Chapter 52Sheids' POV Hindi na lumabas ng bahay si Elle nang magpaalam kaming aalis na ni Kareem. I refrained from turning around and running back to where the car had just started moving.Masakit man sa loob na umalis ako pero kailangan...Magkahiwalay ulit kaming nag-flight ni Kareem. Umuwi siya ng Amerika at ako naman sa dakong Turkey. I promised her that I would go there after two days. She agreed and even said she would wait for me there.Nang makauwi ako rito sa bahay, office kaagad ni Dad ang pinuntahan ko. Nakaamoy si Mom kaya sinundan niya ako hanggang sa labas ng pinto ng office. Naramdaman ko pang nagtago siya roon. It's good that she's there too, so she can hear everything I have to say."Yes, Noah? Kumusta ang honeymoon ninyo ni Kareem? Magkaka-apo na ba kami?" aniya, seryoso, pagkatapos niyang paikutin ang swivel chair paharap sa akin."I will be divorcing Kareem as soon as possible, Dad..."He let out a heavy sigh, seemingly unsurprised by what I said. However, he also
Chapter 53Sheids' POV "Hinintay kita, Sheids... Hinintay kita... Araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan... Isama mo na bawat segundo at oras... Akala ko lang talaga hindi ka na babalik pa... A-Ang hirap ng sitwasyon natin... Mahirap umasa... Sorry... Tinanggap ko ang proposal ni Cloud..."As she spoke, tears streaming down her face, I found myself fixated on the smoothness of her neck, no trace left of the love bite I had left there...Hindi ko natupad ang pangako kong babalik kasabay ng pagkalaho niyon...Hindi na ako nagsalita pa dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Lagi akong bigo na mahanap siya.Kasalanan ko na naman kung bakit kami umabot sa ganito.Once again, it's my fault that she was able to give a 'yes' answer to Cloud's proposal..."Pero nandito na ulit ako, Elle... Dumating na ako..."Tears surfaced in my eyes as I watched our child peacefully asleep in her cradle, finished with nursing and now soundly slumbering. Siya ang dahilan kaya hindi ako natatakot sa susuno
Epilogue Astherielle's POVHindi ko pinlano na unang banggitin ang kinalaman ni Sheids sa libro ko. Pero sa daming nangyari at mga nalaman ko sa nakalipas na buwan na hindi ko siya kasama, nagbalik ang alaala ko sa kaniya. My emotions are overwhelming as I find myself here at the University where we first met and got to know each other...Nadaanan ko ang billiard shop sa gate one na madalas niyang pagtambayan noon. Ang mga daan papunta sa condo niya, nakita ko ang sarili at siya na naglalakad sa mga iyon kanina. The nostalgic feeling I used to have every time I stepped foot into the University, it enveloped me once again today as I caught a glimpse of Polaris. Buhay na buhay pa rin ang mga puno sa forest park malapit Terefania Building, in that place where we first met and collided. Malinis, pantay at ma-berde pa rin ang mga damo sa University Field kung saan naganap ang first dance namin in public.Kahit sa saan ako tumingin, siya ang naaalala ko...Sheids Noah is Polaris University
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. Plagiarism is a CRIME!❗WARNING: Contained mature contents.My imaginary characters:*Sheids Noah Fawzi- Nick Bateman*Astherielle Zuluetevo- Brooke Shields (Her face during 1980's)PrologueNaiiyak akong ibinagsak ang tingin sa mga nangangatog kong mga binti. Isang mahinang hikbi ang hindi ko na napigilang kumawala sa lalamunan ko nang maramdaman ko hindi na lan
Chapter 1Astherielle's POV"Asthe!" malakas na tawag sa akin ni Mama. Wala pa akong matandaan na pagkakataon na tinawag niya ako sa maayos na pananalita, kung hindi pasinghal ay pabulyaw kung tawagin ako nito."Opo? Nariyan na po ako, mama," sinabi ko at nagmamadali nang tumakbo papunta rito."Ikaw... Oo, ikaw! Mamaya, pagkatapos mong kumain at magtrabaho rito sa bahay ay pumasok ka na ng kuwarto mo, ha? Malilintikan ka sa akin kapag naabutan kita rito sa labas pagdating ko mamayang gabi!"Nasa sala ang TV namin. Nag-iisang TV na naman iyon kaya isa talaga iyon sa ipinanghihinayang ko. Hindi ko magawang panoorin ang mga paborito kong mga panood sa favorite kong TV channel dahil everyday akong may curfew. Bawal na akong lumabas pa ng kuwarto tuwing sasapit na ang alas-otso ng gabi.Nagtatrabaho sa isang kilalang club si Mama. Isa siyang waitress doon na pagkatagal ay nahimok ng manager nito na maging entertainer at bayarang babae. Ang duty niya ay tuwing five ng hapon hanggang twelve
Chapter 2Astherielle's POV"Tama lang, Asthe, ang ginawa mong ito! Tamang-tama lang kasi sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung papaano kita bubuhayin! Araw-araw kong pasakit kung ano ang gagawin ko sa iyo! Mas maganda nga talagang umalis ka na para sarili ko na lang ang iisipin ko! Nakapapagod nang maging ina mo! Hindi ko lang masabi sa iyo dahil kahit papaano may pakinabang ka rin sa akin! Sa maliliit na mga bagay, may pakinabang ka! Pero kaya ko kahit na wala ka! Mas kaya kong mabuhay nang mag-isa kaysa ang mabuhay na iniiisip kang lagi!" Binalingan nito si tita Mavic sabay pasinghal na sinabi, "Sige na, Mavic, dalhin mo na iyan at umalis na kayo rito sa pamamahay ko!"Dumating na ang nakatakdang araw ng paglabas ko rito sa rehabilitation hospital matapos ang dalawang taong pagpapagamot pero hindi ko inakalang maririnig ko pa rin mula sa balintataw ko ang mga huling sinabi ni Mama na mga iyon. Para akong pinipiga na buhay habang matapang at lumuluha nitong sinasabi ang mga iyon.
Chapter 3Scheids' POV"Talaga bang okay lang sa iyo, sir, na magdagdag pa ng isang estudyante sa klase mo? I heard that your five calculus classes are full because of the number of students transferring to your class. Aba, eh, mukhang wala pa naman akong nababalitaang reklamo mula sa iyo..." si Mr. Grospe, ang sixty-two-year-old head of Mathematics department. Matangkad at matabang Professor na kaunti na lang ay pagkakamalan mo nang si Santa Claus dahil sa makapal at maputi nitong balbas.My first response was a soft laugh. In the three years I have been teaching here at Polaris University, for me that is nothing new. Wala pa akong klase na natipid sa students, laging sakto at madalas pa nga na sobra-sobra sa limit. Kahit ang hirap-hirap ng subject na Calculus, nakagugulat na marami pa ring namo-motivate na pumasok."Mukhang magre-resign na si Mr. Solven dahil wala nang may gustong mga students na pumasok sa klase niya. Eh, parehas lang naman kayo ng itinuturo..." Humalakhak ito at na
Chapter 4Astherielle's POVTwo hours ago...Mula sa nakatakdang araw ng pagpasok ko sa Polaris University, tatlong araw pa ang pinalipas ko para mabuo ang desisyon ko, kung tutuloy na ba talaga ako o hindi?Sa nakalipas na magkakasunod na linggo, ang magkulong sa loob ng kuwarto ang ginawa ko. Paulit-ulit na tinatanong sa sarili ang tanong na ito: "Handa na ba talaga akong iwan ang nakasanayang mundo?Mahaba na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Kabababa ko lang ng sasakyan ni Tita Mavic. Tapos na itong kumaway, mag-goodbye at mag-good luck sa akin."Astherielle, hija, paano ba iyan?" Umupo ito sa upuan ko kanina at dumungaw sa bintana ng sasakyan. "Sunduin na lang kita mamaya, ha? I-text mo lang ako o tawagan anytime... Maluwag naman sa office ngayon dahil natapos na namin kahapon ang project namin... See you na lang, ha..."I didn't go to class this morning. Yeah, I just entered this afternoon suddenly, where I have two subjects left today. Ewan ko ba kung ano ang sumapi sa aking e