Share

KABANATA 2

Author: KokoyIsMyLife
last update publish date: 2025-02-18 18:52:30

"Dex?"

Itinaas ni Dexter ang mukha mula sa pagkakatungo sa pagkain. Magkaharap na sila ng ina sa mesa ng isang restaurant.

"What's that, Mama?" nakita niya ang alangan sa mukha ng ina kaya napakunotnoo siya. "Ano ba 'yon? Pinakakaba niyo naman ako," dagdag niya.

"Wala naman, anak. Hindi ba birthday ko?"

Tumango siya at tumungga ng wine.

"May birthday wish sana ako."

"I see. Anong birthday wish mo Mama?"

Hinawakan ni Grace ang kamay ng anak na nasa ibabaw ng mesa. Napatingin naman doon si Dexter bago muling sinalubong ang mga mata nito.

"Gusto ko sanang dagdagan ang pamilya natin?"

Mas lumukot ang noo niya.

"Gusto ko na magkaroon ka ng kapatid."

Nagtataka niyang ibinaba ang baso ng wine. "Gusto niyo ako magkaroon ng kapatid? Paano 'yon?" tanong niya at itinuro ang katawan ng ina.

Napangiti si Grace.

"Gusto kong mag-adapt."

Napakurap ang mga mata ni Dexter.

"Gusto ko ng babae."

"Okay lang naman, Ma."

"Talaga?"

"Oo naman pero-" pabitin niya na nakapagpawala ng saya ng ina. "Huwag ng baby, para hindi kayo mahirapan sa pag-aalaga."

"I-ibig-sabihin, pumapayag ka na mag-ampon ako?" ulit ng hindi makapaniwalang si Grace.

Kaswal na tumango si Dexter. "Wala namang problema doon, Mama. Kung iyon ang gusto niyo at doon kayo masaya. Mag-ampon kayo ng babae."

"Salamat, anak."

Napatayo pa si Grace sa saya at napayakap sa binata. Napangiti naman si Dexter at hinawakan ang braso nito. Alam niya ang naramdaman ng ina. Madalas nang hindi siya nito makasama, at siguradong gusto nito ng anak na aalagaan muli.

Naglalakad si Grace papasok ng Maharlika Orphanage. Nasilip niya ang mga batang naroon.

"Aray!"

Nilinga ng batang si Heather ang kaibigan na napaupo matapos itulak ng batang lalake. Iniwan nito ang nilalaro at hinarap ang kapwa bata.

"Bakit mo siya tinulak?"

"E, inaagaw niya laruan ko. Umalis ka nga," akmang iitulak si Heather ng batang lalake pero hinawakan nito ang kamay ng paslit at itinulak.

"Kaibigan ko siya. Kung may kinuha siyang laruan, isumbong mo kay Sister Margene."

Napangiti si Grace habang naririnig at pinanood ang magandang batang babae. Lumaki ang mata niya nang makitang nilapitan ng batang lalake ang magandang paslit at hinila sa damit.

"Mga bata," nagmamadaling lumapit si Grace at pumagitna sa mga ito. "Huwag kayong mag-away."

"Anong nangyayari rito?" Lumapit na rin ang mga Madre na lumabas ng ampunan. Nilinga ni Grace ang batang babae na nakaharang sa kaibigan nito.

"Sino siya, Sister Mergene?"

Nakatanaw si Grace sa batang babae na nakaupo sa isang duyan sa malawak na harapan ng ampunan.

"Siya si Heather Seya Francisco, 13 years old. Matapang at walang inaatrasan."

"Paano siya napunta sa ampunan?" usisa niya.

"Dinala siya ng mismong ina niya na hindi raw siya kayang buhayin."

Bumaling si Grace sa Madre. "Puwede ko siyang kausapin?" Tumango at ngumiti si Sister Mergene.

"Hello."

Tiningala ni Heather ang babaeng lumapit. Umupo ito sa tapat niya. "Kumusta ka? Nasaktan ka ba kanina?"

"Hindi po. Sino po kayo?"

Napangiti si Grace at inilahad ang kamay.

"Ako si Grace. Ikaw si?"

"Ako po si Heather," tinanggap nito ang palad niya. "Bakit kayo nag-away ni Gab?" pagtukoy ni Grace sa batang lalake kanina na kaaway nito.

Tumanaw si Heather sa palaruan kung nasaan ang ilang batang lalake. "Lagi niya pong inaaway ang mga babae. Kahit wala naman pong ginagawa."

Napangiti si Grace.

"Heather?"

Binalingan siya ng bata. "Gusto mo bang sumama sa akin?"

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"

Inilapit niya ang mukha rito. "Gusto mo bang ampunin kita?"

"Kung gusto niyo po ako," sagot nito na mas ikinatuwa ni Grace. "Isasama kita at gagawin kitang pamilya, iyon ang gusto ko."

Napatingin si Heather nang itaas ng babaeng nasa harap niya ang dalawang braso. Alangan siyang lumapit dito, nagulat siya nang yumakap ito sa kanya.

"Si Heather ang napili ko," seryosong kaharap ni Grace ang pinakamataas na Madre sa loob ng opisina ng orphanage.

"Mama, aalis na kayo?"

Naabutan ni Dexter ang ina na mabilis na sumisimsim ng juice sa mesa nang makababa siya ng hagdan. Nang ibaba nito ang baso ay hinalikan siya sa pisngi.

"Oo, Dex. Alam mo naman na inaasikaso ko 'yong papel ng mga kapatid mo para maiuwi ko na siya rito. Dahan-dahan siyang napatango.

"Mauna na 'ko," nakangiting wika ng ina at umalis. Nasundan niya na lang ito ng tingin. Masaya siyang makita ang iba at bagong sabik sa ina.

"Heather."

Nangingilid ang luha ni Grace nang sulyapan ang pinto. Pumasok doon ang magandang bata kahawak-kamay ang isang Madre.

"Sumama ka na kay Mrs. Grace," dagdag ng Mother Superior.

Inosenteng tiningan ni Heather si Grace. Bumaba at lumuhod pa ang ginang at itinaas ang mga braso. Napangiti ang bata at patakbong yumakap dito.

"Iuuwi na kita sa amin, Heather, ha?"

"Magiging pamilya tayo. Gusto mo ba 'yon?"

Nang iharap ni Grace ang bata ay nakita niya ang ilang luha nito na agad niyang pinunasan.

"Bakit?"

"Wala po, ngayon lang po kasi ako nakarinig ng salitang pamilya," sagot nito na mas lalong nagpakurot sa puso niya. Muli niya itong niyakap.

Hawak ni Grace ang kamay ni Heather nang ibaba ito sa kotse. Tiningala ng bata ang mataas na bahay.

"Halika, ipapakilala kita sa kapatid mo."

Pumasok sila sa loob. Umalingawngaw ang boses ni Grace nang tawagin ang anak.

"Dex!"

"Dex!"

Napakunotnoo si Dexter habang pababa ng hagdan. Mas nadagdagan iyon nang may makita siyang batang nakatalikod at mahaba ang buhok. "Hoy, bata. Sino ka?"

Dahan-dahang humarap si Heather at nagtugma ang mata nila ng isang binatang mestizo.

"Sino ka? Paano ka nakapasok?"

Hindi sumasagot ang bata kaya lumapit si Dexter. Agad na iniwas ni Heather ang hahawakang balikat nito. "Aba," na wika ng binata.

"Sino ka bang bata ka?" pinameywangan nito si Heather. "Naligaw ka ba? Labas na-"

"Huwag mo akong hawakan."

Natawa sa mangha at inis na si Dexter. "Ang lakas ng loob mong bata ka, ha?" akmang itataas niya ang kamay nang dumating si Grace.

"Dex, stop it."

Ibinaba niya ang kamay. Pinanood niya ang ina na hinawakan ang batang babae.

"Kilala niyo ang bata na 'yan?"

"Oo. Siya si Heather, kapatid mo." Dahan-dahan nagkatinginan sina Heather at Dexter.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Orphan Wife    KABANATA 18

    "Heather.""Manang?" Binuksan ni Heather ang pinto habang kinukuskus ang basang buhok ng tuwalya."Patulog ka na ba?""Hindi pa ho."Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Nag-arko ang mga kilay niya nang makita ang ilang dala-dala nitong folder, at libro."Ano ho 'yan, Manang?""Nakalimutan kong ibigay sa iyo iyan kanina. Ibinigay iyan ng Kuya Dexter mo."Tumikwas ang isang kilay niya. "Makakatulong daw 'yan sa entrance exam mo sa medical school kung saan siya galing. Iyon malapit lang dito, kung saan din siya nag-aral."Ipinatong ng kasambahay ang mga dala-dala sa mesa niya ay lumabas na rin. Lumapit siya roon at binuklat iyon.Naalala niya ang bilin sa kanya ng nakakatandang kapatid noon.Bago sumagi ang alok ng kaibigan na mag-aral sa mas malayo pang bayan.Isang hininga ang ginawa niya."One, two, three," determinadong nagche-chest compression sa pasyente si Dexter."Dex, kailangan natin ng guide ng senior doctor kaya itigil mo na 'yan. Chest compressions are not part of our i

  • My Orphan Wife    KABANATA 17

    "Marquez, Emily Anne."Kinakabahang luminga si Heather. Naroon ang mga magulang ng mga kapwa niyang graduate.Hindi makita ng mga mata niya ang hinahanap sa nakahanay na mga puting toga. Naroon na siya sa pila, kasunod-sunod ng ilang mga kaklase. Maliit ang naging ngiti niya nang mapalingon sa mga magulang na kasama niya sa pamilya.Habang siya ay mag-isa."Saadvedra, Heather Seya.""Ikaw na, Heather," kung di pa siya kalbitin ng kaklase sa likuran ay hindi siya magigising sa pagkatulala. "Kanina ka pa tawag sa stage."Nilinga niya ang entablado. "Saadvedra, Heather Seya," ulit ng teacher sa mikropono.Narinig niya ang palakpakan. Mabilis siyang naglakad at umakyat sa stage."Congratulations, Heather."Alangan ang ngiti niya nang makipagkamay sa principal at tanggapin ang diploma."Salamat po."Humakbang na siya. "Sandali lang," napatingin siya sa photographer na nakahanda na siyang kunan ng litrato.Ngumiti si Heather nang maliit. "Sandali."Tumaas ang magkabilang kilay nang sumilip

  • My Orphan Wife    KABANATA 16

    Sa paglabas ni Dexter sa pinto ng isang kwarto ng pasyente ay nilinga niya ang isang dalagita na nakaupo.Napangiti siya nang maliit at naalala ang kapatid na naiwan. May ilang linggo na siyang umalis sa bahay nila. Ganoon na rin sa kanyang internship.Naglakad siya at huminto sa tapat ng dalagita. Tiningala siya nito at nakipagtitigan."Sinong hinihintay mo?"Umirap ito. "Bakit?"Napangiti si Dexter sa pa-supladang sagot ng dalagita. "Wala naman," umupo siya sa katabing silya nito.Dumekwatro at humalukipkip."Ilang taon ka na?" tanong niya habang malayo ang tingin."Bakit mo itinatanong?""Type mo ba ako, Dok?"Napangiti siya. "Hindi ako napatol sa bata. Hindi kita type-""Asus," nilinga ni Dexter ang batang babae na sumandal at ginaya ang pagkakahalukip niya. "Siguradong tatanungin mo rin ang pangalan ko," dagdag ng dalagita."Nahihiya ka lang," napangiti siya habang pinagmamasdan ang dalagita na may pinaalala sa kanya."May naalala lang ako sa iyo," seryosong wika niya.Humarap ka

  • My Orphan Wife    KABANATA 15

    "Gising ka na pala."Isang tipid na ngiti ang ginawa ni Heather nang maabutan na naghahanda ng almusal sa mesa ang kasambahay."Kumain ka na," ipinag-usod pa siya nito ng silya."Salamat ho, Manang," bago okupahan ang silya at sandali pa siyang tumingala sa pangalawang palapag kung saan siya galing."Bakit, Ma'am Heather?"Umiling siya at tuluyan nang umupo. "Kumain ka na, at ilang araw na ang lumipas nang hindi ka kumakain nang maayos," ipinaglagay siya nito ng pagkain sa plato.Tumango siya at kinuha ang kutsara. "Nga pala, kailan ang graduation niyo?""Sabi ng Kuya mo, ako na lang daw ang umakyat sa iyo," natigilan siya."Mahihirapan kasi siyang bumalik sa Roxas City," nabitawan ni Heather ang kutsara sa platong babasagin at tiningala si Dorothea."Roxas City?" gulat niyang ulit."Oo, hindi ba niya nasabi sa iyo?""Ang alin ho, Manang?""Umalis na si Kuya Dexter mo, pupunta na siya sa Roxas City doon siya magkakaroon ng internship sa Roxas Hospital.""Kanina pa ho ba siya nakaali

  • My Orphan Wife    KABANATA 14

    "Heather," lumapit si Dorothea sa kanya."Ayos ka lang ba, iha?" nag-uunahang tumulo ang mga luha niya. Awtomatikong siyang inalalayan ng kasambahay."Tumahan ka na," aniya nito habang hinagod ang buhok niya."Punasan mo ang mga luha mo. Umakyat ka sa kwarto mo at magbihis. Samahan mo ang Mama mo at ang Kuya mo."Iginiya siya nitong tumayo nang tuwid. Tumango-tango siya bago sinimulang maglakad. Umakyat siya ng hagdan nang may luha. Nang makapasok sa kwarto ay napaluhod siya sa gilid ng sariling kama."Mama," hagulgol niya.Kung nanaginip man siya.Sana may gumising sa kanya.Sana bukas, buhay pa ang Mama niya."Mama, ikaw na lang ang mayroon ako.""Ikaw ang pamilya ko.""Ikaw ang kauna-unahang gusto kong makasama habang-buhay," patuloy niya habang umiiyak.Nakaupo si Dexter sa unahanh silya ng chapel. Nasa harapan niya ang maliwanag na ilaw sa tabi ng kabaong ng ina.Agad niyang pinunasan ang luha nang maalala ang nakakabatang kapatid. Sapo-sapo niya ang bibig habang pigil pa ang ma

  • My Orphan Wife    KABANATA 13

    "Mama!" sigaw ni Dexter nang tumakbo. "Tabi, tabi," hinawi niya ang ilang taong pumapaligid sa isang pwesto. At lumaki ang mga mata niya nang makita ang ina walang malay.Agad niya itong dinaluhong. "Mama."Hinawakan niya ito ay inilagay ang ulo sa mga binti. "Mama, wake up.""What happened?" hindi niya alam kung anong itinatanong. Hanggang sa buhatin niya ang ina. "Dadalhin kita sa ospital," nagmamadali siyang naglakad habang buhat ito. Sumakay sa kotse at agad iyong pinaandar.Tulala si Heather habang nasa pwesto. Nagpabalik-balik sa paligid niya ang ilang estudyante na kanina ay nakapalibot sa nanay niyang walang malay.Pumatak ang mga luha niya.Palad lang ang nakita niya mula sa ina ay natakot na siyang lumapit. "Si Mama," aniya at pinunasan ang mga luha. Mabilis siyang tumakbo palabas ng school.Ilang minuto lang ang itinakbo ng taxi ay nagmamadali siyang bumaba. Punong-puno ng pag-aalala ang anyo niya.Napapatingin kay Heather ang mga tao sa loob ng ospital dahil sa pagmamad

  • My Orphan Wife    KABANATA 7

    "Anak." "Heather," naputol ang usapan nila nang dumating ang alalang-alala na si Grace. "Mama," niyakap agad nito si Heather. Pagkatapos ay humarap at sinipat-sipat ng tingin. "Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?" Nahihiya siyang tumango. "Dex, anak," nilinga naman ni Grace ang panganay.

  • My Orphan Wife    KABANATA 6

    Dugo ang sulok ng labi ni Joanne. Ibinagsak naman ni Heather ang aluminum na food tray sa sahig. Halos walang humihinga sa loob ng cafeteria. "Heather, halika na," hinila siya nila Sam at Emily palabas ng cafeteria. Bumitaw siya matapos makalabas. "Bitawan niyo 'ko," mahina niyang wika. "Halika n

  • My Orphan Wife    KABANATA 5

    "Ano bang ginagawa mo, Kuya?" Binuklat nito ang ilang notebook niya at nilipat-lipat ng pahina. "Here," ipinatong ni Dexter ang notebook sa ibabaw ng study table. "See? May homework ka. Bakit hindi mo gawin?" Tumaas lang ang sulok ng labi ni Heather habang nakatitig doon. Hanggang sa hilahin

  • My Orphan Wife    KABANATA 4

    "Well, para sa amin na kumpleto ang turok noong mga sanggol pa. Hindi big-deal pero sa katulad ni Joanne na galit na galit sa iyo. Big-deal," tugon ni Sam. "Huwag mo na nga isipin 'yon. Penge na lang kami ng contact number ni Kuya Dex," kinuha ng mga ito sa bulsa ni Heather ang cellphone at kiniki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status