Mag-log in"Bakit na naman, Sir?" reklamo ko, pero hinatak na niya ako sa braso at kinaladkad palayo sa lugar.
Halos mapangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Pakiramdam ko mababali ang mga buto ko, pero tiniis ko. Ayokong makita niya akong nasasaktan. Kaya kong magtiis kahit masakit na talaga! "Dahil sa ginawa mo, nadagdagan ang training mo. You're too reckless," mariin niyang sabi habang hila-hila ako, tila walang pakialam kung nasasaktan na niya ako. Habang naglakad kami, hindi ko mapigilang mapatingin sa likod niya. Kahit gaano siya kasungit at kasing-tigas ng bato, hindi ko itatanggi na may katiting siyang sense ng pagpapakatao—o baka naman sadyang ayaw lang niyang may nagagalaw sa mga pag-aari niya? Alinman doon, alam kong hindi magiging madali ang mga susunod kong araw sa ilalim ng gurang na 'to. "Salamat," mahina kong sabi habang nakatingin sa sahig. "Don't thank me yet, Trina," sagot niya nang hindi lumilingon. "The real torture begins tomorrow." Napalunok ako. Mukhang mapapasubo talaga ako nito. Nang nasa sala na kami, hinigit niya ako paharap sa kanya. "Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo 'yon?" sigaw niya. Akala ko pa naman ay nakalimutan na niya 'yon, hindi pa pala. Pinilig ko ang ulo. "Alin doon?" Nandilim ang mukha niya, tila hindi natuwa sa sinabi ko. "Tanga. Eh 'di sa ginawa mo kanina!" Napamaang ang bibig ko. "Hoy! Nakakarami ka na ah! Kanina brat, ngayon naman tanga! Eh ikaw?! Suplado na, gurang pa!" Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Napatakip ako ng bibig. "A-Anong sabi mo? G-Gurang? You mean matanda?! Sa tikas at ganda kong lalaki, tinawag mo akong gurang?!" Napapikit ako sa lakas ng boses niyang umalingawngaw sa buong sala. "Hoy babae! Baka nakakalimutan mong kasambahay ka lang dito!" paalala niya. Hilaw akong ngumiti at napa-peace sign. "Sabi ko nga po. Pero valid naman po kasi 'yong rason ko kung bakit ko ginawa 'yon sa lalaki. Bin4stos niya ako. Isa pa, hindi ako pumunta sa lungga nila, sila ang humarang sa akin! Kaya deserve niya 'yon. It's not me, Sir! Sila po!" Sabay hawi ko ng buhok. "Ang babaho naman ng hininga, akala mo kung sinong gwapo," bumubulong kong sabi. "I know, pero hindi ko kayang palampasin 'yong sinabi mo." Napalunok ako sa sinabi niya at napatungo. "Na ano, Sir? Na gurang ka?" "Trina!" Muli akong napapikit sa pagsigaw niya. "Kapag hindi ka pa tumigil kakatawag sa akin ng gurang, wala kang makukuhang sahod ngayong buwan! Dadagdagan ko ang training mo hanggang sa magmakaawa ka sa akin!" "Magmakaawa? Sorry, Sir, pero hindi ako nagmamakaawa. Sige lang, pahirapan niyo ako. Deserve ko naman!" hamon ko sa kanya. Ngumisi siya. "Talaga lang, ah?" "Talaga!" Tiningala ko siya, at sa sobrang tangkad niya, nangalay agad ang leeg ko. "Hindi ako susuko!" "Tch. Tingnan na lang natin." Hindi maganda ang kutob ko rito, baka mas malala 'yong sinasabi niyang training. Hindi pa nagsisimula, mukhang mahihirapan talaga ako. Bago pa man siya makaalis, hinawakan ko agad ang kamay niya. Tumingin siya sa akin habang nakataas ang kilay at sapilitang tinanggal ang kamay ko sa pulsuhan niya, na para bang may nakakahawa akong sakit. "What do you want? Are you going to beg now?" Hilaw akong ngumiti. "G-Gaano kalala ang t-training, S-Sir?" "Tanga!" bulyaw niya at nakapamulsang naglakad, iniwan akong nakatulala. "Sir Gurang!" tawag ko. Pero naduling ako nang biglang tumama ang sapatos niya sa noo ko. Sapol na sapol! "Hoy! Ang sakit no'n, ah!" "Isa pang gurang, ibibitin kitang nakahûbád!" sigaw niya pabalik. "Bast0s ka!" Nawala na siya sa paningin ko habang hinihilot ko ang aking sentido. Ang sakit. Feeling ko magkakabukol ito o 'di kaya ay sobrang mamumula. "Kamusta ang unang araw, Trina?" Napalingon ako sa nagsalita—ang mayordoma na si Arabella. "Nasa training phase ka pa lang," paalala niya. "Pero mukhang nag-e-enjoy ka na. Na-i-tour ka na ba ni Rina rito sa mansyon? O hanggang doon lang kayo sa Secret Room?" Secret Room. Pangalan pa lang, malalaman mong buwis-buhay. Walang kasiguraduhan kung makakalabas ka nang buhay kapag na-involve ka sa mga tao roon. Pero sa rules pa lang ni Ark, parang nakakatakot nang lumabag. Doon pa lang, parang mangingisay ka na sa takot. Lumapit ako sa kanya. "Ganun lang po ba 'yong training? O may iba pa?" Ngumiti ito, iyong ngiting may laman at nakakatakot. Dapat pala hindi na lang ako nagtanong at hinayaan na lang na ma-discover ko. "Magkaiba ang training mo sa pagiging kasambahay at kapag kasama mo si Sir Ark sa mga okasyon," aniya. "Bakit hindi na lang po si Rina?" takang tanong ko. "She's not qualified." "At ako?" Napaturo ako sa sarili. "Qualified? How? Hindi naman ako nag-apply o nagpasa ng resume sa inyo." "May natapos ka, Trina. Maganda ang katawan, maganda ang mukha—lahat 'yon, pasok sa standard ni Ark bilang partner niya." "Partner?" Napatulala ako sandali. "Yes, Trina. Ark's partner. Kailangan lang ng training... sa kilos at pananalita mo," wika niya. "Dahil wala akong preno manalita? Iyon ba?" Napataas ang kilay ko. Hindi siya sumagot. Ibig sabihin, iyon nga. But I can work on that naman. Sa kilos lang siguro ako mahihirapan. Hindi ako demure na tao, para akong siga. "Mahirap ba talaga?" tanong ko. "Mahirap dahil bago ka pa lang," tugon niya. "Especially sa defense." D-Defense? Anong ibig niyang sabihin doon?Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa kay Ark nang makatanggap ako ng tawag mula kay Rina na sunduin ko raw ito sa airport dahil nasa Pilipinas na siya.Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Tanjiru, basta ang alam ko naglayas siya sa mansyon ng mga Aravazon at ngayon, doctor na siya. Ngayon lang din niya ako kinontak pagkatapos ng ilang taon, walang update sa isa't-isa o anuman, as in ngayon lang. Maraming baon 'to na chika kaya sorry na lang si Ark dahil mukhang hindi muna matutuloy ang loving-loving na gusto niya. Siya muna ang magbabantay sa mga bata since ako ang susundo kay Rina."Oh ba't nakasimangot ka dyan? Hindi ka ba masaya na magkakasama na kami ni Rina?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya at naglahad ng kamay. Hilaw akong ngumiti sa kanya dahil hihiram lang naman ako ng kotse. Marunong naman ako magdrive at may kotse rin, kaso sa taas ng gasolina ngayon, mas gusto ko na lang magcommute para tipid. "Hiram ako ng susi ng sasakyan mo? Sigurado kasing mar
Hindi na ako nakaprotesta nang itulak-tulak ako nang mga anak ko sa Papa nila sa kusina. Ang ending dalawa na kami ni Ark ang nag-aasikaso, siya taga hiwá ng mga rekado, ako naman sa mga karne saka isda. Gusto nga niya na magpalit kami, pero ayoko. Mas gusto ko ang ginagawa ko. Nakakaiyak ang sibuyas, bahala siya umiyak.Hindi ko mapigilan tumawa nang mapansin kong sumisinghot na siya at naluluha."Fvck, saktan mo na lang ako asawa ko para naman worth itong paghihiwá ko ng sibuyas," aniya dahilan para lumakas ang tawa ko. "Mas gusto ko pang iyakan ka kesa dito.""Nagvolunteer ka dyan eh. Hindi ko na kasalanan kung umiyak ka," sabi ko, natatawa pa rin."Kiss mo na lang kaya ako?" hirit pa niya. "Para tears of joy—" Humagalpak siya ng tawa nang hampasin ko siya sa braso. "Iyan gusto ko sa'yo eh, napipikon na may kasamang lambing ng hampas.""Leche ka. Tumigil ka nga dyan. Pag iyan nahiwá mo daliri mo—Ark!" Napasigaw ako nang dumulas ang kutsily0 sa daliri niya, kunti lang 'yong nahiwa,
Nang mabili namin ang lahat, naglakad na kami pabalik sa sasakyan. Agad na inilagay ni Ark ang mga pinamili sa compartment bago mabilis na umikot para pagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. Sa pagkakataong ito, hindi na ako nagreklamo o lumipat sa likod. Pumasok na ako agad dahil pagod na rin ang mga binti ko sa paglalakad.Pagkaupo niya sa driver's seat, binalot muli kami ng aircon ng sasakyan. Agad niyang iniabot sa akin ang isang malamig na bottled water na nakalagay sa cup holder."Inom ka muna. You walked a lot," aniya.Ininom ko 'yon nang mabilis dahil nauuhaw na rin ako. Habang nagmamaneho siya pabalik sa apartment, hindi ko na napigilang itanong ang isang bagay na kanina pa tumatakbo sa isip ko."Ark... paano 'yong kumpanya? I mean, binili mo 'yon, 'di ba? Tapos ngayon, nag-file ka pa ng leave para sa akin. Paano ang trabaho mo bilang bagong CEO?"Sumulyap siya sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan. "I have a board of directors and a highly competent management team, Tri
Napapailing na lang ako habang nakasunod sa kanya sa paglalakad. No'ng makita niyang maraming lalaki sa mga nakaparadang lamesa, bigla siyang lumapit sa akin, sa sobrang lapit, napa-reklamo na ako."Bakit?" Tiningala ko siya, siya naman nagbaba ng tingin sa akin. Siya na talaga ang matangkad. Nakakangawit minsan tumingala sa lalaking 'to. "Bakit ang lapit mo? Hindi naman mangangain ang mga 'yan?"Napataas ang kilay niya sa sinabi ko. "Mga 'yan? So alam mo?"Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Alam ko na ano? You're being paranoid, Ark. Nagbebenta lang ang mga 'yan to survive, maghanapbuhay, hindi didiskarte ng mga babae.""So... may dumiskarte na sa'yo dito?"Napanganga ako. Bakit parang ako ang nababaliktad dito? Binabato niya ako pabalik ng tanong."Alam mo, ewan ko sa'yo, bumili na tayo ng isda nang makauwi na," napapailing kong sabi at inunahan na siyang maglakad, ngunit bago pa man ako makalayo, inakbayan na niya ako saka taas-noo'ng tumingin sa madla, na para bang gusto niyang ipags
Natahimik si Ark sa sinabi ko. Ramdam ko ang pagbigat ng tension, at sa gilid ng mata ko, nakita kong humigpit ang hawak niya sa kambyo.Nasaktan ba siya sa sinabi ko?"I will, Trina. I will prove it to you every single day," puno ng kumpyansa ngunit may pakiusap na sagot niya. "Kahit gaano katagal, maghihintay ako."Hindi na ako sumagot. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana at pinanood ang mga naglalakihang billboard at mga sasakyang nadadaanan namin sa C5. Gusto ko pa sana siyang kausapin, pero maigi nang manahimik at baka mas lalo ko siyang masaktan.Nang makarating kami sa palengke, agad na humanap si Ark ng mapaparking-an. Sabado ng umaga kaya asahan mong dagsa ang mga tao, maraming nakikisiksik, maiingay na sigaw ng mga tindero at tindera lalo na sa isdaan, at medyo maputik ang sahig dahil umulan kagabi.Iba 'to sana nakasanayan naming palengke, ito iyong mas malapit sa apartment kesa doon sa mansyon.Pagkababa ko ng sasakyan, agad na sumunod si Ark sa tabi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko sa'yo. Aalis na ba tayo? Discharged na ba?""Yes, Mommy!" sabay na sagot ni Nicole at Nathan. "Pero nagpa-order po si Papa ng breakfast natin kaya po we'll eat po muna," ani Nicole. "Nath, sa sala na tayo."Napasapo na lang ako ng noo nang tumakbo ang dalawa papuntang sala. Ang energetic ni Nathan na para bang hindi galing sa sakit mula kahapon.Kapag talaga kasama niya ang ate niya, ang kulit. Pero titigil 'yan sila kapag sinaway, pero hinayaan ko na lang. Mukhang okay naman na ang pakiramdam niya.Nagbreakfast kami pagdating no'ng in-order ni Ark, pagkatapos nag-asikaso na rin ako sa mga bata. Si Ark na 'yong naghandle sa mga papers para sa discharge.No'ng makauwi na kami sa apartment, kinausap ni Ark ang pinagkakatiwalaan niyang secretary pati nurse na bantayan ang mga anak namin dahil mamamalengke kami. Wala pa naman si Nanay Cora dahil umuwi muna sa kanila. Kanina ko lang nalaman no'ng tumawag siya sa akin. Kinamusta rin ang mga bata. Babalik
Hindi ko maiwasang matawa sa sarili kong tanong. Nagbaba ako ng tingin at kumuha muli ng isang stick ng isaw.Imposible naman kasi na interesado siya sa akin. Hindi na dapat ako nagtanong pa. Pero nakakatawa isipin na—"Paano kung sabihin ko sa'yong interesado ako sa'yo? Anong gagawin mo?"Natigila
Sinubukan niya akong halikan, pero nag-iwas ako ng mukha. “Magpapahinga na po ako,” sabi ko at lumayo. “Pagod po ako ngayong araw, Sir,” diniinan ko ang huling salita, para kahit papaano ay matauhan siya at magsink sa kanya na kasambahay lang niya ako at amo ko siya.Binitawan niya ako. “Yeah, you
Gabi na nang tuluyan kaming makabalik sa mansyon. Sobrang pagod ng katawan ko dahil sa dami ng ginawa sa CIRCUIT, bukod pa sa emosyonal stress na idinudulot ng aking amo. Pagkapasok na pagkapasok ko sa aming kwarto ni Rina, balak ko na sanang humiga at matulog nang biglang kumatok si Aling Arabella
Unang naisip kong mananalo ay si Ark, pero dahil malaki ang galit ko sa kanya, “si Lee,” ang isinagot ko.Mukhang narinig ni Ark ang sagot ko at tumingin ito sa gawi namin, natigil sandali sa pagtira. Mula sa pwesto namin, kitang-kita ko ang paghigpit ng paghahawak niya sa cue stick. Naglabasan ang







