Share

Chapter 2

Penulis: Janey Does
last update Tanggal publikasi: 2026-11-02 07:26:51

​"Aria! Is this true? Am I dreaming? Si Jafarr talaga ang mapapangasawa ko?" tili ni Elaine sabay yakap sa akin, habang panay ang hagod sa likod ko na kunwari ay puno ng pagmamahal. Kung hindi ko lang alam ang totoong kulay ng babaeng ito, baka naniwala na akong mahal niya talaga ako bilang kapatid. "Thank you! Thank you so much! Ang bait-bait mo talaga!"

​"Kung iyan ang desisyon mo, anak. Irerespeto ko." seryosong wika ni Papa sabay iniabot sa amin ang opisyal na kasulatan na katatapos lang namin lagdaan ni Lalaine. Halata pa rin sa mukha niya ang pagtataka kung bakit parang hindi ko pinag-iisipan nang mabuti ang desisyon ko. "Tandaan mo, si Lord Khamir ay kilala sa kanyang mabagsik na reputasyon. At hindi siya basta-basta."

​"I am well aware of that, Papa," seryoso kong sagot, sumusulyap nang diretso sa mga mata niya na may banta, na mas kilala ko pa ang mga ahas na kasama namin sa mansyong ito.

​"Magnificent choice, my dear Aria!" nakangiting singit ni Mama, but her eyes screamed absolute poison. Parang sinasabi niyang I chose my own destruction for making it so easy for them. "You do really love your sister, Elaine."

​Tipid ang ganti kong pagngiti sa kanya, ibinabaon sa isip ang bawat baho at lason na ginawa niya kay Papa. Just wait, Mama. Masisiyahan ka rin sa huling hininga mo, dahil sa pagkakataong ito? Kikilos na ako!

​"My lovely family and friends, it's officially sealed! The Moretti clan has now been tied upto Mansouri family, one of the most powerful clan in Europe and West Asia." pagmamalaking anunsyo ni Papa sa buong crowd ng Grand Salon ng mansyon. "Si Elaine, ang nakatakdang ikasal kay Lord Jafarr! At ang aking anak namang si Aria, kusang-loob na piniling pakasalan si Lord Khamir! Please, feel free to celebrate!"

​Agad nagbulungan ang buong angkan. Umalingawngaw ang sari-saring reaksyon na parang mga bubuyog sa inis. Narinig ko pa ang panlalait nila sa akin, na tiyak maghihirap lang daw ako sa puder ni Khamir. Baka raw ilang linggo lang pagkatapos ng kasal, magdidivorce lang kami just like what he did to his previous wives. Ang swerte daw ni Elaine kay Jafarr ​​dahil ito ang pinakapogi at pinakamayaman sa magkakapatid.

I must be honest. May bahagi ng isip ko na biglang kumabog. Paano kung nagkamali ako at masunog sa sarili kong desisyon? Paano kung tama ang pinagsasabi nila? I made a bold move, Khamir’s reputation adds an extra layer of complexity to my revenge plan.

Wala na rin akong ibang choice kundi ang umasa at manalangin. So be it! Hindi na mahalaga sa akin kung anong klaseng pagkatao ang meron kay Khamir, dahil may mas malaking delubyong nagaganap sa loob mismo ng tahanan namin; ang buhay ni Papa.

​Kahit na alam ko ang totoo, hindi ko sila basta-basta na lang ituturo nang walang ebidensya, ang dahilan kung bakit mas pagtuunan ko ng pansin ngayon ang pagtataksil nila. Dapat gagawa ako ng paraan para sila mismo ang maipit sa ginagawa nilang katarantaduhan. Pero paano? Gayung maikakasal na si Elaine sa pinakamakapangyarihang si Jafarr, mas lalo yata kaming manganganib ni Papa. Mas madali na lang kay Mama na ligpitin kami.

Sa kalagitnaan ng bulung-bulungan at pagdiriwang, biglang nagsidatingan ang sunod-sunod na black limousine sa driveway. Marahas na bumukas malalaking p***o ng mansyon. At doon, sinalubong kami ni Jafarr Mansouri kasama ang mga kapatid niya na parang mga hari na nagmamay-ari ng buong mundo. Dala-dala kasi nito ang perpektong mukha, ang tindig ng isang taong hawak ang kalahati ng ekonomiya, at ang karangyaan na tinitilian ng mga kababaihan sa lipunan.

Agad na namula sa kilig si Elaine sa tabi ko. Halos lumuwa ang mga mata niya sa sobrang tuwa habang nag-aabang na salubungin ang kanyang future husband. Kahit si Mama ay nakangiting abot-tenga, proud na proud sa pakakasalan ng kanyang anak. Pero ako? ​Hindi man lang ako natinag. Ipinagtataka pa ng karamihan kung bakit hindi nila kasama si Khamir. Dito muling nagbubulungan ang mga tao, na mas lalo namang nagpakabog sa dibdib ko.

"What an honor to welcome you here, Lord Jafarr." ngiting bati ni Papa nang salubungin niya itong may mainit na yakap, bago lumingon sa direksyon namin. "I would like to introduce you my daughter, Elaine, ang babaeng pakakasalan mo."

Jafarr smiled,​ pinakita agad ang pagiging gentelman matapos hagkan ang nanginginig na kamay ni Elaine. Nangisay naman sa kiliti ang kapatid ko, na parang kandilang natunaw sa sobrang lapit at presensya ng lalaking kaharap niya. ​Ngunit hindi nagtagal ang atensyon ni Jafarr kay Elaine, lumihis ang mata niya at kusang dumeretso sa akin.

"So, I assumed ikaw ang babaeng pakakasalan ng katapid kong si Khamir?"

Mabilis sumambat si Papa, ipinaliwanag niya kay Jafarr ang naging desisyon kong pagpaparaya kanina sa pagpili. Agad namang napahalakhak si Jafarr, ​yung tawa na puno ng pagmamataas at kayabangan. Parang hindi nito matanggap na may isang babaeng hindi siya kayang piliin.

"Nagparaya? What a joke!" bulyaw ni Jafarr nang tumingin siya sa akin. "I am Lord Jafarr Mansouri of Azerbia, a CEO of a multi-billion dollar company! Sino ka para tanggihan ang lalaking tulad ko? Lahat ng mga babae ay pinangarap maging asawa ko, pero ikaw? You treated me like I'm just nobody? How could you!"

Muli na namang lumakas ang bulung-bulungan sa paligid. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng kumukulong tubig sa tindi ng hiya at galit, habang ​nanindig na ang mga balahibo ko sa inis.

​"Let me be clear with you," pagpapatuloy ni Jafarr, habang ibinabalandra ang kanyang kayabangan. "If I were to choose? Mas pipiliin ko rin si Elaine over you. Hindi ka naman din maganda, at lalong hindi tayo bagay. And please, don't be delusional na pipiliin ka rin ni Khamir. Kilala ko ang kapatid ko. Kung iniisip mong magiging asawa ka niya? Nagkakamali ka."

Nagtawanan ang lahat, puno pa ng panlalait at panlilibak. Si Elaine ay panay ang takip ng bibig sa sobrang tuwa habang si Mama naman ay halos mamatay na sa kakatawa sa likod.

​"Si Khamir, ang kapatid kong the walking nightmare?" pagpapatuloy ni Jafarr sabay lapit pa sa akin. "Wala rin yung balak na magpakita sa isang babaeng tulad mo. Look everywhere. Nasaan siya? He's nowhere to be found, girl. At bakit naman siya pupunta rito kung hetong klaseng babae lang naman pala ang mapapangasawa niya? Sa isang babae kung akala mo ay maangas? Buti nga sa'yo! Dahil ang totoo? Wala siyang oras sa mga taong nag-aakala na madali silang makakalapit sa kanyang mundo. So, good luck. Dahil mag-isa mong haharapin ang bangungot na pinili mo."

Doon na tuluyang gumuho ang paligid ko. Sa sandaling yun, naramdaman ko ang pagtusok ng muling pagkabuhay ng mga pag-aalinlangan. Parang sinasabi talaga ng tadhana na mali ang desisyon kong bitawan si Jafarr. Paulit-ulit kong sinipat ang p***o ng mansyon, umaasang dadating si Khamir. Pero wala. Mas lalo lang lumakas ang walang katapusang pag-alingawngaw ng hiyawan at tawanan ng mga taong naghihintay sa aking pagbagsak.

Sa gitna ng katotohanang binalikan ko ang nakaraan para baguhin ang tadhana, pakiramdam ko tuloy I failed for the second time. Akala ko, maisasahan ko na sina Mama at Elaine sa sarili nilang laro. Akala ko ay mapapalibutan ko ng depensa ang sarili ko.

Pero hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa. ​Ano ngayon kung wala si Khamir? Ano ngayon kung pinagtatawanan nila ako at sinasabing nagkamali ako ng desisyon? Ang totoong laban ko ay nasa loob mismo ng pamilya namin, ang iligtas si Papa mula sa paglason ng babaeng pinagkatiwalaan niya, at ilantad ang kadiliman ng mag-inang ito bago pa huli ang lahat.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 7

    ​"Dahan-dahan lang, Khamir," pakiusap ko sa kanya, pilit nilalabanan ang pagngiwi sa sakit habang ginagamot niya ang mga sugat ko. "Nasasaktan ako." ​Matapos ang nangyari kanina, dinala ako ni Khamir sa pinakamalapit niyang resthouse. Maliit at sakto lamang para sa dalawa, pero taglay ang pinakakomportableng luxurious design na tanging mga mayayaman lamang ang nakakapagpundar. ​Mariin akong nakatitig sa kanya habang maingat niya akong ginagamot. Ramdam ko ang pag-aaruha, kahit para siyang demonyong may taglay na kakaibang gentleman vibe. Pero ang diwa ko? Agad bumalik kay Papa. Ngayong malayo na ako sa tabi niya, hindi ko tuloy alam kung paano ko pa siya ililigtas.​"Khamir?" tawag ko sa kanya nang may halong pag-aalinlangan. "Thank you for rescuing me. Pero if this is about sa engagement, I won't force you to marry me. Tatlong araw kitang hinintay, and enough na yun para ipamukha sa akin na hindi mo kailangan ng isang babaeng katulad ko. Sapat na sa akin na iniligtas mo ako." ​At

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 6

    Napanganga silang lahat sa hitsurang bumulagta sa harapan nila. For a moment, may kung anong pwersang nagpatahimik sa buong paligid. Bumungad kasi ang isang lalaking nag-uumapaw sa karisma at mapanganib na kagwapuhan. Khamir was the epitome of an Arabian beauty, matutulis na jawline, matikas na tindig, hunk physique, at mga matang may devilish intensity na kayang tumagos sa kaluluwa ng sinumang mapatitig sa kanya.Ngunit hindi ang kagwapuhan niya ang higit na nakapagpatahimik sa lahat. It was his presence. Mula sa kinatatayuan niya, matalim niyang sinusuyod ng tingin ang bawat taong naroon. Wala siyang sinasabi, wala ring anumang ekspresyong mababakas sa kanyang mukha, pero sapat na ang malamig niyang titig para maramdaman naming lahat ang bigat ng kanyang awtoridad. Para siyang isang bagyong biglang dumating na patahimik, ngunit nagbabadyang magwasak ng sinumang humarang sa kanyang landas. At ang pinakanakakatakot? Hindi man lang siya nagmukhang nag-aalalang may makakaharap siyang ka

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 5

    ​Hindi ako makapagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang nag-aapoy sa galit na mga mata ni Papa at punong-puno ito ng pagkadismaya. Gago! Paning-paniwala talaga siya sa mag-ina na yun. ​At dito na ako bumigay. Sa sobrang sidhi ng frustration at kawalan ng katarungan, sumabog na ako!​"Sila naman talaga, Papa! Sila ang may planong sirain tayo! Ang lahat-lahat! Araw-araw kang nilalason ni Mama kasama si Elaine para makuha nila ang ari-arian natin! In the first place, pinakasalan ka lang ni Mama para magkaroon siya ng kapangyarihan. Hindi ka naman niya minahal.""Walang hiya ka!" Nanigas agad ako nang biglang lumagapak ang mabibigat na kamay ni Papa sa aking pisngi. ​"Nagawa mo pa talaga silang pagbintangan pagkatapos ng ebidensyang ito? Tapos, gumagawa ka pa ng kwento para lang magpalusot? Napaka-hayop! Inutil!"​Mabilis sumugod si Elaine, sinabunutan ako nang marahas at hindi tumitigil hangga't hindi ako bumagsak sa sahig. ​"Hayop ka, Aria! Kami pa ngayon ang pag-aakusahan mo

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 4

    "Mama, gumising ka. Huwag mo naman akong iwan na ganito. Paano na ngayon ang mga pangarap natin? Wake up, please!" hagulgol ni Elaine sa pag-iyak, na parang guguho talaga ang mundo niya sa sobrang takot at pag-aalala.Mariing nakahawak sa balikat niya si Jafarr, puno ng awtoridad at galit ang mukha. ​Sa kabilang dako ng pintuan naman, palakad-lakad si Papa. Kitang-kita ko ang pagiging balisa niya habang paulit-ulit na hinahaplos ang sarili. ​Samantalang ako? Tahimik lang, walang kaabog-abog na pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila na may matamis na tagumpay sa loob ng aking dibdib.Ano ka ngayon, Mama? Sa sobrang atat mong paslangin si Papa, ikaw tuloy itong napahamak. Pero don't worry, higit pa riyan ang mararanasan mo kapag kikilos na ako. Ipapadama ko talaga sa inyong dalawa ni Elaine kung anong klaseng halimaw na si Aria ngayon.​Agad nabaling ang atensyon naming lahat nang hinarap kami ng doktor, katatapos lang nitong suriin ang kalagayan ni Mama. Bago pa man makapagsalita si Pap

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 3

    "You idiot! Ano ba talaga ang iniisip mo, ha? Everyone thinks you've lost your mind, Aria!" galit na bulyaw ni Papa sa hapagkainan, halos manginig ang mga kubyertos sa tindi ng pagkakabagsak ng kanyang palad sa mesa. "Pinagtatawanan ka ngayon ng buong angkan! Ikaw pa naman ang pinagmamalaki at inaasahan ko, pero what happened? You deliberately chose the man everyone fears! Khamir Mansouri? Seriously, Aria?"Napahinto ako sa pagsubo. Hindi ko in-expect na muling bubungad sa akin ang ganitong klaseng sermon mula kay Papa. Until now, hindi pa rin siya maka-move on sa desisyon ko."And where is he now?" mapanuyang dagdag niya. "Ni hindi man lang siya nagpakita sa araw ng inyong kasunduan! Three days, Aria! Tatlong araw na ang lumipas, pero ni anino ng bilyonaryong yun ay hindi natin nakita! Duwag siya!""Victor, please calm down." mahinahong awat ni Mama, saka marahang inilapag ang hawak niyang baso. "You're making a big deal out of something that has already been decided. Masaya naman si

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 2

    ​"Aria! Is this true? Am I dreaming? Si Jafarr talaga ang mapapangasawa ko?" tili ni Elaine sabay yakap sa akin, habang panay ang hagod sa likod ko na kunwari ay puno ng pagmamahal. Kung hindi ko lang alam ang totoong kulay ng babaeng ito, baka naniwala na akong mahal niya talaga ako bilang kapatid. "Thank you! Thank you so much! Ang bait-bait mo talaga!"​"Kung iyan ang desisyon mo, anak. Irerespeto ko." seryosong wika ni Papa sabay iniabot sa amin ang opisyal na kasulatan na katatapos lang namin lagdaan ni Lalaine. Halata pa rin sa mukha niya ang pagtataka kung bakit parang hindi ko pinag-iisipan nang mabuti ang desisyon ko. "Tandaan mo, si Lord Khamir ay kilala sa kanyang mabagsik na reputasyon. At hindi siya basta-basta."​"I am well aware of that, Papa," seryoso kong sagot, sumusulyap nang diretso sa mga mata niya na may banta, na mas kilala ko pa ang mga ahas na kasama namin sa mansyong ito.​"Magnificent choice, my dear Aria!" nakangiting singit ni Mama, but her eyes screamed a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status