로그인
Jasmine Pov
“My sister was my husband's mistress!” umiiyak na bulalas ko, nakatayo sa labas ng unit kung saan pumasok ang aking kapatid at asawa. Oo. Asawa at kapatid ko. They betráyed me. Ang kinilala kong kapatid, kadugo, at bunso. Si Yasmine. Siya ang kabit ng asawa ko. Kitang-kita ko sila. Rinig na rinig ko ang usapan at tawanan nila. Ang malambing na tinig ng asawa ko habang hinahalikan ang kapatid ko. Mula sa maliit na siwang ng p***o, kitang-kita ko sila. They forgot to close the door properly. At sinadya siguro ng tadhanang malaman ko ang lahat. “Akala ko hindi mo ako sasamahan ngayon, babe.” Malambing ang tinig na sabi ni Yasmine sa asawa ko. “Bakit naman hindi? It's our first anniversary today. Of course, I’ll be with you.” Rogelio, my husband said sweetly. My tears escape non-stop. My fist clenched. My heart aches because of what I heard. First anniversary? Hindi ba’t kami ng asawa ko ang mag celebrate ng anniversary? Dahil ngayong araw ang wedding anniversary namin ng asawa ko. Nanlamig ako nang may mapagtanto ako. Nanginginig ang labi ko habang tahimik na umiiyak at nakatingin sa dalawang tao nasa loob. One year. Isang taon na akong niloloko ng asawa ko. Worst, kapatid ko pa ang naging kabit niya. “Alam ko. Pero ngayong araw din ang wedding anniversary ninyo ni Jasmine, hindi ba? Akala ko siya ang sasamahan mo. Alam mo na…siya ang asawa mo.” Tila nagtatampong saad ni Yasmine, nakaupo sa kandungan ng asawa ko. Nakita kong natigilan ang asawa ko. Tila ba ngayon lang naalala ang tungkol sa wedding anniversary namin. “Huwag mo na isipin yun. Hindi ko nga maalala na ngayong araw pala yun. Besides, I’m with you right now. Huwag ka na magtampo. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, Yasmine.” Napaatras ako sa narinig ko mula sa asawa ko. Si Yasmine…a-ang kapatid ko ang mahal niya? Ang mahal ng asawa ko? Nanlumo ako. Nanginginig ang mga tuhod ko habang nanatiling nakatayo sa labas ng p***o. Ang mga luha ko ay nag-uunahan na naman sa pagpatak. Pakiramdam ko ay sinaksak ng libo-libong patalim ang puso ko. “A-ang kapatid ko ang mahal niya at h-hindi ako?” Nanghihinang napatras ako ng wala sa oras. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang numero ng asawa ko. Nakita kong sasagutin na sana ni Rogelio ang tawag ko nang biglang magkunwaring nahihilo ang kapatid ko. “Babe, nahihilo ako.” Umaarteng anas ni Yasmine, hawak ang ulo nito. Bumagsak ang balikat ko nang makitang nag-aalalang inalalayan ng asawa ko si Yasmine paupo sa kama. So that was it? Isang arte lang ng kapatid, nagkukumahog na siya rito? Naiisantabi na ako? Nanghihinang napaatras ako. Naninikip ang dibdib ko. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. “B-bakit? Bakit ninyo nagawa sa akin ‘to?” Nanginginig na bulong ko at muntik na akong bumagsak sa sahig nang may matipunong braso ang pulupot sa beywang ko. “Hey! Are you okay?” Isang baritonong tinig ang pumukaw sa akin. Agad din naman itong lumayo sa akin nang makatayo ako ng maayos. Nakayuko ako kung kaya’t ‘di ko makita ang mukha ng lalaki. Tanging ang makintab na sapatos at itim na slacks ang nakita ko. Umiling ako, umiiyak. “Niloko ako ng asawa ko.” Basag ang tinig na sumbong ko. “H-hindi ako m-mahal ng asawa ko.” Nanginginig na bulong ko habang umiiyak. Muntik pa akong matumba sa sahig nang saluhin ako ng lalaking nasa harapan ko. Ramdam kong natigilan ang lalaki. Nakita ko pa ang pagkuyom ng palad niya. Pero hindi siya nagsalita, bagkus ay inalalayan niya ako sa likod. Sobrang sakit. “Paano nila nagawa sa akin ‘to? Bakit? Bakit ako nilóko ng asawa ko?” nasasaktang tanong ko. Niyakap ako ng lalaki at marahang hinagod ang likod ko. Hinayaan niya akong umiyak at ilabas ang saloobin ko. Hindi ko lubos maisip na niloko ako ng asawa ko. Na nagawa niya akong saktan ng ganito. Hindi naman kasi ganun ang nakikita ko sa kaniya araw-araw. Hindi ko nararamdaman na niloloko na pala niya ako. Worst, ang kapatid ko pa talaga ang naging kabit niya. Kaya pala…kaya pala noon pa man ay napapansin kong malapit sila sa isa’t isa. Akala ko noon ay simple lang ang closeness nila. Akala ko dahil kapatid ko si Yasmine kaya niya tinrato ng mabuti ang kapatid ko. Ngayon naiintindihan ko na. Iyong mga shopping treats niya sa kapatid ko. Iyong yayain niya si Yasmine kapag kumakain kami sa labas o manood ng sine. Na dapat ay date naming dalawa. Iyong mas yayain niya si Yasmine na samahan siya sa business trip sa ibang bansa kaysa sa akin. Akala ko noon ayaw niya lang akong mapagod kaya hindi niya ako sinasama sa business trip o kaya hayaang magtrabaho. Higit sa lahat, sa isang taon na mag-asawa kami, wala man lang nangyari sa amin. I am still a vírgin. Dahil kapatid ko pala ang gusto niyang ikama. Ang sakit. Sobrang sakit. “Bakit ang kapatid ko pa?” umiiyak na bulong ko. “All this time…I was just a fóol. Para lang akong tánga na hinihintay ang asawa ko sa bahay. Na akala ko ako ang mahal niya…” halos na ng boses ang lumabas sa bibig ko sa kakaiyak. “Ako lang pala ang inuuwian niya pero hindi ang…hindi ang mahal niya.” Patuloy ko, nasasaktan at walang tigil sa pag-agos ang taksil kong mga luha. Hanggang sa wala na akong luhang maiyak at tumahan na rin ako. Ni hindi ko man lang namalayan na wala na ako sa kinatatayuan ko kanina. Nasa loob na ako ng isang mamahaling sasakyan. “Okay ka na ba? Gusto mo bang lumayo rito?” tanong ng kung sino. “Sabihin mo lang at ilalayo kita rito.” Napalingon ako sa katabi ko. Isang guwapo at matipunong lalaki ang nakatingin sa akin. Nakangiti siya, iyong ngiti na nagsasabing ‘ayos lang, nandito ako.’ Hindi ko alam kung bakit pero tumango ako. “Puwede mo ba akong ilayo rito? Dalhin mo ako kahit saan basta makalayo lang ako sa lugar na ‘to.”Jasmine's Pov“Wala na bang naiwan?” Tiningnan ko ang buong paligid at umiling kay Aston habang nagtutulungan silang dalawa ni Larry na buhatin ang mga gamit pabalik sa sasakyan. Tanghali pa lang pero tapos na kaming magligpit. Babalik na ulit kami sa Maynila ngunit dumaan muna kami sa bahay.Magpapaalam lang kami kay Inay at Itay. Sa susunod na buwan ulit kami dadalawa sa kanila.“Mag-ingat ka roon anak, ha? Tawagan mo agad kami ng Itay mo kapag kailangan mo kami,” bilin ni Inay nang yakapin ko siya.“Opo, Inay. Mag-ingat rin po kayo rito ni Itay. Tawagan niyo po ako agad kapag may mga kailangan din po kayo lalo na sa farm.” Masayang sabi ko at hinigpitan ang yakap ko kay Inay.“Huwag mong pabayaan iyang anak namin, hijo. Ingatan mo ‘yan. Sa iyo ko ipagkatiwala ‘yan. Kapag nalaman kong may nangyari r’yan sa anak ko, yari ka sa akin.” Turo ni Itay kay Aston kaya napalunok ang katabi ko.“Huwag po kayo mag-alala, ako po ang bahala sa anak ninyo, Tito. Kaligtasan niya po ang uunahin ko
Jasmine's Pov“Dámn. Why are you so séxy, Mahal? Parang gusto kitang piktsuran at gawing model sa billboard.” Biro ni Aston, natawa pa ako nang samaan niya ng tingin ang amerikanong lalaki na dumaan sa ‘di kalayuan. Nakatingin kasi iyon sa akin, ang ending natisod ito.“Buti nga sa kaniya…” bulong ni Aston na ikinatawa ko na lang.“Tumigil ka nga! Ikaw nga itong hot tingnan oh.” Turo ko sa kaniya at pinasadahan siya ng tingin.“Gaano ka hot, Mahal?” malókóng tanong niya.Talagang nagpakita pa siya ng biceps niya sabay ikot at kumindat sa akin. Napakagat-labi na lang ako. “Para kang isang hot mafiá sa ÁÍ movie na nakita ko sa blue app. Yung may walong abs, v-line, may tattoo sa leeg at braso at matipuno ang katawan. Plus may kunting balbas,” nakangiting paglalarawan ko sa kaniya.Ang gwapo niya kasi. Yung tipong hindi nakakasawang tingnan. Sobrang hót patalaga. Para siyang ÀÍ sa sobrang gwapo! “Talaga, Mahal?” malambing na aniya at niyakap ako mula sa likuran.Ayan na naman tayo sa
Jasmine's Pov“Oh my gosh! Besh, ang sexy mo! Bagay na bagay sa ‘yo ang bikini na suot mo!” Nahihiyang napakamot ako ng noo sa sinabi ni Hannah nang makita niya ako pagkatapos ko magpalit. Maliligo kami sa dagat dahil bukas babalik na kami ng Maynila. Mahigit isang linggo na kami rito at alam kong tambak na ang mga gawain ng dalawang boys sa opisina. Kaya susulitin namin ang araw na ito. “Hindi naman, Besh, parang nakakailang nga eh.” Nahihiyang sabi ko at pinasadahan siya ng tingin. “Ikaw ang sexy tingnan. Ang ganda ng katawan mo. Bagay sa ‘yo ang bikini mo!” nakangiting sabi ko kaya natatawang nilapitan niya ako.“Ano ka ba! Alam kong sexy ako pero dapat confident ka rin sa ganda ng katawan mo. Kung tutuusin, mas maganda ang katawan mo kaysa akin, Besh!” Natawa na lang ako sa sinabi niya. Sabay kaming pumunta sa dagat dahil nauna na roon ang boys.Akala namin ay naliligo na ang mga ito pero hindi pala. Parehong nakatayo sa dalampasigan, nakaharap sa malawak na karagatan habang na
Jasmine's Pov“Good morning to my amazing beautiful queen in the world!” Napamulat ako nang mata nang may humalik-halik sa mukha ko. Sumalubong agad sa akin ang guwapong mukha ni Aston. Ang lawak ng ngiti niya. Ang saya-saya niya tinginan kahit magulo ang buhok niya.“Good morning, Mahal!” nakangiting bati ko sa kanya dahilan upang matigilan siya.Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Halatang hindi niya inaasahan ang itinawag ko sa kaniya.“W-what did you just call me?” priceless ang reaksyong tanong niya.“Mahal…” malambing na tugon ko.Namula ang mukha at tainga niya. “Mahal…” ulit niya, titig na titig na naman sa akin. “It's like music to my ears.” Tinawanan ko lang siya sabay sundot sa pisngi niya. Napakagat-labi pa siya nang bumaba ang mukha niya sa akin at mabilis na ninakawan ako ng halik sa labi.“Mahal, wala pa akong sipilyo!” sita ko sa kaniya pero nagkibit balikat lang siya at biglang humiga sa tabi ko sabay yakap sa akin.“Ano naman ngayon? You still taste good and smel
Jasmine's Pov“I love you, Jasmine Agosto Haz! Mahal na mahal kita!” Mabilis na sinita ko si Aston nabg sumigaw siya ng malakas. Napatingin pa ako sa paligid dahil baka mamaya ay maingayan sa amin. “Huwag ka sumigaw,” sita ko pa sa kaniya.“Bakit naman?” “Baka may maingayan at masita pa tayo.” Kamot-noong sagot ko.Natawa naman siya at imbes na umupo sa tabi ko, sa likod siya pumwesto at niyakap ako pasandal sa kaniya.“Hindi ‘yan, Mine. Isa pa, gusto ko ipagsigawan sa lahat kung gaano kita kamahal.” Pinatong niya ang baba sa balikat ko.Medyo nakiliti pa ako dahil sa init ng hininga at lapit ng mukha niya. Ngumiti ako at hinayaan ang sariling sumandal sa kaniya.Itinaas ko ang kamay ko kung saan ang singsing. Kumikintab sa kinang ang diamante niyon. Hindi ko mapigilang kiligin habang tinitigan iyon. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin. Rogelio has never done this to me before.“Do you like it?” malamyos ang tinig na bulong ni Aston sa akin.Mabilis na tumango naman ako. Bahagya
Jasmine's Pov“I am beyond ready to conquer the world for you, Mine. Ganun ka ka-special sa akin.”Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Aston. Para akong nanigas at kiniliti ang puso ko sa mga katagang binitawan niya. Walang mapaglagyan ang kilig na nararamdaman ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan ang likod niyon. Hindi mawala ang malawak at matamis na ngiti niya sa labi.“Hintayin mo ako rito ha? May kukunin lang ako sa loob ng tent natin. Babalik agad ako.” Bumangon siya at hindi na ako hinintay pang makapagsalita.Hinayaan ko na lang siya at saka naupo. Tiningnan ko ang oras sa screen ng phone ko at pasado alas-otso pa lang naman ng gabi. Lumingon-lingon ako sa paligid at hindi ko na mahanap sina Hannah at Larry. “Saan naman kaya nagpunta ang dalawang ‘yon?” takang bulong ko.Kapagkuwan ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay may message si Aston na ipinagtaka ko.“Hey, beautiful lady. Humarap ka sa likuran mo at makikita mo ang future asawa mon







