ログインGIA'S POVNang lumingon ang lalaki para tawagin ang waiter, para bang tumigil ang tibok ng puso ko.Si Atty. Ramos!Ang broker na tatlong taon nang bumibili ng lupa ni Lola para sa akin. Ang abogado na pinakiusapan ko na itago ang pangalan ko sa lahat, lalong-lalo na sa mga magulang ko!Nanlamig ang buong katawan ko. Pero ilang segundo lang, napalitan iyon ng init na umakyat mula sa dibdib ko hanggang sa mukha ko. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko hanggang sa maramdaman ko ang pagbaon ng kuko ko sa palad ko.Ano ang ginagawa ni Atty. Ramos dito? Bakit siya kausap ni Nathan? Alam na ba ni Nathan na ako ang nasa likod ng pagbili ng lupa ni Lola?Kita ko kung paano ngumiti si Atty. Ramos kay Nathan habang nakikipagkamay. Halata na tuwang-tuwa pa siya na para bang isang malaking kliyente ang kaharap niya.Napatiim-bagang ako. Ramdam ko ang galit na umaakyat sa buong pagkatao ko. Paano nangyari ang bagay na ito?Tatlong taon ko siyang pinagkatiwalaan. Bawat perang pinaghirapan ko,
GIA’S POVBago ako umakyat sa kwarto ko para magbihis, dumiretso muna ako sa kuwadra. May kailangan muna akong kausapin bago ko sundan si Nathan sa city proper.Naabutan ko si Mang Jun na nagpapakain kay Reyna at sa mga ibang alaga nitong kabayp. Agad na humalinghing ang kabayo nang makita ako at iniabot ang ulo niya sa akin na para bang naglalambing. Natawa ako habang hinahaplos ang leeg niya."Easy, Reyna. Easy." ani ko na may matamis na ngiti sa labi habang hinahaplos ang kabayo ko.“Ang aga n’yo naman dito, Senyorita,” nakangiting bati ni Mang Jun habang pinupunasan ang kamay niya sa suot niyang lumang pantalon. “May lakad po ba kayo?”“Mamaya pa po, Mang Jun.” Humarap ako sa kanya. “Pero may gusto muna akong sabihin sa inyo.”Kumunot ang noo niya. “Ano po ‘yon, Senyorita?”“Gusto ko po na kayo ang mag-alaga ng lupa ko. Ako na po ang magpapasweldo sa inyo at doble pa sa ibinibigay sa inyo ni Papa.” Iginala ko ang tingin ko sa mga kabayo sa kuwadra. “Pati po lahat ng kabayo na inaa
GIA’S POVIlang minuto pagkaalis ni Nathan, isa-isa na ring tumayo ang mga tao sa mesa.Nauna si Papa na padabog na ibinaba ang napkin niya habang nakatingin nang masama sa akin. Sumunod si Mama na hindi man lang ako sinulyapan. Si Francheska, tahimik na umakyat sa kwarto nila habang mahigpit na hawak ang cellphone niya. Halata pa rin wala na ito sa mood dahil sa inasal ni Nathan kanina.Naiwan kami ni Glenn sa komedor. Tanging ang tunog ng kubyertos at ang kalansing ng mga pinggang inililigpit ni Lyn sa kusina ang naririnig ko.Hindi pa rin ako makakain. Pinaglalaruan ko lang ng tinidor ang natitirang pagkain sa plato ko. Kung aalis na pala si Nathan ngayon, sirang-sira na talaga ang plano ko. At halata na iniiwasan niya ako.“Hey.” Hinawakan ni Glenn ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. “You okay, baby? You’ve been quiet since Kuya left.”“Busog lang ako,” sagot ko sabay ngiti.Hindi siya kumbinsido. Kita ko iyon sa mga mata niya pero hindi na siya nagtanong pa. Hinaplos lang niya ng hin
GIA’S POV“Walk of shame already, Gia?” sarkastikong tanong sa akin ni Francheska. “At least you’re consistent.”Hindi ako sumagot. Humalukipkip lang ako at tinitigan siya nang diretso. Hindi ko siya bibigyan ng kasiyahan na makita akong apektado.“Wow. Not even a week and you’re already in his bed.” Inayos niya ang hikaw niya habang nakangiti pa rin, na para bang wala siyang sinasabing masama. “That’s fast. Even for you.”Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang paghigpit ng braso ni Glenn sa baywang ko. Hinila niya ako palapit sa kanya hanggang sa halos nakasandal na ako sa dibdib niya, na para bang pinoprotektahan niya ako sa kapatid ko.“Watch your mouth, Ches,” malamig na sabi ni Glenn.Napatingala ako sa kanya. Ngayon ko lang narinig na ganoon kalamig ang boses niya. Wala ang dating ngiti sa labi niya. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig kay Francheska.“Gia stayed with me because she couldn’t sleep,” patuloy niya. “And even if she didn’t, it’s none of your business.”“Oh, G
GIA’S POVMaliwanag na nang magising ako. Ang unang naramdaman ko ay ang mainit at malalaki na brasong nakayakap sa baywang ko at ang marahang paghaplos ng daliri sa buhok ko.Pagmulat ko, nakita ko si Glenn. Gising na pala siya. Nakapatong ang baba niya sa kamay niya habang nakatitig lang sa akin at nakangiti.“Good morning, sleeping beauty,” bulong niya. Halata sa boses niya na tuwang-tuwa na ito dahil gising na siya.Napapikit ulit ako sabay takip ng unan sa mukha ko. Napaungol din ako sa kanya. “Huwag mo akong titigan, Glenn. Ang pangit ko pag bagong gising.”Natawa siya at dahan-dahang inalis ang unan sa mukha ko. “Pangit? Baby, you’re the most beautiful thing I’ve ever woken up to.”Napaismid ako. “Liar.”“Okay, fine.” Kunwari ay nag-isip siya. “Second most beautiful. The first one is the sunrise in Aman Pulo. And I mean it.”Hindi ko napigilan ang matawa. Hinampas ko ang dibdib niya pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Paulit-ulit na hinal
GIA’S POVLock your door tonight, Gia.Napangisi ako nang mapakla. Hindi ako tanga. Alam ko kung ano ang ibig sabihin niyon. Alam ni Nathan na anumang oras ngayong gabi, hindi niya mapipigilan ang sarili niya na pumunta rito sa kwarto ko.Lumapit ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Magulo ang buhok ko at namumula pa ang mga mata ko. Pero sa kabila ng lahat, kita ko pa rin na kaakit-akit ako.Ito na ang pagkakataon ko. Kung hihintayin ko siya rito, alam ko na mangyayari lang ulit ang lahat ng nangyari sa amin noon. Aangkinin niya ako, at pagkatapos, babalik siya sa lamig niya na parang walang nangyari sa amin dalawa. At babalik siya sa kwarto ng kapatid ko na parang ako lang ang dumi na kailangan niyang hugasan.Hindi na ako papayag na maging ganoon ulit.Hindi pa sapat ang ginagawa ko para tanggapin niya ang kondisyon ko. Hindi pa siya nababaliw nang husto. Kaya kailangan ko pa siyang baliwin hanggang sa wala na siyang ibang choice kundi ang bumigay sa akin.Sinuklay ko ang







