Share

Chapter 6 - Beautiful smile

Savannah

Narito ako ngayon sa parking lot ng University. Napakaraming sasakyan naman ang nakaparada rito. Alin kaya sa mga ito ang sasakyan ni Mr. Ford? Naisipan ko na dito ko na lang siya aabangan. S'yempre kung pauwi na siya wala siyang dahilan pa na wala siyang oras. Kaya kakausapin na niya ako.

Nagpalinga-linga ako sa paligid, walang katao-tao rito. Ngunit nahagip ng paningin ko ang isang guwardya na nasa isang sulok. Nakasandal ito sa pader at nakatutok ang mga mata niya sa kan'yang cellphone. Kaagad ko siyang nilapitan para magtanong.

"Kuya, p'wede ba magtanong?"

"Ano 'yon?" balik tanong naman niya na hindi ako nililingon at abala siya sa hawak niyang cellphone, sinilip ko ang ginagawa niya roon at nakita ko na naglalaro siya ng isang online games. Sikat ang online games na iyon, napakaraming naglalaro nang ganoong laro ngayon. Online sabong ang alam kong tawag doon.

"Gusto ko lang sanang malaman kung alin sa mga sasakyan na nakaparada ang kay Professor Ford."

"Wala! Sa Wala! Tsk, sayang."

Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. At sumuntok pa sa hangin na waring nanghihinayang.

"Ayt tipaklong mo naglalaro! Kuya, bakit ka naman nanggugulat," nasabi ko dahil sa gulat ko sa pag sigaw niya. Bakit kasi kailangan pa niyang sumigaw. Ganoon ba talaga ang nagsasabong?

"Ano nga ulit iyon?" tanong niyang muli sa kailangan ko habang ang mga mata niya ay abala pa rin sa kan'yang cellphone na hawak.

"Alin d'yan ang sasakyan ni Mr. Ford?" pag-ulit ko.

"Iyong nasa dulo." Agad naman akong napalingon sa direksiyon na itinuro niya at natanaw ko roon ang isang itim na sasakyan. Sa gilid nito ay pader na at sa kabilang tabi naman ay kulay grey na sasakyan.

  "Salamat, Kuya." Aalis na sana ako para magtungo sa sasakyang itinuro niya ng bigla niya akong pigilan.

"Teka lang," sabi niya sa mariing tinig. Mukhang galit siya.

"B-Bakit?" nauutal na tanong ko. Wala naman siguro akong ginawang mali diba? Nagtanong lang naman ako.

"Sa meron ba o sa wala?"

"Ha? Sa meron? "Akala ko kung ano na. Tataya lang pala. Pinakakaba naman ako ng sabungerong guard na ito.

Kaagad ko na siyang tinalikuran at lumapit na sa sasakyan na nasa dulo. Sumilip ako sa bintana upang makita ang loob nito at nagulat ako ng makita ko ang mga cute na plush toys na nakahilera sa dash board.

"Wow! ibang klase. Ang ganda naman pala ng kotse niya. Hindi ko akalain na sa kabila ng pagiging masungit niya ay mahilig pala siyang mangulekta ng maliliit na laruan. Pero sandali, hindi ba pambabae lang ang mga iyan?" bulong-bulong ko na hindi makapaniwa habang pinagmamasdan ang loob ng sasakyan mula sa bintana nito.

"What are doing here?"

Napaidtad ako sa gulat ng biglang may lalaking nagsalita. Bakit ba ang daming nang gugulat? Napasapo ako sa aking dibdib at kaagad akong napatayo nang diretsyo at tumingin sa kan'ya. Kita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat din dahil hindi niya siguro inaasahan na makikita niya ako rito sa sasakyan niya. Bakit nandito na kaagad siya? Hindi pa naman uwian. 

"Ahm." Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko lang naman siyang makausap. Paano ko ba sasabihin?

"Ms. Collins, I'll already told you that I have full schedule today," mariing sabi nito. Napakaseryo ng mukha niya at bahagya pang tumaas ang mga kilay nito. Pero wala akong pakialam. Gusto ko talaga lang siyang makausap kahit na sandali. Bakit ba napakadamot niya?

"I don't care if you have time or not, Professor Ford." Inapakan ko ang pinto ng sasakyan niya. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya at panlalaki ng kan'yang mga mata pati na rin ang pagtaas ng kamay niya na waring pinipigilan ako.

"Kung hindi mo ako kakausapin, hindi kita papayagang sumakay dito sa sasakyan mo," sabi ko pa at mas lalo ko pang diniin ang pagkakaapak ng sapatos ko sa pinto ng driver' seat. Malambot lang naman ang rubber shoes na suot ko at alam kong hindi naman nito magagasgas kaagad ang sasakyan niya.

"Ms. Collins, ibaba mo 'yang paa mo! Baka magas-gas mo 'yan," utos niya na may pag-aalala sa mukha. Gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha niya. Ito lang pala ang katapat niya. Ganoon n'ya kamahal ang sasakyan niya.

"No way!" mariing sagot ko naman sa kan'ya at tinaasan siya ng kilay. Hindi ko siya hahayaang makapasok sa sasakyan niya hangga't hindi niya ako binibigyan ng kahit kaunting oras lamang.

Napailing naman siya sa sinabi ko. Dumukot siya sa bulsa at inilabas doon ang isang remote key at pinindot iyon. Nagulat ako ng biglang tumunog ang sasakyan. Ngunit hindi ang sasakyan na nasa harapan ko, kung 'di ang sasakyan na kulay grey na nasa likod ko. Kaagad kong naibaba ang paa ko na nakaapak sa pinto ng sasakyan na inakala kong sasakyan niya. Nakakahiya, hindi pala ito ang sasakyan niya. Pero ito ang itinuro ng sabungerong guard.

"A-Akala ko ito ang sasakyan mo," nahihiyang pagkakasabi ko. Ramdam ko naman ang pag-init ng mukha ko na sa tingin ko ay para ng mansanas sa pula ito.

"Get in the car," utos niya at agad na siyang humakbang patungo sa pinto ng driver's seat.

Kaagad ko rin naman siyang tinawag at tangka sanang lapitan upang humingi ng paumanhin sa ginawa ko ngunit biglang sumabit ang bag ko sa side mirror ng sasakyan na inakala kong sa kanya. Marahil ay napansin niya ito kaya mabilis niya akong nilapitan upang agapan ito, ngunit nawalan kaming pareho ng balanse.

Ang buong akala ko ay matutumba ako ngunit naramdaman ko ang mga braso niyang kaagad na sumalo sa likuran ko. Napakabilis talaga niya. Biglang bumalik sa aking alala ang unang araw ng aming pagtatagpo.

Parang tumigil naman ang mundo sa aming dalawa. Napakalapit ng aming mga mukha at nagkatitigan kaming dalawa. Tumagal kami ng ilang sigundo sa ganoong posisyon. Natauhan naman kami nang may biglang nagsalita sa hawak niyang cellphone.

"Are you still there, Mr. Ford?"

Napatingin siya doon at kita ko ang biglang pamumula ng kan'yang mukha. Mabilis niya akong itinayo ng maayos at agad kinausap ang kausap niya sa kabilang linya.

"I-I'm sorry, I'm on my way there." Ibinaba na niya ang tawag at mabilis na bumaling sa akin.

Sinuri ko ang side mirror na nasabitan ng bag ko. Laking pasasalamat ko ng mayos naman iyon at walang ano mang damage. Kung nagkataon ay magbabayad pa ako. Tsk! Nakahinga ako ng maluwag.

"Get in the car. I just need to go to the hospital first."

Kaagad ko naman siyang sinunod at pumasok sa loob ng kan'yang sasakyan. Ngunit napaisip ako kung bakit siya pupunta ng hospital. May sakit kaya siya? Nakaramdam naman ako bigla ng pagka-guilty dahil baka masama ang pakiramdam niya tapos ay kinukulit ko pa siya.

Albrey

I received a call from the doctor. So, I hurried to the parking lot where my car was. I was surprised to see her snoring in a car. I don't have much time now, but I can't ignore her.

I call her attention. I don't know what she's trying to do, and she keeps annoying me. I told her to get in the car, but I saw her in my peripheral view trying to approach me, but her bag hanging on the side mirror of the car. F**k!

I immediately approach to stop it, but we lost our balance and I fell on top of her.

I don't know why I feel strange at this moment. I stared into her beautiful brown eyes and her red lips enticing kiss. I don't know how many seconds it was until a voice from the other line of my phone I was holding, brought me back to my senses. I quickly went back to the person I was talking to on the other line and hurried to the hospital.

"The cancerous cell have further spread to the other places. If we do the surgery it may prolong the patient life. If not maybe 2 to 3 months left." Tahimik lang akong nakikinig sa doktor habang nagpapaliwanag siya sa akin. Pinaghalong takot at pangamba naman ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"But the problem is even if we do the surgery, we can't guarantee that the cancerous cells would stop further spreading."

Nanghina ang katawan ko sa mga sinabi ng doctor, subrang bigat sa pakiramdam. Kahit maliit ang tiyansa ay kailangan ko pa rin sumugal. I can't afford to lose him. I will do everything just to prolong his life. Hindi ko alam kong dapat ba niyang malaman ang kalagayan niya. Hindi ko kayang sabihin sa kan'ya.

Laglag ang balikat ko ng lumabas ako ng ospital at nagtungo sa aking sasakyan. Nakita ko si Sav na nakaupo sa isang parking gutter. Kalahating oras din siyang naghintay sa akin. Hindi ko naman makita sa mukha niya ang pagkainip. May mga mangilan-ngilang tao rin sa paligid.

"Im sorry, medyo natagalan ako. Are you alright?" kaagad kong tanong ng makalapit ako sa kinaroroonan niya.

"Ayos lang ako," nakangiti niyang sagot habang tumatayo na mula sa pagkakaupo sa gutter. Parang gumaan naman ang pakiramdam ko sa mga ngiti niya. Papasok na sana kami ng sasakyan ng bigla akong may naisipang itanong sa kan'ya .

"Ms. Collins, can I ask you a question?"

"Uu naman, anu ba iyon?" nakangiti niyang tugon.

"Should people ever lie?" Mukhang nagulat siya sa tanong ko at napa-isip. Marahil ay ipinagtataka niya kung bakit ko iyon naitanong. Makaraan ang ilang saglit ay sumagot din naman siya.

"Syempre hindi, pero kung good lie p'wede naman siguro. It's okay to lie sometimes," mahinahong sagot niya sa akin.

"But no matter how you put it, a lie is a lie. There's no good or bad about it."

"Kung para sa ikabubuti ng isang tao o ikakaayos at ikagagaan ng isang sitwasyon, ang tawag doon ay white lie or a good lie," sagot ulit niya na may mga ngiti sa mga labi. Bakit ang ganda ng ngiti niya? Parang ang gaan lang ng buhay para sa kanya. Hindi na nga siya nakapasa sa thesis, nakakangiti pa siya.

Tumango-tango ako. Siguro nga hindi naman masama ang magsinungaling kung mabuti naman ang intensiyon ko. So hindi pala ako dapat na makonsensiya kahit sa palagay ko ay may nagagawa akong kasinungalingan sa kanya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhaby Constantino
Ang ganda po ng story
goodnovel comment avatar
Vicky Uyanguren
please .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status