LOGIN
TRINA'S POV
"Naku, pasensya ka na, Miss, pero hindi kami hiring eh," wika ng babae pagkatapos tingnan ang resume ko. Hilaw akong ngumiti at tumango. "Salamat po." Tumalikod na ako at napabuntong-hininga. Ang hirap na maghanap ng trabaho ngayon. Kung hindi pasok sa taste nila, full naman iyong iba. Eh itong pinuntahan ko, nakalagay doon sa labas nila, hiring naman, pero wala, mukhang ayaw nila. Napakamot na lang ako ng ulo at naghanap ng masisilungan. Tirik na tirik ang araw, kaya baka bukas ko na lang din ito ituloy. Sa totoo lang, ayoko nang maging tambay sa bahay. Ilang buwan pa lang simula nung gumraduate ako sa college, pero bored na ako. Kating-kati na akong magtrabaho at tumulong kay Nanay. Iyong kasi kapatid ko na lalaki, tamad, puro lustay at inom ng alak kasama ang mga barkada. Ang sakit sa ulo. "Kainis!" Napapadyak ako sa sahig at napatingin sa lalaking dumaan na muntik ko nang masagi. "Pasensya na po." Pero napataas ang kilay ko nang mapansin ko itong naka-sunglasses at full black outfit. Mafia ba 'to? O sumasabay lang sa trending? Ang init-init tapos balot na balot. Hindi ba siya naiinitan? "Watch what you're doing," salubong ang kilay nitong sabi. "Pasensya na po, Sir." "Tch." Ang sungit. Makauwi na nga. Palubog na ang araw nang mapagpasyahan kong umuwi na. Habang nasa tapat na ako ng sa amin, nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si Kuya na nag-iinom na naman. Lagi na lang. Napailing na lang ako at nilagpasan sila. Pero hindi pa ako nakakalayo, tinawag niya ako. "Trina, may pera ka ba dyan?" lasing niyang tawag. "Libre mo naman ako oh." Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman ko itong sumabay sa akin. "Trina naman!" Tumigil ako at humarap sa kanya. "Alam mo Kuya, tumigil ka na kakainom! Kung sana ipinapakain mo na lang 'yan sa mag-ina mo, matutuwa pa kami ni Nanay! Hindi ka ba naaawa sa kanila?!" sigaw ko. Punong-puno na kasi talaga ako sa kanya. Natulala ako nang hampasin niya ako sa ulo. "Bastos ka ah! Palamunin ka rin naman katulad ko! Tambay ka rin, Trina!" sigaw niya pabalik. Napakagat-labi ako sa inis hanggang sa malasahan ko na ang dugo ko sa labi. "At least ako, naghahanap ng trabaho! Hindi iyong puro inom lang!" Hahampasin na sana niya ako ulit nang makita niya si Rick, iyong tanod sa amin. "Pasalamat ka nandito si Rick, bwisit ka!" Saka siya lumiko pabalik sa kanila. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at nginitian na lamang si Rick. Nakakahiya! Pagdating sa bahay, hindi pa man ako nakakaupo sa gawa sa kahoy naming upuan ay humahangos na pumunta sa akin ang kaibigan ko na si Rina. "Trina! Iyong nanay mo sinugod sa ospital! Na-stroke daw!" balita niya sa akin, dahilan para mapatayo ako. "A-Ano?!" bulalas ko. Okay naman siya no'ng iwan ko siya kaninang umaga. Bakit na-stroke? Agad kaming pumunta sa ospital at nakita si Nanay na naka-oxygen. May asthma si Nanay at ngayon, na-stroke pa. Ano na ang gagawin ko?! Hindi pwede 'to! Dapat may gawin ako! Hindi ko mapigilan at napaluha na lang ako. Pakiramdam ko nakadagan lahat sa akin. Nagbantay kami ni Rina sa ospital ng magdamag. Makalipas ang ilang araw, gising na si Nanay, pero naka-oxygen pa rin at hindi na makagalaw. Sabi ng doktor, mas makakabuting sa ospital muna siya para ma-monitor kaya wala akong nagawa kundi pumayag. Ang pinoproblema ko ngayon ay kung saan ako kukuha ng pera pampagamot ni Nanay at sa hospital bills. Sumubok akong mag-apply, pero ganoon ulit. Wala pa ring tumanggap sa akin. "Trina, hinahanap nila ang Nanay mo sa mansyon ng mga Aravazon. Kung hindi raw siya makakapasok, ikaw na lang daw ang pumalit," wika ni Rina na nagtatrabaho rin doon bilang taga-ayos ng mga bulaklak. "Nirecommend din kita sa mayordoma. May natapos ka naman at magaling kang mag-English, kaya kayang-kaya mo sabayan ang amo natin na Russian." Russian? Taga-ibang bansa? "Mabait naman 'yon," tila nag-aalinlangan pa niyang sabi. "Saka... kailangan talaga. Umutang pa naman ang Nanay mo sa kanila para sa diaper at gatas ng anak ng kuya mo." "Ano?! Magkano?!" Napatayo ako. Pinagtinginan tuloy ako. "M-Magkano?" Napakamot siya ng ulo. "Uh, hindi lang 'yon. Pambayad din ng mga utang sa tindahan, sugal, at inom." "Anak ng—alam mo ba kung magkano?" "Hindi ko alam, kaya kailangan mong magtrabaho doon. Magkasama naman tayo. Saka kailangan mo ring magbayad ng bills at gamot ng nanay mo kaya tanggapin mo na." "May choice pa ba ako?" Napahilot na lamang ako ng noo. Dahil may mga nurse naman na nagbabantay kay Nanay, pumunta na ako sa mansyon ng mga Aravazon kasama si Rina. Hindi ko maiwasang kabahan. Nanlalamig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako nang malamig. "Does she know how to speak English? How many languages does she know? Is she like her mother?" Narinig kong tanong ng lalaki sa loob, malamig ang boses at malalim. Parang gusto ko nang umurong sa sobrang kaba. "If she disappoints me, I'll drag her mother here—" "Trina!" sigaw ni Rina nang pumasok ako sa loob. "I know many languages, Sir!" sigaw ko at napatulala nang makita ang lalaking nakatapis lang ng tuwalya. Basa ang buhok at kumikinang ang kumpletong abs dahil sa tubig na dumadaloy doon. "M-Marunong po ako! I can help you, Sir... if you want?" Tumaas ang kilay niya. "And... you must be Trina? The substitute maid?""Magreklamo ka pa, gagawin kong sampung laps ang jogging mo bukas bago ang training," banta niya bago tuluyang nawala sa paningin ko.Napaupo ako sa sahig, pagod na pagod pero kahit papaano nakaraos. "Bwisit na gurang na 'yon," bulong ko at napagpasyahang kumain na. Nanginginig na ako sa gutom eh.Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Rina na naghihintay sa akin. May nakahandang fried chicken at mainit na kanin sa mesa. Halos maiyak ako sa bango."Kamusta, Trina? Buhay ka pa?" tanong ni Rina at inabutan ako ng tubig."Halos hindi na," sagot ko at inisang lagok ang tubig saka kumain. "Alam mo ba, Rina, iyong amo nating 'yon, walang puso! Ibinitin ako pabaliktad, pinaglinis ng mahigit sampung banyo, pinag-mop ng buong mansyon, tapos pinahawak pa ako ng baril!" kwento ko sa kanya habang parang patay-gutom na kumakain.Natawa si Rina. "Pero bilib ako sa'yo, ha. Ikaw lang ang nakakagawa niyan kay Sir Ark. Sa tagal ko rito, ngayon ko lang siyang nakitang tumatawa at nakikipag-asaran na
Lumapit siya sa akin, sa sobrang lapit, naamoy ko na naman ang nakakahalinang bango niya, pero sa pagkakataong ito, hindi ako na-distract, kaso 'yong tingin naman niya, parang nanunuot sa kaluluwa ko.Bakit ba ganito siya makatitig sa akin? Maganda ba ako? Pwede na."Gugutumin kita hanggang bukas. No food, no water. Just you and this gûn."Pinanliitan ko siya ng mata. "Napakasama mo talaga!" sigaw ko sa kanya. "Bakit ba kailangang ako pa ang gumawa nito?""Because your father's enemies are already looking for you, Trina," mariin niyang sabi. "The moment you stepped into this mansion, you became a target. Kung hindi ka matututong lumaban, hindi lang ikaw ang mamamat4y, kundi buong pamilya mo."Natahimik ako. Iyong galit ko, napalitan ng takot. Hindi lang pala ito basta trip ng isang mayamang suplado. Buhay ko na pala ang nakataya rito."Fine," sabi ko habang nanginginig ang kamay na kinuha ang bar1l mula sa box. "Turuan mo ako."Ngumisi si Ark, pero sa pagkakataong ito, hindi ito pang-
Sasab0g na yata ang ulo ko sa mga narinig ko mula sa kanya."You have no idea anyway," aniya at tumalikod na."Hoy! Ibaba mo muna ako rito! Nakikitaan ako ng panty, bwisit ka!" sigaw ko. Ang sakit na ng lalamunan ko kakasigaw. Pakiramdam ko ay masusuka ako. Ikaw ba naman ang ibitin nang pabaliktad!Nang mawala siya sa paningin ko, tinangka kong kalasin iyong tali. It was my reflex to halt my body then roll over. Ang ending, bumagsak ako sa lupa. Napaigik ako sa sakit nang mauna ang pwet ko sa matigas na damuhan.Hinabol ko si Ark para tanungin pa sana, ngunit laking gulat ko nang bigla siyang humugot ng bar1l at itutok 'yon sa akin.Napataas ang kamay ko, gulat na gulat. "B-Bakit? W-Wala akong kasalanan!"Naningkit ang mga mata niya. "Paano ka nakawala?"Pinilig ko ang ulo. "Reflexes?" Maingat kong tinabi ang nguso ng bar1l at doon ko napagtantong plastic lang 'yon. "P-Plastic gûn?!"Ngumisi siya sa akin. "Kapag hindi ka sumunod sa akin, totoong bar1l na ang itututok ko sa'yo. Now, cl
Sasagutin na sana ako ng mayordoma nang biglang bumalik ulit si Ark."Sir." Yumuko nang bahagya si Arabella.Tumingin ako kay Ark, pero pinanliitan lang niya ako ng mata sabay lipat ng tingin kay Arabella."Na-tour mo na ba ang babaeng 'yan sa mansyon, Arabella? Did you instruct her about her work with me? And her work as a housemaid?" Nakapamulsang lumapit ito sa amin.Tiningala ko siya. "May pangalan ako, Sir," parinig ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin na parang wala siyang narinig."I instructed Rina to tour her here," wika ng mayordoma. "Na-tour ka ba ni Rina? O wala pa?""Uh, inuna po namin 'yong Secret Room at nagsimula na doon magtrabaho," sagot ko sabay silip sa amo kong hindi man lang ako magawang tingnan.Problema kaya nito?"Then tour her, Arabella. Ayokong tatanga-tanga 'yan kapag may bisitang dumating tapos hindi alam ang pasikot-sikot sa bahay," si Ark.Kung maka-tanga naman 'to, parang ang tali-talino. Actually, kanina pa siya kakatawag sa akin ng kung
"Bakit na naman, Sir?" reklamo ko, pero hinatak na niya ako sa braso at kinaladkad palayo sa lugar.Halos mapangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Pakiramdam ko mababali ang mga buto ko, pero tiniis ko. Ayokong makita niya akong nasasaktan. Kaya kong magtiis kahit masakit na talaga!"Dahil sa ginawa mo, nadagdagan ang training mo. You're too reckless," mariin niyang sabi habang hila-hila ako, tila walang pakialam kung nasasaktan na niya ako.Habang naglakad kami, hindi ko mapigilang mapatingin sa likod niya. Kahit gaano siya kasungit at kasing-tigas ng bato, hindi ko itatanggi na may katiting siyang sense ng pagpapakatao—o baka naman sadyang ayaw lang niyang may nagagalaw sa mga pag-aari niya? Alinman doon, alam kong hindi magiging madali ang mga susunod kong araw sa ilalim ng gurang na 'to."Salamat," mahina kong sabi habang nakatingin sa sahig."Don't thank me yet, Trina," sagot niya nang hindi lumilingon. "The real torture begins tomorrow."Napalunok ako. Mukhang
"Hindi," sagot ko, halos taasan ko na ng kilay. As far as I can remember, hindi kami close ng lalaking 'to para akbayan niya ako. "Sir, baka nakakalimutan mong kasambahay ang role ko rito, hindi close friend?" paalala ko sa kanya sabay tabig sa kamay niya.Napatingin sa amin ang ilan. Kahit si Jun, iyong lalaking kumakausap sa amin kanina, hindi makapaniwala. Sino ba naman ang hindi magugulat? Isang hamak na maid, tinabig ang kamay ng isang Ark Aravazon? Pero wala akong pakialam. Hindi dahil sa gwapo siya at may abs ay may lisensya na siyang umakbay-akbay sa akin nang basta-basta."Trina!" nanlilisîk ang mga matang saway sa akin ni Rina, pero hindi ko siya pinansin.Akala ko magagalit sa akin si Ark. Sa halip, isang mapanuyang ngiti ang gumuhit sa labi niya bago niya inayos ang kanyang suot. "As I said, she has an attitude," wika niya kay Jun na parang baliwala lang ang ginawa ko. "Get to work, both of you. Don't make me regret hiring a brat."Napanganga ako, hindi makapaniwala. Did h







