Home / Romance / My Orphan Wife / KABANATA 16

Share

KABANATA 16

Author: KokoyIsMyLife
last update publish date: 2026-11-03 14:33:22

Sa paglabas ni Dexter sa pinto ng isang kwarto ng pasyente ay nilinga niya ang isang dalagita na nakaupo.

Napangiti siya nang maliit at naalala ang kapatid na naiwan. May ilang linggo na siyang umalis sa bahay nila. Ganoon na rin sa kanyang internship.

Naglakad siya at huminto sa tapat ng dalagita. Tiningala siya nito at nakipagtitigan.

"Sinong hinihintay mo?"

Umirap ito. "Bakit?"

Napangiti si Dexter sa pa-supladang sagot ng dalagita. "Wala naman," umupo siya sa katabing silya nito.

Dumekwatro
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Orphan Wife    KABANATA 18

    "Heather.""Manang?" Binuksan ni Heather ang pinto habang kinukuskus ang basang buhok ng tuwalya."Patulog ka na ba?""Hindi pa ho."Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Nag-arko ang mga kilay niya nang makita ang ilang dala-dala nitong folder, at libro."Ano ho 'yan, Manang?""Nakalimutan kong ibigay sa iyo iyan kanina. Ibinigay iyan ng Kuya Dexter mo."Tumikwas ang isang kilay niya. "Makakatulong daw 'yan sa entrance exam mo sa medical school kung saan siya galing. Iyon malapit lang dito, kung saan din siya nag-aral."Ipinatong ng kasambahay ang mga dala-dala sa mesa niya ay lumabas na rin. Lumapit siya roon at binuklat iyon.Naalala niya ang bilin sa kanya ng nakakatandang kapatid noon.Bago sumagi ang alok ng kaibigan na mag-aral sa mas malayo pang bayan.Isang hininga ang ginawa niya."One, two, three," determinadong nagche-chest compression sa pasyente si Dexter."Dex, kailangan natin ng guide ng senior doctor kaya itigil mo na 'yan. Chest compressions are not part of our i

  • My Orphan Wife    KABANATA 17

    "Marquez, Emily Anne."Kinakabahang luminga si Heather. Naroon ang mga magulang ng mga kapwa niyang graduate.Hindi makita ng mga mata niya ang hinahanap sa nakahanay na mga puting toga. Naroon na siya sa pila, kasunod-sunod ng ilang mga kaklase. Maliit ang naging ngiti niya nang mapalingon sa mga magulang na kasama niya sa pamilya.Habang siya ay mag-isa."Saadvedra, Heather Seya.""Ikaw na, Heather," kung di pa siya kalbitin ng kaklase sa likuran ay hindi siya magigising sa pagkatulala. "Kanina ka pa tawag sa stage."Nilinga niya ang entablado. "Saadvedra, Heather Seya," ulit ng teacher sa mikropono.Narinig niya ang palakpakan. Mabilis siyang naglakad at umakyat sa stage."Congratulations, Heather."Alangan ang ngiti niya nang makipagkamay sa principal at tanggapin ang diploma."Salamat po."Humakbang na siya. "Sandali lang," napatingin siya sa photographer na nakahanda na siyang kunan ng litrato.Ngumiti si Heather nang maliit. "Sandali."Tumaas ang magkabilang kilay nang sumilip

  • My Orphan Wife    KABANATA 16

    Sa paglabas ni Dexter sa pinto ng isang kwarto ng pasyente ay nilinga niya ang isang dalagita na nakaupo.Napangiti siya nang maliit at naalala ang kapatid na naiwan. May ilang linggo na siyang umalis sa bahay nila. Ganoon na rin sa kanyang internship.Naglakad siya at huminto sa tapat ng dalagita. Tiningala siya nito at nakipagtitigan."Sinong hinihintay mo?"Umirap ito. "Bakit?"Napangiti si Dexter sa pa-supladang sagot ng dalagita. "Wala naman," umupo siya sa katabing silya nito.Dumekwatro at humalukipkip."Ilang taon ka na?" tanong niya habang malayo ang tingin."Bakit mo itinatanong?""Type mo ba ako, Dok?"Napangiti siya. "Hindi ako napatol sa bata. Hindi kita type-""Asus," nilinga ni Dexter ang batang babae na sumandal at ginaya ang pagkakahalukip niya. "Siguradong tatanungin mo rin ang pangalan ko," dagdag ng dalagita."Nahihiya ka lang," napangiti siya habang pinagmamasdan ang dalagita na may pinaalala sa kanya."May naalala lang ako sa iyo," seryosong wika niya.Humarap ka

  • My Orphan Wife    KABANATA 15

    "Gising ka na pala."Isang tipid na ngiti ang ginawa ni Heather nang maabutan na naghahanda ng almusal sa mesa ang kasambahay."Kumain ka na," ipinag-usod pa siya nito ng silya."Salamat ho, Manang," bago okupahan ang silya at sandali pa siyang tumingala sa pangalawang palapag kung saan siya galing."Bakit, Ma'am Heather?"Umiling siya at tuluyan nang umupo. "Kumain ka na, at ilang araw na ang lumipas nang hindi ka kumakain nang maayos," ipinaglagay siya nito ng pagkain sa plato.Tumango siya at kinuha ang kutsara. "Nga pala, kailan ang graduation niyo?""Sabi ng Kuya mo, ako na lang daw ang umakyat sa iyo," natigilan siya."Mahihirapan kasi siyang bumalik sa Roxas City," nabitawan ni Heather ang kutsara sa platong babasagin at tiningala si Dorothea."Roxas City?" gulat niyang ulit."Oo, hindi ba niya nasabi sa iyo?""Ang alin ho, Manang?""Umalis na si Kuya Dexter mo, pupunta na siya sa Roxas City doon siya magkakaroon ng internship sa Roxas Hospital.""Kanina pa ho ba siya nakaali

  • My Orphan Wife    KABANATA 14

    "Heather," lumapit si Dorothea sa kanya."Ayos ka lang ba, iha?" nag-uunahang tumulo ang mga luha niya. Awtomatikong siyang inalalayan ng kasambahay."Tumahan ka na," aniya nito habang hinagod ang buhok niya."Punasan mo ang mga luha mo. Umakyat ka sa kwarto mo at magbihis. Samahan mo ang Mama mo at ang Kuya mo."Iginiya siya nitong tumayo nang tuwid. Tumango-tango siya bago sinimulang maglakad. Umakyat siya ng hagdan nang may luha. Nang makapasok sa kwarto ay napaluhod siya sa gilid ng sariling kama."Mama," hagulgol niya.Kung nanaginip man siya.Sana may gumising sa kanya.Sana bukas, buhay pa ang Mama niya."Mama, ikaw na lang ang mayroon ako.""Ikaw ang pamilya ko.""Ikaw ang kauna-unahang gusto kong makasama habang-buhay," patuloy niya habang umiiyak.Nakaupo si Dexter sa unahanh silya ng chapel. Nasa harapan niya ang maliwanag na ilaw sa tabi ng kabaong ng ina.Agad niyang pinunasan ang luha nang maalala ang nakakabatang kapatid. Sapo-sapo niya ang bibig habang pigil pa ang ma

  • My Orphan Wife    KABANATA 13

    "Mama!" sigaw ni Dexter nang tumakbo. "Tabi, tabi," hinawi niya ang ilang taong pumapaligid sa isang pwesto. At lumaki ang mga mata niya nang makita ang ina walang malay.Agad niya itong dinaluhong. "Mama."Hinawakan niya ito ay inilagay ang ulo sa mga binti. "Mama, wake up.""What happened?" hindi niya alam kung anong itinatanong. Hanggang sa buhatin niya ang ina. "Dadalhin kita sa ospital," nagmamadali siyang naglakad habang buhat ito. Sumakay sa kotse at agad iyong pinaandar.Tulala si Heather habang nasa pwesto. Nagpabalik-balik sa paligid niya ang ilang estudyante na kanina ay nakapalibot sa nanay niyang walang malay.Pumatak ang mga luha niya.Palad lang ang nakita niya mula sa ina ay natakot na siyang lumapit. "Si Mama," aniya at pinunasan ang mga luha. Mabilis siyang tumakbo palabas ng school.Ilang minuto lang ang itinakbo ng taxi ay nagmamadali siyang bumaba. Punong-puno ng pag-aalala ang anyo niya.Napapatingin kay Heather ang mga tao sa loob ng ospital dahil sa pagmamad

  • My Orphan Wife    KABANATA 7

    "Anak." "Heather," naputol ang usapan nila nang dumating ang alalang-alala na si Grace. "Mama," niyakap agad nito si Heather. Pagkatapos ay humarap at sinipat-sipat ng tingin. "Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?" Nahihiya siyang tumango. "Dex, anak," nilinga naman ni Grace ang panganay.

  • My Orphan Wife    KABANATA 3

    Heather, magpakilala ka kay Kuya Dexter mo," utos ni Grace. Nakita ni Dexter na hinagod siya ng tingin ng batang babae mula ulo hanggang paa. Napangiti siya sa inis. "Kuya ko siya?" tanong nito. "Hindi, ate," pilosopo niyang sagot. Wala siyang emosyon na pinagmamasdan ng bata na ikinainis

  • My Orphan Wife    KABANATA 2

    "Dex?" Itinaas ni Dexter ang mukha mula sa pagkakatungo sa pagkain. Magkaharap na sila ng ina sa mesa ng isang restaurant. "What's that, Mama?" nakita niya ang alangan sa mukha ng ina kaya napakunotnoo siya. "Ano ba 'yon? Pinakakaba niyo naman ako," dagdag niya. "Wala naman, anak. Hindi ba birth

  • My Orphan Wife    KABANATA 1

    "Dex, anak? Kumusta ang school?'' tanong ni Grace sa kaisa-isang anak na si Dexter, kaharap niya ito sa mesa ngayong umaga para mag-breakfast. "It's exhausting, but worth it." "Kaya mo 'yan, katulad ka kaya ng Daddy mo." Natigilan sa pagnguya ng pagkain ang bente-tres anyos na si Dexter nang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status