Share

Chapter 5 - Familiar

Savannah

Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang park at umiiyak. Bakit ba parang ang malas ko? Simple lang naman ang gusto ko, ang maka-graduate at magkaroon ng magandang trabaho na maipagmamalaki ko.

Apat na taon akong nagsikap, pero kulang pa rin. Alam ko sa sarili ko na pinagbutihan ko. Kasalanan ko lang talaga dahil na-late ako. Oo, kasalanan ko talaga iyon, kaya sarili ko lang ang dapat kong sisihin.

Kung hindi kami nag-bar at late umuwi, hindi ako male-late ng gising at naka-attend sana ako sa defense ko ng maaga.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak nang biglang may nag-aabot ng panyo. Kinuha ko naman ito at nagpasalamat ngunit hindi ko siya magawang tingnan dahil nahihiya ako sa hitsura ng mukha ko.

Agad ko rin naman pinunasan ang mga luha ko at sininga ang sipon ko. Hinintay ko naman siyang magsalita ngunit wala akong narinig na anumang tinig mula sa kan'ya, kaya naman nilingon ko siya. Ngunit sa paglingon ko ay nakita ko siyang nakatalikod at tangka nang lalakad palayo.

  "Sandali," pigil ko sa kan'ya. Tumigil naman siya sa tangkang paglakad pero hindi niya ako nilingon. Hinihintay niya lang na magsalita ako. 

  "Ito na iyong panyo mo. Salamat!" Akala ko ay lilingon na siya, ngunit hindi pa rin at nagpatuloy na siya sa paglalakad papalayo.

"Hoy! Kuya," tawag ko pa sa kanya. "Tingnan mo iyon, inabutan lang ako ng panyo ni hindi man lang nagsalita, nagpasalamat naman ako ahh. Tsk!" pagmamaktol ko.

Natigilan ako sandali ng mapagtanto ko na parang pamilyar ang likod niya. Imposible naman na siya iyon. Ano naman ang gagawin niya dito? Pano niya nalaman na nandito ako? As if sinusundan niya ako. Ano naman ako assumera ng taon? Bakit naman niya ako susundan? Baka nagkakamali lang ako. Alam kong wala siyang konsensiya.

Sa akin na lang itong panyo niya, remembrance. Agad ko nang sinilid sa aking bulsa ang panyo.

Napatingin naman ako sa paligid at medyo dumarami na ang mga taong naririto.

Kanina kasi nang pumunta ako ay wala pang gaanong tao. Dinukot ko sa aking bulsa ang cell phone ko at tiningnan ang oras doon. Hapon na pala, mag-alas kwatro na kaya marami nang namamasyal dahil malilim na at masarap ang simoy ng hangin.

Muli na naman akong napaiyak. Ano ba naman itong mga mata ko? Walang tigil sa pagpatak ang luha. matagal bago ko na-ikalma ang sarili ko. At nang makalma ko ang sarili ko ay naisipan ko nang umuwi, pero imbis na sa boarding house ko ay doon ako nagpunta sa boarding house ni Bea. Agad din namang sumunod doon si Avin.

   "Beshie, anong gagawin ko?" Umiiyak na naman ako. Namamaga na ang mga mata ko pero ayaw pa rin tumigil ng mga luha ko.

   "Kumalma ka nga lang, Beshie. Ohh, kumain ka muna." Inabutan niya ako ng isang pingan na may kanin at ulam. Adobong baboy ang ulam, mukhang masarap pero wala akong gana.

Nararamdaman ko naman ang tiyan ko dahil wala pa akong kain simula kaninang umaga. Kaya kahit walang gana ay kakain na rin ako.

  "Ano na ba ang plano mo ngayon?" tanong naman ni Avin na mukhang nag-aalala na rin sa akin.

  "Hindi ko alam," sagot ko habang humahagulgol. Pero pinilit ko pa rin sumubo ng pagkain kahit umiiyak.

  "Sabi ko naman kasi sa 'yo, huwag na muna  tayo mag-celebrate dahil may defense ka pero matigas ang ulo mo. Ikaw pa itong nagpumilit" Lalo naman akong humagolgol sa sermon ni Bea. Palakad-lakad siya sa harapan ko at hindi mapakali. Totoo naman ang sinabi niya. Naging matigas ang ulo ko. 

   "So, paano ka na niyan? Sabihin mo na lang kaya sa ate mo na hindi ka makaka-graduate ngayong taon."

  "No! Beshie, no!" agad kong pagtutol. "Hindi niya p'weding malaman. Ayaw kong ma-disappoint siya sakin."

Malaki ang tiwala sa akin ng kapatid ko at malaki na rin ang sakripisyo niya sa akin kaya ayaw ko ng dagdagan pa iyon.

Pagbubutihin ko naman sa susunod na taon ang thesis ko at hindi na niya kailangang malaman pa na hindi ako makaka-graduate ngayong taon.

Tumahimik naman silang dalawa at nagkatinginan. Kinuha ni Bea ang phone niya at kinalikot iyon.

  "Nag-send ako ng pera sayo, pasensya ka na iyan lang ang kaya ko." Lalo naman ako naiyak sa ginawa niya. 

  "I send you also," sabi rin ni Avin. Kaya lalo pa akong humagulgol..

  "Thank you! Napakabuti ninyong dalawa." Niyakap nila ako.

  "Huwag ka nang umiyak, papangit ka," sabi ni Bea na waring naiiyak na rin. Napansin ko kasi ang pagpupunas niya sa kanyang mata. 

  "Pagkasyahin mo na lang muna iyan. Huwag kang mahiyang magsabi sa amin kapag may kailangan ka. Tutulungan ka namin hangat kaya namin," ani Bea habang nagsasalin ng tubig sa baso at iniabot sa akin.

   "Salamat! Napakabuti n'yo. Makakabawi rin ako sa inyo."

  "Huwag mo na muna isipin iyon. Isipin mo muna ang sarili mo," sabi naman ni Avin na pinapakalma ako. 

"Oo, salamat talaga sa inyo. Paano na kaya ako kung wala kayo?" Pinunasan ko ang mga luha ko.

"What are friends are for?"

"Kaya mo yan, kaya natin ito."

"Fight!"

Nag-group hug ulit kaming tatlo. Mabuti na lang talaga at may mga kaibigan ako na tulad nila.

"Teka,Beshie. Kausapin mo kaya si Mr. Ford. Baka naman p'wede ka pa niyang pagbigyan kahit mag-special project ka na lang," mungkahi naman ni Bea. Napa-isip naman ako sa sinabi niya.

"Sige bukas susubukan ko siyang kausapin," sagot ko sa kan'ya. Kailangan ko nga talaga siyang kausapin. Hindi naman p'wede na iiyak na lang ako at walang gagawing paraan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, pero ang totoo ay hindi ako masyadong nakatulog. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari. Sana ay makausap ko si Mr. Sungit. Kaagad na akong nag-asikaso at nagtungo sa university para makausap si Mr. Ford.

Nang makarating ako roon ay nagpalinga-linga ako sa mga nadadaanan kong mga class room. Ang totoo ay hindi ko alam kung nasaan s'ya ngayon at kung saan ko siya hahanapin. Minabuti ko ang pumunta ng faculty room at sakto naman na lumabas siya roon, kaya kaagad ko siyang nilapitan.

"Mr. Ford!" tawag ko sa kan'ya para mapansin niya ako. Dahil mukhang nagmamadali siya. May mga bitbit siyang mga papel. Siguro ay magtutungo na siya sa klase niya.

"Ms. Collins, What is it?" agad naman niyang tanong nang makita niya ako. Ngunit saglit lang akong tiningnan at nagpatuloy siya sa paglalakad. Bakit ayaw man lang niyang huminto.

  "P'wede ba kitang makausap?" Nandito kami ngayon sa hall way at ako ay halos pahabol sa kan'ya ang lakad dahil sa bilis niya maglakad.

  "Kinaka-usap mo na ako, hindi ba? Puno ang schedule ko today, I don't have spare time." Napakasungit talaga niya. Napatingin din sa amin ang mangilan-ngilang mga istudyante rito sa kahabaan ng hall way. Pero hindi ko na lang sila pinansin.

"Pero, Mr. Ford. Importante lang sana. Sige na, kahit sandali lang," paghihimok ko pa rin sa kan'ya. Ngunit parang walang epekto sa kan'ya. Patuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Ms. Collins, I have full schedule today. Maybe some other time," napakasungit niyang sabi at akala mo ay ginto ang oras niya.

  "Pero sandali lang naman, just give me 5 min.," pangungulit ko pa rin.

"I'm sorry, Ms. Collins. I have to go."

Natigilan ako sa paglalakad at pinanood na lang ang paglakad niya papalayo. Bigla ko naman naalala ang likod ng lalaking may-ari ng panyo parang pamilyar. Napakunot na lang ako ng aking noo. Ganoon ba talaga siya ka-busy, kahit kaunting oras lang ipinagdadamot pa niya. Kailangan ko siya makakausap, pero paano?

Gelnat14

Salamat po sa pagbabasa..❤❤❤

| 1

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status