Share

Chapter 16

GUSTONG bawiin ni Zoe lahat ng sinabi niya kanina kay Dylan, pero napakasama niya namang tao kung gagawin niya 'yon. Sa pangalawang beses ay nasaktan na naman siya dahil sa pag-ibig niya. Siya na naman ang naiwan at kailangan niya na namang buoin ang sarili na wala ang binata sa tabi nito.

"Mommy, are you okay?" Tinignan ni Zoe ang kaniyang anak na lumapit habang may hawak na bola. Umupo naman ang dalaga para mapantayan si Dykeil at niyakap ito nang mahigpit.

Hindi nagsalita si Zoe, pero ramdam ang panginginig ng kaniyang katawan habang yakap ang kaniyang anak. Ang kaninang luha na kanina niya pa pinipigilan ay bigla na lang bumagsak. Binitawan ni Dykeil ang hawak nitong bola at tumugon sa yakap ng kaniyang nanay.

"M-Mommy." Narinig ni Zoe ang pag-break ng boses ni Dykeil nang tawagin siya nito. Kasunod ng pagtawag ay ang pagsabay din ng iyak ng bata.

Humiwalay naman sa yakap si Zoe at pinunasan ang luha sa magkabilang pisngi ng kaniyang anak. Hindi mapigilan ni Zoe na mapangiti lalo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status