyang pumatak ang mga luha. Kahit mayroon siyang masayang pamilya. Hindi pa rin mawala ang pagtawag sa kanya ng ampon ng iba. At ang limang letra na 'yon ang patuloy na nagpaalala sa kanya na hindi niya tunay na kadugo ang mga kasama niya. "Hoy, bata." "Buksan mo 'to." Dahan-dahang nagmulat si Heather. Inalis
"Ano bang ginagawa mo, Kuya?" Binuklat nito ang ilang notebook niya at nilipat-lipat ng pahina. "Here," ipinatong ni Dexter ang notebook sa ibabaw ng study table. "See? May homework ka. Bakit hindi mo gawin?" Tumaas lang ang sulok ng labi ni Heather habang nakatitig doon. Hanggang sa hilahin ni Dexter ang silya at inuupo ang kapatid. "Mag-aral ka muna. Hindi puwede ang grades mo sa medical school-" "Sino bang nagsabing magme-medical school ako?" Tiningala siya ng dalagita. "Ayoko kayang tumanda nang nag-aaral nang nag-aaral- aray!" Mahinang pinitik ng binata ang noo ni Heather. "Ano ba-" akmang tatayo siya nang itulak siya Dexter pabalik. Napaatras siya habang pakurap-kurap nang ilapit ng nakakatandang kapatid ang mukha. "You'll become a nurse, and I'll become a doctor so we can be together." Matigas na nalunok ni Heather ang laway buhat sa narinig. "A-anong together?" Inilayo ni Dexter ang mukha, idiniretso ang likod at humalukipkip pagkatapos ay kunyaring nag-is


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.