Share

My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)
My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)
Author: Deigratiamimi

Kabanata 1

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-10-15 21:18:21

Flora’s POV

Tinititigan ko ang sarili ko sa malaking salamin habang kinakabahan. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang hinahawakan ang laylayan ng wedding gown ko. Ito ang dream wedding gown na matagal ko nang pinangarap isuot sa araw na ito. Sa loob ng ilang oras, ikakasal na ako sa taong magiging kasama ko habang-buhay, si Maxwell Laurel.

Huminga ako nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. “Ito na ‘yon, Flora,” mahina kong sabi sa sarili. “After everything, magiging Mrs. Laurel ka na.”

Pumasok sa silid si Mama, si Maria Santillan. Suot niya ang kaniyang eleganteng beige na gown, halatang excited at proud. “Anak, ang ganda mo,” sabi niya habang nakangiti, halos mapaluha. “Parang hindi ko anak. Para kang artista sa kasal mo!”

Napangiti ako kahit kabado. “Ma naman,” sabi ko, “ikaw talaga, ang hilig mong mambola.”

Umupo siya sa tabi ko at inayos ang laylayan ng gown ko. “Maxwell is a good man, Flora. Mabait, responsable, at mahal na mahal ka. Sigurado akong magiging masaya kayo.”

Tumango ako. “Oo, Ma. Perfect siya. Kahit minsan busy sa projects niya, lagi siyang nandiyan.”

Natawa si Mama. “Kaya nga gusto kong makilala niya ang boyfriend ko. Sayang at hindi makakadalo, may emergency raw sa pamilya. Pero kapag nagkita kayo, I’m sure magugustuhan mo siya. Medyo misteryoso nga lang ‘yung tao.”

Napangiti ako. “Misteryoso talaga ang taste mo, Ma.”

“Sus, huwag mo akong biruin, ah. Basta masaya ako para sa atin. Baka pagkatapos ng kasal mo, ako naman ang papakasalan ng boyfriend ko,” sabi niya, sabay hawak sa kamay ko.

Nagpatuloy kaming magkuwentuhan tungkol sa kasal, sa mga plano sa honeymoon, at sa future. Pero naputol lahat ng iyon nang may malakas na kalabog kaming narinig mula sa kabilang silid — ang silid ni Maxwell.

“Anong nangyari?” tanong ni Mama, halatang nagulat. Napatayo siya at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ako agad nakasagot. Bigla akong kinabahan. “Baka nadulas siya o may nahulog,” sabi ko, sabay tayo.

“Flora, wait—” pigil ni Mama, pero hindi ko siya pinakinggan. Mabilis kong tinungo ang kabilang silid upang tingnan si Maxwell. Baka napano na ang fiancé ko.

Hindi naka-lock ang pinto kaya agad kong nabuksan.

Namilog ang mga mata ko. Parang huminto ang oras nang nakita ko si Maxwell na n*******d, at nasa ibabaw ni Rhea—ang best friend ko, ang bridesmaid ko. Parehong pinagpapawisan at halatang parehong nasasarapan sa ginagawa nila.

Napatakip ako ng bibig, pero nakalabas pa rin ang hikbi ko.

“Oh my God,” mahina kong nasabi, pero parang umalingawngaw iyon sa buong silid.

Hindi pa rin nila ako napansin agad. Narinig ko pa ang boses ni Rhea, malandi at walang pakialam kung may makarinig man sa kaniya o sa ginagawa nila.

“Faster, Maxwell… baka magsimula na ‘yung seremonya…”

Parang may pumutok sa dibdib ko nang biglang bilisan ni Maxwell ang paglabas-masok kay Rhea. Sabay pa silang umuungol.

“Mga hayop kayo!” sigaw ko, halos mabasag ang boses ko.

Napatigil sila pareho. Mabilis na nagtakip ng katawan si Rhea, habang si Maxwell naman ay nagmamadaling tumayo at isinuot ang pantalon niya.

“Flora! Wait, please—”

Sinugod ko siya, hindi ko na alam kung galit o sakit ang nangingibabaw. Sinampal ko siya nang malakas, sabay tulak sa dibdib niya.

“Mga taksil kayo!” sigaw ko, umiiyak na. “Hindi n’yo man lang nirespeto ang simbahan! Dito pa talaga? Sa araw ng kasal natin, Maxwell?”

“Flora, please! Hindi mo naiintindihan—” pilit niyang paliwanag, pero tinulak ko siya ulit.

“Ano’ng hindi ko naiintindihan, Maxwell? Kita ko mismo! Wala kang respeto sa akin! Wala kang respeto sa Diyos!”

Lumapit si Rhea, nanginginig pero nagtatapang-tapangan. “Flora, it’s not what you think—”

“Tumahimik ka, Rhea!” singhal ko, halos pasigaw. “Best friend kita! Ikaw ang pinagkatiwalaan ko sa lahat! At ito ang isusukli mo?”

Umiwas ng tingin si Rhea, halatang nahihiya pero hindi makapagsalita.

Lumapit si Maxwell, pilit hinawakan ang kamay ko. “Flora, please, let me explain—”

“Don’t touch me!” sigaw ko ulit. Tinabig ko ang kamay niya. “Wala kang karapatang hawakan ako. Hindi mo man lang ako minahal. Ginamit mo lang ako. Gago ka! Nakakadiri ka, Maxwell!”

Naririnig ko na ang mga yabag ng ibang tao sa labas. Maraming bisitang nagtatakbuhan, may mga sumisilip na sa pinto. Pero wala na akong pakialam.

“Flora…” mahinang tawag ni Mama, nasa may pintuan siya, halatang nagulat at hindi rin makapaniwala.

Nilingon ko siya, umiiyak pa rin. “Mama..." Humikbi na ako. "Niloko nila ako. Nakita ko silang dalawa na nagtatalik. Dito sa loob ng simbahan! Sa mismong araw ng kasal ko!”

Niyakap ako ni Mama, pero nanginig lang ako lalo sa galit.

“Let’s go, anak. Wala ka nang dapat ipaliwanag. Hindi mo kailangang magpakasal sa isang tulad niya,” sabi ni Mama. Bakas sa tono niya ang galit.

Pero hindi ako nakinig. Gusto kong ilabas lahat ng sakit.

“Tingnan mo ako, Maxwell,” sabi ko, humarap ulit sa kaniya. “Ito ba ‘yung sinasabing pagmamahal mo? Ito ‘yung sinumpaan mong hindi mo ako sasaktan? Ngayon, sinira mo lahat.”

“Flora, I made a mistake! I’m sorry, please…” halos pakiusap na ang tono niya.

“Sorry?” Humalakhak ako sa gitna ng pag-iyak. “Hindi ko na kayang pakinggan ang sorry mo. Hindi mo alam kung gaano kasakit ‘to. Minahal kita, Maxwell. Piangkatiwalaan ko kayong dalawa dahil mahalaga kayo sa buhay ko. Bakit si Rhea pa? Bakit sa mismong best friend ko pa?!”

Hindi siya makasagot. Ang buong paligid ay parang nabalot ng bulungan ng mga tao. Lahat ng bisita ay nakatingin, halatang nagulat sa eksenang nasaksihan.

“Hindi mo ako deserve,” humihikbing sabi ko, “At hindi ko deserve na mapahiya ng ganito. Kaya mula ngayon, tapos na tayo. Si Rhea ang gusto mo, 'di ba? Siya ang pakasalan mo!”

Tumalikod ako at mabilis na lumabas ng silid, bitbit ang sakit, galit, at pagkasira ng lahat ng pinangarap ko.

Naririnig ko ang pagtawag ni Maxwell sa likod ko. “Flora! Please, wait! Don’t go!”

Pero hindi ako lumingon.

Paglabas ko ng simbahan, sinalubong ako ng mga taong nagulat. May mga nagtatanong, may mga nagbubulungan. Hindi ko na pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad palabas, habang humahabol si Mama sa likod ko.

“Anak, saan ka pupunta?” tanong ni Mama, humihingal.

“Hindi ko alam, Ma. Kahit saan. Ayoko na rito,” sagot ko, sabay punas ng luha.

“Flora, please calm down first—”

“Paano ako kakalma, Ma? Sa araw ng kasal ko pa mismo nalaman na pinagloloko ako! Akala ko siya na. Akala ko kami na,” sabi ko, nanginginig ang boses sa sobrang sakit.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko. “Anak, hindi mo kailangang bumalik doon. May mas mabuting tao para sa 'yo. Alam kong masakit ngayon, pero malalampasan mo rin ‘to.”

Umiling ako, huminga nang malalim. “Ayoko munang marinig ‘yan, Ma. Gusto ko lang mawala. Kahit isang gabi lang, gusto kong kalimutan lahat.”

Naglakad ako papunta sa kotse, kinuha ang cellphone at bag ko, at walang lingon-lingon na umalis. Pinatay ko ang cellphone ko matapos i-block sina Maxwell at Rhea.

Napamura ako nang biglang umulan. Pakiramdam ko, sumabay ang panahon sa nararamdaman ko ngayon.

Habang nagmamaneho, paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkulang kay Maxwell. Anong meron kay Rhea na hindi niya nakita sa akin?

Huminto ako sa isang bar, sa lugar na hindi ko man lang alam ang pangalan. Basta gusto kong uminom, gusto kong kalimutan ang sakit kahit sandali.

Pumasok ako, um-order ng tequila, isa, dalawa, tatlo. Hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng ulo ko. Pero kahit lasing, malinaw pa rin ang sakit. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga nasaksihan ko kanina.

Hanggang sa may lumapit na lalaki sa table ko. Matangkad, gwapo, at matalim ang mga mata. Nakasuot pa siya ng suit. Parang galing sa isang meeting.

“Are you okay?” tanong ng lalaki.

Umiling ako, sabay irap. “Do I look okay to you?”

“Not really,” sagot niya. “But I can help you forget, even just for tonight.”

Napangiti ako nang mapait. “One night to forget everything? That sounds like a good deal.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Salamat po :))
goodnovel comment avatar
Winny
bakit kada may problema bar agad ang takbo na alam nman mas mapapahamak bakit di na lang unuwi ng bahay at doon tumungka ng alak na walang katapusan!
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po 🫶
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 62

    Stella's POV Pagbalik ko sa table ko, agad kong inayos ang palda ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil ramdam ko pa rin ang pag-alog ng tuhod ko mula sa ginawa ni Randall sa banyo. Sobrang awkward maglakad. Pakiramdam ko mapapasukan ng hangin ang pagkababae ko."Ayos ka lang ba?" tanong ni Will habang nakatingin sa akin nang may halong pag-aalala."Yeah," mabilis kong sagot. Pilit akong ngumiti, pero hindi ko maalis sa mukha ang kaba.Pagtingin ko sa table nila Randall, kababalik niya lang din.Pinamulahan ako ng mukha nang makitang ginawa niyang pamunas ang underwear ko sa labi niya sabay tingin sa akin.Nang muli kong tingnan ang table nila Randall, nakita ko siyang nakatingin sa amin. Ang mukha niya ay mapulang-mapula, pero hindi niya ako tiningnan nang diretso—para bang sinusubukan niyang pigilin ang sarili."Are you sure everything’s okay?" muling tanong ni Will."Yes, Will. Seriously. I’m fine," sagot ko, kahit ramdam ko pa rin ang kakulangan ng comfort sa katawan ko.Pinilit kong

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 61

    Stella's POV Nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha. Si Will pala ang nag-text.Atty. Will Cortez: I'm outside your house.Nag-reply agad ako.Me: Coming.Huminga ako nang malalim at tinawag si Elijah. Kailangan ko lang magpaalam bago ako lumabas."Mommy, instead of dating or entertaining your suitor, you should sleep beside me," reklamo niya habang nakaunan sa lamesita.Napakamot ako ng batok. "Anak, one hour lang kami. Pagbalik ko, tabi tayo."Umirap siya. "You should date the stranger earlier. He's handsome like me, Mom."Napakurap ako. Ilang beses nang nabanggit ni Elijah ang lalaking nakita niya kanina. Kung alam lang niya na si Randall 'yon… hinding-hindi ko alam kung paano niya tatanggapin."Huwag ka ngang makulit. Magpahinga ka na." Hinalikan ko ang noo niya. May pasa pa rin.Paglabas ko ng bahay, nakita ko agad ang kotse ni Will. Pagbukas ng pinto, inabot niya sa akin ang bouquet na binili niya."Hi, Stella," nakangiti niyang sabi."Hi," mahina kong sagot.Tinign

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 60

    Stella’s POVAgad kong sinampal si Randall nang sinubukan niyang hawakan ang baywang ko. Hindi ko inisip kung masasaktan siya. Ang importante, hindi niya ako mahawakan.“I’m taken. You should stay away from me, Mr. Hernandez. Let’s talk about business.” Hindi ko siya tiningnan nang diretso. Kahit alam kong nakatitig siya, hindi ako nagpapadala.Ngumisi siya. Nakakainis ang ekspresyon niya, parang natutuwa pa siya dahil sinampal ko siya.“You’re my business, Stella.” Binalikan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Maybe we should talk about business privately.”Napahinga ako nang malalim. “Kung wala kang sasabihin na may kinalaman sa kompanya, lalabas na ako. Marami akong kailangang tapusin. I have meetings today. Sasayangin mo lang ang oras ko.”Tatalikod na sana ako nang magsalita siya ulit.“Next time, Stella,” malumanay niyang sabi. “Kung magpapaligaw ka lang naman, sana mas malakas ang dating at mas gwapo pa sa akin.”Napapikit ako. Pinigilan ko ang sarili kong magwala sa ini

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 59

    Stella’s POVHapon na nang tuluyang matapos ang birthday party ni Elijah. Napagod ako pero ang saya ko pa rin dahil naging maayos ang lahat. Hindi natuloy ang pasok niya sa school kaya hindi na kami nagmamadali kanina.Pinagmasdan ko si Elijah habang nakaupo sa carpet at binubuksan ang mga regalo mula sa mga kapatid ko, sa classmates niya, at sa mga kapitbahay na dumalo kanina. Tumatawa siya habang nilalapag ang bawat laruan sa tabi niya. Wala siyang alalahanin. Wala siyang iniisip na problema.Sana ganoon kadali ang lahat.Napalingon ako nang mapansin kong nakatitig si Will sa akin mula sa kabilang sofa. Nakahawak siya sa baso ng tubig at halatang nahihiya pa rin dahil sa nangyari kanina.Napabuntong-hininga ako. “Pagpasensiyahan mo na talaga si Elijah. He’s a bully. I know. Hindi dapat ganoon ang sinabi niya.”Umiling si Will. “Ayos lang, Stella. Bata pa kasi. And honestly… maybe he’s right. I’m too old for you.”Nagtaas ako ng kilay. “Hindi naman sa ganoon. Mali pa rin ang ginawa n

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 58

    Stella’s POV "Happy Fifth Birthday, Elijah Reed!" masayang bati ko sa anak ko habang hinahaplos ko ang buhok niya. Kagigising niya lang, pero agad siyang ngumiti. Halatang excited siyang mag-birthday."Good morning, Mommy," sabi niya, pero agad nag-iba ang mukha niya. "I need a daddy."Parang tinamaan ako. Hindi ko agad nasagot. Napahinto rin si Mommy Flora sa pagkanta, at pati mga kapatid ko na sina Sevi, Steve, Summer, at Shakira ay sabay-sabay na napatingin sa akin.Si Sevi ang unang nagsalita. "Matagal nang patay ang Daddy mo, Eli. You don't need to think about him anymore."Agad umirap si Elijah. "But I want a dad. We should help Mommy in finding me a new dad. We can put a signage or billboard that my mom is looking for a husband.""Elijah…" bulong ko, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa.Bago pa ako makasagot, bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si Will Cortez, suot pa ang corporate attire niya. Ngumiti siya nang makita kami."Good morning. Good morning, Elijah."Humin

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 57

    Randall’s POVPagbalik ko sa Greece, hindi na ako nagpalipas ng kahit isang oras. Dimiretso ako sa bahay namin. Pagpasok ko, tahimik ang paligid pero ramdam ko agad ang bigat ng hangin. May kakaiba. Pagdaan ko sa hallway, narinig ko ang boses ni Daddy mula sa opisina niya.Napahinto ako.Kasama niya ang isang matandang lalaki na hindi ko kilala. Matigas ang tono nito, pormal, pero puno ng yabang."As you promise, Damien Garcia is dead. One of my men killed him during the operation. Randall will marry our daughter. He will lead the organization someday."Nanigas ang buong katawan ko.Ano raw?Ako mismo ay hindi makagalaw. Humigpit ang panga ko, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi dahil sa balitang patay na si Tito Damien—alam ko na iyon. Pero ang rason… ang tunay na rason… sila ang pumatay sa kaniya?Hindi ko maipaliwanag ang sakit at galit na biglang sumulak sa loob ko.Si Tito Damien na mahal na mahal ako na parang tunay niyang anak, ang tatay ni

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status