Mag-log inNapa-iwas ako ng tingin nang mapatingin ako doon sa maumbok na parte ng tapis niya. Bakit parang ang haba ng nakatago doon?
Napailing ako agad! Nagiging makasalanan na naman ang mga mata ko. Kung ano-ano na lang ang napapansin ko! "I-I'm am po... I mean, ako po iyon. Iyong anak ng kasambahay niyo, si Lauren. Trina po." Nag-abot ako ng kamay, pero agad ko ring binawi nang sikuhin ako ni Rina. Nakalimutan ko, kasambahay role pala 'to, hindi kumpanya na parang natanggap sa trabaho. Lumapit sa akin ang lalaki at landakang tinitigan ang mukha ko. Napalunok ako, halos maduling na nang salubungin ko ang tingin niya, pero hindi rin ako nakatagal. Nadi-distract ako sa katawan niya. Parang ang sarap lumambitin sa braso niya. "Bakit p-po, S-Sir? Kasama ba sa qualification ang mukha ko? Para malevel sa'yo?" Lumayo siya at doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. Lumingon siya sa mayordoma na nakayuko lang habang magkadaop ang mga palad. "Are you sure she's capable just like her mother?" tanong ng lalaki. Hindi pa man nakakasagot ang babae, sumingit na ako. "Bakit hindi niyo po subukan?" hamon ko. "Baliw ka talaga, Trina. Amo natin yang kausap mo, umayos ka," saway ni Rina. "Maayos naman ako ah," bulong ko at ngumiti kay Sir. "Anong language po ang gusto niyo?" Pero nagtataka ako, kasi bakit kailangan niya ng marunong ng iba't ibang lengguwahe? Ganito rin ba ang ginagawa ni Nanay? O bago 'to? Tinitigan niya ako nang mariin kaya hindi ko maiwasan na pagtaasan siya ng kilay, pero agad ko ring binawi nang lumapit siya sa akin. Sa sobrang lapit, naamoy ko ang mouthwash niya. Halos humilig pa ako. "No," pinal at madiin niyang sabi sabay hawak sa balikat ko. "I want your mother. You have an attitude that I don't like. Mas gusto ko ang Nanay mo." Napanganga ako. "Pero Sir, nasa ospital po siya. Wala ka bang awa?" Napasinghap ang mayordoma at si Rina sa sinabi ko. Bakit? Dahil nagagawa ko siyang pagsalitaan ng ganito? Aba'y karapatang pantao 'to! Hindi pwede ang Nanay ko. Kaya nga ako nandito eh! "Anong sabi mo?" Napaatras ako nang dumilim ang mukha niya. Sa puntong ito, gusto ko nang tumakbo. "S-Sir..." "Ang tapang mo. Wala kang respeto." Mukhang mapapasubo pa ako nito. "Ano bang gusto mong gawin ko, Sir? Gusto ko na ngang patunayan na marunong ako, hindi ba 'yon kasama sa qualification?" tanong ko pa. Napangiwi ako nang hawakan niya ako nang mariin sa braso. "Sa mukha pa lang... hindi ka na pasado." "At sa ugali niyo rin, walang magkakagusto sa inyo. Bitaw!" Tinabig ko ang kamay niya at akmang lalabas nang marinig ko ang sinabi niya. "Kapag lumabas ka diyan, kakaladkarin ko ang Nanay mo pabalik dito," banta niya, dahilan para mapatigil ako. Napapikit ako at lumingon sa kanya, ngunit nakatalikod na itong naglalakad paakyat sa ikalawang palapag. "Train her, Arabella! Ayoko sa tatanga-tanga!" sigaw niya na dumagundong sa buong silid. "I want her to be perfect! Pahirapan kung kailangan!" P-Pahirapan? Tatanga-tanga? Bwisit! Hindi pa nga ako nagsisimula, pero ngayon pa lang, tumataas na ang dugo ko sa kanya! Kainis! "Trina! Nababaliw ka na ba?!" bulyaw sa akin ng kaibigan ko. "Paano mo nasasagot nang ganoon ang amo natin?!" "Karapatan ko 'yon! May sakit si Nanay, tapos gusto niyang pabalikin dito?! Baliw ba 'yon? Walang sense ng pagpapakatao? Saka sasampulan ko lang naman siya kanina ah! Bakit parang galit na galit?" nangangalaiti kong sagot sa kanya. "Baliw ka na nga! Hindi naman magkakaganun kung inayos mo lang sana ang tono ng pananalita mo! Naku! Sumasakit ang ulo ko sa'yo." Napahilot siya ng noo, tila hindi makapaniwala sa ginawa ko. "Anong gusto mo, lumuhod ako sa kanya? Magpakaawa? Kung pwede naman sabihin na lang? Duh! Mukha naman siyang professional, bastos nga lang." "Ha?! Paanong bastos?!" Halos lumaki ang butas ng ilong ni Rina. "Harapin ba naman tayong nakatapis lang ng tuwalya." "I can hear you, woman! Sino bang pumasok? Hindi ba ikaw?! Kapag hindi ka pa tumigil, hindi ako magdadalawang-isip na putulin ang dila mo!" Dumagundong ang lakas ng boses ng lalaki mula sa itaas. "Pasensya na po, Sir Ark! Pagsasabihan ko po siya!" si Rina. So, Ark pala ang pangalan niya? Hindi bagay sa ugali niya. "Hindi! Totoo naman—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang takpan ni Rina ang bibig ko. Natigil lang kami nang lumapit ang mayordoma na si Arabella sa amin. "Gusto ko ang pagiging prangka mo, hija." Napamaang ang bibig namin ni Rina sa sinabi nito. Akala ko kasi sesermonan niya ako. "But I will be very strict with your training," dagdag niya. So may training pala? "Ilang lengguwahe ang alam mo?" tanong niya. "Twelve," sagot ko at mukhang nasiyahan siya. "Ano po bang training na sinasabi niya kanina?" "Maging partner niya sa lahat ng pupuntahan niya. Kaya maghanda ka. Hindi madali ang training na ito... pero hija, may isang rule na dapat mong sundin at huwag na huwag gagawin." Bigla akong kinabahan. "Ano po 'yon?" Lumapit siya sa akin at hilaw na ngumiti na para bang nakakalason 'yon, dahilan para mangatog ang tuhod ko. "Huwag kang iibig sa kanya.""Magreklamo ka pa, gagawin kong sampung laps ang jogging mo bukas bago ang training," banta niya bago tuluyang nawala sa paningin ko.Napaupo ako sa sahig, pagod na pagod pero kahit papaano nakaraos. "Bwisit na gurang na 'yon," bulong ko at napagpasyahang kumain na. Nanginginig na ako sa gutom eh.Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Rina na naghihintay sa akin. May nakahandang fried chicken at mainit na kanin sa mesa. Halos maiyak ako sa bango."Kamusta, Trina? Buhay ka pa?" tanong ni Rina at inabutan ako ng tubig."Halos hindi na," sagot ko at inisang lagok ang tubig saka kumain. "Alam mo ba, Rina, iyong amo nating 'yon, walang puso! Ibinitin ako pabaliktad, pinaglinis ng mahigit sampung banyo, pinag-mop ng buong mansyon, tapos pinahawak pa ako ng baril!" kwento ko sa kanya habang parang patay-gutom na kumakain.Natawa si Rina. "Pero bilib ako sa'yo, ha. Ikaw lang ang nakakagawa niyan kay Sir Ark. Sa tagal ko rito, ngayon ko lang siyang nakitang tumatawa at nakikipag-asaran na
Lumapit siya sa akin, sa sobrang lapit, naamoy ko na naman ang nakakahalinang bango niya, pero sa pagkakataong ito, hindi ako na-distract, kaso 'yong tingin naman niya, parang nanunuot sa kaluluwa ko.Bakit ba ganito siya makatitig sa akin? Maganda ba ako? Pwede na."Gugutumin kita hanggang bukas. No food, no water. Just you and this gûn."Pinanliitan ko siya ng mata. "Napakasama mo talaga!" sigaw ko sa kanya. "Bakit ba kailangang ako pa ang gumawa nito?""Because your father's enemies are already looking for you, Trina," mariin niyang sabi. "The moment you stepped into this mansion, you became a target. Kung hindi ka matututong lumaban, hindi lang ikaw ang mamamat4y, kundi buong pamilya mo."Natahimik ako. Iyong galit ko, napalitan ng takot. Hindi lang pala ito basta trip ng isang mayamang suplado. Buhay ko na pala ang nakataya rito."Fine," sabi ko habang nanginginig ang kamay na kinuha ang bar1l mula sa box. "Turuan mo ako."Ngumisi si Ark, pero sa pagkakataong ito, hindi ito pang-
Sasab0g na yata ang ulo ko sa mga narinig ko mula sa kanya."You have no idea anyway," aniya at tumalikod na."Hoy! Ibaba mo muna ako rito! Nakikitaan ako ng panty, bwisit ka!" sigaw ko. Ang sakit na ng lalamunan ko kakasigaw. Pakiramdam ko ay masusuka ako. Ikaw ba naman ang ibitin nang pabaliktad!Nang mawala siya sa paningin ko, tinangka kong kalasin iyong tali. It was my reflex to halt my body then roll over. Ang ending, bumagsak ako sa lupa. Napaigik ako sa sakit nang mauna ang pwet ko sa matigas na damuhan.Hinabol ko si Ark para tanungin pa sana, ngunit laking gulat ko nang bigla siyang humugot ng bar1l at itutok 'yon sa akin.Napataas ang kamay ko, gulat na gulat. "B-Bakit? W-Wala akong kasalanan!"Naningkit ang mga mata niya. "Paano ka nakawala?"Pinilig ko ang ulo. "Reflexes?" Maingat kong tinabi ang nguso ng bar1l at doon ko napagtantong plastic lang 'yon. "P-Plastic gûn?!"Ngumisi siya sa akin. "Kapag hindi ka sumunod sa akin, totoong bar1l na ang itututok ko sa'yo. Now, cl
Sasagutin na sana ako ng mayordoma nang biglang bumalik ulit si Ark."Sir." Yumuko nang bahagya si Arabella.Tumingin ako kay Ark, pero pinanliitan lang niya ako ng mata sabay lipat ng tingin kay Arabella."Na-tour mo na ba ang babaeng 'yan sa mansyon, Arabella? Did you instruct her about her work with me? And her work as a housemaid?" Nakapamulsang lumapit ito sa amin.Tiningala ko siya. "May pangalan ako, Sir," parinig ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin na parang wala siyang narinig."I instructed Rina to tour her here," wika ng mayordoma. "Na-tour ka ba ni Rina? O wala pa?""Uh, inuna po namin 'yong Secret Room at nagsimula na doon magtrabaho," sagot ko sabay silip sa amo kong hindi man lang ako magawang tingnan.Problema kaya nito?"Then tour her, Arabella. Ayokong tatanga-tanga 'yan kapag may bisitang dumating tapos hindi alam ang pasikot-sikot sa bahay," si Ark.Kung maka-tanga naman 'to, parang ang tali-talino. Actually, kanina pa siya kakatawag sa akin ng kung
"Bakit na naman, Sir?" reklamo ko, pero hinatak na niya ako sa braso at kinaladkad palayo sa lugar.Halos mapangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Pakiramdam ko mababali ang mga buto ko, pero tiniis ko. Ayokong makita niya akong nasasaktan. Kaya kong magtiis kahit masakit na talaga!"Dahil sa ginawa mo, nadagdagan ang training mo. You're too reckless," mariin niyang sabi habang hila-hila ako, tila walang pakialam kung nasasaktan na niya ako.Habang naglakad kami, hindi ko mapigilang mapatingin sa likod niya. Kahit gaano siya kasungit at kasing-tigas ng bato, hindi ko itatanggi na may katiting siyang sense ng pagpapakatao—o baka naman sadyang ayaw lang niyang may nagagalaw sa mga pag-aari niya? Alinman doon, alam kong hindi magiging madali ang mga susunod kong araw sa ilalim ng gurang na 'to."Salamat," mahina kong sabi habang nakatingin sa sahig."Don't thank me yet, Trina," sagot niya nang hindi lumilingon. "The real torture begins tomorrow."Napalunok ako. Mukhang
"Hindi," sagot ko, halos taasan ko na ng kilay. As far as I can remember, hindi kami close ng lalaking 'to para akbayan niya ako. "Sir, baka nakakalimutan mong kasambahay ang role ko rito, hindi close friend?" paalala ko sa kanya sabay tabig sa kamay niya.Napatingin sa amin ang ilan. Kahit si Jun, iyong lalaking kumakausap sa amin kanina, hindi makapaniwala. Sino ba naman ang hindi magugulat? Isang hamak na maid, tinabig ang kamay ng isang Ark Aravazon? Pero wala akong pakialam. Hindi dahil sa gwapo siya at may abs ay may lisensya na siyang umakbay-akbay sa akin nang basta-basta."Trina!" nanlilisîk ang mga matang saway sa akin ni Rina, pero hindi ko siya pinansin.Akala ko magagalit sa akin si Ark. Sa halip, isang mapanuyang ngiti ang gumuhit sa labi niya bago niya inayos ang kanyang suot. "As I said, she has an attitude," wika niya kay Jun na parang baliwala lang ang ginawa ko. "Get to work, both of you. Don't make me regret hiring a brat."Napanganga ako, hindi makapaniwala. Did h







