Share

two

Chapter: Two

“HEY! Janice, wait up!”

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko, buti na lang talaga hindi ako maliit. Kahit papaano malalaki ang biyas ko, kayang-kaya kong lakihan ang hakbang ko. Pero na mabilis na ako kung maglakad, kayang-kaya niya akong habulin. Mas malaki siyang hindi hamak sa akin kaya easy lang sa kaniyang maabutan ako.

“Janice!” hiyaw na naman ng damulag.

Napapairap na lang ako, ang kulit naman kasi ng damulag na ‘to. Kung bakit ba naman para siyang human glue, dikit siya nang dikit sa akin. Simula nang araw na una ko siyang nakilala panay ang buntot niya sa akin.

Kahit naman aminin ko na crush ko o type ko ang Damulag na ito. Hindi ko rin naman maiwasan na mainis sa kaniya. Dahil iyon sa pagkakapahiya ko noon nang dahil sa damulag na ito. Though kasalanan ko naman kasi iyon, ako lang itong asumera na pelingera pa. But that’s our nature, ang isisi sa iba ang pagkakamali na’tin at iyon ang ginagawa ko sa Damulag na ito.

Buti na lang talaga at isang subject ko lang siyang kaklase. Hindi ko na alam kung nagkataon pang nursing student din siya.

“May klase ako, Calvin.” Naiinis na sita ko sa kaniya nang nasa may harapan ko na siya.

Iniharang na niya ang katawan niyang masarap, este malaking balikat at bicep na masarap— mariing napapikit na lang ako. Kung ano na naman ang naiisip ko nang dahil sa lalaking ito. Isa naman kasi siyang malaking masarap na tukso.

“Alam ko, kaklase nga kita hindi ba?” anito na may nakakalokong ngisi sa labi niya.

Sarap mong kagatin sa lips.

Inirapan ko na lang siya, para na rin makaiwas ako sa iba pang temtasyon na dala ng damulag na ito. Kilala ko ang sarili ko, at alam ko kung kailan ako malapit nang bumigay. At ito na ‘yon, nasa bingit na ako ng karupukan.

Pilit ko na lang siyang nilagpasan, pero ang kulit pa rin ng lalaking ito. Nakasunod nang nakasunod sa akin, magkapantay na nga kami kung maglakad.

“Ang sungit mo naman, may regla ka ba?” sabi nito.

Sinamaan ko siya nang tingin, “tumahimik ka na lang kung wala ka rin lang sasabihin na maganda.”

Tumawa siya, iyan na naman ang makalaglag na panty na ngiti ay tawa pala. Improving ang environment, sa tuwing tatawa siya parang nag-slow motion ang paligid ko. Slow motion ang mga tao na parang biglang nanahimik pa nga sa akin pandinig at iyong tawa na lang ni Calvin ang naririnig ko.

“Bagay sa ‘yo ang maging teacher, hindi nurse.” Sabi pa nito sa pagitan ng pagtawa niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy na sa classroom. Matutuyuan ako ng dugo ng dahil sa lalaking ito. Bakit naman kasi naging classmate ko pa siya. tapos feeling close pa ang damulag, sa akin lang naman siya ganito. Kasi parehas kaming outsider, parehas na hindi namin mg aka-block mates ang mga kasama namin. Kung hindi ako nagkakamali mga IT ang mga kaklase namin.

Buti na lang at dumating na rin agad ang prof namin kaya hindi na ako nabulabog ng damulag na pinanindigan na ang pagtabi sa akin. Hindi na kami nagpansinan na dalawa habang nasa klase kami. Iyon naman ang maganda sa damulag na ito, seryoso sa pag-aaral niya. Tulad ko, mukhang grade oriented din ang loko.

“May gagawin ka ba mamaya?” tanong ni Calvin.

Nasa labas na kami ng classroom namin, akala ko naman hindi na niya ako bubulabugin. Pero akala ko lang ‘yon, umasa pa ako. Samantalang alam ko naman mula nang makilala ko siya palagi na niya akong kinukulit. Susundan at susundan niya ako kahit na saan ako magpunta. Except to those time na nasa loob kami ng klase namin na hindi kami magkaklase.

Naiinis na huminto na ako sa paglalakad, tinignan ko siya na parang pagod na pagod na ako.

“Busy ako, unlike you kailangan kong kumayod para sa pag-aaral ko. Kaya busy ako,” sabi ko sa kaniya.

Tinignan niya ako, iyong titig na titig siya sa akin habang nagsasalita ako. At hindi nakalampas sa akin ang pagkunot ng noo niya nang matapos akong magsalita. Ang seryoso niya rin kung titigan niya ako.

“Why? Akala mo ba mayaman ako? patay na ang Papa ko, kaya OFW naman ang Mama ko para mapag-aral niya ako. Working student lang din ako,” anito na nakakunot ang noo.

Ako naman ngayon ang napakunot ang noo, tinignan ko na naman siya mula ulo hanggang paa.

“I know… I know, mukha akong mayaman sa way ng pananamit ko. But like I said, hindi rin ako mayaman.” Anito nang makita kung paano ko siya tinignan.

Hindi pa ako nakakapagsalita nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin sa kung saan. Para akong nakaramdam ng bolta-boltahing kuryente mula sa simpleng pagdidikit ng mga balat namin. napatingin ako sa kaniya, parang wala lang sa kaniya, ako lang yata ang nakuryente.

Mabuti na lang wala na akong klase, at alam niya iyon. Sa loob ba naman ng halos tatlong linggo naming pumapasok, kabisado niya ang mga klase ko. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa, basta tuwing matatapos ang klase ko nasa labas na siya hinihintay ako.

“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ko sa kaniya nang makalagpas na kami sa mga building ng mga college.

Hindi ko pa naman masyadong kabisado ang lugar, kasi hindi naman ako naglilibot sa loob ng campus. Madalas na classroom, boarding house, trabaho lang ako.

Wala kasi akong time sa mga leisure o pagsasayang ng oras sa mga walang pakinabang na Gawain. Kung hindi ako matututo o hindi ako kikita, hindi ko na pupuntahan ang lugar na ‘yon.

Humantong kami sa isang park, walang kahit na isang tao ang nandito. Pero marami pa rin namang mga estudyanteng dumadaan. Kitang-kita naman kami, hindi kami pwedeng gumawa ng himala sa lugar na ito.

Napailing ako, kung anomang himala ang naiisip ko ngayon, kailangan ko ‘yong kalimutan.

“Bukod sa oras na pwede ka nang matulog, kailan ang huling beses na nagpahinga ka?” ani Calvin nang makaupo na kami sa may bench.

Actually para siyang gazebo, ang cute nga ng lugar kung nasaan kami. Masasabi kong, relaxing ang lugar na ito.

Huminga ako nang malalim, napaisip din ako kung kailan ba ang huling beses na nagpahinga ako. Parang the day after my graduation? Hindi ko alam kung kailan ba talaga, hindi ko na maalala. Kaya nagkibit balikat na lang ako sa kaniya bilang sagot.

I heard him tsk and he shake his head, umayos siya ng pagkakaupo. Dumulo siya sa may bench kung saan kami nakaupo.

“Kahit na kailangan mong magtrabaho para kumita, kailangan mo rin ng pahinga.” Anito.

Napataas ang mga kilay ko nang makita ang gesture na ginawa niya. He’s tapping his lap, parang sinasabi niya sa akin na mahiga ako at gawin ko siyang unan.

“Rest, Janice, wala man ‘yang bayad but at least give yourself a reward by resting.” Anito na sobrang seryoso.

Ang bilis na naman ng pintig ng puso ko nang dahil sa lalaking ito. Ano ba naman kasi ang habol niya sa isang katulad ko.

“Lakas mong magpakilig ah!” naibulalas ko na lang bigla.

Gustuhin ko mang takpan ang bibig ko para pigilan na sabihin ang mga katagang ‘yon, huli na. nasabi ko na at ngayon ang damulag may nakakalokong ngisi sa labi niya. He was looking at me with those teasing looks that he had and he looked like an idiot.

Parang gusto ko nang maniwala sa kasabihan na sa bibig nahuhuli ang isda. At ako ngayon ang isda, kulang na lang sabihin kong nahuhumaling na ako sa damulag na ito.

“Hindi lang naman kilig kaya kong ibigay sa’yo.”

Nagkatitigan kami ni Calvin nang matapos niyang sabihin iyon. Unti-unting naglalapit ang mga mukha namin, hindi ko alam kung sino ang kumikilos, kung ako ba o siya. Hindi ko alam bakit, at paano, basta nagulat na lang akong nakapikit na pala ako. Kaso iyong hinihintay kong lalapat sana sa labi ko, tulad ng mga nabasa ko noon sa mga pocketbooks—hindi nangyari.

Bagkus isang malakas na tawa ang narinig ko kaya ako napamulat ng aking mga mata.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki, inirap-irapan ko siya. Akmang tatayo na sana ako para iwanan ang damulag na ito nang hapitin niya ako palapit sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang walang sabi-sabi naglapat ang mga labi naming dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status