SavannahNagtungo ako sa kwarto kung saan ang itinuro ni Avin sa akin na p'wede akong mag-stay overnight. Nang makapasok ako ay pinagmasdan ko ang kabuoan nito. Maayos naman ang kwarto at mukhang hindi nakakatakot dito matulog. Wala naman sigurong multo rito.Nanayo ang mga nalahibo ko sa isipin na may multo nga dito.Naglakad na ako papalapit sa kama, hila-hila ko ang maleta ko.Nagitla ako nang may matamaan ang paa ko. Halos mapatalon naman ako sa takot ng makita ko na tao ito na nakahiga. Ang ulo niya ay nasa ilalim ng kama at ang kalahati ng katawan niya ay nakalabas. Pero teka, tao ba talaga ito o baka naman multo.Sinasabi ko na nga ba, hindi magandang ideya na matulog dito overnight. Nakahanda na akong tumalikod at tumakbo dahil sa takot ngunit napahinto ako at nanigas nang bigla siyang nagsalita."Help me please," may pagmamakaawa na sabi niya. Lakas loob at dahan-dahan ko naman siyang sinilip sa ilalim ng kama. Nakita ko na matandang lalaki ito at humihingi siya ng tulong.
Albrey"Grandpa has agreed to the operation." I talk to the doctor again after grandpa signed the operation consent paper. Nakahinga ako ng maluwag noong pimahan ni grandpa ang consent paper. Nag-aalala ako para sa operasyon niya pero naniniwala ako na kaya niya."Great!" ani ni doctor Mendez, my grandpa's doctor."W-Why?" tanong ko na may pag-aalala."Because your grandpa's test result was out. All indicators are red. Very dangerous. Now that he's decided to have the operation. He'd better do it right away."I can't explain how i feel, parang may mga karayom na tumutusok sa dibdib ko. Si Grandpa na lang ang mayroon ako. Siya ang kasama ko simula nang mawala ang mga magulang ko kaya hindi ko kakayanin kapag kinuha na siya sa akin. Sana ay maging successful ang operation niya.Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Okay. Is there anything I can do?""In my view before a major surgery, the patient desire to live plays a key role in the success of the operation. If he wants anything or
Third Person Tulala si Albrey habang nakatayo sa labas ng operating room, kung saan inu-umpisahan na ang operasyon ng grandpa niya. Hindi pa sila nag-uusap ulit ni Sav, dahil ang isip niya ay na sa operasyon. Naisipan naman ni Sav na lumabas para bumili ng kape. Alas-dose na ng hating gabi kaya kailangan niya nang pampagising habang naghihintay na matapos ang operasyon. Sakto naman na mayroong convenience store sa tapat ng ospital. Bumili na rin siya ng kaunting makakain dahil naisip niya na baka hindi pa kumakain si Albrey. Nang makabalik si Sav sa loob ng ospital ay nasa ganoong posisyon pa rin si Albrey at walang kakibo-kibo. "Magkape ka muna, habang naghihitay. Mukhang matagal pa matatapos ang operasyon," alok ni Sav sa binata. Hindi pa rin ito kumikibo. Napakaseryoso nito at bakas ang pangamba sa mukha nito. Hindi siya pinasin nito at nanatili lang ito sa posisyon nito at para bang hindi siya naririnig. Kaya nagsalita siyang muli. "Instant coffee lang ito, pero masarap naman
Third Person Magtatanghali na nang makauwi si Albrey sa condo niya na may bitbit na mga pagkain na tinake-out mula sa isang restaurant. Pagkapasok niya sa kanyang unit ay naabutan niya si Sav na mahimbing na natutulog sa sofa. Tumingin siya sa pambisig niyang relo at nakita niya na eleven fifty one na ng umaga. Inilagay niya ang mga pagkain sa kusina at binalikan ang natutulog na si Sav. Nilapitan niya ito para sana gisingin upang kumain ngunit nagdalawang isip siya. Hinayaan na lang muna niya itong matulog. Pumasok siya sa kanyan kwarto at kumuha ng unan at kumot. Inayos niya nang pagkakahiga si Sav sa sofa. Nang inayos naman niya ang unan sa ulo nito ay nagkalapit naman ang kanilang mga mukha. Napatitig ang binata sa magandang mukha ng dalaga at sa mga labi nito na mapang-akit. Amoy na amoy rin nito ang mabangong pabango ng dalaga. Napapikit naman siya at waring pinipigilan ang sarili. Kaagad na siyang tumayo at nilagyan ng kumot na hangang dibdib ang dalaga. Dahil mahimbing ang t
SavannahMaaga akong nagising kinabukasan para ipagluto si Albrey ng almusal. Excited ako dahil unang beses ko siyang ipagluluto. Kaagad akong nagtungo sa kanyang kusina at naghanap doon ng pweding mailuto. Binuksan ko ang kanyang Ref at marami siyang stock ng mga frozen goods gaya ng tosino, ham, hotdog at bacon. Kumuha ako ng lahat ng iyon. Meron din itlog kaya kumuha na rin ako.Alas-sais na ng umaga at malamang ay gising na siya kaya inihanda ko na ang mga niluto kong pagkain sa mesa. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa aming dalawa.Lumabas ako ng kusina para silipin siya at tama nga ako gising na siya. Nakita ko siya sa sala na may kausap sa cell phone niya. Napanganga naman ako dahil ayan na naman siya, nakahubad na naman s'ya. Tanging cotton short lang ang suot niya at nakabalandra na naman ang mga pandesal niya.Mukhang bagong paligo siya at naamoy ko na naman ang mabango niyang body wash. Nananadya ba s'ya? Hindi n'ya ko maakit, noh.Muli na naman akong napahawak sa aking b
Third person Hindi nakatanggap ng sagot si Albrey mula kay Sav. Ang sabi ng dalaga ay wala pa siyang maisasagot sa ngayon, dahil kailangan niya itong pag-isipan. Iginalang naman ni albreay ang gusto nito. Kinagabihan ay minabuti ni Albrey na magtungo sa bar na pag-aari ng kaibigan niya. Alam niya na naroon ang kaniyang mga kaibigan sa mga oras na iyon. Bihira lang siyang pumunta ng bar at ito ay sa tuwing gusto niya ng ingay at gusto niyang uminom. Nang makarating siya ng bar ay kaagad siyang pumasok. Nasa pintuan pa lamang siya ay rinig na niya ang ingay na nagmumula sa loob. Marami-rami na ang tao sa loob na mga nag-iinom at nagsasayaw pa ang ilan. Kaagad siyang nagtungo kung saan ang madalas na p'westo ng mga kaibigan niya at hindi nga siya nagkamali. Naroon ang mga kaibigan niya na halos gabi-gabi talagang ginagawa ng ma ito at may mga kasama pa silang mga kababaihan sa kanikanilang tabi. Mga f*ck boy talaga. Nasabi niya sa kanyang isip at napailing habang papalapit siya sa mga
Albrey "I think you can get ready to get married this month," sabi sa akin ni grandpa. Kasalukuyan akong naririto sa silid niya rito sa ospital at ipinagbabalat ko siya ng prutas. Maliban sa akin ay mga personal nurs ang nag-aalaga sa kanya. We still have relatives, but they only think of business and money. Wala silang amor kay grandpa. Napahinto naman ako sa sinabi niya. "Grandpa, I made a statement with you before. Sav and I are indeed in a relationship. But the two of us are not suitable for marriage," paliwanag ko kay grandpa. I could see the sadness on his face. Sabay naman kaming napalingon ng biglang may kumatok at bumukas ang pinto. Si doctor Mendez. "Professor Ford, can I talk to you in my office," he said. "Yes, Doc." Kaagad naman akong tumalima. "It's about the specific situation. The patient biopsy report shows a quite bad result." Napakunot ang aking noo sa sinabi niyang iyon. "Please tell me." "The patient can only live about one year. It is recommended that famil
SavannahNagmamadali kong tinungo ang pinto ng kwarto ni Albrey dahil nakatanggap ako ng mensahe galing sa kapatid ko na uuwi na siya bukas ng Pilipinas at hinihingi niya ang address ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako mapakali. Paano ko ibibigay ang address ko at paano ko sasabihin sa kan'ya ang lahat ng ito? Lord help me.Tatlong sunod na katok ang ginawa ko bago bumukas ang pinto. Nagulat pa ako dahil wala na naman siyang pantaas na damit ng bumungad siya sa akin. Naka cotton short lang siya at nakabalandra ang kanyang mga pandesal. Bahagyang gulo-gulo ang kanyang buhok na halatang galing sa pag-higa. Alas-nuebe na ng gabi kaya malamang ay patulog na siya. Hindi ba siya nilalamig? Naramdaman ko kasi ang paglabas ng malamig na hangin mula sa silid niya na marahil ay galing sa nakabukas na aircon. Sana nagdamit man lang siya bago niya binuksan ang pinto.Parang gustong-gusto talaga niya na laging ipakita sa akin ang hubad niyang katawan. Hindi pa rin talaga ako sanay. Oo, mag