เข้าสู่ระบบLUMIPAS ang ilang taon, Arisielle is in senior high while Katana is in junior high, masaya si Arisielle na maging Huangcho. Nasanay na rin siya. Nasanay na ipakilala sa lahat na isang anak nila. Maging ang mga titig sa kanya ng Kuya KB niya ay sanay na sanay na siya.
Naghahanda sina Arisielle at Katana dahil foundation day ng RHIS ngayon at dahil dito, may one week celebration ang buong campus. Ka Isa pa, masaya sila dahil ang mga kuya Kris at Krig nila ay uuwi. They already left for college last year pero dahil alma matter nila ang RHIS ay uuwi sila para sa foundation day. "Ate, can you help me style my hair? I can't decide." Ngumiti si Arisielle at tinawag si Kleaver. Masaya naman lumapit ang kapatid saka umupo sa may bakanteng upuan malapit sa vanity table ng mga ate niya. "Kleaver ang laki mo na and yet, you still act like a baby." Pinagsabihan ni Katana ang busong kapatid. "I'm the bunso, and yes I'm still Mommy and Ate Arisielle's baby — ate Kat-Kat." Malokong ngumiti si Kleave at pagdating sa ate Katana niya ay nginusuan niya ito ng tingin. May pagdila pa ng panunudyo na naganap sa huli. Humalakhak naman si Arisielle. "Bagay sayo, Kleave ang one side fringe. Mas cute ka doon." "Oo mas magiging kamukha niya si Jose Rizal." Banat na sagot ni Katana sa kapatid. Bilang ganti sa paglabas ng dila nito sa kanya. "Hey! Mas guwapo ako sa pambansang bayani. Ang laki ng diferrence, right Ate Aris?" "Yeah..." Natatawang bigkas ni Arisielle. "You are handsome, Kleave." "Talaga ba ate Aris?" Hindi sinasadya ni Kleave pero ito ang lumabas sa bibig niya. "Kung mas tumangkad lang ako ng kaunti, mas sasagutin mo ba ako kay Kuya Knife kapag niligawan kita?" Natahimik ang dalawang babae, maging si Kleaver napatakip sa bibig niya. Sabay napayuko siya. Napabuntong- hininga si Katana. "Kleave," tawag niya sa kapatid gamit ang mababang boses, "you can't have a relationship with your ate. That's incest. Bawal 'yon sa mata ng Diyos at tao. Arisielle is a family, you can love her like sibling love, pero hindi jowa. Duh?!" May inis sa huling sinabi nito. "Sorry na nga." Paghingi ng paumanhin ni Kleaver pero sinamaan niya ng tingin ang ate Katana niya. "Kleaver, tama ang ate Kat-Kat. Kahit hindi tayo magkadugo, tinanggap niyo na ako bilang kapamilya niyo. Tinuring na rin kita na little brother ko." Sambit ni Arisielle. "Pero ba't may nakita ako?" "Anong nakita mo?" Usisa ni Katana sa kapatid. "Wala! Alis na nga ako." Tumayo si Kleaver sa kinauupuan at balisang lumabas ng kwarto ni Katana. Nakakunot- noo naman ang dalawang babae habang pinagmasdan siyang lumabas ng kuwarto. Napailing na lang si Katana. Pero hindi pwede sa kanya ito. Gusto niyang malaman kung anong nakita ni Kleaver ba't nag babaliw- baliwan na naman ang kapatid niya. Dideretso na sina kuya Kris and Krig nila sa school. Kaya doon na sila sa school na magkikita-kita na magkakapatid. Pagkababa nila sa hagdan — sina Arisielle at Katana parehong naka-ayos, fresh, at maganda — agad nilang nadatnan sina Kunai at Knife sa foyer ng mansyon. Si Kunai ang unang nagreact. “Ate! Ano ba kayo? Bakit ang tagal niyooo?” reklamo niya habang ina-adjust ang bowtie niya. “Foundation Day, tapos kayo parang may debut! Ang tagal mag-ayos!” “Hoy, Kunai!” sagot ni Katana, sabay bagsak ng palad sa braso ng kapatid. “Excuse me? Beauty takes time, okay? At least magandang tingnan itong mga ate mo.” “Psh. Hindi naman kayo sasali sa runway—” “Kunai…” malamig na boses iyon. Si Knife. Nanginginig lang sa ilong ang hininga niya, halatang inip na rin. “Fine, fine!” usal ni Kunai. “Pero mauubusan tayo ng parking! At si Kuya Krig pag late, ako na naman ang pinag-iinitan!” “Oh, wow. Yun pala ang kinakatakot mo, hindi ang pagiging bastos mo.” Si Katana iyon, nagtaas ng kilay. “Eh ikaw kasi, ate!” kontra ni Kunai. “Ang tagal mo mag-dry ng buhok! Gumamit ka kaya minsan ng blower para mabilis!” “Aba’t—!” “Huwag kang magbato ng brush, Katana.” Si Knife ulit, hindi tumitingin sa kanila, pero may hawak nang susi ng kotse. “Nagkakamot lang ako ng ulo pero naririnig ko kayong dalawa hanggang third floor.” Napapikit si Knife saglit — clearly napagod na sa araw-araw na pag-aaway nitong dalawang ‘pusa at daga’ niyang kapatid. Nasa gilid ng 6 seaters car si Kleaver, kumakaway sa kanila na parang excited na puppy. “Ate Arisielle!! Let’s go. Excited na ako.” Malaki ang ngiti niya, hawak ang maliit na bag na may print ng lion mascot ng RHIS. “Gusto ko yung kissing booth!” dagdag niya, proud ito. “Sa amin yun this year!! Ang saya nun! Ang dami sigurong pipila!” Napanganga si Katana. “K-kissing booth?! Sinong magvo-volunteer doon?!” “I don’t know!” natawa si Kleaver. “Pero kung allowed sana kami, join ako. Hehe.” “Huy, Kleave!” sabay na sermon nina Katana at Arisielle. Si Knife, nanahimik lang, pero napatingin kay Arisielle nang marinig ang “kissing booth.” Subtle lang — pero may biglang kislap sa mga mata nito. “Let’s go,” sabi niya bigla. Parang may gusto siyang iwasan na topic. “Bago pa mag-away ulit ang dalawang sira ulo—” sabay tingin kina Katana at Kunai. Napailing si Kunai "So sira ulo kami?” reklamo nito. “Si Kuya Knife.” Sabay lingon nila kay Knife. “Let’s. Go.” Yun lang ang sagot niya. Pero sapat para tumahimik silang lahat. Sa kotse, magkatabi sina Katana at Kunai sa likod — nagsasagutan pa rin. Mabuti hindi pumagitna si Kleaver kasi siya nanaman ang referee ng dalawa niyang nakatatandang kapatid. “Kunai, that’s my lip balm!” “Huh? Akala ko pang-nose shine yan—” pangaasar niya sa ate Katana niya. “Baliw! Nose shine ka pa diyan. Hindi ka ba nag-iisip!?” Inirapan niya ang kapatid na nakangisi na parang aso. “You never said—!” SLAM. Sinara ni Knife ang pinto at umupo sa driver’s seat. “Lord, give me strength,” bulong niya. Tahimik lang si Arisielle sa passenger seat, pero napangiti. Sanay na siya. That’s the Huangcho siblings — magulo, pero mahal ang isa’t isa. At si Knife… kahit lagi siyang cold, siya ang glue ng pamilya. Tahimik. Pero siya ang sentro nilang lahat, dahil hindi na nila kasama nag kuya Kris at Krig nila. Pagdating nila sa campus, ang buong Rosewood Heights International School ay punong-puno ng kulay. May lantern arches sa entrance, pinaghirapan na buoin ng mga seniors at kasama sila doon. May giant flower walls for photos, na courtesy ng mga junior na mga classmate ni Katana. May booths, games, food stalls at halos mga students ang nag set up at iba't iba nang grade levels. At may malaking stage sa gitna para sa performances. At naroon sa harap ng gate sina Kuya Kris at Kuya Krig, kakadating lang. “Mga kapatids! I MISS Y'ALL!!!” sigaw ni Krig, sabay yakap kay Katana. “Hindi mo kami sinundo! Traidor ka!” “You’re the traitor!” sagot ni Katana. “Hindi mo man lang ako binalita na nagpa-color ka ng buhok!” Si Kris, naka-arm folded lang, pero ngumiti kay Arisielle. “Hi, sis. You look pretty.” Yumakap siya kay Arisielle — malambing pero hindi sobra. Sa gilid, tahimik lang si Knife. Pero ang mga mata niya, matalim nakatingin sa mga kapatid. Lalo na kay Arisielle at nagkuyom ng kamay sa baba na hindi pinahalata na nainis ito nang niyakap ng kuya Kris at Kuya Krig niya si Arisielle. Mas mahirap para sa kanya ngayon na sarilihin ang kapatid dahil ngayon, mas maganda na ang dalaga. Mas matured. At mas mahirap nang itago kung ano mang nararamdaman niya. Nang papasok na silang lahat sa campus, nauna ang tatlong magkakapatid — sina Kris, Krig at Kunai, nag-aasaran pa rin. Si Katana at Kleaver naman, excited sa booth map. Habang si Knife at Arisielle ay naiwan. Planado na ito ni Knife. “Tara na, Kuya KB,” sabi ni Arisielle, hawak ang strap ng bag niya. Hindi gumalaw si Knife. Tumitig lang ito sa kanya na parang may pag- aalinlagan. Hanggang bigla niyang hinila si Arisielle papalapit sa kanya— malakas, pero mahigpit na may halong panginginig. Dinala siya nito sa likod ng isang puno na walang makakakita sa kanila. Sabay niyakap siya ni Knife. Matagal na itong ginagawa sa kanya ng Kuya KB niya. Hindi rin siya makaiwas dahil may kung anong init rin siyang nararamdaman. Delikado, pero hindi nila maiwasan pareho. Mahirap. Mainit. At hindi maiwasang damhin ang pagmamahal na binibigay nila mula sa malayo. “Kuya—?” “Don't move… Let's stay like this.” bulong ni Knife, nakabaon ang mukha sa balikat niya. “Sandali lang…” may pagsusumamo sa boses nito. Nanlalaki ang mata ni Arisielle at ramdam niya ang init nito ngunit sabay rin ang bigat sa puso niya dahil mali ang ginagawa nila. Ramdam din ni Arisielle ang panginginig ng mga labi ni Knife sa leeg niya. Hinawakan niya ang likod ng kuya niya ng maingat. “Kuya KB…?” Napasinghap ito ng malalim, parang pinipigil ang emosyon. “Akala ko…” Paubos ang boses. “…mawawala ka sa akin. Ayoko mangyari iyon.” Lumuwag ang dibdib niya, pero sumikip din. Because it sounded like— Fear. Possession. And love that shouldn’t exist. “Hindi ako mawawala, Kuya,” sagot ni Arisielle, marahang hinaplos ang buhok nito. “Never mangyayari ‘yon.” Dahan-dahan siyang binitawan ni Knife pero malapit pa rin sila sa isa't isa. Dinikit ni Knife ang noo niya sa noo ni Arisielle at napapikit silang parehas. Tama lang para damhin ang hangin ng isa't isa. Nanatili silang ganoon. Hanggang hinawakan ni Knife ang pisngi ni Arisielle — hindi dapat, pero hindi niya mapigilan. Gusto niyang halikan ang dalaga, pero ayaw niyang mawalan ng tiwala sa kanya si Arisielle. Ayaw niyang layuan siya nito dahil hindi pa siya kayang tanggapin nito ng buo, tanggapin siya hindi bilang kapatid. "This feeling will destroy us someday… but right now, I just want you close.” mahinang wika ni Knife. Magandang pakinggan ngunit para kay Arisielle sobrang bigat talaga sa pakiramdam niya. Hindi pwede si Kuya KB niya. Hindi talaga pwede. At doon, sa gitna ng Foundation Day music at ingay ng campus— nagtagpo muli ang mata nila. At hindi iyon tingin ng magkapatid. Iyon ay tingin ng dalawang taong matagal nang lihim na hinihila ng tadhana. Forbidden. But inevitable.ARISIELLE will turn eighteen anytime soon. Hindi siya humiling ng debut party. Kahit gustong- gusto ni mommy Catherina niya na ipagparty siya. Hiling lang ni Arisielle ay simpleng party. Busy na rin kasi siya na mag- work sa isang cafe na ang may- ari ay parents ni Ken. Kahit hindi pa siya eighteen ay tinanggap siya doon na mag part- time work for the entire summer lang naman. Kasama naman sina Ken, Bella at Rico kaya hindi ganoon kahirap ang trabaho. Saka nag-eenjoy siya dahil kasama niya ang mga kaklase niya. Gusto rin sana ni Katana pero hindi siya pinayagan ng daddy nila maging sila kuya Kris and Krig niya. Inilapag ni Arisielle ang classic tiramisu cake at black hot coffee sa may mesa kung nasaan nakaupo si Knife habang nagbabasa ng libro at sa kabilang kamay niya ay may rubik's cube na iniikot-ikot niya lang at kahit hindi nakatingin at nabubuo rin agad ito. "Binabantayan mo ba ako kuya?" Tanong ni Arisielle. Dahan- dahang umangat
PARANG naging normal muli sa pamilyang Huangcho dahil kumpleto na ang mga kapatid na lalaki ni Katana. May mga tawanan at kulitan muli at kaunting bangayan sa pagitan nina Katana at Kunai na nasanay na ang lahat sa bangayan at kulitan ng dalawa. Masaya ang magasawang Don Arsenio at Doña Catherina Huangcho na nakikita ang mga anak na kumpleto."Mabuti at nakauwi kayong dalawa, Kris and Krig. How's Manila? Nakapag- adjust ba kayo kaagad sa mga University na napili niyo?" Tanong ng ilaw ng tahanan na si Doña Catherina.Si Kris ang sumagot pagtapos hawiin ang bangs na bahagyang tumabing sa mata niya. "Ayos naman mom, masaya po. Pero mas masaya si Krig, dahil oras pa lang tinatagal namin sa campus ay nagpaiyak agad ng babae." Nakangisi at bahagyang siniko ang kapatid saka tumango ng may panunukso.Umiling si Krig at kumuha ng garlic stick sa plato niya. "No mom, not true. Pero totoo ang fact na ako ang pinakaguwapo sa Huangcho brothers." Swabeng sagot nito saka kumagat ng garlic breadstic
NAGTUNGO sa gawi nila si Agatha. Taas- noong nakatingin sa kanila ng masama at parang siya ang tunay na reyna ng Foundation Day. Sa likod niya, naroon nakaabang ang mga minions niya na sina Missy at Portia. Nagbubulungan na ang ibang students na nakasaksi ng halik. Hindi lahat malinaw ang nakita, pero sapat na ang ingay para may umalingawngaw na tsismis. Si Arisielle, namutla. Parang naipit sa gitna ng dalawang mundo na hindi dapat nagtatagpo. “Isasakripisyo mo talaga ang pangalan mo at ang Huangcho para lang sa babaeng ito?” Walang preno nitong sabi. Sapat na iparating na isang eskandalo ang inuumpisahang silaban. Hindi agad sumagot si Knife.Pero ang panga niya ay umigting. Ang kamay niyang kanina ay nakahawak pa sa braso ni Arisielle, ay binaba niya at unti-unting kumuyom. Si Agatha, mas lalo pang ngumisi. “See? You can’t even deny it properly. Alam ko knife… you want her. Halata sa paraan mong tumingin. Halata sa paraan mong—” “Agatha.” Mababa ang boses ni Knife. Malamig n
KAHIT anong pilit niyang ipinaalala sa sarili kung ano ang tama, isang bagay ang hindi niya kayang itanggi: Na habang nakatingin si Knife sa kanya, parang buong mundo naglalagablab. At siya lang ang tanging taong gusto nitong iligtas mula sa apoy. Dahan-dahang humakbang paatras si Arisielle at para buoin muli ang pagitan sa kanila, bitbit pa rin ang panda plushie, pilit pinapakalma ang sarili. Pero hindi umiwas si Knife. Hindi rin siya umatras. Nakatayo lang siya sa dating pwesto. Ang mga balikat ay tense, his jaw clenched, at ang mga kamay na parang ayaw bitawan ang hangin na iniwan ni Arisielle. “Arisielle…” tawag niya, mababa, halos punit ang boses. “Sabihin mo sa’kin. Do you want me to stay away?” Nanigas si Arisielle sa kinatatayuan niya. Hindi siya agad nakakibo. Para siyang nalunod sa dalawang mata ng kuya KB niya... ang mga mata na parang may hawak na bagyo. Hi
PARANG may sumabog na dinamita sa dibdib ni Arisielle.Nakatayo lang siya roon at napayakap siya sa ng mahigpit sa panda plushie, nakapako ang tingin sa kuya KB niya… na hinahalikan ni Agatha. Hindi mabilis. Hindi rin mabagal. Pero sapat para bumiyak ang puso niya.Hindi siya makahinga.Hindi siya makagalaw.Hindi niya alam kung bakit pero parang biglang lumiliit ang paligid. Naririnig niya ang tawa ng mga estudyante sa paligid, naririnig niya ang mga sigawan sa booths, may nag- video pa gamit ang camrecorder na para i-upload sa social media. Parang nasa ilalim siya ng tubig na handa nang malunod.At ang pinaka-masakit?Hindi man lang umatras ang kuya KB niya. At hindi rin gumanti ito ng halik kay Agatha. Nakatayo lang ito na parang nag-freeze pero hindi niya itinulak ang babae.At iyon ang napagtanto ni Arisielle. Para siyang sinapak ng realidad. So, ganito pala ang feeling… kapag wala kang karapatan magselos.
GUSTONG manatili ni Knife sa ganoon posisyon. Ayaw niyang pakawalan si Arisielle, ang kaso baka makahalata na ang mga kapatid nila, kaya pumasok na sila. Doon ay nakita ni Arisielle ang iba pa niyang mga kaibigan.Sina Rico, Ken and Bella. Mga kasama nila sa Student Bureau Club. "Ano ba 'yan, Rico. Asintahin mo naman duleng ka yata eh. Iyan ba ang lumalaban sa pistol firing club?" Reklamo ni Katana kay Rico habang sinusubukan barilin ng air gun pellete ang pato na laruan para makakuha siya ng stuffed animal panda para sana kay Katana."Hindi ako duleng! Natamaan ko nga yung tatlo. Dalawa na lang makukuha ko na yung stuffed animal na gusto mo." Medyo may pagsusungit kay Katana dahil nag- ko- concentrate siya."Kuya Knife... Ikaw na nga lang kumuha ng plushie na gusto ko. Wala kasi tong kwenta si Rico.""Asintahin mo kasi muna Rico bago mo i- release nagsasayang ka ng pellete eh." Payo ni Ken sa kanya."Edi ikaw na dito." May inis sa tono ng boses ni Rico. "Akin na." "Hey!" Iniwas ni



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



