Share

three

Chapter: Three

PANAY ANG hikab ko, wala namang masyadong customer kaya nagagawa kong pagbigyan ang hiling ng katawan ko. Iyon ay ang maghikab nang maghikab, na may kasama pang pagpikit ng mga mata. Hindi naman ako natutulog, mas matagal nga lang sa usual na pagpikit ang mga mata ko.

“Hoy! Mahuli ka ni Boss,” siniko ako ni Annabel, katrabaho ko.

Namasukan ako sa isang fast food restaurant, maging ang waitress sa isang mamahaling restaurant, at tuwing gabi ang pasok ko. Bukod sa trabaho kong fast food crew, student assistant din ako ng isang prof sa mga vacant time ko habang nasa campus, tapos suma-sideline ako sa palengke na nagtitinda ng isda kapag wala akong pasok.

“’To naman, hindi naman ako natutulog.” Bulong ko sa kasama ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga, “punta ka na lang muna ng banyo. Ako na munang bahala dito.”

Nginitian ko siya, isang oras pa mahigit bago ako pwedeng mag-out. At alas-dos na nang madaling ako makakauwi nito. Nine kasi ng gabi ang shift ko sa trabaho, kaya ala-una na nang madaling araw ang out ko. tapos halos isang oras ang biyahe ko pauwi sa boarding house ko. Hindi naman sa malayo, iyong traffic at sa hirap na makasakay ang rason bakit ako natatagalan na umuwi.

“Salamat,” bulong ko na lang din kay Annabel.

Mabilis akong nagpunta sa may staff room deretso sa may banyo na ginagamit naming mga crew member dito. Naghilamos lang ako, kailangan ko lang magtanggal ng antok. Hindi rin naman kasi pwede magtagal na wala ako sa harapan ng cashier.

Nagmadali rin akong makabalik sa pwesto ko nang matapos akong maghilamos. May customer na kausap si Annabel, pero laking gulat ko na lang ng malapitan sila at makilala kung sino ang customer. Si Calvin lang naman.

“Coffee lang po sir?” narinig kong tanong ni Annabel dito.

Napalingon si Calvin sa gawi ko nang tumayo na ako sa may pwesto ko. nagkatinginan kami kaya kitang-kita ko ang pagngiti niya sa akin.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayong gabi, akala ko pa naman nakauwi na ang lalaking ito. Saka sa may campus lang naman ako umaasang makikita ko ang damulag, at hindi sa work place ko.

“Yes, hinihintay ko lang ang girlfriend ko.” anito na palawak nang palawak ang pagkakangiti.

Hindi niya rin inaalis ang pagkakatitig sa akin habang nagsasalita siya. Kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. Naputol ang titigan blues namin ni Calvin nang tumikhim si Annabel sa tabi ko.

“That would be sixty-five pesos, sir.” Narinig kong sinabi ni Annabel.

Nagbayad naman si Calvin, nang makita kong nai-punch in na ni Annabel ang order ni Calvin nagkusa na ako.

“Ako na gagawa ng coffee,” bulong ko kay Annabel na agad niyang tinanguan.

            Nagkatinginan pa kami ni Calvin bago ako tumalikod para gawin ang order niya. Binat na binat ang mukha ng damulag nang dahil sa pagkakangiti niya.

Habang ginagawa ko ang order ni Calvin naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Annabel. Maging ang pagdunggol niya sa may balakang ko.

“Sus, gising na gising na ang diwa ng isa d’yan.” anito na nakangisi.

Sinamaan ko siya ng tingin saka ko siya inirapan. Hindi ko kailangan na magpaliwanag sa kaniya. Kasi wala naman talaga akong ipapaliwanag, kasi hindi ko nga alam na pupunta ang damulag na ‘yon sa trabaho ko.

Ako na ang nagdala ng kape ni Damulag para i-serve ito sa kaniya. Naghihintay pa naman ito sa may counter, wala namang nakapila dahil siya lang ang costumer.

“Hindi ka na makakatulog nito,” sabi ko sa kaniya nang maiabot ko na ang kape niya.

He winked at me, “ayos lang may shift pa ako mamayang four.”

Ngayon ko lang napansin na mukha nga siyang naka-uniform ng isang restaurant o kung ano pa man, basta naka-uniform nga siya. Hindi naman ito ang uniform niya sa University. May dala rin siyang transparent na bag, na kadalasang gamit ng mga katulad kong crew.

Inirapan ko siya, “thank you sir, enjoy your meal.” Aniko saka pekeng ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.

Napailing na lang ako nang panay ang kindat ng damulag. Baka mahipan siya ng masamang hangin, at maging kirat na ang mata niya. Siya lang ang yummy na kirat sa mundo kung nagkataon.

“Ikaw, hindi ka nagsasabi na may boyfriend ka pala.” Bulong na naman sa akin ni Annabel.

Nilingon ko ang manager namin kung saan ko siya nakita kaninang nakatayo. Wala na rin ito, baka nagtago na ‘yon at natulog na. Kita ko rin kasing papikit-pikit na ‘yon kanina.

Lumingon pa muna ako sa buong paligid namin para makita kung wala talaga ang manager namin. Mahirap na baka mabuking pa kami ni Annabel na nagdadaldalan sa counter. Iyong ibang service crew may kanya-kanya nang pwesto, malayo sa amin dalawa.

“Hindi ko naman boyfriend ‘yan,” bulong ko rin.

“Sabihin mo nga ‘yan doon sa hot na lalaking titig na titig sa ‘yo habang humihigop ng mainit na kape. Na gawa lang naman ng bebe niya, na sa tingin ko ikaw ang nasa isip niyang hinihigop ng mga oras na ‘to.” Bulong na naman ni Annabel na parang nangingisay na sa tabi ko.

Napatingin ako kay Calvin, tama si Annabel nakatitig sa akin si Calvin habang humihigop ng kape. Bigla akong nag-init nang dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

“Magtigil ka,” saway ko na lang kay Annabel.

Parang gusto ko na tuloy hatakin ang oras para makalabas na ako sa lugar na ‘to. Hindi ako titigilan ni Annabel hangga’t hindi ako napapaamin.

Wala naman akong aaminin, kasi hindi ko naman boyfriend si Calvin. Ano siya hilo, hinalikan lang niya ako tapos girlfriend na agad. hindi man lang ako niligawan ng gago. Lakas makagago nang isang ito, nakahalik lang claiming na agad na girlfriend ako.

Naalala ko na naman ang halik na ‘yon, kung bakit naman kasi pumayag ako sa halik na ‘yon.

Hello, binigla ka nga ‘di ba. Ang mali mo lang, nakipaglaplapan ka rin. Tinugon mo ang masarap niyang halik.

Lihim akong napairap nang dahil sa inner self kong kumakastigo sa akin. Oo na, I response to his kisses, nakipag-torrid kissing na ako sa damulag na ‘to. Hindi naman ako santo para hindi madala sa galing niyang humalik. Pakiramdam ko tuloy namamakat ang labi niya sa labi ko, ramdam ko na parang hinahalikan niya ako ngayon.

Tapos magkatitigan pa kaming dalawa ngayon.

Nakahinga na lang ako nang maluwag nang may mga grupo ng kabataan ang pumasok sa restaurant. Natuon naman sa mga customer ang atensyon namin ni Annabel, ang gulo nila. Na okay lang sa akin, para naman ma-distract ang isip ko at makalimutan ko ulit ang halik na ‘yon na pinagsaluhan namin ni Calvin.

Iyong mga kabataan na ang huling costumer na na-assist ko. Sakto na kasi sa oras na out ko na nang matapos kong i-serve ang pagkain nila. Nawala na sa isip ko si Calvin, naalala ko lang siya nang mag-out na ako at makita siyang nakadukdok sa may lamesa kung saan siya nakaupo kanina.

“Walang epekto ang kape sa ‘yo, Damulag.” Bulong ko habang papalapit ako sa kaniya.

Pinakatitigan ko na muna siya, tulog talaga siya at walang pakialam sa paligid niya kahit ang gulo-gulo ng mga kabataan na kumakain.

“Gisingin mo na ang prince charming mo, bigyan mo na nang wake-up kiss.” Buyo pa sa akin ni Annabel.

Sabay kaming mag-out kaya nasa tabi ko na siya ngayon. Ang laki ng pagkakangisi niya sa akin habang taas-baba ang mga kilay niya. napailing na lang ako saka muling binalingan si Calvin.

Marahan ko lang namang niyugyog ang balikat niya para magising siya. Hindi ko siya pwedeng iwanan dito, baka ma-rape pa ang damulag na ‘to kasalanan ko pa.

“Out mo na, babe?” tanong niya nang magising siya.

Disoriented pa siya at mukhang antok na antok na rin. Halatang antok na antok na siya at halos hindi niya pa maimulat ang mga mata niya.

“Babe mo mukha mo,” sabi ko sa kaniya at inawanan na ito.

Ramdam kong sumunod siya sa akin, maging iyong si Annabel nakasunod sa amin. Obviously, nag-uusap silang dalawa sa likuran ko at naiirita ako sa pagtawa ni Annabel.

“Beke nemen,” narinig ko pang sabi ni Annabel na siyang dahilan bakit ako napalingon sa dalawa.

Ganoon na lang ang pagtaas ng isang kilay ko nang makita kong nagpapa-cute ang gaga. Tapos itong si Damulag ko naman—este Damulag lang walang ko— ngiting-ngiti ang h*******k.

“Uuwi ka na o makikipaglandian ka pa dyan?” sita ko naman sa damulag na ito.

Nawala yata lahat ng antok nito sa katawan, nakangisi ang loko habang nakatitig sa akin. Iyong ngisi na parang amuse na amuse siya sa itsura ko.

Tinalukuran ko na lang siya, at hindi na lang pinansin ang tawanan ng dalawa. Kahit na deep inside, inis na inis ako sa kanilang dalawa.

Pagbuhulin ko pa kayong dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status