Naiwan akong nakatayo sa gilid ng bukid, hawak ang payong, pinagmamasdan sila Lolo at Jun na abala sa pagpapalay. Nandoon din si ninong na madali lang nakasabay sa kanila. Pansin ko nga na parang sanay na sanay siya.
Hindi ko maiwasang mapatingin paminsan-minsan, pero agad ko ring iniiwas ang mata ko kapag nahuhuli kong napapatingin din siya sa akin. "Bea, halika rito saglit!" tawag ni Lola habang inaayos ang banig sa tabi niya. "Mainit dyan." Lumapit ako agad. Nang ilapag ko ang bayong sa lapag, napansin kong may ilang kabataang lalaki sa lilim ng puno malapit lang. Isa sa kanila, ngumiti pa at kumaway. Kumunot ang noo ko, pero bago pa ako maka-kaway pabalik, eksaktong tumigil si ninong sa ginagawa niya at napatingin sa direksyon namin. Napalunok ako nang mapansin ko ang mabigat niyang titig na para bang nagbabanta. "Kuya Rad, saan ka?!" sigaw na tanong ni Jun. "Iinom lang!" sigaw nito pabalik. Lumapit siya sa amin, kinuha ang kamay ko, at sinamaan ng tingin ang mga binatilyo. Agad naman silang nagsi-iwasan, natakot yata. "Ano bang sabi ko kanina? Don’t talk to boys. Don’t even smile at them," aniya habang nakababa ng tingin sa akin, tila nagpipigil. Huminga ako ng malalim at napayuko na lamang. Ano bang laban ko sa kanya? "Ninong, h-hindi naman po sa ganun—" "You don't have to explain, Bea. I don’t want anyone staring at you that way." Nanlumo ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sobrang strikto niya o maiinis dahil wala naman akong ginawang masama. Lumipas ang mga araw, linggo, buwan, gano’n palagi. Sa palengke, kapag may nagtanong lang sa akin ng presyo ng gulay, siya ang sumasagot. Sa tindahan, kapag may bumati, siya ang unang nagsusungit. Hanggang sa masanay na lang ako na palagi siyang nakabantay, kahit sa bahay, ramdam ko ang mga mata niya sa bawat kilos ko. Tingin ko nga nakakapansin na rin si Jun pero hindi lang niya pinagtutuunan ng pansin. "Why are you wearing shorts again?" reklamo niya nang minsang bumaba ako sa sala. "How many times do I have to tell you? Maraming lalaking dumadaan dito. Wear something longer." Namilog ang mata ko. "Pero mainit po kasi, ninong…" "Then don't go outside. I don’t like it." Diretso, walang halong biro niyang sabi. Wala akong nagawa kundi magpalit ulit. Ang strikto niyang ninong, ever! Minsan naiisip ko, bakit napaka-possessive niya sa akin? Isang gabi, habang nasa balkonahe ako at nag-aayos ng pinatuyong palay, naramdaman kong may tumabi sa akin. Si ninong, may hawak na tasa ng kape. "Are you mad at me?" bigla niyang tanong. Tinapunan ko siya ng tingin at mabilis nagbawi nang magtama ang mata namin. Ang seryoso niya. "H-Hindi po," mahina kong sagot. "Medyo… naaasiwa lang kasi, parang ang dami niyo pong bawal." "Alam kong naiirita ka," sagot niya, hindi inaalis ang tingin sa akin. "But I can’t help it. Ayoko lang na may ibang lalapit o magkakainteres sa’yo. You’re still young, Bea. You don't know how fast people can take advantage." Natigilan ako sa sinabi niya. "Alam ko naman po 'yon, ninong, pero... minsan po kasi sobra na?" Napakagat labi ako. Tumigil siya sandali, bahagyang ngumiti, ngunit hindi nawala ang bigat ng mga mata niya. "Exactly. Ninong mo ako. And as your ninong, it’s my responsibility to protect you." Pero hindi gano’n ang naramdaman ko. Hindi lang simpleng proteksyon. May laman na hindi ko mapangalanan. Napalunok ako. "Pero… paano kung gusto ko lang makipagkaibigan?" "Hindi mo kailangan ng kaibigan na lalaki, Bea." Inabot niya ang ulo ko, ginulo ang buhok ko pero seryoso pa rin ang tingin sa akin. "Sapat na kami ni Jun." Ramdam kong uminit ang pisngi ko lalo na nang ipulupot niya ang kamay sa baywang ko. Hindi ako nakasagot, kaya tumingin na lang ako sa harap, pilit pinapakalma ang sarili. Oo, mas close na kami ngayon, pero mas napapansin ko rin ang pagiging possessive niya. At hindi ko matukoy kung hanggang saan ba talaga ang hangganan naming dalawa. Kinabukasan, inutusan ako ni Lola na bumili ng asin at ilang gulay sa tindahan na malapit lang sa baryo. Masaya ako dahil pagkakataon ko ring makalabas at makahinga kahit sandali mula sa pagbabantay ni ninong. Pero mali ako. "Ako na lang ang sasama sa'yo," biglang sabi niya nang marinig ang utos ni Lola. "Ninong, malapit lang po 'yon. Kaya ko naman mag-isa," tanggi ko. "Hindi bale nang malapit. Gabi na at may mga tambay sa kanto. Hindi ako kampante. Let's go." Diretsong saad niya na parang wala akong choice. "Sige na apo, magpasama ka sa ninong mo at baka mapaano ka pa sa daan," si Lola kaya wala akong nagawa. Naglakad kaming dalawa papunta sa tindahan. Habang dala ko ang bayong, siya naman ang may hawak ng payong kahit hindi naman na umuulan. Tahimik lang kami hanggang makarating doon. Pagpasok ko sa tindahan, may sumalubong sa akin, ang kababata ko, si Karson. Buti na lang lumiban si ninong kaya malaya ako. "Bea?!" Napatigil ako. "K-Karson?" Ngininitian niya ako. Mas matangkad na siya ngayon, at medyo umitim dahil siguro sa trabaho nila sa palayan doon sa kabilang baryo. "Ang tagal mong hindi nagpakita. Na-miss ka namin sa kanto! Kumusta ka na?" Nginitian ko rin ito pabalik. "Ayos lang. Ikaw?" "Buhay pa rin kahit papaano. Lagi ka raw busy sabi ng Lolo mo. Buti nakita ulit kita..." Napansin kong lumipat ang tingin niya sa tumabi sa akin, si ninong. Napatingala ako rito, hindi maiwasang mapalunok sa talim ng titig niya kay Karson. "And who's this?" supladong tanong niya. Napatingin sa akin si Karson tapos kay ninong. "Ah, kababata po ni Bea. Karson po." Iniabot pa niya ang kamay para makipagkamay. Pero hindi ito tinanggap ni ninong. "Tara na, Bea. Umuwi na tayo." Hinila niya ang kamay ko at tila ayaw nang patagalin ang usapan. "Sandali lang, ninong—" bulong ko, pero tiningnan lang niya ako ng matalim, kaya natahimik ako. Napakamot na lang si Karson sa ulo, hindi alam ang gagawin. "Ah, sige, Bea. Kita na lang tayo uli minsan." Bago pa ako makasagot, inakbayan na ako ni ninong at halos kaladkarin palabas ng tindahan. Ang higpit ng pagkakahawak niya. "Ninong, bakit naman ganun? Kababata ko po si Karson, matagal ko na siyang kilala," hindi ko napigilang sabi habang naglalakad pauwi. Tumigil siya bigla at hinarap ako. Nagbaba ako ng tingin nang pakatitigan niya ako ng malalim. "Kababata, kaibigan… lalaki pa rin siya. At hindi ko gusto ang paraan ng tingin niya sa'yo kanina." Namilog ang mata ko. "Tingin? Ninong naman! Normal lang 'yon! Wala naman siyang ginawang masama." "Hindi mo lang napapansin, Bea," aniya, mas lalo pang lumalim ang boses. "Pero ako, alam ko kung anong iniisip ng mga lalaking tulad niya. He's not good for you. Not even a chance." "Pero… Ninong," mahina kong sabi, "paano kung gusto ko lang makipag-usap? Kaibigan ko naman sila noon pa." "Hindi mo kailangan ng kaibigan na lalaki. Ako na lang. Ako lang." Nilakasan ko ang loob. "Ba't po ba kayo ganito sa akin?"Kinabukasan, paggising ko, agad kong hinanap si ninong sa loob ng bahay. Nakasanayan ko na kasing maaga siyang nagigising at palaging nasa sala, nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo o 'di kaya naman ay kausap si Lola tungkol sa kung anong plano niya para sa araw na ‘yon. Pero nang bumaba ako, wala siya roon. Wala ring nakahandang tasa ng kape o kahit anong senyales na nagdaan siya sa mesa. Naglakad ako palabas, tinignan ang bakuran, pero wala. Nakita ko si Lola na kausap ang kapitbahay namin. Lumapit ako, nagtanong. “La, si ninong? Nasaan?” mahina kong tanong, ramdam ang kaba sa dibdib ko. Tumingin siya sa akin at doon ko nakita ang malumanay niyang ngiti. “Ah, umalis nang maaga. Nagkaroon ng emergency ang pinagtatrabauhan niyang kumpanya. Hindi na nakapagpaalam sa'yo. Nagmamadali eh.” Natigilan ako. Para akong binuhusan ng isang baldeng yelo at nanlamig. Sumikip ang dibdib ko, halos makalimutang huminga. “Ha? Hindi… hindi pwede…” Umiling lang si Lola. “Baka hindi na rin niya
Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus tumalikod siya at diretsong naglakad pauwi, dala-dala ang bayong. Pagdating sa bahay, dire-diretso siyang umakyat sa taas, sa attic kung saan siya naka-kwarto. Napakagat labi ako. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng panlalamig at hindi ko alam bakit parang nasasaktan ako. Ang bigat sa dibdib. Lumipas ang mga araw, napansin kong iniiwasan niya ako. Wala imik. Kumakain kami nang magkakasama pero walang pansinan, hindi katulad ng dati. Kapag lumalabas ako, sumusunod naman siya, nakabantay, pero malamig pa rin. At sa bawat gabi, habang nakahiga ako, hindi ko maiwasang umiyak. Hindi ko alam kung bakit ang bigat-bigat sa dibdib. Nasanay ako na lagi siyang nasa tabi ko, kahit strikto, kahit nakakasakal minsan. Ngayon na nanlalamig siya sa akin, pakiramdam ko nawawasak ako. Isang gabi habang kumakain kami, bigla siyang nagsalita. “I need to go back to the city,” malamig niyang anunsyo. “May trabaho akong naiwan. Hindi ko na pwedeng ipagpaliba
Naiwan akong nakatayo sa gilid ng bukid, hawak ang payong, pinagmamasdan sila Lolo at Jun na abala sa pagpapalay. Nandoon din si ninong na madali lang nakasabay sa kanila. Pansin ko nga na parang sanay na sanay siya. Hindi ko maiwasang mapatingin paminsan-minsan, pero agad ko ring iniiwas ang mata ko kapag nahuhuli kong napapatingin din siya sa akin. "Bea, halika rito saglit!" tawag ni Lola habang inaayos ang banig sa tabi niya. "Mainit dyan." Lumapit ako agad. Nang ilapag ko ang bayong sa lapag, napansin kong may ilang kabataang lalaki sa lilim ng puno malapit lang. Isa sa kanila, ngumiti pa at kumaway. Kumunot ang noo ko, pero bago pa ako maka-kaway pabalik, eksaktong tumigil si ninong sa ginagawa niya at napatingin sa direksyon namin. Napalunok ako nang mapansin ko ang mabigat niyang titig na para bang nagbabanta. "Kuya Rad, saan ka?!" sigaw na tanong ni Jun. "Iinom lang!" sigaw nito pabalik. Lumapit siya sa amin, kinuha ang kamay ko, at sinamaan ng tingin ang mga binatily
Napalunok ako nang magtama ang tingin namin. Ang bigat ng mga mata niya, walang bahid na emosyon. “W-Wala po,” sagot ko, nagkanda-utal. “Good. Bawal pa.” B-Bawal? Eh twenty-three years old na ako. Bawal pa rin ‘yon? Tumabi sa akin si Jun, inakbayan ako sabay gulo sa buhok ko. "Jun naman, eh!" Tiningala ko siya at sinamaan ng tingin. "Kaka-ayos ko lang sa buhok ko kanina tapos ginulo mo na naman." Tumawa siya bago inabot ulit ang tasa. "Parang buhok lang, eh. Bakit 'di mo kasi gupitan? Ang haba na. Saka Kuya Rad, bawal pa talaga ‘to magka-boyfriend. Takot lang nila sa akin!” Mas sumama ang timpla ng mukha ko. "Ewan ko sa’yo! Inaalagaan ko nga 'to! Alis!" Tinulak ko siya pero tinawanan lang ako. “S-Saka h-hindi naman ako interesado magka-boyfriend.” Napayuko ako. "Huwag mong gupitan. Sayang. Maganda pa naman," singit ni ninong na nagpakabog ng matindi sa dibdib ko. “And having a boyfriend is no good to you," strikto at mariin niyang dagdag. Hindi ko dapat nararamdaman 'to dahil
Bea's POV Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako para magsaing. Maaga na naman kasing tutulak sina Lola at Lolo sa bukid para magtanim kasabay ng pinsan kong lalaki na nagpapalay kaya kailangan kong maghatid ng pagkain sa kanila. Maigi na rin iyong maaga dahil natatapos ko agad ang gawaing bahay, nakakapagfocus pa ako sa paghahanap ng trabaho sa online. Habang hinihintay maluto ang sinaing, nagwalis muna ako sa harap ng bahay, nagdilig ng mga halaman at binuksan ang maliit na tindahan na kahit papaano ay may kinikita para sa gamutan nila Lola at Lolo. Sabi nila sanggol pa lang daw ako no'ng iwan ako ng nanay ko sa kanila at hanggang ngayon wala pa ring balita sa kanya maski sa tatay ko. Pero masaya na ako kung anong meron ako ngayon. Hindi ko na sila ganun iniisip. Punong-puno naman ako ng pagmamahal dahil sa Lola at Lolo ko. Walang kapantay na pagmamahal ang binigay nila sa akin. Bandang alas sais ng umaga, nagtimpla na ako ng kape nila, bumili na rin ng tinapay sa kala