Share

5: Daddy

Author: ninsies
last update publish date: 2026-07-04 22:08:04

SELENE's POV

"This is the plan. Lilibutin natin ang buong ospital para mahanap ang daddy natin," sabi ni Seraph, at pasimpleng sinulyapan si Mommy na natutulog sa sofa. "Be quiet. Huwag kayong magpadalus-dalos. Check the person. Dapat makaramdam kayo ng lukso ng dugo, got it?"

"Got it," sabay naming sagot nina Sienna at Silas.

"Silas, are you sure you wanna help? You know, Mom will be mad if she finds out that-"

"No, it's fine. I'm good," nakangiting sagot ni Silas, pero maputla pa rin ang mukha.

"Yeah, before your treatment," sagot ko.

"Selene!" mahinang suway ni Seraph.

"Okay. Never mind," sabi ko na lang at naunang lumabas ng room.

Sumunod naman sila sa akin. Pero hindi ko alam kung saan kami magsisimula.

"You know, guys. Ang lawak ng ospital. Saan tayo magsisimula?" tanong ko, saka sila hinarap. Pero biglang wala na sila sa likuran ko.

Saan sila nagpunta? Ang bilis naman nilang mawala.

Napapikit ako ng mga mata nang may boses na tumawag sa akin. Pamilyar, para bang nakasama ko na ito nang matagal.

"Selene?"

Paglingon ko, nakita ko si Tito Ethan. Napangiti ako.

Siya ang madalas na kasama ni Mommy. Mabait at lagi kaming inaalagaan.

Sabi ni Mommy, kaibigan lang daw niya si Tito Ethan. Pero iba ang nararamdaman ko. Nararamdaman ko ang pananabik ng isang anak sa ama niya kapag nakikita ko si Tito Ethan.

Hindi kaya...

Parang nakapagtataka lang kasi nakasama namin si Tito Ethan simula nang ipinanganak kami. Kahit ayaw ng mga kapatid ko sa kaniya, inaalagaan niya kami nang mabuti. As in, parang anak talaga ang turing niya sa amin.

Hindi kaya siya talaga ang daddy namin? Baka nagpunta rin siya sa probinsya para hanapin ang mag-ina niya. Baka kami ang hinahanap niya!

"Dada!" tawag ko, saka tumakbo papunta sa kaniya.

My siblings are blind. Hindi nila napapansin ang koneksyon ng lahat. Tito Ethan exists because he might be our real daddy!

"Nasaan ang mga kapatid mo, Selene?" nakangiting tanong ni Tito Ethan.

Nakagat ko ang labi ko dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya na hinahanap din nila ang daddy namin. Baka masaktan siya.

"Selene?"

"Ah, they're looking for our daddy." Napilitan akong sagutin ang tanong niya. Pero nakita ko ang pagkabigla ni Tito Ethan.

I saw his eyes suddenly lost its sparks.

Oh no! Daddy's hurt.

.

.

.

SIENNA's POV

Sa kakadada ko kina Seraph at Silas, hindi ko na napansing napahiwalay ako sa kanila. Naglakad-lakad na lang ako hanggang sa napadpad ako sa isang room.

May lalaking nakaupo sa hospital bed. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman siya mukhang pasyente pero nasa kwarto siya ng mga patients. Wala rin akong nakikitang pasyente na kasama niya.

Ano kayang ginagawa niya rito?

Pero hindi ko maiwasang mamangha sa kaniya. Ang tindig niya ay parang mabait na tatay. Iyong tipo na iisipin mo talagang siya ang haligi ng tahanan.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinawag ko siya. "Daddy!”

Napatingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala. Nginitian ko lang siya.

He might be confused right now, but he will soon realize that I am his daughter; we are his children.

"What did you say?” tanong niya.

Pero bago pa ako makasagot, dumating ang isang babae. Nakasuot siya ng hospital gown. Mukhang galit pa siya dahil ang sama ng tingin niya sa akin.

“Don’t call him that!” sigaw niya sa akin. Parang gusto niya akong saktan.

Pero agad akong ipinagtanggol ng lalaking tinawag kong daddy.

“Stop it; she’s just a kid!” sita niya sa babae.

Hinila niya ako palayo sa babae at niyakap ako. Doon ko naramdaman ang init ng yakap ng isang ama. Napaluha ako dahil kahit kailan ay hindi ko ito naramdaman. Kahit kay Tito Ethan ay wala.

Hindi kaya siya ang daddy ko, ang daddy namin?

"Hon, bakit mo niyayakap ang batang iyan? She looked dirty!" gigil na sabi ng babae.

"I am not dirty! You are. Your mouth is dirty. Some bad words are coming from it," sagot ko, habang magkasalubong ang mga kilay.

"How dare you?!"

"Sophia! Stop it! Huwag mong patulan ang bata. Kung hindi ka sana palaging nakukunan, baka kasing laki na rin niya ang anak natin," sabi ng lalaki.

Napayakap ako nang mahigpit sa kaniya.

Wala rin pala siyang anak. Maybe... Maybe I can be his daughter. My siblings and I can be his children.

"What now? Aampunin mo ang batang iyan, eh, hindi mo nga alam kung saan nanggaling. Baka nga anak iyan ng masamang tao—"

"Mommy is not a bad person!" giit ko, nakakunot ang noo. "Maybe you are!"

"Oh, you got a mommy? So, I guess you're looking for your useless dad, huh?" sabi niya. "Oh, I think I get it now. You want my husband to be your daddy, don't you?"

"What are you saying, lady? Can't you see? He's my real daddy!"

.

.

.

SILAS' POV

Habang naglalakad ako sa hallway ng ospital, ramdam ko ang bigat ng katawan ko. Nakasabit pa ang IV sa braso ko, pero gusto kong maglakad kahit sandali, para lang maramdaman na buhay pa ako.

Isa pa, gusto ko kunin ang pagkakataong ito na makita ang daddy namin habang may natitira pa akong oras sa mundong ito..

…nang biglang dumaan ang stretcher. Mabilis. Bago pa ako makaiwas ay nasagi na ako. Nadapa ako sa malamig na sahig at napasinghap sa sakit.

"Kid, are you okay?" tanong ng boses na nagmula sa likuran ko.

"I... I am okay," sagot ko, habang tinutulungan niya akong makatayo. Nang lingunin ko siya, nanlaki ang mga mata ko. "Dad?"

Gaya ko ay nakasuot siya ng hospital gown. May benda sa kanang braso niya hanggang sa kamay. Siguro ay naaksidente siya kaya siya naririto.

"Huh?" naguguluhan niyang tanong. Nakakunot na ang noo niya.

Maya-maya, humagalpak siya ng tawa. Ako naman ang naguluhan.

Bakit niya ako tinatawanan?

Pero nakakatawa rin siya, ha. Kung wala siguro akong sakit, baka nakitawa na rin ako. Pero mahina ang katawan ko, kahit tunay na ngiti ay hindi ko kayang ilabas.

"Where's your parents? Baka hinahanap ka na nila," pag-iiba niya ng usapan.

"My mommy? She's waiting for you, daddy," sagot ko.

Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang balikan ko. Napangiti ako dahil matagal ko itong gustong maranasan galing sa isang ama.

"Teka lang, bata. Nagkakamali ka yata. Wala pa akong asawa kaya imposibleng may anak ako," seryosong sabi niya.

Nalungkot ako sa sinabi niya, kaya tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at tinalikuran siya.

"Never mind. Maybe you don't want me that's why you don't know me. You don't love us," sagot ko. "But it's okay. I'm happy to die soon because I already see you."

Nagsimula na akong maglakad palayo sa kaniya. Mabagal akong humakbang habang masama ang loob.

Any minute now, he will call me.

In 3...

2...

1....

"Wait!"

Napangiti ako nang malawak. Effective ang ginawa ko.

Yes, mission accomplished.

.

.

.

SERAPH’s POV

Confident akong naglakad sa gitna ng hallway. Walang pakialam sa mga taong nakakasalubong. May napapatingin sa akin, pero hindi ko pinapansin. Hindi ako naglabas ng room para makipag-entertain sa iba. I'm here to find our father.

Sa totoo lang, ganito na ako simula bata pa ako. Mom used to call me boss, while my siblings used to call me Mr. Cold. Kasi nakakatakot daw ang aura ko. Kaya hindi na sila nagtataka na ako ang panganay.

Sa part ko naman, hindi na ako nagtataka. Maybe I got my vibe and attitude from our father. I believe that every first born always looks like their dad. Mom doesn't believe on it, but I am.

"Move! Mr. Alvarez is on the way."

Huminto ako at nilingon ang kabilang hallway. Maraming tao ang pumupunta sa gilid, ni hindi sila dumadaan sa gitna.

I wonder why?

Maya-maya, may isang lalaki ng naglalakad. Tall, cold, and a handsome man like me. His vibe sounds like mine.

Kung ipagtatabi kami, mapagkakamalan mong father and son.

Wait a minute...

Is he the man I'm looking for?

"Handsome, check. Aura, check."

Naglakad ako papalapit sa kaniya. Naririnig ko pa ang bulungan ng mga tao.

"Kaninong anak iyan? Naghahanap ng problema ang anak nila."

"Oh no, he will pissed off, Mr. Alvarez."

Alvarez?

Sounds interesting.

Mommy's mystery husband is also an Alvarez. What a coincidence!

Actually, mom doesn't know that I have an idea about his mystery husband. That's why I'm not convinced that she doesn't know our father, because he married one!

"Move aside, kid. You're facing hell."

Hindi ko sila pinansin. Tumuloy pa rin ako sa paglapit sa tinatawag nilang Mr. Alvarez.

“You’re my dad," casual kong sabi, sabay turo sa kaniya.

Nagulat siya at tumingin sa akin nang matagal. Maybe he's checking me if I'm telling the truth.

“Why would you say that?” tanong niya.

“Because I know,” sagot ko. “I can feel it. You’re my father.”

Napangiti siya na parang namangha sa akin. “You are brave, kid. Most people don’t even dare talk to me.”

“Brave? No. Honest,” sagot ko. “I’m your son.”

Nagulat siya sa tapang ko. I saw him smirking, and I did the same.

"Sino ang batang iyan? Bakit tinawag niyang dad si Mr. Alvarez?"

"Hindi kaya iyan ang anak ni Mr. Alvarez sa ex-wife niya?"

Nilingon ko ang mga taong pinag-uusapan ako. I gave them my mischievous look.

"Let me correct it, people. Dad and mom haven't divorced yet. So, don't call my mommy his ex-wife."

"Interesting. Bring me to your mother. I wanna know if she is the woman I married five years ago. Because for the record, I don't have a child."

Hindi ako nakapagsalita. Parang ang confidence ko ay biglang naputol. This man is threatening me indirectly.

But I don't have to be nervous. I know for sure, he's the man we are looking for.

.

.

.

SELENA’s POV

Nagising akong wala sa tabi ko ang mga anak ko, maging si Silas na nakahiga sa hospital bed ay wala rin. Kaagad akong nataranta dahil hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanila.

They're just kids. Kakarating lang nila sa city. Wala silang alam sa lugar na ito.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at nagsimulang hanapin ang mga anak ko.

Imposibleng lumabas sila ng ospital. Malakas ang kutob kong nasa paligid lang sila, ini-explore siguro ang buong lugar.

Kilala ko sila. Siguradong si Seraph na naman ang promotor kaya sila nawawala.

Sakit talaga sa ulo minsan ang panganay ko. Naniniwala na talaga akong nagmana siya sa unknown tatay nila.

"Excuse me, nurse. May nakita ka bang apat na mga bata? Dalawang babae at dalawang lalaki. Ganito katangkad. Tapos.... tapos, magkamukha ang mga babae at magkamukha naman ang mga lalaki? May nakita ka ba?"

"I'm sorry, ma'am. Pero wala akong nakita na mga batang sinasabi mo. Pasensya na," sabi ng nurse, saka umalis.

Napaupo ako sa nakahilerang upuan at napahilamos ng mukha.

Saan ko sila hahanapin?

"Mommy!" biglang tawag ni Selene. Nilingon ko siya at nakitang hawak siya ni Ethan.

Nakahinga ako nang maluwag dahil kasama pala niya ang best friend ko.

Pero bakit mag-isa lang siya?

Nasaan ang tatlo?

"Mom!" tawag naman ni Silas. Nilingon ko siya at nakitang may kasamang lalaki.

Pamilyar ang mukha nito, na parang nakita ko na somewhere.

"Mom!" tawag naman ni Seraph.

Mabilis ko siyang nilingon at nanlaki ang mga mata dahil may kasama rin siyang lalaki.

Matangkad, malapad ang mga balikat, pero may malalamig na titig. His aura is just like my Seraph.

Who is this man?

Bakit pamilyar siya sa akin?

"Mommy! Look, I found daddy!" sabi naman ni Sienna na kaagad kong nilingon. Pero mas nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking kasama niya.

No way!

Bakit kasama ng anak ko ang ex-fiancé ko?

Paano sila nagkakilala?

Maging si Marco ay nagulat din. Malamang ay hindi niya inasahan na makikita niya ako makalipas ang limang taon at may anak pa.

Sabay silang lumapit sa akin, habang nakangiti. Pero ang mga lalaking kasama nila ang seseryoso ng mga mukha, pati si Ethan biglang naging seryoso.

Anong trip nila ngayon?

"Mom/Mommy, daddy is here," sabay nilang sabi na ikinalaki ng mga mata ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   23: Backer

    SELENA's POVSaglit na natahimik ang lahat. Maging si Victoria ay natameme. Magsasalita sana ako para tumigil ang mga anak ko, pero bumunghalit ng tawa si Victoria na sinundan ng tawanan ng mga tao. Nagulat ang mga anak ko sa reaksyon nila, maliban kay Seraph na walang pakialam. Dala-dala na naman niya ang awra na kahit sa akin ay nagbibigay ng kaba.Ngumiti na lang ako nang tipid saka hinarap ang tatlo kong anak. Binaba ko rin muna si Silas katabi nila. Hingal na hingal sila. Halatang kagagaling lang sa pagtakbo. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa nila iyon kay Victoria. Ayokong mamulat sila sa mundong ito na ayos lang maghiganti. Hindi iyon ang gusto ko para sa kanila."Kids, mommy forgave you all. But don't do it again, okay?" sabi ko sa kanila sa mahinang boses. Tumango naman sina Sienna at Selene. Pero si Seraph, nakatingin lang siya sa akin. "Seraph, mommy is not mad, okay? She was just worried.""Single mom... oh, wait. I think I recognize you now," ani Victoria. Nilingon k

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   22: S4

    SELENA's POVKinuyom ko ang mga kamay ko sa galit. Sumusobra na talaga si Victoria. Una, sinaktan niya si Seraph. Ngayon naman, si Silas. Balak pa niyang patigilin ang treatment ng anak ko. Wala ba siyang puso? Hindi ba siya nakokonsensya?"Mom, hayaan niyo na po siya. May dahilan po kaya siya nagalit," bulong ni Silas. Kumunot ang noo ko. Hinawakan lang niya ang mga kamay ko at muling bumulong. "Bumili sina Seraph ng itlog at harina, Mom."Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napakurap pa ako dahil imposible talaga. Saan naman sila kukuha ng pambili? Eh, hindi ko nga sila binibigyan ng pera, eh. Paano sila nakabili? At bakit nila iyon ginawa kay Victoria?Lumuhod ako at hinawakan ko siya sa mga balikat. "Silas, sabihin mo sa akin. Bakit nila iyon ginawa?" tanong ko, mahina lang sapat para marinig ng anak ko."Seraph is mad."Napahawak ako sa noo ko dahil sa dismaya. Ang akala ko pa naman ay nakinig sa akin si Seraph. Nagawa pa rin niyang maghiganti."This is all my fault. Hindi ko

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   21: Doomed

    SILAS' POV"Ano na kayang nangyari sa kanilang tatlo? Bakit hindi pa rin sila bumabalik?" tanong ko sa sarili. Huminga ako nang malalim at nilingon ko ang tablet na nasa katabing mesa. Inabot ko ito at nag-type ng message sa group chat namin. They have their smartwatch, so I can contact them right now. "Kapag hindi pa sila nakabalik within 15 minutes, darating si Mommy at malalaman niyang pumuslit na naman sa labas ang mga kapatid ko. She will be mad at us."Nakailang send ako ng message pero walang nagre-respond kahit isa sa kanila. Pinindot ko na lang ang call button at naghintay na sagutin nila. Pero panay ring lang sa kabilang linya. This is bad. Baka pumalpak ang plano nila."Nasaan na ba kasi kayo?"'Message!'Napatingin ako sa tablet at nanlaki ang mga mata. We are so doomed. Papunta na si mommy! Kailangan na nilang bumalik or else lagot kaming lahat."Kailangan ko silang mahanap."Nagmadali akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto habang bitbit ang IV ko. Kahit nanghihina ang

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   20: Payback

    SIENNA's POV"Are you really sure it will work?" tanong ko kay Seraph habang pinagmamasdan ang mga taong labas-masok sa hospital.Nakatago lang kami sa garden. Sa sobrang dami ng mga tanim halos hindi na kami mapansin dito. Iyon naman talaga ang plano namin, ang magtago."Kuya Seraph, what if Miss Alcaraz finds out about this? We will be screwed. Worse, she might discover that we have a family confined here." Sumandal si Selene sa tanim na santan. Nakataas ang mga tuhod niya. Ang mga kamay naman ay nakapatong dito. She looks worried.I get her. Once Miss Alcaraz knew about this, we are all screwed. But who cares? I mean, she will never know unless we tell it. Besides, I think we will having fun on this one.Ang huling beses na ginawa namin ito, muntikan na kaming mapaalis sa tinitirahan namin. Mabuti na lang at magaling magsinungaling si Silas. Though we felt bad about it kasi sabi ni mommy masama ang magsinungaling. Pero may good purpose naman kung bakit namin iyon ginawa.Back home

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   19: Asked

    SELENA's POV "Mom, saan ka po nanggaling?" tanong sa akin ni Silas nang dumating ako sa room niya. Sinuri ko kaagad ng tingin ang buong kwarto dahil may kakaiba. "It's a business, Silas. Nasaan pala sina Seraph at Sienna?" tanong ko, saka binaba ang tingin kay Selene na nakahiga sa sofa. Tutok na tutok siya sa tablet. Mukhang hindi pa ako napansin. Kumunot ang noo ko nang mapansing may kinakausap siya. Nilapitan ko siya para abutin ang tablet na hawak. "Mom! Ang sakit ng ulo ko!" narinig kong sabi ni Silas. Hawak-hawak niya ang ulo niya habang namimilipit sa sakit. Kaagad akong lumapit sa kaniya at chineck siya. Wala namang kakaiba sa kaniya, pero nakakaramdam siya ng sakit. "Silas, what's wrong? Sobrang sakit ba? Sandali, tatawag ako ng doctor," sabi ko at tumayo. Nang biglang bumukas ang p***o at niluwa nito ang dalawa kong anak. Mukhang kagagaling lang nila sa pagtakbo dahil pareho silang hinihingal. "Seraph? Saan kayo nanggaling?" tanong ko, saka bumaling kay Sienna na panay a

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   18: Postponed

    SELENA's POV"Husband, you have nothing to do with my children. They're mine... only mine."Kinuyom ko ang kamay ko, sinusubukang pakalmahin ang sarili. I gritted my teeth so hard just to control my outburst. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang lalaking ito para angkinin ang mga anak ko. At ano ang motibo niya ngayon?Narinig ko siyang tumawa dahilan para lalo akong mainis. Mukhang pinaglalaruan ako ng mystery husband ko. Pero kahit ano pa man ang binabalak niya, hindi niya maaagaw sa akin ang mga bata.First of all, he's not the biological father of my quadruplets. Apelyido lang ang habol niya at puwedeng-puwede kong palitan iyon. Kung hindi lang dahil sa family program na mayroon sa probinsya, hindi sana Alvarez ang apelyido ng mga bata. Kinailangan namin ang benefits na makukuha sa nasabing program at kailangan iyon ng marriage contract at ang patunay na anak naming mag-asawa ang mga bata.Kaya wala akong choice noon.'Wife, relax. You're being defensive.'"Defens

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status