แชร์

Kabanata 2 : Who kiss better?

ผู้เขียน: Royai's Novele
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2022-07-25 07:21:52

Alas-diyes na ng gabi nang magising ako. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako matapos ang mga nangyari kanina. Naramdaman ko ang pag-alburuto ng tiyan ko, kaya nagpasya akong bumaba para kumain. Siguro naman ay tapos nang magtirahan sa baba sina Pennie at Janus dahil kanina pa sila nagsimula.

I can’t believe how completely messed up this day has been. My boyfriend dumped me out of nowhere. Then, as if that wasn’t enough, I caught my sister making out with him—well, technically my ex-boyfriend now. And to make matters even more insane, I somehow ended up kissing Wayde.

Oh, God… how did everything get so out of control?

Hindi ko alam bakit parang nakadikit pa rin sa labi ko ang labi ni Wayde. What's happening to me? Hindi ko alam kung blessing-in-disguise ang ginawa niya, dahil imbis na ang break-up namin ni Janus at ang pagta-traydor ni Pennie ang iniisip ko, ang halik niya ang bumabagabag sa akin ngayon.

That gay just made me lose my mind!

"Pix—"

Muntik na akong madulas sa hagdan nang marinig ang pagtawag sa akin ni Janus na nasa likuran ko pala. Mabuti na lang nakakapit ako sa railing dahil kung hindi ay baka dumulas ako pababa at bugbog na ng pasa ang pwet ko.

Dali-dali akong bumaba at nagtungo sa kusina para kunin ang kailangan ko nang hindi siya nililingon. Ito ang iniiwasan kong mangyari — ang magtagpo kami.

"Pixie," muli niyang tawag.

Hindi ko siya pinansin at inabala na lang ang sarili ko sa paghahanap ng pwede kong makain. Ano bang kailangan niya? Kung nandito siya para magpaliwanag, hindi na niya kailangang abalahin ang sarili niya — wala na kami. He already broke up with me.

“Ano ba!” sigaw ko nang hawakan niya ang braso ko, kaya napaharap ako sa kanya.

“Janus, gutom ako, at kapag bwinisit mo pa ako, hindi ako magdadalawang-isip na ipitin ang leeg mo sa pinto ng ref na ‘to! Don’t touch me. Nandidiri ako sa’yo!” asik ko. Kinuha ko ang apple na nakita ko sa ref saka naglakad palayo sa kanya.

Muli akong napasinghot at tahimik na napahikbi habang naglalakad pabalik sa kwarto ko. Sa loob ng isang taon naming magkarelasyon ni Janus, minahal ko siya. Siya ang unang lalaki na nagka-interes sa boring na babaing tulad ko, kaya naman I treasured him and our relationship.

Sa ginawa niyang pagpatol sa kapatid ko, nasagot na rin ang tanong ko kung nagawa ba niya talagang mahalin ako. He didn’t love me. He used me to get closer to my slutty sister.

“What are you doing here?” Mabilis akong napaangat ng tingin sa lalaking nagsalita sa harap ko.

Si Wayde.

“What are you doing here?” balik kong tanong sa kanya. Alam kong nagkamali ako ng kwarto na pinasok, pero anong ginagawa niya rito sa guest room? Akala ko ba umuwi na siya?

“Overnight. Lintik kasi ang shopatembang mo. Sabi niya magpa-party kami with other dabarkads, pero nung dumating ang boyfriend mo, nakalimutan niya ang plano,” paliwanag ni Wayde, using his gay accent.

“Ex-boyfriend,” pagtatama ko sa kanya.

“Whatever.”

Akmang lalabas na sana ako sa kwarto niya nang makita ko si Janus sa harap ng kwarto ko, kaya isinara ko ulit ang pinto at humarap kay Wayde.

“What’s wrong, chaka doll?” he asked, but I didn’t say a word. Instead, he leaned out the door to see for himself what had caught my attention.

“Aba, kapal ng peslak ng jowabells mo. Pagkatapos tirahin sister mo, mukhang ikaw naman ang gustong isunod,” pahayag ni Wayde.

“Hoy! What are you doing? Layas! Kama ko ’yan!” sigaw niya sa akin nang mahiga ako sa kama niya.

“This is my house, so I have the right to sleep in here,” katwiran ko, na nagpataas ng isa niyang kilay. Pinag-cross niya ang mga braso niya sa dibdib at sinamaan ako ng tingin.

“Huwag mo akong ma-English-English! I’m your special guest here, so I should be comfortable staying at your place,” he argued, rolling his eyes in the process.

I rolled mine back at him in response. I picked up the apple I was holding and started eating, deliberately ignoring the dramatic gay in front of me. He kept talking, but I pretended not to hear a word.

When I finished, I took off my glasses and set them on the bedside table, then lay down on the bed. I made myself comfortable, completely ignoring Wayde’s presence.

“Alam mo, doll, mas maganda ka naman kesa sa shopatembang mo, kung marunong ka lang mag-ayos. Bakit hindi ka gumamit ng eye contact instead of eyeglasses? Isa pa, idol mo ba ang bangs ni Dora the Explorer? O sadyang naiwan ka lang sa panahon kung kelan nauso ang emo hairdays?” tanong ni Wayde.

Ang ingay niya!

“There’s nothing wrong with my style. Ibang level lang kayo kaya hindi n’yo naa-appreciate ang style ko,” depensa ko.

“Kapag tinitingnan kita, gusto ko na lang pumikit. Hindi na ako magugulat kung bakit ka ipinagpalit ni Janus sa kapatid mo.”

“Don’t compare me to her!” I snapped. I grabbed my pillow and smacked it against Wayde. “At least I’m not a whore or a slutty bitch like her!” I added, my voice sharp with anger.

“Sorry to burst your bubble, pero ganung mga babae na ang in demand sa panahon ngayon. Hindi mo naman kailangang gayahin ang pagiging p****k ni Pennie, pero kung magagawa mong ayusin kahit ang pananamit mo, baka mahigitan mo pa ang kapatid mo.”

Naupo si Wayde sa tabi ko saka hinawakan ang noo ko at itinaas ang bangs ko. “You’re gorgeous, you know,” dugtong niya, na nagpainit sa pisngi ko.

“Which side are you?” kunot kong tanong, saka marahas na tinanggal ang kamay niya sa noo ko. “Bakit pa ba ako nagtatanong? You’re my sister’s bestfriend.” Pagak akong napatawa.

Naalala ko noon kung paano niya suportahan ang kapatid ko sa pang-aasar at pangmamaliit sa akin. Hindi ko makakalimutan ang masasakit na salitang pinagsasabi nila sa akin.

“I can give you my loyalty, doll. After all, we already sealed it with a kiss.” Inabot niya ang kaliwang pisngi ko at hinaplos iyon. Naramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa ginawa niya.

“You’re not gay!” sigaw ko.

“Yes, I’m gay. I have your XX chromosomes,” sagot niya.

“So why did you kiss me?” tanong ko. “Halos lapain mo ang labi ko kanina. Halatang enjoy na enjoy ka.”

If he’s gay, shouldn’t he be disgusted by women? That’s why it’s so confusing—it felt like he actually enjoyed what happened between us. Did he… really enjoy it?

“You already knew the answer to that. Don’t glare at me. You responded, didn’t you?” he said, a teasing smile on his face.

“So, okay lang sa’yo ang nangyari kanina sa ating dalawa?”

“Yes, it’s not a big deal. Hindi naman ‘yon ang first kiss ko. Ikaw? Bakit parang affected ka?”

“Hindi ah! Si Janus ang first kiss ko, kaya hindi rin big deal ‘yon sa akin na ginawa mo!” giit ko, pero alam kong nangingamatis na ako sa mga oras na ‘to dahil sa kahihiyan. Bakit ba kasi ang kissing session namin kanina ang topic namin ngayon?

“Sige nga. Kung hindi ka talaga affected, dapat masagot mo ang tanong kong ‘to,” hamon niya sa akin.

“Ano naman ‘yon?”

“Who kissed better, si Janus o ako? Be honest, chaka.”

“Inaantok na pala ako,” saad ko. Akmang hihiga na sana ako nang hilahin niya ang braso ko.

“Dali na kasi.”

Honestly, siya talaga ang best kisser, pero nahihiya akong aminin ‘yon at hindi ko alam kung bakit.

“Si Janus,” sagot ko.

“Talaga?” puno ng pagdududa ang tanong niya habang nakatitig sa akin.

“O-oO,” utal kong sagot, saka ko ibinaling sa ibang direksyon ang tingin ko.

“You’re the worst liar, Pixie,” pahayag niya.

“I’m telling the truth. Masyado ka naman atang confident na ikaw ang pipiliin ko.”

“Yes. I have this overflowing confidence that I’m a good kisser. Do you want me to prove it again?”

Before I could respond, he leaned in slowly, capturing my lips in a soft, lingering kiss. His hand rested gently on the back of my neck, not to hold me, but to guide me closer. My heart skipped a beat as warmth and a strange fluttering spread through me. He was doing it again, but this time it felt different—tender, careful, and somehow even more intoxicating.

Mula sa masuyong halik, naging mapusok ito at malalim. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko, kaya tinugunan ko ang halik niya. Kumapit ako sa leeg ni Wayde hanggang sa ihiga niya ako sa kama.

“Wayde,” tawag ko nang bumaba ang halik niya sa panga ko.

“Hmm?” usal niya habang abala sa paghalik sa akin.

“You win.”

“I told you.” Natatawang saad niya. Nakapatong pa rin siya sa ibabaw ko habang nakatitig sa akin.

“Wayde, are you sure you’re gay?” tanong ko habang nakakapit pa rin sa leeg niya.

“Paulit-ulit? Kaloka ka. Nagiging confuse na tuloy ako,” sagot niya, para bang hindi siya sigurado sa totoo niyang pagkatao.

“D-did you also do this to m-my sister?” nauutal kong tanong. Napakagat ako sa labi ko, kabado habang naghihintay sa sagot niya.

"No."

Para akong nabunutan ng sandamakmak na tinik sa dibdib dahil sa naging sagot niya. Hangga’t maaari, ayokong maging katulad ni ate na mang-aagaw. Ayokong gamitin ang taong nagamitin na niya. Ayokong pulutin ang basurang itinapon niya, at higit sa lahat, ayokong mang-angkin ng pag-aari na ng iba.

I will never be like her.

“Wayde,”

“What?” tanong niya. Ramdam ko ang kamay niya na naglalakbay sa loob ng damit ko, pero hindi ‘yon ang concern ko ngayon.

“Doll me up. Hindi ko na hahayaang may makuha na naman sa akin ang kapatid ko,” pahayag ko.

“Easy peasy,” sagot ni Wayde.

“Manyakis ka palang bakla. Get your hands off me.” Kalmado kong utos sa kanya, na ikinatawa niya.

“I thought you were enjoying it.”

I did enjoy it, pero ayokong isuko sa isang lalaki o bakla ang virginity ko hangga’t hindi ako sigurado na siya na ang taong pakakasalan ko.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Bingkai Gasra Conuda
HAHHAHAHA buwahahhaha umayos Ka wayde
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • My Possessive Bed Buddy   SPECIAL CHAPTER

    “Wayde, ano ba?!” Hinampas ko ang braso niya na nakapulupot sa tiyan ko. Imbis na umatras, mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.“Hmm… bango-bango naman ng misis ko.”Isiniksik ni Wayde ang mukha niya sa leeg ko at dinampian ako ng magagaang halik. Mula sa leeg, naglakbay ang mga labi niya sa batok at balikat ko. Naka-off shoulder white dress ako, kaya may access siya sa balat ko.“Wayde! Someone might see us!” I protested, but he didn’t back down. He kept teasing me, flirting nonstop, nibbling and kissing my neck—and I couldn’t help feeling my whole body heat up.This man really knew how to tempt me!Nasa kusina kami ngayon, habang nasa garden naman ang lahat ng mga bisita namin. 1st birthday celebration kasi ni Miru, kaya may kaunting salo-salo kasama ang pamilya at kaibigan namin.Sa dalawang taon na lumipas simula ng maikasal kami ni Wayde, walang araw na hindi ako nagpapasalamat sa Diyos sa ibinigay niyang pamilya sa akin. Sobrang pasasalamat ko dahil matapos ang lahat ng pinagd

  • My Possessive Bed Buddy   Wakas

    Confirmed! Iniiwasan nga niya ako!Nang makita ako ni Pixie, bigla siyang yumuko at nagtago sa likod ng kaibigan niya. Masyado ba akong aggressive sa pag-offer na maging bed partner ko siya? Pero hindi ko naman siya pipilitin kung hindi pa siya handa.Damn it, Wayde! Sa lahat ng puwedeng kondisyon na hingin mo, ‘yun pa talaga?“Luh! Anyare sa’yo?” tanong ni Mavey. Doon ko lang napansin na sinasabunutan ko na pala ang sarili ko.“You’re acting fishy, Wini. Very, very fishy.”“Parang siya hindi.”“Huh? What do you mean, bakla?” kunot-noong tanong ni Mavey.“Balita ko may bagong manliligaw na naman si Keegan.”Gusto kong tumawa nang malakas nang makita kong agad sumimangot si Mavey, pero pinigilan ko. Baka lalo lang siyang ma-badtrip sa akin.“Nabihag na naman ng ganda nýa ang eyes ni crush. Ilang beses na niya akong inagawan ng crush, Wini. Kung ipakulam ko kaya ‘yung babaeng ‘yon?”“Si Keegan ba talaga ang ipapakulam mo, o ‘yung mga manliligaw niya?”Mas lalo pang nagusot ang mukha ni M

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 74 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 3

    “We’ve tracked her every move,” Atty. Salcedo began, his tone calm but firm, “but that’s still not enough to arrest her. We can bring her in for questioning, sure—but we can’t throw her in jail just yet. We need solid proof, something that will hold up in court. If her two men confirm that she’s the one who planned Pixie’s kidnapping, then we’ll finally have enough to charge her and make sure she ends up behind bars where she belongs.”"We can't let her escape! Gawin mo ang lahat para hindi na makapaglakad sa lupa ang hayup na 'yon!" galit kong sigaw.“If those two refuse to confess, then we’ll need Pixie’s testimony,” replied Atty. Salcedo."Wala pang kasiguraduhan kung kailan magigising si Pixie, at kung hihintayin natin siya, baka makatakas lang ang kapatid niya," saad naman ni Kuya Willard."Siguradong kabado na ang babaing ‘yon ngayon," komento ni Devan."I have a suggestion." Sabay-sabay kaming napalingon kay Kuya Willard. "She might confess on her own.""Paano?" tanong ko."By l

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 73 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 3

    "I can't believe she has a boyfriend. Hahaha! Sa itsura n'yang 'yan, may pumatol pa talaga sa kanya," hindi makapaniwalang saad ni Pennie.Nakikinig lang ako habang pinagsasalitaan niya ng masasamang salita ang kapatid niya. Gusto ko sanang huwag nang marinig iyon, pero sa kasamaang palad, wala akong remote para i-mute ang bibig ng kaibigan kong 'to.“I heard they’ve been together for six months. Tsk. Let’s see if they even make it a year.” A playful smirk curved Pennie’s lips.I could tell right away that she was plotting something. My gut told me she had some scheme up her sleeve—probably to stir trouble or mess with her sister’s relationship with her boyfriend. We’d been friends for years, so I knew her too well; I could almost read her thoughts. Whenever that smirk appeared, trouble wasn’t far behind, and I had a feeling this time wouldn’t be any different.Yes, I like Pixie, pero hindi ako nagtangkang sirain ang relasyon niya sa nobyo nýa. Masaya ako para sa kanya. Nang magka-boyf

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 72 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 2

    “W-What? Are you out of your mind?!” asik ng ina ni Catalina nang sabihin naming iuurong na namin ang kasal. “Catalina! Is this your idea?”“Desisyon po namin ’to pareho,” sagot ko, dahilan para mas lalong magkunot ang noo ng dalawang matanda.“N-No. Hindi puwede! Matagal na natin ’tong napagplanuhan! Hindi na puwedeng iurong ang kasal!”“Stop it, Mom,” suway ni Catalina sa ina niya.“You shut your mouth, young lady!” mariing sigaw ng ama niya. “Baka naman pinilit mo itong si Wayde na huwag magpakasal sa ’yo! Alam ko ang takbo ng kukote mo, Catalina! Matagal mo nang ayaw sa kasalang ito, hindi ba?!”“She wasn’t the only one who made this decision,” I said calmly.“No, Wayde,” Mr. Ortega insisted. “I know Catalina pressured you into this. Don’t worry, we’ll talk to her.”“No,” I replied firmly, meeting his gaze. “Our decision is final. There’s not going to be a wedding. I’ll pay for the damages if I have to.”“W-Wayde…” halos pabulong na tawag sa akin ni Mrs. Ortega.“I already have a c

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 71 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 1

    WAYDE"Wayde?"Bakas ang gulat sa mukha ni Janus nang makita ako. May buhat siyang sanggol—na sa unang tingin pa lang ay alam kong anak niya."W-What brought you here?" tanong niya, bago niya ibaling ang tingin kina Mavey at Keegan."Do you have spare time? I need to talk to you," mahinahon kong sabi.“Y-Yeah. Sure. Come in.” He opened the door wider, allowing the three of us to enter.With Mavey’s help, it didn’t take us long to track down where Janus lived. But even as we stood outside his place, my mind wasn’t really there. It kept drifting back to Pixie—where she might be, if she’s okay, and why she suddenly disappeared. I can’t stop thinking about her. No matter what happens, I’m not giving up until I find her.Still, I need to understand what really happened between her and Janus before my emotions completely consume me.Alam kong huli na ako. Dapat noon pa ako humarap kay Janus, pero wala nang magagawa ang pagsisisi ko ngayon.Maingat niyang inilapag ang natutulog na anak sa cri

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status