Share

Chapter 4

Penulis: Janey Does
last update Tanggal publikasi: 2026-11-02 07:27:38

"Mama, gumising ka. Huwag mo naman akong iwan na ganito. Paano na ngayon ang mga pangarap natin? Wake up, please!" hagulgol ni Elaine sa pag-iyak, na parang guguho talaga ang mundo niya sa sobrang takot at pag-aalala.

Mariing nakahawak sa balikat niya si Jafarr, puno ng awtoridad at galit ang mukha. ​Sa kabilang dako ng pintuan naman, palakad-lakad si Papa. Kitang-kita ko ang pagiging balisa niya habang paulit-ulit na hinahaplos ang sarili. ​Samantalang ako? Tahimik lang, walang kaabog-abog na pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila na may matamis na tagumpay sa loob ng aking dibdib.

Ano ka ngayon, Mama? Sa sobrang atat mong paslangin si Papa, ikaw tuloy itong napahamak. Pero don't worry, higit pa riyan ang mararanasan mo kapag kikilos na ako. Ipapadama ko talaga sa inyong dalawa ni Elaine kung anong klaseng halimaw na si Aria ngayon.

​Agad nabaling ang atensyon naming lahat nang hinarap kami ng doktor, katatapos lang nitong suriin ang kalagayan ni Mama. Bago pa man makapagsalita si Papa, marahas na tumayo si Jafarr at muling ibinabalandra ang pagiging elitista.

"I demand an absolute, top-tier medical evaluation. Make sure your diagnosis is authentic and thoroughly verified. I don't care about the cost, I am willing to pay ten times your standard rate just to ensure we get the precise and real results right now."

​Sumulyap ang doktor kay Jafarr, halatang naobliga sa lakas ng presensya ng bilyonaryo. Then, ​sinabi nitong ligtas na si Mama matapos maisagawa ang pangunahing procedure. Kaya lang, dito na nabanggit na hindi yun simpleng food poisoning. Nalaman tuloy ng lahat na ang tsaang inihahanda palagi ni Mama para kay Papa araw-araw ay may halong lason.

"Ano?" maang na usal ni Papa, namumutla habang napapailing. "Impossible! Hindi magagawa ni Eula sa akin yun! Dahil palagi niya akong pina-iinum ng tsaa araw-araw, ibig sabihin ba nito..."

Ibig sabihin ano, Papa? Bigla siyang napatigil nang unti-unting nagre-register sa utak niya ang katotohanang siya ang totoong target. Hindi ko naman inasahan na ganito kabagsik at kabilis ang epekto ng lasong yun. Kung hindi agad ito umpekto kay Papa sa mga sandaling iniinum niya palagi ang tsaa, ibig sabihin, desidido na talaga silang tapusin si Papa sa mismong almusal kanina. Napakawalang-hiya!

"No, Papa! That is not true!" apela ni Elaine habang umiling-iling. "Kung may balak man si Mama na tapusin ka sa pamamagitan ng paglagay ng lason sa tsaa mo, edi sana matagal ka nang nawala! Siguro may nagset-up kay Mama, since she doesn't like herbal tea! Sino ba kasi ang nag-encourage sa kanya na inumin ang tsaa na yun? Sino ang nagpumilit sa kanya? Sino, Papa!"

​Doon marahang pumingkit ang mata ni Papa, napalingon sa akin na may matinding paghihinala at pagbibintang. ​"Aria? Ikaw kasi ang pilit na nagpapainom sa kanya kanina. Was it you?"

​Bahagya akong nagtaas ng kilay, pinanatiling kalmado ang sarili sa kabila ng panlalamig ng kapaliran. So now Elaine wanted to be the main character? Gusto ba niyang palabasin na ako ang nagplano sa lahat ng ito at baliktarin sa akin ang pagpapaslang?

​"Of course not, Papa!" malamig kong sagot. "Bakit ko naman gagawin iyon kay Mama?"

​"Don't lie, Aria!" singhal ni Elaine, ginagamit ang bawat segundo para tuluyang baligtarin ang aksidente at ibagsak sa akin ang buong sisi. "Galit ka sa amin ni Mama dahil napunta sa akin si Jafarr! Galit ka dahil pakakasalan mo ang isang nightmare na katulad ni Khamir! Gusto mo kaming sirain at ilagay sa kapahamakan!"

​Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Papa. Naniwala siya. Tulad ng dati, mas pinili niyang paniwalaan ang mga kasinungalingan ni Elaine. ​Bumukod naman ang ngiti sa mga labi ni Jafarr habang pinagmamasdan ang aking pagkakagipit. Lumapit siya sa tabi ni Elaine at tumingin sa akin nang may pang-aalipusta.

​"If that's the case, it would be better na halughugin at kalkalin natin ang kwarto ni Aria ngayon din. Para magkaalaman kung sino talaga ang nagtatago ng lason sa mansyong ito."

​"The better! Halughugin niyo ang bawat sulok ng kwarto niya, Pala!" dugtong ni Elaine habang nakakapit sa braso ni Jafarr, inuutusan ang mga maid at house staff. "Huwag niyong hahayaan na may makakaligtaan kayong gamit na hindi nabubuksan!"

​​Biglang nagsalita si Mama. Agad naman kaming na-relief nang makita siyang nagising na. Pero sa isip ko? Tangina! Bakit hindi pa natuluyan ang babaeng ito. Mabilis nag-uunahan sina Elaine at Jafarr sa paglapit sa gilid ng kama, habang inaalayan si Mama na maupo sa kama. Sumunod na lumapit si Papa, bakas pa rin sa mukha ang matinding kalituhan at sakit.

​"Aria, anak? Bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito?" mahinang tawag ni Mama sa akin, tumutulo ang mga luhang kabisadong-kabisado ko na ang kaplastikan. "Kailanman ay itinuring kita na anak ko, tinanggap kita nang buong-buo at minahal na parang sarili kong dugo't laman. Tapos ngayon? May balak kang tapusin ako? What I have done para gawin mo ito sa akin?"

Tha audacity of this woman! Ang kapal ng mukha! At anong what I have done? Kung hindi lang ako nabuhay ulit, malamang ay tapos na rin si Papa ngayon at sila na ang maghari-harian! Nagdadrama pa siya sa harap ng lahat para mabaligtad sa akin ang buong sisi? Grabe talaga!

"Mama, what are you talking about?" pananatili kong kalmado, bagaman nanlalamig ako nang hindi ko alam. "Hindi ko rin po magagawang ipahamak kayo."

Yeah! Dahil kung tutuusin? Kayo naman talaga ang may kayang ipahamak kami! Kung pwede lang talagang ipagtapat sa harap ni Papa ang lahat ng katarantaduhang ginagawa ng babaeng ito sa kanya? Hinding-hindi talaga ako magdadalawang isip na sabihin lahat ng mga nalalaman ko. Kaso, wala akong sapat na kapangyarihan para paniwalaan ako, at lalong hindi ito ang tamang panahon para ilantad ang kasamaan nilang mag-ina.

"Sinungaling! Parang sinasabi mo lang din sa amin na si Papa ang nanlason kay Mama, ganun ba? Bakit hindi mo na lang kasi aminin, Aria!" marahas na bulyaw ni Elaine, namumula na ang mukha sa matinding galit. "Hinding-hindi ko lubos maisip na aabot sa ganito ang kasakiman mo! Dahil ba inggit ka sa akin? Dahil ba nagsisisi ka na ngayong pinili mo si Khamir?"

​Lumapit si Papa, itinuro ang mukha ko habang nanginginig ang daliri. "Your mother took care of this house, Aria! She cared for you when you had nothing! At ito lang ang igaganti mo sa kanya? Anong klaseng anak ka? Hindi naman kita pinalaking ganyan!"

​Sa mismong sandaling iyon, narinig namin ang mabilis na pagbabalik ng mga maid at house staff. Ang head maid ay may hawak na isang maliit na amber glass bottle, isang bote na kailanman ay hindi ko nakita sa buong buhay ko. The worst scenario? Sinabi nilang nakuha daw nila ito sa ilalim ng kutson ng kama ko.

​"Ano to, Aria?" garalgal na tanong ni Papa, ang boses ay parang kulog na nagbabantang wawasak sa buong mansyon. "Magpaliwanag ka nga sa amin kung bakit nahanap nila ito sa loob ng kwarto mo!"

"Sinasabi ko na nga ba! Nagsisinungaling ka pa?" sigaw ni Elaine sabay sugod sa akin. Galit na galit siya akong sinabunutan, na para bang gustong-gusto niya na rin akong paslangin. "Hayop ka! Hayop ka, Aria!"

Gago! Literal na nabaligtad talaga ako! Paano ko na ngayon makakamit ang hustisya na inaasam-asam ko para sa amin ni Papa? Tinitigan ko ang amber glass bottle, bago tumingin kay Mama na ngayon ay may lihim na ngiti sa likod ng kanyang mga luha. Dito ko napagtanto na ang lahat ng kadramahan ay parte lang pala ng plano niya. Damn! Naisahan ako! Hindi pwede! Hindi pwedeng magtagumpay pa rin sila sa pagkakataong ito!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 7

    ​"Dahan-dahan lang, Khamir," pakiusap ko sa kanya, pilit nilalabanan ang pagngiwi sa sakit habang ginagamot niya ang mga sugat ko. "Nasasaktan ako." ​Matapos ang nangyari kanina, dinala ako ni Khamir sa pinakamalapit niyang resthouse. Maliit at sakto lamang para sa dalawa, pero taglay ang pinakakomportableng luxurious design na tanging mga mayayaman lamang ang nakakapagpundar. ​Mariin akong nakatitig sa kanya habang maingat niya akong ginagamot. Ramdam ko ang pag-aaruha, kahit para siyang demonyong may taglay na kakaibang gentleman vibe. Pero ang diwa ko? Agad bumalik kay Papa. Ngayong malayo na ako sa tabi niya, hindi ko tuloy alam kung paano ko pa siya ililigtas.​"Khamir?" tawag ko sa kanya nang may halong pag-aalinlangan. "Thank you for rescuing me. Pero if this is about sa engagement, I won't force you to marry me. Tatlong araw kitang hinintay, and enough na yun para ipamukha sa akin na hindi mo kailangan ng isang babaeng katulad ko. Sapat na sa akin na iniligtas mo ako." ​At

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 6

    Napanganga silang lahat sa hitsurang bumulagta sa harapan nila. For a moment, may kung anong pwersang nagpatahimik sa buong paligid. Bumungad kasi ang isang lalaking nag-uumapaw sa karisma at mapanganib na kagwapuhan. Khamir was the epitome of an Arabian beauty, matutulis na jawline, matikas na tindig, hunk physique, at mga matang may devilish intensity na kayang tumagos sa kaluluwa ng sinumang mapatitig sa kanya.Ngunit hindi ang kagwapuhan niya ang higit na nakapagpatahimik sa lahat. It was his presence. Mula sa kinatatayuan niya, matalim niyang sinusuyod ng tingin ang bawat taong naroon. Wala siyang sinasabi, wala ring anumang ekspresyong mababakas sa kanyang mukha, pero sapat na ang malamig niyang titig para maramdaman naming lahat ang bigat ng kanyang awtoridad. Para siyang isang bagyong biglang dumating na patahimik, ngunit nagbabadyang magwasak ng sinumang humarang sa kanyang landas. At ang pinakanakakatakot? Hindi man lang siya nagmukhang nag-aalalang may makakaharap siyang ka

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 5

    ​Hindi ako makapagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang nag-aapoy sa galit na mga mata ni Papa at punong-puno ito ng pagkadismaya. Gago! Paning-paniwala talaga siya sa mag-ina na yun. ​At dito na ako bumigay. Sa sobrang sidhi ng frustration at kawalan ng katarungan, sumabog na ako!​"Sila naman talaga, Papa! Sila ang may planong sirain tayo! Ang lahat-lahat! Araw-araw kang nilalason ni Mama kasama si Elaine para makuha nila ang ari-arian natin! In the first place, pinakasalan ka lang ni Mama para magkaroon siya ng kapangyarihan. Hindi ka naman niya minahal.""Walang hiya ka!" Nanigas agad ako nang biglang lumagapak ang mabibigat na kamay ni Papa sa aking pisngi. ​"Nagawa mo pa talaga silang pagbintangan pagkatapos ng ebidensyang ito? Tapos, gumagawa ka pa ng kwento para lang magpalusot? Napaka-hayop! Inutil!"​Mabilis sumugod si Elaine, sinabunutan ako nang marahas at hindi tumitigil hangga't hindi ako bumagsak sa sahig. ​"Hayop ka, Aria! Kami pa ngayon ang pag-aakusahan mo

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 4

    "Mama, gumising ka. Huwag mo naman akong iwan na ganito. Paano na ngayon ang mga pangarap natin? Wake up, please!" hagulgol ni Elaine sa pag-iyak, na parang guguho talaga ang mundo niya sa sobrang takot at pag-aalala.Mariing nakahawak sa balikat niya si Jafarr, puno ng awtoridad at galit ang mukha. ​Sa kabilang dako ng pintuan naman, palakad-lakad si Papa. Kitang-kita ko ang pagiging balisa niya habang paulit-ulit na hinahaplos ang sarili. ​Samantalang ako? Tahimik lang, walang kaabog-abog na pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila na may matamis na tagumpay sa loob ng aking dibdib.Ano ka ngayon, Mama? Sa sobrang atat mong paslangin si Papa, ikaw tuloy itong napahamak. Pero don't worry, higit pa riyan ang mararanasan mo kapag kikilos na ako. Ipapadama ko talaga sa inyong dalawa ni Elaine kung anong klaseng halimaw na si Aria ngayon.​Agad nabaling ang atensyon naming lahat nang hinarap kami ng doktor, katatapos lang nitong suriin ang kalagayan ni Mama. Bago pa man makapagsalita si Pap

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 3

    "You idiot! Ano ba talaga ang iniisip mo, ha? Everyone thinks you've lost your mind, Aria!" galit na bulyaw ni Papa sa hapagkainan, halos manginig ang mga kubyertos sa tindi ng pagkakabagsak ng kanyang palad sa mesa. "Pinagtatawanan ka ngayon ng buong angkan! Ikaw pa naman ang pinagmamalaki at inaasahan ko, pero what happened? You deliberately chose the man everyone fears! Khamir Mansouri? Seriously, Aria?"Napahinto ako sa pagsubo. Hindi ko in-expect na muling bubungad sa akin ang ganitong klaseng sermon mula kay Papa. Until now, hindi pa rin siya maka-move on sa desisyon ko."And where is he now?" mapanuyang dagdag niya. "Ni hindi man lang siya nagpakita sa araw ng inyong kasunduan! Three days, Aria! Tatlong araw na ang lumipas, pero ni anino ng bilyonaryong yun ay hindi natin nakita! Duwag siya!""Victor, please calm down." mahinahong awat ni Mama, saka marahang inilapag ang hawak niyang baso. "You're making a big deal out of something that has already been decided. Masaya naman si

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 2

    ​"Aria! Is this true? Am I dreaming? Si Jafarr talaga ang mapapangasawa ko?" tili ni Elaine sabay yakap sa akin, habang panay ang hagod sa likod ko na kunwari ay puno ng pagmamahal. Kung hindi ko lang alam ang totoong kulay ng babaeng ito, baka naniwala na akong mahal niya talaga ako bilang kapatid. "Thank you! Thank you so much! Ang bait-bait mo talaga!"​"Kung iyan ang desisyon mo, anak. Irerespeto ko." seryosong wika ni Papa sabay iniabot sa amin ang opisyal na kasulatan na katatapos lang namin lagdaan ni Lalaine. Halata pa rin sa mukha niya ang pagtataka kung bakit parang hindi ko pinag-iisipan nang mabuti ang desisyon ko. "Tandaan mo, si Lord Khamir ay kilala sa kanyang mabagsik na reputasyon. At hindi siya basta-basta."​"I am well aware of that, Papa," seryoso kong sagot, sumusulyap nang diretso sa mga mata niya na may banta, na mas kilala ko pa ang mga ahas na kasama namin sa mansyong ito.​"Magnificent choice, my dear Aria!" nakangiting singit ni Mama, but her eyes screamed a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status