Share

Kabanata 1

Penulis: Supremo
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-01 09:15:25

Napalunok ako nang magtama ang tingin namin. Ang bigat ng mga mata niya, walang bahid na emosyon. “W-Wala po,” sagot ko, nagkanda-utal.

“Good. Bawal pa.”

B-Bawal? Eh twenty-three years old na ako. Bawal pa rin ‘yon?

Tumabi sa akin si Jun, inakbayan ako sabay gulo sa buhok ko.

"Jun naman, eh!" Tiningala ko siya at sinamaan ng tingin. "Kaka-ayos ko lang sa buhok ko kanina tapos ginulo mo na naman."

Tumawa siya bago inabot ulit ang tasa. "Parang buhok lang, eh. Bakit 'di mo kasi gupitan? Ang haba na. Saka Kuya Rad, bawal pa talaga ‘to magka-boyfriend. Takot lang nila sa akin!”

Mas sumama ang timpla ng mukha ko. "Ewan ko sa’yo! Inaalagaan ko nga 'to! Alis!" Tinulak ko siya pero tinawanan lang ako. “S-Saka h-hindi naman ako interesado magka-boyfriend.” Napayuko ako.

"Huwag mong gupitan. Sayang. Maganda pa naman," singit ni ninong na nagpakabog ng matindi sa dibdib ko. “And having a boyfriend is no good to you," strikto at mariin niyang dagdag.

Hindi ko dapat nararamdaman 'to dahil ninong ko siya pero bakit? Hindi pwede 'to! Na-aabnormal lang siguro ang tib0k ng puso ko. Siguro kakakape ko 'to. Dapat ko na bang tigilan ang kape at mag-gatas na lang?

At saka tungkol sa pagbo-boyfriend, hindi naman ako interesado roon.

Napatitig ako sa kanya at halos makalimutan kong huminga nang ngitian niya ako dahilan para lumitaw ang magkabilang dimple niya.

Sh1t!

"Huwag kang mailang o mahiya sa akin. Ninong mo naman ako," aniya at saka pa lang ako nakabawi, napalunok. "Bumaba ka na roon, mainit dito, namumula ka na, oh."

"Ah, sige po!" halos pasigaw kong sagot at dali-daling bumaba.

Pagbaba ko, nakasalubong ko si Lola na takang nakatingin sa akin.

"Oh, anong nangyari sa'yo? Bakit namumula ka? At nagmamadali? Inasar ka na naman ba ng pinsan mo?"

Tumango ako. "Opo, sabi ba naman gupitan ko na 'tong buhok ko. Ginulo na naman, eh." Ngumuso ako.

Nahilot niya ang sentido at bumuntong hininga. "Hayaan muna, pagsabihan ko na lang mamaya. Ayusin mo muna 'yang buhok mo at nang makapunta na tayo ng bukid. Tatawagin ko na sana kayo."

"S-Sasama po ba sa atin si n-ninong sa bukid?" tanong ko at yumuko.

"Oo, gusto niya raw makita ang bukid at tumulong kay Jun sa pagpapalay," ani Lola at umangat. "Mga anak, bumaba na kayo dyan at tutulak na tayo sa bukid!" Bumaling siya sa akin. "Mag-ayos ka na roon."

"Ah, opo!" Tuluyan na akong bumaba at tumungo ng kwarto ko.

Nagsuklay agad ako, nag-ayos ngunit napatingin ako sa tumikhim.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "N-Ninong? B-Bakit po?"

Ginulo niya ang buhok at sandaling inangat ang damit. "Do you have extra towel? Maliligo lang ako sandali."

Napamaang ang bibig ko. "Mer—"

"Ah, wag na, ito na lang. Tinatawag na tayo, eh."

Naiwan akong nakatanga nang kunin niya ang tuwalya sa tabi ng pintuan. A-Akin 'yon, eh.

Napaupo ako. Nakakahiya naman kung hahablutin ko 'yon sa kanya, eh bisita namin siya rito.

Natampal ko ang noo. Hihintayin ko na lang siya. Mabilis lang naman siguro 'yon maligo.

Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik siya. Ngunit ganun na lamang ang paglaki ng mata ko nang makita ko siyang nakatapis lang, basa ang buhok na tumatagaktak sa katawan niya.

Napatayo ako at napatalikod. "K-Kailangan niyo po ba ng damit pambukid?" kusa na lang lumabas 'yon sa bibig ko.

Katahimikan...

"S-Sorry, akala ko sumama ka na sa kanila. Ibabalik ko sana itong tuwalya," sabi niya.

"Ayos lang po! Ikukuha lang po kita ng damit!" tarantang sabi ko at naghanap ng damit sa closet ko.

Sa bukid naman ang punta namin kaya kinuha ko ang itim na sando ko na hindi ko na sinusuot dahil masyadong malaki sa akin.

"Sa'yo?" Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. Sh1t! Nasa likod ko siya! "Akin na. Palit lang ako—"

"Dito na po kayo magpalit. Lalabas na lang po ako." Balisang sabi ko at iniabot 'yon sa kanya at nagmamadaling lumabas.

Sinara ko ang pinto at doon pa lang nakahinga ng maluwag. Napahawak ako sa aking dibdib.

Bakit ganito na lang ang kabog ng dibdib ko sa tuwing malapit siya?

"Bea? Are you still there?"

Napigil ko ang paghinga. "O-Opo."

"Gusto ko lang ipaalam na nakaalis na sila. Tayo na lang daw ang magsasabay papunta doon."

"O-Opo, n-ninong," hirap na hirap na sagot ko at nagpakawala ng malakas na buntong hininga.

"And Bea..." rinig kong sabi pa niya. "Like I said, huwag kang mahiya sa akin."

"H-Hindi naman po ako nahihiya sa inyo," tugon ko pero isang malaking kasinungaling. Hindi lang siguro ako sanay na may ibang tao sa bahay. Pero hindi naman siya iba, n-ninong ko naman.

"That's good to hear. Tapos na nga pala ako. Pwede ka nang magpalit," aniya.

Kumunot ang noo ko. Magpalit?

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Mabilis akong tumabi.

"Hindi mo naman siguro susuotin 'yan sa bukid? Maraming tao roon, more like lalaki." Napalunok ako nang pasadahan niya ako ng tingin. "They will stare at your... legs." Tumaas ang kilay niya. "Strikto akong ninong, Bea, lalo na pagdating sa babae."

Napayuko ako. "M-Magpapalit na po."

Nakasuot lang naman ako ng shorts pero malaki naman 'yong damit ko, ang luwag pa.

"I'll wait. Magpalit ka na." Tumabi siya upang bigyan ako ng daan habang ako nakayuko na pumasok.

Pagkasara ko ng pinto, napapikit ako ng mariin at nagpakawala ulit ng malakas na buntong hininga.

Anong mali sa suot ko? Parang shorts lang! Kainis! Sanay naman sila Lola at Lolo, pati si Jun. Bakit siya pa?

Striktong ninong? Tss! Kung kanina kinakabahan ako sa kanya, ngayon napalitan ng inis.

Wala akong nagawa kundi magpalit, iyong hanggang sa tuhod, panlalaki pa. Siguradong maiinitan ako mamaya. Kaya lang naman ako nagsusuot ng shorts dahil mainit tapos dumating pa siya, para ano? Pagbawalan ako?

"Are you done, Bea?"

Napatayo ako ng tuwid at napahawak sa dibdib. Ito na naman. Boses pa lang, kumakabog na agad ang dibdib ko.

Ano bang nangyayaring sa akin?

"O-Opo, tapos na," sagot ko na lang at nag-ayos saka lumabas.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Better. Let's go? Baka hinihintay na nila tayo sa bukid." Nauna siyang maglakad saka naman ako sumunod. "May dadalhin 'di ba? Sabi ni Jun kanina." Humarap siya sa akin.

"Ah, oo, iyong pagkain. Nasa bayong." Tinungo ko ang lamesa ngunit bago ko pa man maabot 'yon, naunahan na niya ako.

"Ako na, mabigat 'to," aniya at ngumiti dahilan para lumitaw na naman ang dimples niya. "Magdala ka ng payong. Mainit sa labas."

At ako naman na sunod-sunuran, nagdala ako ng payong. Akala ko ako ang hahawak no'n pero mali, siya ang humawak habang binabagtas namin ang daan papuntang bukid.

Pagdating namin sa bukid, pinagtitinginan kami ng mga tao roon.

"Nandyan na pala sila!" si Lolo na tinutulungan si Jun sa pagpapalay.

"Stay here, don't talk to boys, tutulungan ko lang sina Lolo at Jun. I can see you, Bea," paalam niya na nagpanganga sa akin.

Bakit ganito siya umasta? Ganito ba siya kastrikto na ninong to the point na bawal na rin makipag-usap sa mga lalaki rito?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 4

    Kinabukasan, paggising ko, agad kong hinanap si ninong sa loob ng bahay. Nakasanayan ko na kasing maaga siyang nagigising at palaging nasa sala, nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo o 'di kaya naman ay kausap si Lola tungkol sa kung anong plano niya para sa araw na ‘yon. Pero nang bumaba ako, wala siya roon. Wala ring nakahandang tasa ng kape o kahit anong senyales na nagdaan siya sa mesa. Naglakad ako palabas, tinignan ang bakuran, pero wala. Nakita ko si Lola na kausap ang kapitbahay namin. Lumapit ako, nagtanong. “La, si ninong? Nasaan?” mahina kong tanong, ramdam ang kaba sa dibdib ko. Tumingin siya sa akin at doon ko nakita ang malumanay niyang ngiti. “Ah, umalis nang maaga. Nagkaroon ng emergency ang pinagtatrabauhan niyang kumpanya. Hindi na nakapagpaalam sa'yo. Nagmamadali eh.” Natigilan ako. Para akong binuhusan ng isang baldeng yelo at nanlamig. Sumikip ang dibdib ko, halos makalimutang huminga. “Ha? Hindi… hindi pwede…” Umiling lang si Lola. “Baka hindi na rin niya

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 3

    Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus tumalikod siya at diretsong naglakad pauwi, dala-dala ang bayong. Pagdating sa bahay, dire-diretso siyang umakyat sa taas, sa attic kung saan siya naka-kwarto. Napakagat labi ako. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng panlalamig at hindi ko alam bakit parang nasasaktan ako. Ang bigat sa dibdib. Lumipas ang mga araw, napansin kong iniiwasan niya ako. Wala imik. Kumakain kami nang magkakasama pero walang pansinan, hindi katulad ng dati. Kapag lumalabas ako, sumusunod naman siya, nakabantay, pero malamig pa rin. At sa bawat gabi, habang nakahiga ako, hindi ko maiwasang umiyak. Hindi ko alam kung bakit ang bigat-bigat sa dibdib. Nasanay ako na lagi siyang nasa tabi ko, kahit strikto, kahit nakakasakal minsan. Ngayon na nanlalamig siya sa akin, pakiramdam ko nawawasak ako. Isang gabi habang kumakain kami, bigla siyang nagsalita. “I need to go back to the city,” malamig niyang anunsyo. “May trabaho akong naiwan. Hindi ko na pwedeng ipagpaliba

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 2

    Naiwan akong nakatayo sa gilid ng bukid, hawak ang payong, pinagmamasdan sila Lolo at Jun na abala sa pagpapalay. Nandoon din si ninong na madali lang nakasabay sa kanila. Pansin ko nga na parang sanay na sanay siya. Hindi ko maiwasang mapatingin paminsan-minsan, pero agad ko ring iniiwas ang mata ko kapag nahuhuli kong napapatingin din siya sa akin. "Bea, halika rito saglit!" tawag ni Lola habang inaayos ang banig sa tabi niya. "Mainit dyan." Lumapit ako agad. Nang ilapag ko ang bayong sa lapag, napansin kong may ilang kabataang lalaki sa lilim ng puno malapit lang. Isa sa kanila, ngumiti pa at kumaway. Kumunot ang noo ko, pero bago pa ako maka-kaway pabalik, eksaktong tumigil si ninong sa ginagawa niya at napatingin sa direksyon namin. Napalunok ako nang mapansin ko ang mabigat niyang titig na para bang nagbabanta. "Kuya Rad, saan ka?!" sigaw na tanong ni Jun. "Iinom lang!" sigaw nito pabalik. Lumapit siya sa amin, kinuha ang kamay ko, at sinamaan ng tingin ang mga binatily

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 1

    Napalunok ako nang magtama ang tingin namin. Ang bigat ng mga mata niya, walang bahid na emosyon. “W-Wala po,” sagot ko, nagkanda-utal. “Good. Bawal pa.” B-Bawal? Eh twenty-three years old na ako. Bawal pa rin ‘yon? Tumabi sa akin si Jun, inakbayan ako sabay gulo sa buhok ko. "Jun naman, eh!" Tiningala ko siya at sinamaan ng tingin. "Kaka-ayos ko lang sa buhok ko kanina tapos ginulo mo na naman." Tumawa siya bago inabot ulit ang tasa. "Parang buhok lang, eh. Bakit 'di mo kasi gupitan? Ang haba na. Saka Kuya Rad, bawal pa talaga ‘to magka-boyfriend. Takot lang nila sa akin!” Mas sumama ang timpla ng mukha ko. "Ewan ko sa’yo! Inaalagaan ko nga 'to! Alis!" Tinulak ko siya pero tinawanan lang ako. “S-Saka h-hindi naman ako interesado magka-boyfriend.” Napayuko ako. "Huwag mong gupitan. Sayang. Maganda pa naman," singit ni ninong na nagpakabog ng matindi sa dibdib ko. “And having a boyfriend is no good to you," strikto at mariin niyang dagdag. Hindi ko dapat nararamdaman 'to dahil

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Simula

    Bea's POV Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako para magsaing. Maaga na naman kasing tutulak sina Lola at Lolo sa bukid para magtanim kasabay ng pinsan kong lalaki na nagpapalay kaya kailangan kong maghatid ng pagkain sa kanila. Maigi na rin iyong maaga dahil natatapos ko agad ang gawaing bahay, nakakapagfocus pa ako sa paghahanap ng trabaho sa online. Habang hinihintay maluto ang sinaing, nagwalis muna ako sa harap ng bahay, nagdilig ng mga halaman at binuksan ang maliit na tindahan na kahit papaano ay may kinikita para sa gamutan nila Lola at Lolo. Sabi nila sanggol pa lang daw ako no'ng iwan ako ng nanay ko sa kanila at hanggang ngayon wala pa ring balita sa kanya maski sa tatay ko. Pero masaya na ako kung anong meron ako ngayon. Hindi ko na sila ganun iniisip. Punong-puno naman ako ng pagmamahal dahil sa Lola at Lolo ko. Walang kapantay na pagmamahal ang binigay nila sa akin. Bandang alas sais ng umaga, nagtimpla na ako ng kape nila, bumili na rin ng tinapay sa kala

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status