Share

KABANATA 2

Author: Ensi
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-27 09:12:46

Nakangiwi akong umiling sa babae. "Ha! Malabo po 'yon mangyari! Gurang 'yon, paano pa ako iibig?"

​Napapikit ako at napahawak sa braso nang bigla akong hampasin ni Rina. "Prenuhan mo nga 'yang bibig mo! Baka marinig ka ng amo natin, palayasin ka pa. 'Pag iyon nasagad ang pasensya, naku, baka tuluyan niya talagang kaladkarin ang nanay mo rito kaya umayos ka."

​Ngumuso ako. "Sa gurang naman talaga 'yon, 'di ba? Saka malabo talagang umibig ako sa kanya. May standards din ako, 'no." Kahit ang totoo, kanina lang ay na-starstruck ako sa ganda ng katawan ng lalaki. Ang yummy kasi tingnan, kumpleto ang abs. "Never!"

​Napahilot na lang ng sentido si Rina, sumasakit na yata ang ulo sa akin. "Ewan ko sa'yo."

​Napailing na lang din 'yong mayordoma habang nakangiti, na tila hindi makapaniwala. "Kung ganun, pwede ka nang magsimula."

​"Po?! Tanggap na ako?" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Weh? Hindi nga?"

​Kinurot ako ni Rina at nagpakawala ng isang hilaw na ngiti sa babae. "Pagpasensyahan niyo na lang po siya, sira na yata ulo nito."

​"Hoy, grabe ka naman sa akin. Hindi ba pwedeng nagulat lang? Maka-sira ng ulo," inirapan ko siya. "Baka ikaw ang masiraan ng ulo kapag nagtagal ako rito."

​"Sumunod kayo sa akin. Ibibigay ko ang uniform mo," wika ng mayordoma bago kami tinalikuran.

​Hinila ako ni Rina para sumunod sa babae. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, baka sa magiging kwarto namin? Ewan. Nakakalula ang laki ng bahay, iyong tipong maliligaw ka talaga sa loob.

​Pagdating namin sa quarters ng mga kasambahay, iniabot na sa akin ang uniform ko na agad ko namang tinanggap.

​"I-tour mo siya sa mansyon, Rina. Instruct her about your new work. As for your training, Trina, bukas na magsisimula. Gagawa pa ako ng schedule mo para hindi maging sagabal sa trabaho mo rito sa mansyon," paliwanag ni Arabella na tinanguan ko lang. "Nagkakaintindihan naman siguro tayo?"

​"Opo," tugon ko. "Magpapalit na po ako."

​Agad akong nagtungo sa banyo para magbihis. Paglabas ko, wala na roon si Arabella.

​"Lumabas na, alangan namang hintayin ka pa, 'di ba? Ano ka, VIP?" masungit na sabi ni Rina.

​Bumungisngis lang ako. "Pero ano 'yong sinasabi niyang new work? Hindi ba tayo rito lang sa mansyon?"

​Nagsimula kaming maglakad. Mukhang i-to-tour na rin niya ako dahil may hawak na siyang clipboard para sa checklist. Gara naman ng bahay na 'to, may pa-checklist pang nalalaman. Ano 'to, ospital?

​Sumabay ako sa kanya sa paglalakad habang inililibot ang tingin sa paligid. High ceiling ang mansyon at sa sobrang taas nito, malalaman mong rich-rich talaga ang pamilya. Ang laki. Hindi ako magsasawang sabihin 'yon.

​"Sakay muna tayo elevator," aniya.

​Teka, may pa-elevator pa? Ganun sila kayaman?

​"Sa pinaka-last floor ang bago nating trabaho. Magseserve tayo roon," sabi niya, kaya mas lalo akong naintriga.

​Anong meron sa last floor?

​Hindi na lang ako umimik. Pero nang makapasok na kami sa elevator, doon na nagsimulang magpaliwanag si Rina.

​"Hindi pangkaraniwan ang mga tao roon kaya mag-iingat ka. Kung anuman ang makita mo o mangyari, magpatay-malisya ka na lang. Don't get yourself involved. It's not safe. Baka maging kapalit niyan ang buhay mo. All we do is serve drinks, food, and clean. Iyon lang."

​Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Like... illegal ba?"

​"Hindi ko rin masabi, kaya kailangan pa rin nating mag-ingat. Iyon lang ang bilin ng amo natin, ang mag-ingat at huwag ma-involve," aniya.

​"Parang nakakatakot. Buwis-buhay." Kinilabutan ako bigla.

​"Oo, nakakatakot, pero malaki naman ang sahod na hindi mo makukuha sa ibang trabaho. Mag-iinarte pa ba tayo?" Tumingin siya sa akin habang nakataas ang kilay. "Ano?" hamon niya. "Gusto mo bang ang nanay mo ang sumalo nito?"

​"Hindi. Madali lang naman ang trabaho?" Hilaw akong ngumiti sa kanya.

​Pagdating namin sa floor na 'yon, pumasok kami sa isang double door. Pagbukas niyon, nalula ako sa lawak. May infinity pool at maraming tao na sa tingin ko ay puro VIP. Kabilaan ang mga nagbi-billiard, usok dito, usok doon. May mga nag-iinuman, naghahalikan... para akong nasa isang bar pero level up. At ang mas nakaka-nganga, may bukana sa pinakadulo at sa bandang 'yon ay may daanan ng mga sasakyan kung saan nagre-racing ang iba.

​"Baka pwedeng pakitikom ang bibig, pasukan ng langaw," paalala sa akin ni Rina.

​Napatikom ako at tumingin sa kanya. "Totoo ba 'to? Paano?"

​"Malay ko sa amo natin. Baka sumabog pa utak ko kung iisipin ko pa."

​"Anong ginagawa ng mga tao rito?" intriga kong tanong sa kanya.

​"Transaction, Trina," seryoso niyang sagot saka ako hinila para i-tour sa lugar.

​May ilan na kumakaway sa amin, o mas magandang sabihin, kay Rina. Mukhang kilala na agad siya kahit bago pa lang siya rito.

​"Bago?" tanong ng isang lalaking lumapit sa amin. "Ganda, ah."

​Napataas ang kilay ko. Ako ba ang tinutukoy ng lalaking 'to?

​"Single ba 'yan, Rina?"

​Ngunit bago pa man makasagot si Rina, may biglang umakbay sa akin.

​"I told you, Jun, my maids are off limits."

​Napatingala kami sa nagsalita—si Ark, 'yong amo namin.

​"S-Sir?" gulat kong tawag sa kanya, hindi makapaniwala.

Anong ginagawa niya rito? Bakit may pa-akbay? Close ba kami?

​Nagbaba siya ng tingin sa akin.

​"What? Makikipagtalo ka na naman sa akin?"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Russian Boss (SPG)   KABANATA 8

    ​"Magreklamo ka pa, gagawin kong sampung laps ang jogging mo bukas bago ang training," banta niya bago tuluyang nawala sa paningin ko.​Napaupo ako sa sahig, pagod na pagod pero kahit papaano nakaraos. "Bwisit na gurang na 'yon," bulong ko at napagpasyahang kumain na. Nanginginig na ako sa gutom eh.​Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Rina na naghihintay sa akin. May nakahandang fried chicken at mainit na kanin sa mesa. Halos maiyak ako sa bango.​"Kamusta, Trina? Buhay ka pa?" tanong ni Rina at inabutan ako ng tubig.​"Halos hindi na," sagot ko at inisang lagok ang tubig saka kumain. "Alam mo ba, Rina, iyong amo nating 'yon, walang puso! Ibinitin ako pabaliktad, pinaglinis ng mahigit sampung banyo, pinag-mop ng buong mansyon, tapos pinahawak pa ako ng baril!" kwento ko sa kanya habang parang patay-gutom na kumakain.​Natawa si Rina. "Pero bilib ako sa'yo, ha. Ikaw lang ang nakakagawa niyan kay Sir Ark. Sa tagal ko rito, ngayon ko lang siyang nakitang tumatawa at nakikipag-asaran na

  • My Russian Boss (SPG)   KABANATA 7

    Lumapit siya sa akin, sa sobrang lapit, naamoy ko na naman ang nakakahalinang bango niya, pero sa pagkakataong ito, hindi ako na-distract, kaso 'yong tingin naman niya, parang nanunuot sa kaluluwa ko.Bakit ba ganito siya makatitig sa akin? Maganda ba ako? Pwede na."Gugutumin kita hanggang bukas. No food, no water. Just you and this gûn."Pinanliitan ko siya ng mata. "Napakasama mo talaga!" sigaw ko sa kanya. "Bakit ba kailangang ako pa ang gumawa nito?""Because your father's enemies are already looking for you, Trina," mariin niyang sabi. "The moment you stepped into this mansion, you became a target. Kung hindi ka matututong lumaban, hindi lang ikaw ang mamamat4y, kundi buong pamilya mo."Natahimik ako. Iyong galit ko, napalitan ng takot. Hindi lang pala ito basta trip ng isang mayamang suplado. Buhay ko na pala ang nakataya rito."Fine," sabi ko habang nanginginig ang kamay na kinuha ang bar1l mula sa box. "Turuan mo ako."Ngumisi si Ark, pero sa pagkakataong ito, hindi ito pang-

  • My Russian Boss (SPG)   KABANATA 6

    Sasab0g na yata ang ulo ko sa mga narinig ko mula sa kanya."You have no idea anyway," aniya at tumalikod na."Hoy! Ibaba mo muna ako rito! Nakikitaan ako ng panty, bwisit ka!" sigaw ko. Ang sakit na ng lalamunan ko kakasigaw. Pakiramdam ko ay masusuka ako. Ikaw ba naman ang ibitin nang pabaliktad!Nang mawala siya sa paningin ko, tinangka kong kalasin iyong tali. It was my reflex to halt my body then roll over. Ang ending, bumagsak ako sa lupa. Napaigik ako sa sakit nang mauna ang pwet ko sa matigas na damuhan.Hinabol ko si Ark para tanungin pa sana, ngunit laking gulat ko nang bigla siyang humugot ng bar1l at itutok 'yon sa akin.Napataas ang kamay ko, gulat na gulat. "B-Bakit? W-Wala akong kasalanan!"Naningkit ang mga mata niya. "Paano ka nakawala?"Pinilig ko ang ulo. "Reflexes?" Maingat kong tinabi ang nguso ng bar1l at doon ko napagtantong plastic lang 'yon. "P-Plastic gûn?!"Ngumisi siya sa akin. "Kapag hindi ka sumunod sa akin, totoong bar1l na ang itututok ko sa'yo. Now, cl

  • My Russian Boss (SPG)   KABANATA 5

    Sasagutin na sana ako ng mayordoma nang biglang bumalik ulit si Ark.​"Sir." Yumuko nang bahagya si Arabella.​Tumingin ako kay Ark, pero pinanliitan lang niya ako ng mata sabay lipat ng tingin kay Arabella.​"Na-tour mo na ba ang babaeng 'yan sa mansyon, Arabella? Did you instruct her about her work with me? And her work as a housemaid?" Nakapamulsang lumapit ito sa amin.​Tiningala ko siya. "May pangalan ako, Sir," parinig ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin na parang wala siyang narinig.​"I instructed Rina to tour her here," wika ng mayordoma. "Na-tour ka ba ni Rina? O wala pa?"​"Uh, inuna po namin 'yong Secret Room at nagsimula na doon magtrabaho," sagot ko sabay silip sa amo kong hindi man lang ako magawang tingnan.​Problema kaya nito?​"Then tour her, Arabella. Ayokong tatanga-tanga 'yan kapag may bisitang dumating tapos hindi alam ang pasikot-sikot sa bahay," si Ark.​Kung maka-tanga naman 'to, parang ang tali-talino. Actually, kanina pa siya kakatawag sa akin ng kung

  • My Russian Boss (SPG)   KABANATA 4

    "Bakit na naman, Sir?" reklamo ko, pero hinatak na niya ako sa braso at kinaladkad palayo sa lugar.​Halos mapangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Pakiramdam ko mababali ang mga buto ko, pero tiniis ko. Ayokong makita niya akong nasasaktan. Kaya kong magtiis kahit masakit na talaga!​"Dahil sa ginawa mo, nadagdagan ang training mo. You're too reckless," mariin niyang sabi habang hila-hila ako, tila walang pakialam kung nasasaktan na niya ako.​Habang naglakad kami, hindi ko mapigilang mapatingin sa likod niya. Kahit gaano siya kasungit at kasing-tigas ng bato, hindi ko itatanggi na may katiting siyang sense ng pagpapakatao—o baka naman sadyang ayaw lang niyang may nagagalaw sa mga pag-aari niya? Alinman doon, alam kong hindi magiging madali ang mga susunod kong araw sa ilalim ng gurang na 'to.​"Salamat," mahina kong sabi habang nakatingin sa sahig.​"Don't thank me yet, Trina," sagot niya nang hindi lumilingon. "The real torture begins tomorrow."​Napalunok ako. Mukhang

  • My Russian Boss (SPG)   KABANATA 3

    "Hindi," sagot ko, halos taasan ko na ng kilay. As far as I can remember, hindi kami close ng lalaking 'to para akbayan niya ako. "Sir, baka nakakalimutan mong kasambahay ang role ko rito, hindi close friend?" paalala ko sa kanya sabay tabig sa kamay niya.Napatingin sa amin ang ilan. Kahit si Jun, iyong lalaking kumakausap sa amin kanina, hindi makapaniwala. Sino ba naman ang hindi magugulat? Isang hamak na maid, tinabig ang kamay ng isang Ark Aravazon? Pero wala akong pakialam. Hindi dahil sa gwapo siya at may abs ay may lisensya na siyang umakbay-akbay sa akin nang basta-basta."Trina!" nanlilisîk ang mga matang saway sa akin ni Rina, pero hindi ko siya pinansin.Akala ko magagalit sa akin si Ark. Sa halip, isang mapanuyang ngiti ang gumuhit sa labi niya bago niya inayos ang kanyang suot. "As I said, she has an attitude," wika niya kay Jun na parang baliwala lang ang ginawa ko. "Get to work, both of you. Don't make me regret hiring a brat."Napanganga ako, hindi makapaniwala. Did h

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status