LOGIN"Well, para sa amin na kumpleto ang turok noong mga sanggol pa. Hindi big-deal pero sa katulad ni Joanne na galit na galit sa iyo. Big-deal," tugon ni Sam.
"Huwag mo na nga isipin 'yon. Penge na lang kami ng contact number ni Kuya Dex," kinuha ng mga ito sa bulsa ni Heather ang cellphone at kinikilig na kinalikut. Napailing na lang siya at tumayo. Akma siyang hahakbang nang humarang si Joanne at ang tatlong kaibigan nito. "Nakita ko 'yong Kuya mo, ha?" nakangising wika ni Joanne habang nakahalukipkip. "Hoy, Joanne. Tumigil ka na nga, hindi pa nga nakakapagsuklay si Heather. Gulo-gulo pa ang buhok dahil sa pagsabunot mo-" huminto si Sam nang balingan ito ng masamang tingin ng kaklase. "Ikaw ba ang kausap ko? Puwede ba? Tumahimik ka," bumaling ito kay Heather. "Gets mo na ba kung bakit lagi kitang inaaway?" napakunotnoo siya sa sinabi nito. Lumapit ito at kunyaring inayos ang kwelyo ng uniform niya. "Para makita namin ang Kuya Dex mo," nakangiting dagdag ni Joanne. Si Heather naman ang tumaas ang sulok ng labi. "Para naman matuwa kami-" May pwersang pinigilan ni Heather ang palapulsuhan ng kaharap na inaayos kunyari ang kwelyo niya. Seryosong sinalubong niya ang tingin nito. "Tingin mo, kahit makita mo siya. Magugustuhan ka niya?" itinaas pa niya ang sulok ng labi. "Anong sabi mo?" pikon na sagot ni Joanne at akmang iaalis ang braso sa pagkakapit niya pero hinigpitan pa niya ang hawak doon at hinila ito palapit. "Siguradong kahit ikaw na lang ang babae sa mundo. Hindi ka, papatulan ng Kuya ko." Pabalya niyang binitawan ito na agad sinambot ng mga kaibigan. Pinagpag niya ang mga palad at ngumiti. "Mauna na ako. Magsusuklay pa ako, e." Dire-diresto naglakad si Heather kasunod si Sam at Emily. Nang parehong umabrisyete ito sa dalawang braso niya ay nag-apir silang magkakaibigan. Kapapasok lang ng gate ni Heather nang mapahinto. Nakita niya ang pagbaba ni Dexter sa kotse nito, dala-dala ang ilang gamit sa medical school. Nagkatinginan pa silang magkapatid. Bago ito bumaling sa madilim ng langit. "Ayos din ang uwian ng mga senior. Para na ring medical student," parinig nito. Inirapan lang ng dalagita si Dexter at pagod na naglakad. Sumunod naman ang binata rito. "Saan ka galing?" "Saan pa? E, 'di sa school," patamad niyang tugon. "I don't believe you." Huminto ang mga paa ni Heather pumihit paharap dito. "Huwag mong sabihin kay Mama na sabay tayong umuwi. Baka akalain, kasama pa kita." Napairap siya nang lampasan siya ni Dexter. "Heather," naroon sa kusina si Grace. Agad siyang sinalubong nito, niyakap at hinalikan sa noo. "Sabay ba kayo ng Kuya mo?" Tiningala ni Heather sa hagdan ang kapatid na paakyat sa kwarto nito bago binalingan ang ina. "Hindi po, Mama." "E, bakit ginabi ka na?" "Pinaglinis po kami ng theater room ng Dean," matamlay niyang sagot. "Kawawa naman ang baby girl ko." Hinawakan siya sa magkabilang pisngi ng ina. Pinagmamasdan niya ito at kahit tatlong taon na ang lumipas hindi nagbago sa kanya ang kanyang Mama. Para siya nitong prinsesa, mahalin at alagaan. "Halika. Kumain ka na muna rito," iginiya siya nito sa dining area at inuupo. Hinubad niya ang suot na backpack bago hinawakan ang kutsara. "Dex! Baba na, sabay-sabay tayong kumain!" tawag ni Grace mula sa ibaba. Ilang minuto lang ay nakapamulsang bumaba si Dexter na nagpalit ng pambahay na damit at inokupahan ang silyang kaharap ni Heather. "Kumain na kayo. Alam kong pareho kayong pagod sa school," ani Grace. "Ako, pagod sa school. Ewan ko ang iba riyan," parinig nito nang sumandok ng kanin. "Galing din ako sa school. Ginabi ako dahil pinaglinis kami ng Dean," binitawan sandali ni Dexter ang serving spoon ng kanin kaya kinuha niya agad iyon. Pero hinawakan muli iyon ni Dexter. "I haven't finished yet," gigil na wika nito at binabawi ang hawak ni Heather. "Puno na ng kanin 'yang plato mo. Mamaya ka na ulit," sagot niya at hindi ibinibigay ang serving spoon. "Akin na. Huwag kang makulit." "Ladies first-" "Hindi ka naman lady." Mas lalong nainis si Heather, buong lakas niyang hinihila rito ang hawak pero hindi iyon binibitawan ni Dexter. "Stop." "Both of you." Napakurap ang magkapatid at dahan-dahang napalingon sa nagtitimping si Grace. "Talaga bang sa harap kayo ng pagkain, nag-aaway?" Nagulat pa si Heather nang bitawan sa kanya ng kapatid ang hawak. Inirapan niya ito bago bumaling sa ina. "Pasensiya na, Ma." "I apologize as well, Mom," seryosong segunda ni Dexter. Nagkatinginan pa ang magkapatid bago nag-iwasan. "Hindi dapat kayo nag-aaway. Magkapatid kayo. Ikaw, Dex, ikaw ang mag-aalaga sa kapatid mo. Kapag wala na ako-" "Mama, huwag po kayong magsalita ng ganiyan," awat agad ni Heather. Hinawakan nito ang kamay ni Grace. "Ayoko po kayong mawala." Pasimpleng sinulyapan ni Dexter ang nakababatang kapatid. Napakurap ang mga mata niya nang makita ang nakikiusap nitong mukha. "Kayo lang po ang pamilya ko," dagdag ng dalagita. "Tama si Heather, Mama. Hindi kayo mawawala. Okay?" dagdag naman ni Dexter. "Kung ganoon, huwag niyo ako pagalitin nang pagalitin. Kayo magkapatid lang ang mayroon kayo. Imbes na mag-away at magkasakitan kayo. Bakit hindi kayo magmahalan?" Dahan-dahan napatingin si Heather kay Dexter. Nagulat pa siya nang kaunti nang mahuling nakatingin din ito. Natatarantang iniwasan niya iyon. Habang ang binata naman ay nagtuon kunyari sa pagkain at nilinis ang lalamunan. "Kumain na tayo. Lalamig ang pagkain," seryosong wika ni Dexter. Nang sumubo si Heather ay lihim niyang sinulyapan ang nakakatandang kapatid. Napakunotnoo si Dexter at naibaba ang hawak na ballpen. Rinig niya ang maingay na tugtog mula sa kabilang kwarto. "That kid," na bulalas niya at padabog na tumayo. "Whoa, I never meant to brag. But I got him where I want him now. Whoa, it was never my intention to brag. To steal it all away from you now. But God, does it feel so good. 'Cause I got him where I want him now. And if you could, then you know you would. 'Cause God it just feels so. It just feels so good." Napahinto sa paghe-headbang si Heather na nakatayo sa ibabaw ng kama sa saliw ng kantang misery business ng paborito niyang bandang Paramore. Nanatili siyang nakatungo habang nakasabog ang buhok. Dahan-dahan siyang bumaling sa pintong nagbukas habang hawak pa sa kamay ang suklay na ginagamit niyang mikropono. "Bakit?" tanong niya kay Dexter na pumasok sa kwarto niya. Iniwasan tingnan ng binata ang kapatid na nayuko. "Ayusin mo nga 'yang hitsura mo." Hinawi niya ang buhok at itinuwid ang likod. "Maayos naman, ha? Bakit ka ba nandito?" Doon nito walang emosyon na sinalubong ang tingin niya. "Well, ang lakas lang naman ng sounds mo. Nag-aaral ako." "Kuya Dex," pumeywang pa siya rito habang hinihingal buhat sa paghe-headbang. "Hindi ka ba napapagod mag-aral? Nag-pre med ka ng four years, tapos nag-two years ka pa sa medical school." "Ganiyan talaga ang mga taong may pangarap sa buhay. Hindi namin sinasayang ang oras sa pakikinig ng rock music at paghe-headbang. Nahagip nito ng tingin ang bag niya at kinuha. "Sandali, anong ginagawa mo?" tumalon siya pababa sa kama."Heather.""Manang?" Binuksan ni Heather ang pinto habang kinukuskus ang basang buhok ng tuwalya."Patulog ka na ba?""Hindi pa ho."Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Nag-arko ang mga kilay niya nang makita ang ilang dala-dala nitong folder, at libro."Ano ho 'yan, Manang?""Nakalimutan kong ibigay sa iyo iyan kanina. Ibinigay iyan ng Kuya Dexter mo."Tumikwas ang isang kilay niya. "Makakatulong daw 'yan sa entrance exam mo sa medical school kung saan siya galing. Iyon malapit lang dito, kung saan din siya nag-aral."Ipinatong ng kasambahay ang mga dala-dala sa mesa niya ay lumabas na rin. Lumapit siya roon at binuklat iyon.Naalala niya ang bilin sa kanya ng nakakatandang kapatid noon.Bago sumagi ang alok ng kaibigan na mag-aral sa mas malayo pang bayan.Isang hininga ang ginawa niya."One, two, three," determinadong nagche-chest compression sa pasyente si Dexter."Dex, kailangan natin ng guide ng senior doctor kaya itigil mo na 'yan. Chest compressions are not part of our i
"Marquez, Emily Anne."Kinakabahang luminga si Heather. Naroon ang mga magulang ng mga kapwa niyang graduate.Hindi makita ng mga mata niya ang hinahanap sa nakahanay na mga puting toga. Naroon na siya sa pila, kasunod-sunod ng ilang mga kaklase. Maliit ang naging ngiti niya nang mapalingon sa mga magulang na kasama niya sa pamilya.Habang siya ay mag-isa."Saadvedra, Heather Seya.""Ikaw na, Heather," kung di pa siya kalbitin ng kaklase sa likuran ay hindi siya magigising sa pagkatulala. "Kanina ka pa tawag sa stage."Nilinga niya ang entablado. "Saadvedra, Heather Seya," ulit ng teacher sa mikropono.Narinig niya ang palakpakan. Mabilis siyang naglakad at umakyat sa stage."Congratulations, Heather."Alangan ang ngiti niya nang makipagkamay sa principal at tanggapin ang diploma."Salamat po."Humakbang na siya. "Sandali lang," napatingin siya sa photographer na nakahanda na siyang kunan ng litrato.Ngumiti si Heather nang maliit. "Sandali."Tumaas ang magkabilang kilay nang sumilip
Sa paglabas ni Dexter sa pinto ng isang kwarto ng pasyente ay nilinga niya ang isang dalagita na nakaupo.Napangiti siya nang maliit at naalala ang kapatid na naiwan. May ilang linggo na siyang umalis sa bahay nila. Ganoon na rin sa kanyang internship.Naglakad siya at huminto sa tapat ng dalagita. Tiningala siya nito at nakipagtitigan."Sinong hinihintay mo?"Umirap ito. "Bakit?"Napangiti si Dexter sa pa-supladang sagot ng dalagita. "Wala naman," umupo siya sa katabing silya nito.Dumekwatro at humalukipkip."Ilang taon ka na?" tanong niya habang malayo ang tingin."Bakit mo itinatanong?""Type mo ba ako, Dok?"Napangiti siya. "Hindi ako napatol sa bata. Hindi kita type-""Asus," nilinga ni Dexter ang batang babae na sumandal at ginaya ang pagkakahalukip niya. "Siguradong tatanungin mo rin ang pangalan ko," dagdag ng dalagita."Nahihiya ka lang," napangiti siya habang pinagmamasdan ang dalagita na may pinaalala sa kanya."May naalala lang ako sa iyo," seryosong wika niya.Humarap ka
"Gising ka na pala."Isang tipid na ngiti ang ginawa ni Heather nang maabutan na naghahanda ng almusal sa mesa ang kasambahay."Kumain ka na," ipinag-usod pa siya nito ng silya."Salamat ho, Manang," bago okupahan ang silya at sandali pa siyang tumingala sa pangalawang palapag kung saan siya galing."Bakit, Ma'am Heather?"Umiling siya at tuluyan nang umupo. "Kumain ka na, at ilang araw na ang lumipas nang hindi ka kumakain nang maayos," ipinaglagay siya nito ng pagkain sa plato.Tumango siya at kinuha ang kutsara. "Nga pala, kailan ang graduation niyo?""Sabi ng Kuya mo, ako na lang daw ang umakyat sa iyo," natigilan siya."Mahihirapan kasi siyang bumalik sa Roxas City," nabitawan ni Heather ang kutsara sa platong babasagin at tiningala si Dorothea."Roxas City?" gulat niyang ulit."Oo, hindi ba niya nasabi sa iyo?""Ang alin ho, Manang?""Umalis na si Kuya Dexter mo, pupunta na siya sa Roxas City doon siya magkakaroon ng internship sa Roxas Hospital.""Kanina pa ho ba siya nakaali
"Heather," lumapit si Dorothea sa kanya."Ayos ka lang ba, iha?" nag-uunahang tumulo ang mga luha niya. Awtomatikong siyang inalalayan ng kasambahay."Tumahan ka na," aniya nito habang hinagod ang buhok niya."Punasan mo ang mga luha mo. Umakyat ka sa kwarto mo at magbihis. Samahan mo ang Mama mo at ang Kuya mo."Iginiya siya nitong tumayo nang tuwid. Tumango-tango siya bago sinimulang maglakad. Umakyat siya ng hagdan nang may luha. Nang makapasok sa kwarto ay napaluhod siya sa gilid ng sariling kama."Mama," hagulgol niya.Kung nanaginip man siya.Sana may gumising sa kanya.Sana bukas, buhay pa ang Mama niya."Mama, ikaw na lang ang mayroon ako.""Ikaw ang pamilya ko.""Ikaw ang kauna-unahang gusto kong makasama habang-buhay," patuloy niya habang umiiyak.Nakaupo si Dexter sa unahanh silya ng chapel. Nasa harapan niya ang maliwanag na ilaw sa tabi ng kabaong ng ina.Agad niyang pinunasan ang luha nang maalala ang nakakabatang kapatid. Sapo-sapo niya ang bibig habang pigil pa ang ma
"Mama!" sigaw ni Dexter nang tumakbo. "Tabi, tabi," hinawi niya ang ilang taong pumapaligid sa isang pwesto. At lumaki ang mga mata niya nang makita ang ina walang malay.Agad niya itong dinaluhong. "Mama."Hinawakan niya ito ay inilagay ang ulo sa mga binti. "Mama, wake up.""What happened?" hindi niya alam kung anong itinatanong. Hanggang sa buhatin niya ang ina. "Dadalhin kita sa ospital," nagmamadali siyang naglakad habang buhat ito. Sumakay sa kotse at agad iyong pinaandar.Tulala si Heather habang nasa pwesto. Nagpabalik-balik sa paligid niya ang ilang estudyante na kanina ay nakapalibot sa nanay niyang walang malay.Pumatak ang mga luha niya.Palad lang ang nakita niya mula sa ina ay natakot na siyang lumapit. "Si Mama," aniya at pinunasan ang mga luha. Mabilis siyang tumakbo palabas ng school.Ilang minuto lang ang itinakbo ng taxi ay nagmamadali siyang bumaba. Punong-puno ng pag-aalala ang anyo niya.Napapatingin kay Heather ang mga tao sa loob ng ospital dahil sa pagmamad
"Ano bang ginagawa mo, Kuya?" Binuklat nito ang ilang notebook niya at nilipat-lipat ng pahina. "Here," ipinatong ni Dexter ang notebook sa ibabaw ng study table. "See? May homework ka. Bakit hindi mo gawin?" Tumaas lang ang sulok ng labi ni Heather habang nakatitig doon. Hanggang sa hilahin
Heather, magpakilala ka kay Kuya Dexter mo," utos ni Grace. Nakita ni Dexter na hinagod siya ng tingin ng batang babae mula ulo hanggang paa. Napangiti siya sa inis. "Kuya ko siya?" tanong nito. "Hindi, ate," pilosopo niyang sagot. Wala siyang emosyon na pinagmamasdan ng bata na ikinainis
"Dex?" Itinaas ni Dexter ang mukha mula sa pagkakatungo sa pagkain. Magkaharap na sila ng ina sa mesa ng isang restaurant. "What's that, Mama?" nakita niya ang alangan sa mukha ng ina kaya napakunotnoo siya. "Ano ba 'yon? Pinakakaba niyo naman ako," dagdag niya. "Wala naman, anak. Hindi ba birth
"Dex, anak? Kumusta ang school?'' tanong ni Grace sa kaisa-isang anak na si Dexter, kaharap niya ito sa mesa ngayong umaga para mag-breakfast. "It's exhausting, but worth it." "Kaya mo 'yan, katulad ka kaya ng Daddy mo." Natigilan sa pagnguya ng pagkain ang bente-tres anyos na si Dexter nang







