Teilen

Chapter 8- Stay Away, Gia!

last update Veröffentlichungsdatum: 23.10.2026 23:47:40

GIA’S POV

Hindi sumagot si Nathan. Nanatili lang ang madilim niyang tingin sa akin. Pero kita ko ang apoy sa mga mata niya. Apoy ng pagnanasa na pilit niyang tinatago.

Kilala ko ang tingin na iyon. Iyon din ang tingin niya kagabi sa bodega. Dahan-dahan kong pinagapang ang daliri ko mula sa kurbata niya pababa sa dibdib niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

“Congratulations, baby,” malambing na bati ko. “Kasal ka na sa kapatid ko.”

Tumingkayad ako para abutin ang tenga niya.

“Saan an
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter- A promise!

    GIA’S POVHindi man lang natinag si Nathan sa pagmumura ko. Nanatili lang siyang nakatayo sa harap ng salaming bintana habang nakapamulsa, na para bang hangin lang ang sinabi ko sa kanya.Lalo akong nainis sa nakita kong reaksyon niya. Napatingin ako sa gasang nakabalot sa palad ko, ang gasang siya mismo ang naglagay ilang minuto pa lang ang nakalilipas. Kanina, halos lumambot na ang puso ko sa kanya. Pero ngayon, para bang siya rin mismo ang nagpaalala sa akin kung bakit galit ako sa kanya.“That’s it?” Natawa ako nang mapakla. “Iyan lang ang kaya mong sabihin? Go home, Gia? Glenn will be looking for you?” sarkastikong turan ko sa kanya.Hindi pa rin siya sumagot. Tanging ang mahinang ugong lang ng aircon ang naririnig ko sa loob ng kwarto, at ang malakas na kabog ng dibdib ko na para bang sasabog na anumang oras.Humakbang ako palapit sa kanya hanggang sa ilang dangkal na lang ang pagitan namin. Inangat ko ang baba ko para salubungin ang tingin niya kahit ramdam ko ang panginginig n

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 35

    GIA’S POVPagdating ko sa tapat ng elevator, bukas pa rin ang pinto niyon.Nasa loob si Nathan habang nakasandal sa dingding at nakadiin ang isang daliri niya sa open button. Hinihintay niya ako na para bang sigurado siya na susunod ako sa kanya kahit saan pa siya pumunta.“Coming?” malamig na tanong niya. Tinitigan ko ang mata niya, kita ko ang kakaibang emosyon niyon kahit na malamig pa rin ang boses niya sa akin.Huminto ako ilang hakbang mula sa elevator. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay kahit ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.“Hindi ako aso na susunod sa’yo kapag tinawag mo, Nathan.”Ilang segundo niya akong tinitigan. Kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya at ang pagkuyom ng palad niya. Pagkatapos, dahan-dahan niyang inalis ang daliri niya sa button.Unti-unting sumara ang pinto ng elevator habang hindi pa rin kami bumibitaw sa titigan. Ang huling nakita ko ay ang madilim niyang mga mata bago tuluyang sumara ang pinto sa pagitan naming dalawa.Doon ko

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 34- Traitor!

    GIA'S POVNang lumingon ang lalaki para tawagin ang waiter, para bang tumigil ang tibok ng puso ko.Si Atty. Ramos!Ang broker na tatlong taon nang bumibili ng lupa ni Lola para sa akin. Ang abogado na pinakiusapan ko na itago ang pangalan ko sa lahat, lalong-lalo na sa mga magulang ko!Nanlamig ang buong katawan ko. Pero ilang segundo lang, napalitan iyon ng init na umakyat mula sa dibdib ko hanggang sa mukha ko. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko hanggang sa maramdaman ko ang pagbaon ng kuko ko sa palad ko.Ano ang ginagawa ni Atty. Ramos dito? Bakit siya kausap ni Nathan? Alam na ba ni Nathan na ako ang nasa likod ng pagbili ng lupa ni Lola?Kita ko kung paano ngumiti si Atty. Ramos kay Nathan habang nakikipagkamay. Halata na tuwang-tuwa pa siya na para bang isang malaking kliyente ang kaharap niya.Napatiim-bagang ako. Ramdam ko ang galit na umaakyat sa buong pagkatao ko. Paano nangyari ang bagay na ito?Tatlong taon ko siyang pinagkatiwalaan. Bawat perang pinaghirapan ko,

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 33- Abuelo?

    GIA’S POVBago ako umakyat sa kwarto ko para magbihis, dumiretso muna ako sa kuwadra. May kailangan muna akong kausapin bago ko sundan si Nathan sa city proper.Naabutan ko si Mang Jun na nagpapakain kay Reyna at sa mga ibang alaga nitong kabayp. Agad na humalinghing ang kabayo nang makita ako at iniabot ang ulo niya sa akin na para bang naglalambing. Natawa ako habang hinahaplos ang leeg niya."Easy, Reyna. Easy." ani ko na may matamis na ngiti sa labi habang hinahaplos ang kabayo ko.“Ang aga n’yo naman dito, Senyorita,” nakangiting bati ni Mang Jun habang pinupunasan ang kamay niya sa suot niyang lumang pantalon. “May lakad po ba kayo?”“Mamaya pa po, Mang Jun.” Humarap ako sa kanya. “Pero may gusto muna akong sabihin sa inyo.”Kumunot ang noo niya. “Ano po ‘yon, Senyorita?”“Gusto ko po na kayo ang mag-alaga ng lupa ko. Ako na po ang magpapasweldo sa inyo at doble pa sa ibinibigay sa inyo ni Papa.” Iginala ko ang tingin ko sa mga kabayo sa kuwadra. “Pati po lahat ng kabayo na inaa

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 32

    GIA’S POVIlang minuto pagkaalis ni Nathan, isa-isa na ring tumayo ang mga tao sa mesa.Nauna si Papa na padabog na ibinaba ang napkin niya habang nakatingin nang masama sa akin. Sumunod si Mama na hindi man lang ako sinulyapan. Si Francheska, tahimik na umakyat sa kwarto nila habang mahigpit na hawak ang cellphone niya. Halata pa rin wala na ito sa mood dahil sa inasal ni Nathan kanina.Naiwan kami ni Glenn sa komedor. Tanging ang tunog ng kubyertos at ang kalansing ng mga pinggang inililigpit ni Lyn sa kusina ang naririnig ko.Hindi pa rin ako makakain. Pinaglalaruan ko lang ng tinidor ang natitirang pagkain sa plato ko. Kung aalis na pala si Nathan ngayon, sirang-sira na talaga ang plano ko. At halata na iniiwasan niya ako.“Hey.” Hinawakan ni Glenn ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. “You okay, baby? You’ve been quiet since Kuya left.”“Busog lang ako,” sagot ko sabay ngiti.Hindi siya kumbinsido. Kita ko iyon sa mga mata niya pero hindi na siya nagtanong pa. Hinaplos lang niya ng hin

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 31-Good bye, Gia!

    GIA’S POV“Walk of shame already, Gia?” sarkastikong tanong sa akin ni Francheska. “At least you’re consistent.”Hindi ako sumagot. Humalukipkip lang ako at tinitigan siya nang diretso. Hindi ko siya bibigyan ng kasiyahan na makita akong apektado.“Wow. Not even a week and you’re already in his bed.” Inayos niya ang hikaw niya habang nakangiti pa rin, na para bang wala siyang sinasabing masama. “That’s fast. Even for you.”Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang paghigpit ng braso ni Glenn sa baywang ko. Hinila niya ako palapit sa kanya hanggang sa halos nakasandal na ako sa dibdib niya, na para bang pinoprotektahan niya ako sa kapatid ko.“Watch your mouth, Ches,” malamig na sabi ni Glenn.Napatingala ako sa kanya. Ngayon ko lang narinig na ganoon kalamig ang boses niya. Wala ang dating ngiti sa labi niya. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig kay Francheska.“Gia stayed with me because she couldn’t sleep,” patuloy niya. “And even if she didn’t, it’s none of your business.”“Oh, G

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status