"Ahmp. Way–hmm!" Pinilit kong alisin ang kamay ni Wayde sa mukha ko pero mas lalo n'ya pa 'yong idiniin. "Stop smiling at him, doll!" sita n'ya sa akin."Tara guys. Meryenda tayo sa canteen. Nagugutom aketch."Hinabol ko ang hininga ko nang tanggalin ni Wayde ang kamay n'ya sa mukha ko. Pinisil ko rin ang ilong ko dahil parang na-flat 'yon sa ginawa n'ya. Sinamaan ko ng tingin si Wayde pero mabilis n'ya akong tinalikuran saka n'ya sinundan ang mga kaibigan n'ya. Patience is virtue–my qoute everyday!Nang makarating kami sa canteen ay sina Wayde at Mavey na ang pumila para umorder ng pagkain namin. Naupo kami ni ate Keegan sa bakanteng mesa malapit sa glass wall kung saan kitang-kita namin ang malawak na soccer field sa labas."Matagal na ba kayong magkakaibigan na tatlo?" tanong ko kay ate Keegan. "Oo. First year highschool palang kami ay magkakaibigan na kami. Bago pa makilala ni Wini ang ate mo ay kami ang original friends n'ya." "Kung ganun, pinagpalit kayo ni Wayde sa
"Ahm. A-Ano nga pala ang pinag-usapan ninyo ni Pennie nung magkita kayo sa boutique?" tanong ko na bumasag sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Mabilis akong sinulyapan ni Wayde bago muling ibalik sa daan ang atensyon n'ya. "Kinamusta n'ya lang ako." "Iyon lang?" Hindi ako naniniwalang 'yon lang ang sinabi sa kanya ng kapatid ko. "She told me that I'm doing things because I wanted her to be jealous. Iniisip n'yang nagagalit ako sa kanya dahil nawawalan na s'ya ng atensyon sa akin sa dami ng mga lalaki n'ya. Feelingera ang shupatembang mo." "S-Shu-ano?" Humalakhak si Wayde na ikinasimangot ko. Malay ko ba kung anong lengguwahe ang ginagamit n'ya. "Beki language meaning kapatid," saad n'ya. "Your sister likes me." Mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi n'ya. Alam n'yang pinagnanasaan s'ya ng kapatid ko? "Iyon ba ang dahilan kung bakit nilayuan mo s'ya?" tanong ko. "Nope. She's a good friend, walang duda 'ron pero may iba akong dahilan kung bakit kumampi ak
Halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin ang mukha ng bruha kong kapatid pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko. Masama ang tingin n'ya sa akin. Naka-angat ang isa n'yang kilay at naka-cross ang mga braso n'ya. Mukha talaga s'yang kontrabida sa mga teleserye na napapanood ko. Manipis na camisole lang ang suot ni ate Pennie kaya kitang-kita ko ang mga hickie marks n'ya sa leeg at cleavage n'ya. Hindi ko alam kung sinasadya n'ya 'yong ipakita sa akin pero wala naman akong pakialam dahil meron din naman ako n'yan.Huh! Akala n'ya siguro ay s'ya lang ang meron n'yan."W-What do you want?" Lakas-loob kong tanong sa kanya."Stay away from for Wayde.""S'ya ang pagsabihin mo dahil s'ya ang may gustong-gusto na nakabuntot sa akin."Hindi naman sa assumera ako pero 'yon talaga ang napapansin ko."Are you saying that there's something special about you? Hahahaha! Ang lakas naman ng tiwala mo sa sarili!" Humalakhak s'ya na parang mangkukulam sa harap ko kaya hindi ko mapigilang ma
"Ba't nakabusangot ka?" tanong ko kay Marcia na parang binagsakan ng bulalakaw sa mukha dahil sa masama nitong timpla. Bukod sa natalo s'ya sa laro namin ay alam ko rin ang totoo dahilan para sumama pa lalo ang mood n'ya. Syempre, kailangan kong magmaang-maangan na wala akong alam para magkwento s'ya sa akin."Nakita ko kanina si Willard," sagot n'ya.Willard?"Mukhang close na kayo ah. First name bases ka na sa kanya. Wala nang sir-sir," pang-aasar ko dahilan para samaan n'ya ako ng tingin. "Huwag mo akong simulan, Pixie. Akala mo ba hindi ko alam na may something kayong dalawa ni Wayde."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mapang-asar na ngisi ni Marcia. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nabitawan ko rin ang tulak kong cart na naglalaman ng malalaking box kung saan nakalagay ang mga pinamili namin.Bago pa man gumulong palayo sa akin ang cart ay nahawakan na ito ni Marcia. "Hahaha! Na-shock ka noh? Sa dami ba naman kasi ng lugar kung saan kayo pweding maglandian ay n
"A-Anong ginagawa mo rito?" "I was invited," sagot ni Wayde na mas lalong nagpakunot ng noo ko. Mabilis akong napalingon kay Marcia. Sa ngiti n'ya palang na suot ngayon ay alam ko ng s'ya ang nag-imbita kay Wayde na sumama sa feeding program. "What?" inosenting tanong ni Marcia sa akin. "Kailangan natin ng additional back-up," dugtong n'ya pa. Alam kong gusto n'ya lang gumanti sa akin dahil sa ginawa kong pag-imbita rin kay Sir Willard. "Hola mga senorita!" sigaw ni Mavey. Kasama n'ya rin ngayon si ate Keegan. "We're also invited." "Thank you Marcia for inviting us," pahayag ni ate Keegan. "Ang totoo n'yan ay kinulang talaga kami ng mga tao kaya inimbitahan ko kayo. Hahaha!" "Princess," tawag ni uncle kay Marcia. "Daddy, stop calling me that," pabulong na suway ni Marcia sa ama nang makalapit ito sa kanya. "What's wrong with that? You're my princess after all." Paglalambing ni uncle. Minsan ay naiinggit ako sa closeness nilang dalawa. Hindi ko kasi naranasan na lumaki
Hindi ko mapigilang sulyap-sulyapan si Wayde. Abala s'ya ngayon sa pagtulong sa pagsisibak ng kahoy na gagagamitin mamaya sa pagluluto ng mga pagkain. Simula pa kaninang nasa byahe kami pagkatapos ng stop over ay hindi na n'ya ako pinapansin. Iniisip n'ya ba talagang karibal n'ya ako kay ate Keegan? Mali ang interpretation n'ya sa mga sinabi ko. Mukha ba akong pumapatol sa kapwa ko babae? Tsk. Nakaka-frustrate s'ya. "Ate Peye, ikaw na pinsess," bulol na pahayag ni Rhea, she's 5 years old. Residente s'ya rito sa baryo na pinuntahan namin. Hinila n'ya ako papunta sa gitna kung saan magkakahawak kamay ang mga bata habang nakapabilog sila sa akin. Dapat ay tutulong ako sa pagluluto pero nahila ako ni Rhea para makipaglaro sa kanila. Wala namang kaso 'yon sa akin dahil nagi-enjoy din naman akong kalaro sila. Lumapit sa akin si Mabel hawak ang korona na gawa sa bulaklak. Yumuko ako saka n'ya iyon inilagay sa ulo ko. "Ang ganda mo po ate, Pixie." Hagikgik ni Mabel. "Oy! May nahanap ul
"Bakit ka nagmumukmok dito?" tanong sa akin ni Marcia nang tumabi s'ya sa akin sa kahoy na kinauupuan ko. Pinanonood namin ngayon ang mga bata at matatanda na masayang sumasayaw sa tabi ng bonfire. "Ayaw mo bang sumayaw?""E ikaw? Ayaw mo ba?" Balik kong tanong sa kanya dahilan para pareho kaming matawa sa huli. "Wala akong gana at isa pa, alam mong hindi ako dancer," pahayag ni Marcia. "Napansin ko lang, bakit parang nag-iiwasan kayo ni Wayde? Nag-away ba kayo? Inaway mo ba dahil kay Vince?""Talaga bang itatanong mo 'yan sa akin? Kelan pa ako gumawa ng gulo? Sa ating dalawa ikaw 'tong taga-gawa ng away at hindi ako.""Grabe ka naman. Nagtatanong lang naman ako pero masyado mo akong penersonal.""Ikaw kasi, tini-trigger mo ako.""Infairness, nati-trigger ka na pagdating kay Wayde. Don't tell me may nararamdaman ka na para sa kanya? Are you in love with him?" tanong ni Marcia na nagpabilog ng mga mata ko. Mabilis kong tiningnan ang paligid namin. Mabuti na lang walang malapit
"Where did you get that idea?" tanong ni Wayde nang sabihin ko sa kanya ang patungkol sa paga-akala kong si ate Keegan ang babaing nagugustuhan n'ya. "Magkaibigan lang kami ni Keegan. Gusto mo bang masapak ako ni Mavey.""Bakit ka naman sasapakin ni Mavey?" "Nevermind. Basta wala akong gusto kay Keegan," paglilinaw n'ya. Humigpit ang yakap n'ya sa bewang ko saka n'ya isiniksik ang mukha n'ya sa leeg ko. "At hindi rin ako tomboy! Pinaghinalaan mo pa akong tibo. Bwisit ka!"Nakaupo kaming dalawa ngayon sa damuhan habang magkayakap. Nakasandal si Wayde sa katawan ng puno samantalang ako naman ay nakasandal sa dibdib n'ya at nakaupo sa pagitan ng hita n'ya. Kanina ay naiilang ako sa posisyon namin pero nang magtagal ay parang nasanay na lang din ako sa ginagawa n'yang paglalambing sa akin. "Wayde, akala ko ba sa harap lang ni Pennie at Janus tayo magpapanggap na mag-jowa. Bakit kung umakto ka ngayon ay parang tayong dalawa? Tama na nga 'yang kakasinghot mo sa leeg ko!" Hinawakan